You are on page 1of 1

Ang Spratlys ay Para sa Pilipinas.

Sana Maisip ito ng China

Maraming taon na’ng pinagdidiskusyunan ang pagmamay-ari sa isang maliit na grupo ng mga isla
sa West Philippine Sea na diumano’y may malaking deposito ng langis at enerhiya. Ang Spratly Group of
Islands o ang Kalayaan Group of Islands – isang pulutong ng mga pirasong lupa na bahagyang makikita
kapag low tide at nawawala sa paningin kapag high tide – pero magkagayunman ay pinag-aagawan ng
mga bansang nakapaligid sa karagatang dati’y tinatawag na South China Sea.

Sa lahat ng nakikiagaw na bansa, ang hindi ko maintindihan ay ang pakikisali ng bansang Tsina sa
pang-aangkin ng Spratlys. Paano? Bakit? Ano ang gusto nilang ipamukha sa atin?

Daan-daang taon na ang tagal ng pinagsamahan ng Tsina at Pilipinas sa napakaraming larangan


ng buhay. Para sa atin, hindi na lamang basta-basta dayuhan ang tingin natin sa kanilang mga mamamayan
kundi bahagi na rin ng ating kasaysayan at kultura. Milyun-milyong patunay ang nagpapakita ng
impluwensiyang ito – sa pagkain, sa pilosopiya, sa pagpapatakbo ng mga negosyo’t industriya at marami
pang iba.

Hindi na dayuhan ang tingin natin sa mga Tsino. Sila ang mga pangunahing namumuhunan sa
ekonomiya ng Pilipinas kaya’t bukas-palad natin silang tinatanggap sa ating lupain. Marami nang Tsino
ang dito na nanirahan, nagkaanak, bumuo ng pamilya’t namuhunan sa kanilang mga negosyo. Ang iba nga
sa kanila’y nakilala na dahil sa pagiging primera klaseng negosyante ng ating bansa. Sino ba ang mga may-
ari ng SM, Robinson’s, Philippine Airlines, Manila Bulletin, 168 at ng napakarami pang malalaking
korporasyon?

Ang isyu ng pag-agaw ng Tsina sa Spratlys ay isang sitwasyong nagdadala sa aking hinala na tila
gusto nilang sakupin ang ating lupain. Mukhang nais nilang ulitin ang ginawa sa atin noon ng Espanya at
Amerika, na kahit milya-milya ang layo sa atin ay kinokonsidera nila tayong kolonya. Mahigit 500 NM ang
distansya ng Tsina mula sa Spratlys. Ito ay sobrang layo kung ikukumpara sa distansya natin dito na 80 NM
LANG ang layo mula sa Palawan. Ayon pa sa United Nations Convention on Law of the Seas, lahat ng
nasasakupan ng 200 NM mula sa kalupaan ng bansa ay PAMAMAHALAAN AT PANGANGALAGAAN NG
PAMAHALAAN NG REPUBLIKA NG PILIPINAS. Ibig lang sabihin nito, PASOK sa territorial jurisdiction natin
ang Spratlys.

Kung ang pang-aangkin nilang ito ay kabayaran sa mga tinulong ng kanilang pamahalaan at ng
kanilang mga mamamayan sa loob ng napakaraming taon, ito ay hindi katanggap-tanggap na dahilan.
Gayundin, kung ang masyadong pagtutulak nila na mapasakanila ang Spratlys ay kabayaran sa mga
nangyari sa Manila Hostage Crisis noong isang taon at ang pag-aangkat ng droga ng mga Pilipinong
kanilang binitay sa kanila noong Marso, hindi pa rin ito sapat na kadahilanan. Noon pa man, sila ang unang
tumuntong sa lupain natin upang ikalakal sa ibang lahi ang kanilang mga produkto.

Ang mga mamamayan nila ang pumapasok sa mga gawaing di-kaaya-aya na pati Pilipino o kung sinumang
nangangailangan ay dinadamay nila sa mga ito. Ang masakit pa, ang mga nadadamay ang nagbabayad sa
kanilang kasalanan at tuluyang nagpapalayo sa kanilang mga pamilya na narito sa bansa. Sila ang
dumadayo rito kaya’t sila ang dapat sumunod sa pinapairal nating batas at sa mga pandaigdigang batas
na sinusunod ng lahat.

Walang humpay ang pasasalamat natin dahil isa ang Tsina sa mga nagdala sa Pilipinas sa
modernong pamumuhay ngayon at sa mga susunod pang panahon. Maaaring nakagawa sila ng
monopolyo ng negosyo sa ating bansa na nagkakaroon naman ng magagandang epekto sa buhay nating
mga Pilipino. Pero sa usapang pananakop ng teritoryo, sana, maisip ng Tsina na wala na tayo sa panahong
barbaro na nananakop ng mga lupain upang makahuthot ng kayamanang hindi para sa kanila.

Lubos ang kapangyarihang pampulitikal at kakayahang pangmilitar ng Tsina, kumpara sa atin na


ang pinanghahawakan lang ay ligal na kasunduang pang-teritoryal at paanyayang magkaroon ng pag-
uusap sa isang maayos na diplomatikong pamamaraan.

Sana maisip ng Tsina na ang Spratlys, kung ito man ay may tinatagong ‘kayamanan’, at kung
pinapahalagahan nila ang pagkakaibigang meron sila ng ating bansa, ay dapat na nilang ibalato sa atin
dahil atin talaga ito at tayo ang mas nangangailangan ng mga ito.

You might also like