Professional Documents
Culture Documents
1.
Mahalaga ang pagsusukat ng mga bagay-bagay sa ating kapaligiran. Marami silang pormulang nadiskubre para
sa mga kaangkinang metriko (metric property) ng mga hugis na ito gaya ng:
Pythagorean Theorem
Sa isang right triangle ang sukat ng pinakamahabang bahagi nito na tinatawag na hypotenuse ay katumbas ng
square root ng suma ng square ng 2 sides.
a c c=√ a2 +b 2
Halimbawa, ang Egyptian Triangle ay may side na 3, 4, 5. Ito ay isang right triangle dahil ang square ng 5 na 25 ay
katumbas ng suma ng square ng 3 na 9 at ng square ng 4 na 16.
Larangan: Ito ay nagmula sa larangan ng Agham Pisikal (Matematika)
2.
Batay sa kasalukuyang kaalaman, may dalawang paraan ng pag-clone ng mga mammal. Ang unang pamamaraan
ay maituturing na artipisyal na pagpapakambal. Sa sistemang ito, ang mga cell na bumubuo ng isang murang embrion ay
pinaghihiwalay upang maging dalawa o higit pang indibidwal. Sa ganitong proseso, kinakailangan munang maganap ang
fertilisasyon na resulta ng unyon ng sperm cell at egg cell. Kapag naganap na ang fertilisasyon, nagsasagawa ng
teknolohikal na interbensiyon ang mga siyentista upang gawing kambal (o higit pa) ang nabuong embrion. Ang proseso
ay walang ipinagkaiba sa pagkakabuo ng kambal na natural na nangyayari sa kaso ng identical twins. Kaya lamang
gumagamit ang tao ng ganitong uri ng cloning ng interbensiyong teknolohikal ay upang mapuwersa ang pagkakambal.
Mula sa: "Cloning: Paglikhang Kopya, Pagkopya ng Nilikha” Ni Leonardo O. De Castro, (1998)
Patunay: Ang biyolohiya o haynayan ay isang natural na agham na nauukol sa pag-
aaral ng buhay at mga nabubuhay na organismo kabilang ang kanilang istruktura, mga tungkulin, paglago, ebolusyon, dis
tribusyon at taksonomiya.
3.
Lumabas sa Sansinukob ang mga unang atom pagkatapos ng humigit kumulang na 300 libong taon pagkatapos
ng Big Bang. Nang bumaba ang temperatura ng Sansinukob sa 5000K ang pinakamagaan at pinakasimpleng atom ang
hydrogen, ay maporma na rin. Sa pamamagitan ng komplikadong interaksiyon at pagsasalpukan ng iba't ibang partikulo
at atom, unti-unting sumipot ang Sansinukob na ating ginagalawan ngayon
Mga sampu hanggang dalawampung bilyong taon na ang nakaraan pagkatapos ng Big Bang, ang ating
Sansinukob ay may temperaturang humigit-kumulang sa 3K. Ang Sansinukob ay hindi na symmetrical at ang dating isang
puwersa ay naging apat na interaksiyon na, at wari bang sadyang naiiba sa isa't isa.
Mula sa Teoryang Big Bang Ang Simula ng Sansinakob" ni Danilo Yanga (1998)
4.
Pahalikan ito sa barnis bago ipiit sa apat na sulok ng sinalaminang kahoy saka isabit sa dingding upang tingalain
habang marahang dinadapuan ng sampal ng alikabok, paminsan-minsang alalahaning alayan ito ng dampi ng mamasa-
masang basahan
Mula sa Leksyon sa Pagpipinta ni Piya C Constantino 2003-2004
Patunay: : Ito
ay isa sa pinaka mahalagang sining, dahil ito ay isang klase ng sining na maari mong maipahiwatig ang sarili mong damda
min sa pamamaraan ng paglika ng mga imahe sa pamamagitan ng pagpinta.
5.
Mabuhay nang masaya, mag-enjoy sa swimming pool, palaruan, piknikan, hardin, parke, basketbolan. Maging
bahagi ng komunidad na kumpleto sa modernong mga pasilidad!
Patunay:
Ang sanaysay na ito ay naglalahad o nagpapahiwatig na maging masaya at maging bahagi ng komunidad na kumpleto sa
modernong pasilidad. Ito ay isang pangkat ng disiplinadong akademiko na pinag aaralan ang mga aspekto
ng tao dito sa mundo.