You are on page 1of 2

Holy Rosary College of Santa Rosa, Inc.

Tagapo, City of Santa Rosa, Laguna`

PERFORMANCE TASK
School Year 2020-2021

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Grade 11
Third Quarter, Second Semester
Week 7
Bb. Dianna Alejo
dianna.alejo@hrcsrl.edu.ph

Performance Task Description:


Inihanda ang gawaing ito upang makakamit mo ang mga target na layuning pampagkatuto. Ang
gawaing ito ay mayroong apat na bahagi kabilang na ang pagsusuri ng teksto, pananaliksik, at pagbuo ng
buod. Ito ay mayroong kabuoang 60 puntos.
Competencies:
1. Naisasagawa ang scanning at skimming sa pagbasa ng teksto.
2. Nasusuri ang mga makakatotohana at di-makatotohanang pahayag sa teksto.
2. Nakapagsusuri ng iba’t ibang teksto.
Guidelines: Suriin ang mga sumusunod na teksto. Makikita ang kopya nito sa Assignment Section ng
Team sa BasaSuri at doon na lamang gawin ang aktibidad na ito.
A. Suriin ang layunin, pananaw, at damdamin ng sumusunod na seleksiyon.
SI MACLIING DULAG
Itinuturing si Macliing Dulag na isa sa mga pangat ng Kalinga. Ang pangat ay isang matandang miyembro
sa tribo na pinipili ng mga Kalinga upang maging pinuno nila. Sa ilalim ng diktadurang Marcos, lumitaw si
Macliing Dulag bilang isan magiting na bayaning nagtanggol sa karapatan ng mga mamamayan ng Cordillera sa
mapayapang pamumuhay at nakipaglaban upang hindi wasakin ang kalikasang pinagmumulan ng kanilang
kabuhayan.
Noong 1974, isa sa mga proyekto ng dating Pangulong Ferdinand Marcos ang pagpapatayo ng
hydroelectric power plant sa kahabaan ng Chico River. Bahagi ng proyekto ang pagtatayo ng mga dam na
makaaapekto sa 1,400 kilometro kuwadradong pinaninirahan ng mga Kalinga na kinalalagyan ng mga payew (rice
terraces), malalawak na taniman, at libingan ng mga taga-Cordillera. Sa kabuuan, maaapektuhan ng proyekto ang
pamumuhay ng 100,000 kataong naninirahan sa kahabaan ng ilog kasama na ang pamilya ni Macliing.
Naging malakas na lider si Macliing Dulag. Pinangunahan niya ang pakikibaka ng mga maliliit na
mamamayan ng Cordillera laban sa makapangyarihang rehimen ng Martial Law. Pinagkaisa niya ang mga lider ng
Kalinga at Bontoc na patuloy na ginugulo at tinatakot ng mga makapangyarihan upang pumayag sa proyekto. Nang
minsang hanapan ng mga militar ang mga tribo ng titulo ng lupang kinatitirikan ng kanilang tahanan, ito ang
kaniyang tinuran: "Itinatanong ninyo sa amin kung pag-aari namin ang lupa. At kinukutya kami, Nasan ang inyong
titulo?' Kahambugan ang pag- anakin sa lupa, sapagkat tayo ang pag-aari ng lupa. Paano natin aariin ang isang
bagay na mananatiling nariyan kahit tayo'y wala na?"
Dahil sa walang takot na paglaban ni Macliing Dulag, walang habas siyang pinagbabaril sa kaniyang
tahanan noong Abril 24, 1980 na kaniyang ikinasawi. Ngunit hindi nagtapos dito ang ipinaglalaban ni Macliing
sapagkat lalong pinagkaisa ng kaniyang pagkamatay ang iba't ibang lider na lumaban sa man na lumaban sa
mapagsamantalang proyekto. Dahil sa lakas ng pagkakaisa ng mga tao, maging ang World Bank na agpopondo
dapat sa proyekto ay umatras, kung kaya't hindi na ito itinuloy ng Naparusahan din ang mga militar na pumatay kay
Macliing.
B. Basahin at suriin ang sumusunod na seleksiyon. Tukuyin kung ano ang layunin pananaw, at damdamin
nito. Sumipi ng tig-tatatlong pahayag na nagpapakita ng opinyon at katotohanan mula sa seleksyon.

ANG KULTURA NG MALLING SA PILIPINAS

HRC BasaSuri, Grade 11, 3rd Quarter / 2nd Semester Page 1 of 2


Holy Rosary College of Santa Rosa, Inc.
Tagapo, City of Santa Rosa, Laguna`

PERFORMANCE TASK
School Year 2020-2021

Laganap ang mga mall at ang kulturang kaakibat nito sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, nangunguna ang SM
Supermalls, na pag-aari ng SM Prime Holdings Inc., sa dami ng mga mall sa buong bansa. Mayroon silang
kabuuang 48 na mall sa Pilipinas at maging sa Tsina. Itinayo ni Henry Sy, Sr. ang kauna-unahang Shoemart, isang
tindahan ng sapatos, noong 1958 sa Maynila. Noong 1960s, lumawak at dumami ang mga tindahang ito ng sapatos.
Nagkaroon nito sa mga sentro ng urbanisadong lungsod tulad ng Makati at Cubao. Naging ganap na department
store ito noong 1970s kung saan nakilala ito bilang SM. Noong 1980s, lalong lumawak ang saklaw ng SM. Nagtayo
na rin ang kompanya ng mga supermarket at home appliance center. Pinakaunang itinanghal na SM Supermall ang
SM City North Edsa.
Sa kasalukuyan, kahit saan ka pumunta ay may SM. Madalas pa ngang nagiging palatandaan ng isang lugar
ang SM o kaya ay ruta ng mga pampublikong sasakyan. Bahagi na ng buhay ng mga Pilipino ang mall. Lahat ng
pangangailangan mula sa damit, sapatos, pagkain, sinehan, gadget, at kung ano-ano pa ay nasa mall nang lahat.
Madalas na nagiging pasyalan ito kahit na walang bibilhin, dahilan para mauso ang konsepto ng "window shopping"
o yaong patingin-tingin lamang pero hindi naman bibili. Sa mga panahong mainit ang panahon, mall din ang
dinarayo ng mga Pilipino upang magpalamig. Tunay ngang naging bahagi na ng kulturang Pilipino ang malling.
Bukod sa bahagi na ito ng kultura, mahalaga ring tukuyin ang malling bilang manipestasyon ng matinding
konsumerismo ng mga Pilipino. Bilang bansang nasa ikatlong daigdig na tagatanggap ng mga yaring produkto mula
sa ibang bansa, lunsaran ang mall ng pinagsama-samang produkto ng mauunlad na bansa na hindi kayang gawin ng
mga industriya ng Pilipinas. Ginagamit ang mall upang magpakilala ng mga bagong pangangailangan at kagustuhan
sa mga konsyumer para sa pagpapatuloy sa paggalaw ng ekonomiya. Pinalalaganap ng malling ang napakababaw na
materyalismo, kung saan itinutumbas ng tao ang personal na aspirasyon sa pagkakamit ng mga materyal na bagay.
Bilang matalinong konsyumer, paano mo sinusuri at ginagamit sa iyong

C. Sa milyong impormasyon na makikita sa social media, mahalaga ang matalas na pagtukoy ng isang
mambabasa kung ang impormasyon na nabasa ay tunay o huwad. Isang mahalagang kakayahan sa
pagbasa ang diskriminasyon ng datos, kung saan tinutukoy kung makatotohanan o hindi ang isang tiyak
na impormasyon, o kaya ay kung makabuluhan o hindi kailangang pagtuunan ng pansin. Ibahagi ang
isang karanasan kung saan pinaniwalaan ang isang impormasyon nabasa sa Facebook o Twitter ngunit
kalaunan ay natuklasang hindi pala totoo. I-screenshot at i-print ang larawan, mensahe, o paskil na
nakuha sa anomang social media site.
D. Magsulat ng maikling buod, sypnosis, o deskripsiyon ng isang aklat o anumang uri ng babasahin na sa
tingin mo ay makapagsisimula ng interes sa pagbasa.

HRC BasaSuri, Grade 11, 3rd Quarter / 2nd Semester Page 2 of 2

You might also like