You are on page 1of 73

Subject Code : FILIPINO 3 (FILIPINO SA PILING (AKADEMIK)

Class Schedule :

Instructor/Faculty : LOURDES J. BALSOMO, LPT, M.A.ED./JANET A. NINTO, LPT,


M.ED/ VERNIE DIAZ. LPT,

Email/Contact #: lbalsomo@spuiloilo.ph 09171596362/ diazvernie21@gmail.com

Deskripsyon ng Programa : Ang Filipino sa Piling Larangan (Akademik) ay inihanda sa


pagaaral ng Filipino sa unang semestre ng Grade 12. Layon ng programang ito na makahubog ng
mgamag-aaral na may kakayahan at kasanayang makaagapay sa pamantayang pandaigdig sa
ika21 siglo, nakapag-iisip nang malaya at mapanuri, at may malalim na pagkilala at matatag na
pagpapahalaga sa sariling wika at kultura.nilalayon din ng programang ito na sanayin ang mga
mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa
mabibisa, mapanuri at masinop na pagsusulat sa piniling larangan.

Kalalabasan ng Programa: Naipapaliwanag nang wasto at epektibo ng mag-aaral sa


pamamagitan ng pasalita at pasulat sa wikang Filipino kung paano ang pagpapalalim ng kanilang
pambansang pagkakilanlan, pagpapatibay ng pamana ng lahi, at pagpapalakas ng ugnayang
sosyal sa kapwa Pilipino ay nakakaapekto sa kanilang personal na ideya, prinsipyo at adhikain
sa buhay.

Mga mag-aaral: Dapat pakatandaan ang mga importanteng elementong Paulino na nararapat
na idebelop :
Bilang Mga Mag-aaral: Malikhain, mapamaraang manggagalugad, at tagalutas ng problema na:

1. Magkaroon sariling direksyon at pananaw sa kanilang pagbasa ng panitikang Filipino at


iba’t ibang larangan ng Filipino.
2. Maka-angkin ng mga kasanayang pangkomunikasyon na magagamit ang mga
kasanayang ito sa pagkalkulo sa kanilang espesyal na mga katangiang personal, proseso
ng pag-iisip at kung paano maipaliliwanag ito para mabuksan ang mga oportunidad sa
habambuhay na pagkatuto sa pamamagitan ng mga sariling gawain o pagsasanay sa
pagkatuto at mga proyektong akademiko.
3. Maipaliwanag ang naangking kasanayan upang mabuksan ang mga oportunidad sxa
habambuhay na pagkauto sa pamamagitan ng mga sariling Gawain, mga pagsasanay at
iba pang proyekto sa pagkatuto.
May Kamalayan: May pananaw, may sariling direksyon at modelo na:

1. Patuloy na naglalaan ng panahon sa pagpapaunlad ng kanilang pagkakaunawaan,


kasanayan at kalusugan na susundin o gagayahin ng iba.
2. Maipaliwanag kung paano ang pagpapaunlad ng kanilang personal na katangian at
talent ay
Nakapagbukans ng pnto ng patuloy na pagkatuto at personal na datispaksyon.
3. Maipaliwanag ang mga pagunhaing salik na nakakaapekto sa kanilang desisyon at
aksyon at ang mga magiging kinalabasan nito.
4. Makapaglaan ng pang-araw-araw na pagpaplano, panalangin at pagmumuni-muni.
5. Maging halimbawa ng isang Paulinong misyon ng dedikado at walang pag-iimbot na
serbisyo sa lahat.

Kolaborasyon: Maasahan, tagatugon at pangkatan manlalaro na:


1. Kumikilala ng mga suhestyon o mungkahi ng iba at buong katapatang tumutugon sa
kanila ng
Magiging kinalabasan ng mga ito.
2. Manguna sa mga pangkatang Gawain na magdudulot ng mabuting benepisyo para sa
lahat.
3. Malugod na ibinabahagi ang mga resposibilidad at aktibong pinagyayaman ang
pagkakaisa at Bisa nito.
4. Maghintay kung saan may nangangailangan ng ekstrang suporta para agarang
maibahagi ito.
Malikhaing Manggagalugad: Matiyaga, Pasensyoso, Maagap, Malawak na Pananaw na:
1. Ginagamit ang pananaliksik sa pag-aaral ng Filipino sa pagtatamo ng kaisahan,
pagkakaunawaan at paglikha ng mga masining na gawain.
2. Manaliksk hindi lamang sa mga nakikitang mga datos at impormasyon kundi sa mga
maaring iba pangkaragdagang kaalamang maaring magamit.
3. Palagiang makapili ng mga isyu o problemang kinakaharap ng pamayanan at
makahanap ng mga paraang ang mga itoý maunawaan, maharap at masolusyunan.
4. Magamit ang mga datos, ideya, materyales sa MODERNONG l na paraan ng
pagpaplano at pagdisenyo ng mga gawaing may artistikong apelasyon sa iba.

Komitidong Tagasulong ng Adbokasiya ng Kapayapaan, at Unibersal na Mabuting


Pagkatao na:
1. Pursigido sa harap ng bukas na paglaban sa mga pagsisikap na magturo ng kapayapaan,
maibsan ang karahasan at ituwid and kasalanang ipinatong sa iba.
2. Umpisahan at isustenir ang mga pagsisikap na makakuha ng atensyon sa mga
pangkapaligiran ng mga isyu at magsagawa ng mga paraan para ang mga ito ay maalis.
3. Tawagin ang atensyon ng mga dahilan at resulta ng kahirapan, at hikayatin ang iba na
tumulong sa mga taong nangangailangan ng tulong.
4. Ibahagi ang kanilang panahon, atensyon at mga ari-arian sa direktang pagtulong sa mga
taong nawawalan na ng pag-asang uunlad pa ang kanilang buhay.

Matapat, Sanay na mga Tagapalabas at Achievers na:


1. Nagpopokus ng kanilang panahon sa pagdebelop ng mga kagalingan na kailangan
sa isang matagumpay na piniling larangan at bihasang pagsasakatuparan nito sa
buhay.
2. Walang pag-aatubiling pagpapakita sa mga tagapag-empleyo ng kanilang taal at
modernong talento at kasanayan at pagbabago nito ayon sa mga pidbak.
3. Maglinang ng isang kadalubhasaan sa isang bahagi ng kanilang buhay na maaring
maiaplay sa iba’t ibang sitwasyon nang may kaluwagan

Unang Linggo:

Paksa: Mapanuring Pagbasa at Mapanuring Pagsulat sa Akademiya

Oras: 3 Oras
Kalalabasan ng Pag-aaral:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga Mag-aaral ang sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang kahulugan, katangian at proseso ng mapanuring pagbasa at pagsulat
sa akademiya.
2. Naisasagawa ang pagsulat ng talata, mga tanong at mga pangkatan at pang-indibidwal na
gawain kaugnay ng mapanuring pagbasa.
3. Nakabubuo ng tala ukol sa binasa ( reader response journal)
4. Natitiyak ang proseso ng mapanuring pagsulat
5. Nakasusulat ng piktoryal na sanaysay

Mga Gawain:

Balik-aral: Tingnan natin kung may natatandaan pa kayo sa nakaraan ninyong mga aralin
tungkol sa wika, pagbasa at pagsulat:

Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali:

___M___1. Ang wika ay hindi kakambal ng kultura.


___T__2. Ang wika ay binubuo ng mga sagisag na sinasalita.
___M__3. Ang pagbasa ay hindi kasama sa mga kasanayang pangwika.
___M__4. Sa lahat ng kasanayang pangwika, ang pagsulat ang pinakamadali sa lahat.
___M__5. Ang wikang Ingles ay superyor na wika.
___T__6. May mga prosesong sinusunod sa pagbasa at pagsulat.
___M__7. Ang mapanuring pagbasa ay hindi nangangailangan ng kritikal na pag-iisip.
___M__8. Mas madaling makaunawa ang mambabasa kapag siyaý nagbabasa nang malakas.
___M__9. Ang wikang Latin ay buhay na wika.
___M__10. Ang paggawa ng burador ay unang hakbang sapagsulat.

Tingnan natin kong tama ang inyong mga sagot.

Sagot: T (Tama = 2, 6) W (Mali) = 1,3,4,5,7,8,9,10

Kung ang iskor mo ay 8-10, tatanggap ka ng chocolate bar.


Kung ang iskor mo ay 6-8, may nips candies ka.
Kung 5 pababa, ok lang pwede mong balikan at sagutin uli.

Mapanuring Pagbasa, Mapanuring Pag-iisip, Mapanuring Mambabasa


Hindi maiiwasang gawain sa loob ng akademiya ang pagbasa. Sa bawat asignaturang
kinukuha at pinapasukan ng mag-aaral . may mga libro, Manwal, artikulo, report na kailangang
basahin at gawin upang mapalawak at mapalalim ang kaalaman sa konsepto, ideya at
impormasyon at mapaunlad ang mapanuring pag-iisip. Teksto rin ang napapanood na
pangyayari, sitwasyon, programa sa telebisyon, pelikula, pintura, talumpati ng politico, debate,
diskusyon sa loob ng silidaralan, atbp.
Anomang binabasa at ginagawan ng ebalwasyon ay isang teksto sas modernong pakahulugan
nito na nangangailang n g mapanuring pag-iisip ng isang mapanuring mambabasa.

Narito ang mga halimbawa ng mga tekstong binabasa sa kolehiyo:


• Panitikan (tula, dula, nobela, maikling kuwento, telenobela, pelikula, atbp.
• Pamamahayag (artikulo at balita sa diyaryo, radio, TV, internet, tabloid, interbyu,
editorial, programa sa radio at TV, datos sa social media.
• Pisika
• Sining
• Antropolohiya
• Sikolohiya
• Linggwistika
May pangkalahatang estruktura at proseso ang mga teksong akademiko:

• Deskripsyon ng paksa – depinisyon, paglilinaw, pagpapaliwanag na makikita sa simula


ng teksto.
• Problema at solusyon – nasa paksang pangungusap ang pinakatema, punto, layunin
gustong patunayan, ipaggiitan, ilahad at paano ito maunawaan. Dito umiikot ang
pagtalakay ng buong teksto.
• Pasgkakasunod-sunod o sekwensiya ng mgas ideya - maaring kronolohikal (panahon)
o hierarkikal (ideya).
• Sanhi at bunga – para pasgbatayan ng mga ebidensiya at katwiran sa teksto.
• Pagkokompara – ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga datos upang patibayin ang
katwiran.
• Aplikasyon – inuuugnay ang paksa at mga ideya sa tunay na nagaganap sa buhay.
Mga Estratehiya sa Mapanuring Pagbasa

1. Maingat - maingat sa paggamit ng ebidensya at katwiran. Usisasin, busisiin ang mga


ebidensya at suriin kung gaano kalohikasl kahalaga ang teksto, at hindi batay sa haka-haka
lamang.
2. Aktibo – habang nagbabasa, nagtatala at gimagawa ng anotasyon. Nagtatanong sa sarili
kaugnay ng teksto.
3. Replektibo – nabibigyang ng katibayan o patunay ang nabasa kaugnay ng mga kaalaman at
sariling karanasan ng Mambabasa.
4. Mapamaraan – gumagamit ng ilang estratehiya upang maunawaang mabuti ang teksto.

• Pre-viewing o Pre-reading (Bago Bumasa) - kung libro tingnan ang pabalat nas
minsan ay may paliwanag ang awtor o pahayag ng ilang personalidad tungkol dito.
Tingnan ang huling bahagi.
• Skimming – hidi babasahin ang kabuuan ngunit tingnan ang mga pangunahing
bahagi upang mgakaroon ng pangkalahatang kaalaman sa binabasa.
• Brainstorming- talakayan ng grupo para makabigay ng output ang bawat miyembro
at magkaroon ng pangkalahatang ideya tungkol sa teksto.

Tatlong Teorya o Pananaw o Kalakaran Kaugnay ng Pagbasa.

1. Tradisyonal na pananaw – matatagpuan sa teksto ang lahat ng ideya, impormasyon at


kahulugan para sa mambabasa.. Pasibo ang mambabasa. Kaugnay nito ng bottom-up na
paraan ni Gough.

2. Pananaw na kognitibo – may ijnteraksyon ang mambabasa sa teksto. Bumubuo siya ng


hipotesis o haka-haka, tinatanggap o hindi ang pahayag sa teksto, nagbibigay
interpretasyon sa mga datos, kumukuha ng impormasyon kaugnay ng datos sa teksto
mula sa dating kaalaman, nabasa, nakita, napasnoon at n arinig. Kaugnay ito ng top down
(Goodman),Sikolinguwistikong Modelo ng Teoryang Iskema (Brumelhart) at
Konstruktibong Pag-unawa (Dole).

Metakognitibong Pananaw - pag-iisip kung ano ang ginagawa habang nagbabasa.


Kaalaman, estratehiya at teksto ang gabay. Kinukompleto ang kulang ng tradisyon at

kognitibo. Kaugnay ito ng Transactional Reader-Response Theory (W. Iser at


Rosenblatt)
Bumuo ng tala-basa o tala ukol sa isang pinanood na komersyal sa telebisyon. Bubuuin
ng sumusunod ang isusulat na tala-basa.May dalawang (2) araw para gawin ito. Ipadala
sa email ng guro ang inyong output. ( 40 minuto )

1. Katangian at estruktura ng teksto


2. Ang nalaman kaugnay ng teksto o mga ideyang kaugnay nito.
3. Mga tanong kaugnay ng teksto.
4. Paraan ng pagkakaorganisa ng teksto. (Halimbawa: sanhi at bunga, pagkokompara,
deskripsiyon, pag- kakasu-, kasunod-sunod ng mga ideya, problema at solusyon o
kombinasyon ng ilan sa mga ito.)
5. Paano mo ito nauunawaan? Maaring gumawa ng graph, ikonekta sa ibang ideya,
gumawa ng prediksyon at iba pa.
6. Ano ang opinyon o nararandaman mo ukol sa teksto?

Paksa: Mapanuring Pagsulat – Akademik

Gawain: 10 minuto (10 puntos)

Class: Handa na ba kayong sagutin ang sumusunod? Sige umpisahan natin ito:

Piliin ang angkop na sagot sa sumusunod na tanong kaugnay ng paksa“Kompyuter at Pag-aaral”

1. Alin ang pinaka-angkop na paksang pangungusap para dito?


a. Magagamit ang kompyuter upang hindi mainip sa pag-aaral.
b. Magagamit nang epektibo ang kompyuter kung pahaha-lagahan ang katuturan nito sa
pag-aaral.
c. Matutulungan ng kaalaman sa kompyuter ang mga mag-aaral, pamilya, komunidad at
bansa.

2. Anong pamagat ang maaring gamitin sa paksa?


a. Tara nng Mag-kompyuter nang Sipaging Mag-aaral
b. Ang Kompyuter sa Nagbabagong Mundo ng Teknolohiya
c. Kompyuter: Makabagoang Paraan, Bagong Kaalaman

3. Ang ang angkop na pagkukunan ng datos para sa naturang paksa?.


a. Interbyu at sarbey
b. mga dolumento sa archive

c. eksperimento sa laboratory
4. Ano ang higit na makakatulong para pangatwiranan ang paksa?
a. Malaki ang tulong ng kompyuter para masanay sa bagong teknolohiya ang mag-
saaral.
b. Kompyuter ang sagot sa kakulangan ng libro sa aklatan.
c. Malaking tulong ang kompyuter sa pagdaragdag ng kaalaman at kasanayan ng mag-
aaral.

5. Ano ang epektibong wakas kung susulatin asng pasksa?


a. Tunay na malaking tulong ang kompyuter sa pagharap ng mag-aaral sa hamon ng
globalisasyon.
b. Teknolohiya ang sagot sa problema sa edukasyon.
c. Malaking tulong sa pag-aaral ang kaalaman at kasanayang ibinibigay ng kompyuter.

Talakayan: 50 minuto Ating

talakayin ang araling ito.

Handa na ba kayo?

Ano ang pagsulat? Ito ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapan na mapagsasalinan ng


mga nabuong salita, simbolo at Ilustrasyon ng mga tao sa layuning maipahayag ang nasa
kanyang kaisipan.

Mga Katangian ng Mapanuring Pagsulat:

1. Layunin – pagpapaunlad o paghamon sa mga konsepto o katwiran.

Hal: “Sapagkat malaki ang implikasyon ng modernong Teknolohiya sa karaniwang tao,


kailangang makisangkot sa mga diskurong publiko na tumatalakay sa mga ito.”(Leonardo
de Castro, Etika bilang Tagasaway……...(nasa Pagkatao at Teknolohiya, 1998)

2. Tono – impersonal, hindi emosyonal ito. Hindi parang nakiki-pag-usap lang.

Hal: Ang pasgkamatulungin natin ay nahahaluan ng pagka- maawain, pagkamakialam,


pagkausyoso, pakikipagkapwa,pakikisama at marami pang iba.

3. Batayan ng datos – pananaliksik at kaalaman masusing sinuri.


• Obhetibo ang posisyon – batay sa pananaliksik, iwasan ang anumang pagkiling.
• Katotohanan (Facts) vs. Opinyon – kailangan ang ebidensyang
mapagkakatiwalaan o talagang nangyari,hindi haka-haka o gawa-gawa lamang.
• Opinyon – batay sa sariling damdamin, karanasan at paniniwala.

4. Balangkas ng kaisipang (Framework) – o Perspektiba – piniling ideya o kaisipan na


gustong patunayan ng sumulat.

5. Perspektiba – nagbibigay ng bagong solusyon sa umiiral na problema.

Hal: Ang kasaysayan ay hindi kapalaran. Maraming pagkakamali na hindi na dapat


maulit at mga krimen ng mga tao at gobyerno na hindi dapat hayaang maganap muli.

6. Target na mambabasa – kritikal, mapanuri ast may kaalaman din sa paksa.

Estruktura at Proseso ng Mapanuring Pagsulat

1. Introduksyon – pinakatesis o pokus ng pag-aaral o paksa mahahalagang puntos sa pagsulat


ng introduksyon:

a. Pagpapatunay bilang pokus o tesis ng pag-aaral.


o Fact o Opinyon o
Sanhi at Bunga o Halaga
o Solusyon at Patakaran
b. Paksang Pangungusap
c. Atenswiyon sa Simula
• Tanong
• Impormasyon, pigura
• Depinisyon
• Sipi

2. Katawan – pinauunlad at nagsusulat ng mga talata, tuloy-tuloy, organisado, maayos at


makinis na daloy ng ideya kung saan:

Ang unang pangungusap ng talata ay kaugnay ng naunang talata.

a. Ang mga sumusuporang ideya ay magkakasama sa loob ng talata.

b. Malinaw at lohikal na talata upang suportahan ang tesis.


c. Kaayusan ng talata – kronolohikal, kahalagahan ng ideya, hakbang-hakbang
o serye.
d. Pagpapaunlad ng talata

• Ebidensya – 2 uri: pagunahin ( interbyu, karanasan, sarbey, anekdota,


eksperimento.
Di-pangunashin – teksto, libro, artikulo, pahayaga, website.
• Argumento
• Pagbubuo- haba ng talata-5 pangungusap sa Introduksyon, sa katawan – 5+5+5
pangungusap sa bawat talata, kongklusyon- 5 pangungusap.
• Pagbuo ng pangungusap – iba-ibahin ang uri at anyo ng pangungusap para hindi
imaging kabagot-bagot, pagggamit ng ibat ibang anyo ng pangungusap at pag-
gamit ng angkop na salita.

3. Kongklusyon – huling bahagi ng teksto sa pamamagitan ng pagbubuod, pagrebyu ng


tinalakay, paghahawig o paghamon, pagmumungkahi o resolusyon.

Pagsubok tungkol sa araling ito:

1. Gumawa ng isang piktoryal na sanaysay o photo essay.


2. Ang mga larawan ay may kinalaman sa paksa.
3. Ang sanaysay ay binubuo ng hindi bababa sa dalawang talata.
4. Pumili ng isang paksa lang.
5. Ipadala sa email ng guro.
6. Bibigyan lang ng dalawang araw para isagawa ito.

Paksa:

1. Mag-isip ng isang naiibang trabaho o propesyon. Ilarawan mo.

2. Kung bibigyan ka ng isang linggong bakasyon sa kahit saang lugar sa


Pilipinas, saan mo gustong magpunta at bakit?
Rubrik sa Pagtatasa

Kraytirya Mahina Mahusay-husay Mahusay Iskor


Estruktura (10 *Malabo ang *Malinaw ang intro- *Malinaw ang
puntos) Mahina: introduksyon duksyon Introduksyon,kataw
0 - 5 puntos *Hindi ibinigay *Hindi nilinaw ang a
Mahusay-husay ang tesis na pangungusap n
6 – 8 puntos tesis na *Malinaw ang mga At kongklusyon
Magaling pangungusap. talata at kongklusyon *May tesis na
9 – 10 puntos *Hindi malinaw pangungusap na
ang kongklusyon Introduksyon

Katwiran (20 puntos) *Hindi malinaw *Ipinaliwanag *Malinaw na naipa-


Mahina 0 – 10 puntos ang posisyon 0 ang liwanag
Mahusay-husay katangian katwiran Kompleto, pinag-
11 – 15 puntos *Simple at hindi *Medyo Isipan, masusi
Mahusay ipina- liwanag pinaunlad
16 – 20 puntos ang argumento ang katwiran
0 katwiran
Ebidensya (10 *Tiyak at
puntos) *Hindi tiniyak ang naipaliwanag ang
Mahina – 0 – 5 puntos mga ebidensya *May ilang tiyak mga ebidensya
Mahusay-husay *Kulang ang ang na ebidensya *Sinusuportahan ng
6 – 8 puntos ebidensya *Hindi pero hindi ebidensya ang tesis
Mahusay masuportahan ng naipaliwanag
9 – 10 puntos mabuti * Hindi
ebidensya ang
tesis o ang nasuportahan
katwiran na ng ebidensya ang
Gamit ng Wika tesis *Inedit, walang mali
iniharap
( 10 pungos )
Mahina – 0 – 5 puntos
*Hindi inedit
Mahusay-husay
*Maraming mali sa
6 - 8 puntos *May ilang
bantas, baybay,
Mahusay mali
pangungusap
9 - 10 puntos
Paksa: Etika at Pagpapahalaga sa Akademiya Oras:
1 ½ Oras

Kalalabasan ng Pag-aaral: Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


1. Nalilinaw ang kahulugan ng etika at pagpapahalaga sa loob at labas ng akademiya.
2. Natutukoy ang ilang etikal at di-etikal na mga Gawain sa pilipinas at maging sa ibang
bansa.
3. Natitiyak ang mga katangian ng pagsulat na etikal gamit ang angkop at tamang
pagpapahalaga sa akademiya.

Mga Gawain:

Tukuyin kung sa palagay ninyo ay etikal o hindi ang sitwasyon.


Ipaliwanag ang sagot.
1. Nagsumite ng iskrip si Marian sa kanyang propesor sa
Script writing. Humiram siya ng skrip sa isang kaibigan.
Sinabi niya na gagamitin niya lamang ito upang gaswan ng Ebalwasyo
n at kritika sa klase ngunit ipinasa niya itoi bilan g Kanyang sariling
gawa.
Etikal o hindi?___________________________
Paliwanag:________________________________________
2. Dinala ni Dr. Santos ang kanyang nanay sa isang kapuwa
doktor upang ipagamot. Karaniwang praktis na hindi sinisingil
ng manggamot ang malapit na kamag-anak ng kapuwa doktor.
Siningil ng naturang doktor ang ina ni Dr. Santos.
Etikal o hindi?___________________________
Paliwanag:_____________________________________
3. Tumatanggap ng malalaking donasyon ang isang simbahan
Mula sa isang kilalang drug lord.
Etikal o hindi? _________________________________
Paliwanag: ____________________________________

4. Nag-iiwan ng mga paninda niya sa labas ng silid-aralan si


Gng. Dela Cruz, isang guro sa Grade 3. May canteen sa
paaralan pero sa kanya bumibili ang mga mag-aaral kung
recess. Ang kanyang kinikita rito ay pandagdag daw sa
gastusin ng kanyang pamilya.
Etikal o hindi? ______________________________
Paliwanag:_____________________________________
5. Pagrereseta ng doctor sa pasyente ng mamahaling gamot ng
kumpanyang nagbibigay sa kanya ng libreng biyahe sa Ibang
bansa.
Etikal o hindi?______________________________ Paliwanag:
_____________________________________

Class, ating talakayin ngayon ang tungkol sa etika:

Ano ang etika? Ito ay galing sa salitang Griyego na ethos na ibig sabihin ay “karakter”,
katumbas ng Character sa Ingles o pagkatao sa Filipino. Ang salitang-ugat nito ay ethicos ibig
sabihin “moral na Karakter”. Ginawa itong ethics sa Ingles at etika sa Filipino.
Ayon kay Chris Newton, ang etika ay tumutugon sa mahalagang tanong ng moralidad, konsepto
ng tama at mali, mabuti at masama,pagpapahalaga at pagbabalewala, pagtanggap at dipagtanggap
ng lipunan na siyang nagtatakda ng mga batayan sa mga ito.
Halimbawa ng mga Gawain kaugnay ng etika: ang respeto sa kapuwa, nakatatanda,awtoridad,
bata, kababaihan, at iba pa.

Ano ang pagpapahalaga o (values) – Ito ay mga istandard o batayan, mga ideya at gawi at
institusyon gaya ng simbahan, pamilya, paaralan at negosyo na pinagbabatayan natin kung
tama o mali ang ating desisyon.

ETIKA

Tama/Mali Praktis Tao


Pagtanggap/D Obligasyon
LIPUNAN Pagtnggap Kilos
Karapatan Grupo
Katwiran
Mabuti/Masama Etikal/ Komunidad
Halaga
Pagtanggap/ Di-Etikal Institusyon
Pagbabalewala

PAGPAPAHALAGA
PRAKTIS
ISTANDARD
TAO KILOS KAPUWA/
PANINIWALA IBANG
GRUPO MANIPESTA-
SYON GRUPO

Mga Pangkalahatang Halimbawa ng Pagpapahalaga

Kompetensi responsibilidad pagpapaunlad


Integridad serbisdyo katarungan
Dignidad paggalang pleksibilidad
Katapatan katapangan pananalig
Pagkakawanggawa kagalingan disiplina
Seguridad dedikasyon pag-asa
Dibersidad teamwork kasiyahaqn
Pagkatuto pagkakaibigan ambisyon
Impluwensiya kolaborasyon malayang pag-iisip

Pagpapahalagang Pilipino
Pagmamahal sa pamilya Pagkamalikhain
Pagpapahalaga sa edukasyon Sikap at tiyaga
Hiya o Kahihiyan Utang na loob
Pakikipagkapuwa Pakikisama
Pagiging mapamaraan Bahala na

Mga Ilang Paglabag Kaugnay ng Etika at Pagpapahalaga

1. Copyright - sa Intellectual Property Code of the Philippines o Republic Act No. 8293,
ang mga karapatan at obligasyon ng mga may-akda, manunulat, artista, iskolar, taga-salin
pati na ang paggamit sa mga ginawa ng mga ito ay nililinaw ng batas na ito.

2. Plagiarism – ito ang maling paggamit, pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik,


lengguwahe, at pahayag ng ibang tao sa layuning angkinin ito o magmukhang sa kanya.

Ayon kay Diana Hacker tatlong paglabag ang maituturing na plagiarism:


• Hindi pagbanggit sas may-akda ng bahaging sinipi at kinunan ng ideya.
• Hindi paglalagay ng panipi sa hiniram na direktang salita at pahayag.

• Hindi ginamitan ng mga sariling pananalita ang mga akdang ibinuod (summary) at
hinalaw(paraphrase).
3. Paghuhuwad ng datos:
• Imbensyon ng datos – sa mga eksperimento, estadistika, mga pag-aaral ng kaso.
• Sadyang di-paglalagay ng ilang datos.
• Pagbabago o modipikasyon ng datos.
• Pagbibili ng papel o pananaliksik sa mga lugar gaya ng ilang tindahan sa Metro
Manila at lagyan ng sariling pangalan upang ipasa sa guro.
• Pag-subscribe upang bumili ng artikulo o pagkopya sa mga website upang
gamitin at angkinin bilang sariling papel na isusumite sa guro.
• Pagpapagawa o pagbabayad sa iba upang igawa ang papel, tesis, disertasyon,
report at iba pa.

Pinal na Output ng Kurso:

Bilang katunayan ng pagsasakatuparan ng kalalabasan ng pag-aaral, ang mag-aaral ay


kinakailangang magsumite ng mga sumusunod sa ispisipikong petsa o deadline:

Kinalabasan ng Pag-aaral Kinakailangang Output Petsa ng Pagsumite


( Learning Outcome) (Due Date)
Naipaliliwanag ang kahulugan, Nakabubuo ng reader
katangian at proseso ng respobse
mapanuring pagbasa sa Journal o tala-baba o tala
akademiya. tungkol
Sa binasa.

ARALIN 5: PAGBUO, PAG-UUGNAY AT PAGBUBUOOD NG MGA IDEYA

ORAS: 1

ABOT - TANAW

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay maisagawa ang sumusunod:
1. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagbuo, pag-uugnay, at pagbubuod ng mga ideya sa
isang akademiko at mapanuring sulatin.
2. Natutukoy ang mga katangian at kalikasan ng mga anyo ng pagbuo, pag-uugnay, at
pagbubuod ng mga ideya at
3. Nakapagbubuod ng iba’t-ibang sulating akademiko.

Mga Gawain:
Sagutin ang mga sumusunod batay sa iyong pagkaalam dito. Magsaliksik sa internet upang
mapalawak pa ang kaalaman.
a. Ano ang pagkakaiba ng lagom sa sinopsis?

b. Ano ang pagkakaiba ng presi sa hawig? Isulat sa mangga at bayabas.

c. Ano ang pagkakaiba ng abstrak sa sintesis? Isulat sa libro at kuwaderno.

Ibahagi sa klase ang iyong sagot.

2. Gawan ng buod ang sumusunod na akda. Tukuyin ang mga pangunahing ideya o
konsepto sa mga sumusunod na akda. Isulat ito sa isa hanggang tatlong pangungusap.

a. Mahalaga ang kontribusyon ng mineral sa ekonomiya ng bawat bansa. Halimbawa,


kailangan ang iron sa paggawa ng bakal na tinaguriang gulugod ng ekonomiyang
pangindustriya. Isa ring importanteng mineral fuel ang coal na nagsisilbing instrument sa
maraming proseso (tulad ng smelting at refining ng metal) para sa kapakinabangan ng
tao. Makikita naman sa iba’t-ibang anyo tulad ng abono, seramiks, mga
pangkonstruksiyong material, at iba pang mga de-metalikong materyal.

- Prospero Covar, et al. eds. Mga Babasahin sa Agham


Panlipunan I, 1999, p. 27 Pangunahing
Ideya:

Pagtatalakay:
Pagbubuod at Pag-uugnay ng mga Ideya at Datos tungo sa Mapanuring Pagsulat

Maraming gawan sa akademiya ang nangangailangan ng masuring pagbasa, panonood,


pagsasalita, pakikinig, at pagsulat. Ibinabahagi ang mga ito sa mga kaklase at guro. Sa paraan ng
pagbabahagi, kinakailangan ang pagpapakaikli upang ang mga pangunahing ideya at
pagkakaugnay- ugnay ng mga ito ay maipahayag nang malinaw at maayos. Tumutulong din ito
upang malinawan ang mga datos na ginagamit sa mga sulating akademiko at mga pananaliksik.

Iba-iba ang paraan ng pagbubuod upang mag-ugnay ng impormasyon at ideya kaugnay ng paksa.
Ilan dito ang buod, lagom o synopsis, presi, hawig, sintesis, at abstrak.

Buod

Siksik at pinaikling bersiyon ito ng teksto. Ang teksto ay maaaring nakasulat, pinanood, o
pinakinggan. Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos.
Mahalaga, kung gayon, ang pagtutok sa lohikal at kronolohikal na daloy ng mga ideya ng binuod
na teksto. Kadalasan, nakakatulong ang pagbubuod sa paglilinaw sa lohika at kronolohiya ng
ideya lalo na sa mga hindi organisado o komplikadong paraan ng pagkasulat sa teksto.

Bilang datos sa isang masusing binasang teksto upang gamitin sa isang pagsusulat, mahalaga ang
pagbubuod sa pagpapaunlad ng argumento. Hindi tayo nagbubuod para lang ilahad ang ginawa o
isinulat ng isang may-akda. Ginagamit ito bilang pansuporta sa isang posisyon o tesis. Isa rin
itong batayan kung paano binasa ng sumulat ang naturang akda at kung paano niya ito naiuugnay
sa kaniyang paksa.

Pangunahing mga katangian ng pagbubuod ang mga sumusunod:

1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa.


2. Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda; bagkus ay gumagamit ng sariling pananalita.
Isa itong “muling pagsulat” ng binasang akda sa maikling salita. Inihahalili sa mga salita
ng may-akda ang mas pangkalahatang termino gaya ng kasuotan sa halip na saya,
pagtuturo sa halip na paglelektyur, at iba pa.
3. Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa dito ang buod.

Narito ang mga hakbang sa pagbubuod:

1. Basahin, panoorin, o pakinggan muna nang pahapyaw ang teksto.


2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan, tukuyin ang paksang
pangungusap o pinakatema. Tukuyin din ang mga susing salita (key words).
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto o tesis.
4. Sulatin ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng teksto. Huwag gumamit ng mga salita o
pangungusap mula sa teksto.
5. Huwag maglalagay ng mga detalye, halimbawa, at ebidensya.
6. Makatutulong ang panggamit ng signal word o salitang nagbibigay-transisyon sa mga
ideya gawa ng gayunpaman, kung gayon, samakatuwid, gayundin, sa kabilang dako,
bilang kongklusyon, bilang pangwakas, at iba pa.
7. Huwag magsisingit ng mga opinyon.
8. Sundin ang dayagram sa ibaba.

Sa pagbubuod naman ng mga piksyon, tula, kanta, at iba pa, maaaring gumawa muna ng story
map o graphic organizer upang malinawan ang daloy ng pangyayari. Pagkatapos, isulat ang
buod sa isang talata kung saan ilalahad ang pangunahing karakter, ang tunggalian, at ang
resolusyon ng tunggalian.

Tumutulong ang pagbubuod sa pagpapaunlad ng analitikal na pag-iisip na isang mahalagang


kasanayan sa pag-aaral. Sinusuri dito ang mga impormasyon at paghihiwalay ang mahalaga sa
di-mahalagang punto, ang ideya sa halimbawa o ebidensya, at pinagsasama-sama ang
mahahalagang ideya upang makabuo ng malinaw at mapagbuod na mga pangungusap na
maglalahad ng pangunahing punto ng teksto.

Ilan sa mga halimbawang tekstong maaaring ibuod ang piksyon at di-piksyon (sanaysay, report,
artikulo, balita, pelikula, video, pangyayari, pulong at iba pa)

Narito ang ilang halimbawa ng buod:

a. Sa Pilipinas, hango sa dayong pananaw ang pag-aaral ng astronomiya. Dahil dito, hindi
natin natutunton ang sarili nating kabihasnan at ang kulturang Pilipino na mapatutunayan
ng mayamang termino ng mga ninuno ukol sa kalikasan, sa konstelasyon sa partikular. Sa
katunayan, ang iba’t-ibang grupo sa Pilipinas ay may mga katawagan sa lahat ng bahagi
ng mundo at ang mga ito ay hindi magkakalayo sa isa’t-isa. Gayundin, ang iba’t-ibang
bansang kabilang sa wikang Austronesya ay may kahawig ding mga termino. Tunay
ngang repleksyon ng kultura at kabihasnan ang wika. Ang paraan ng pamumuhay,
pagiisip, pagdedesisyon sa mga Gawain, pati ang mga oral na panitikan at kaalaman, ay
masasalamin sa mga salitang astronomikong gamit ng mga sinaunang Pilipino. Ang mga
kaalamang ito ay makakatulong upang maintindihan ng mga Pilipino ang kanilang sarili,
komunidad, at bansa kung pag-aaralan lang sana ng mga mag-aaral.
Hawig

Tinatawag na paraphrase sa Ingles. Galing ito sa salitang Griyego (sa pamamagitan ng Latin) sa
paraphrasis, na ibig sabihi’y “dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag.” Katulad ito ng buod
kung saan ipinapahayag sa sariling pangungusap ang mga pangunahing artikulo, tula, at iba pa sa
sariling pangungusap. Samantala, sa hawig, inilalahad sa sariling pangungusap ang isang
partikular o ispersipikong ideya o impormasyon sa isang artikulo o teksto, gaya ng isang pahayag
dito o kaya’y kabanata sa isang libro.

Ang hawig ay inilalahad sa isang bagong anyo o estilo. Isa itong paraan upang hindi laging
sumisipi. Alternatibo ito sa madalas na pagsipi (www.owl.english.purdue.educ). Isa rin itong
paraan para linawin ang teksto.

Sa hawig, ginagamit ang mga kataga at pandiwa na parang nag-uulat ng sinabi ng may-akda
ngunit nilalagyan naman ng panipi ang naiiba at mahalagang pagkakakinlanlan sa may-akda.
Nilalagyan din ito ng sanggunian.

Hindi katulad ng lagom, ang hawig ay mas detalyado at dinamiko kaysa sa orihinal, ngunit hindi
lumilihis sa pangunahing punto ng may-akda. Narito ang ilang halimbawa:

a. Simula ng siglong labing-anim, ang pagdaloy ng kasaysayan ng ating lipunan ay lumihis


na sa klasiko’t lohikal na proseso ng kaniyang pag-unlad. Sabi nga ni Friedrich Engles sa
kaniyang Origin of the Family, Private Property and the State (1884; edisyong 1983),
marami kung hindi man lahat ng mga bansa sa buong daigdig ay nag-umpisang dumanas
ng abnormal na pag-unlad simula nang ang ilang malalaki’t makapangyarihang mga
bansa ay magpaligsahan sa pananakop sa mga di-mapapalad na mga bansa. Sa panahong
ito, ang Espansya ay halos namukod sa ganitong gawain.

Lagom o Sinopsis

Isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan piksyon. Karaniwang di-lalampas ito
sa dalawang pahina. Ito rin ang ginagamit sa mga panloob o panlabas ng pabalat ng isang nobela
na tinatawag na jacket blurb. Narito ang hakbang sa pagsulat ng sinopsis.
(www.writingworld.com)

1. Basahin ang bawat kabanata.


2. Isulat ang mga tema at simbolismo sa bawat kabanata.
3. Igawa ng balangkas ang bawat kabanata. Bubuuin ito ng mahahalagang puntos at
impormasyon tungkol sa tauhan.
4. Gumawa ng isa hanggang dalawang pangungusap na buod, storyline, o tema.
5. Gawan ng sinopsis ang bawat kabanata. Hindi kailangang ipaliwanag ang lahat ng bagay.
6. Sundi ang kronoholiya ng istorya. Laging sa pangkasalukuyan ang gamit ng pandiwa.
Gamitan din ng malaking titik ang pangalan ng karakter sa unang pagbanggit dito.
Tiyakin din ang pananaw o punto de vista o kung sino ang nagkukwento.

Presi
Galing sa salitang presi (precis) sa lumang Pranses na ibig sabihi’y pinaikli.
(www.merriamwebsterdictionary.com)

Ito ang buod ng buod. Kung baga sa katas ng niyog, ito ang kakanggata. Higit itong maikli kaysa
sa buod at halos ang pinaktesis ng buong akda ang tinatalakay.

Ito ang pinaikling buod ng mahahalagang punto, pahayag, ideya o impormasyon. Muling
pagpapahayag ito ng ideya ng may-akda sa sariling pangungusap ng bumasa, ngunit maaaring
magdagdag ng komento na nagsusuri sa akda. Wala itong mga elaborasyon, halimbawa,
ilustrasyon, at iba pa.

Narito ang mga katangian ng isang presi:

1. Malinaw ang paglalahad.


2. Kompleto ang mga ideya.
3. May kaisahan ng mga ideya.
4. May pagkakaugnay-ugnay ang mga ideya.
5. Siksik sa dalawa hanggang tatlong pangungusap ang pangkalahatang puntos.

Narito ang halimbawa ng presi ng naunang ibinuod na artikulo ni Dante Ambrosio. Ang una (A)
ay walang komento ng nagsulat ng presi at ang (B) ay may komento.
Presi A

Mahalagang masuri at mapag-aralan ng mga mag-aaral na Pilipino ang mga katawagang


astronomiko ng mga sinaunang Pilipino na ang iba’y ginagamit pa sa kasalukuyan. Mula rito,
mahahango ang paraan ng pamumuhay ng mga ninuno natin at ang malapit na relasyon sa
kalikasan ng mga pamayanan noong unang panahon.

Presi B

Mahalagang masuri at mapag-aralan ng mga mag-aaral na Pilipino ang mga katawagang


astronomiko ng mga sinaunang Pilipino na ang iba’t –ibang ginagamit pa sa kasalukuyan.
Mahahango mula rito ang paraan ng pamumuhay ng mga ninuno natin at ang malapit na relasyon
sa kalikasan ng mga pamayanan noong unang panahon. Pinatutunayan lamang nito ang
katotothanan ng paniniwala ng mga iskolar ukol sa kaugnayan ng wika, kultura at lipunan.

SINTESIS
Mula sa salitang Griyego na syntithenai( syn= kasama; magkasama; tithenai = ilagay;
samasamang ilagay) ang salitang sintesis. Sa larangan ng pilopiya, bahagi ito ng metodong
diyalektikal ni Georg Wilhelm Friedrich Hegel kaugnay ng pagbuo ng katuwiran. Mula sa tesis o
Argumento, iniuugnay ang antithesis o kontra- argumento, at sa huli, ang sintesis o rekonsilasyon
ng mga ideya na nakapaloob sa naunang dalawa. Ang buong proseso ay nakabubuo ng bagong
tesis.

Sa larangan ng pagsulat, ang sintesis ay isang anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa


maikling pamamaraan upang ang sari-saring ideya o datos mula sa iba’t ibang pinanggalingan
( tao, libro, pananaliksik, at iba pa) ay mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa isang malinaw na
kabuuan 0 identidad. Mula sa prosesong ito, kung saan tumutungo sa sentralisasyon ng mga
ideya, makakabuo ng bagong ideya.
Aralin 6

Pagsulat sa Larangan ng Humanidades Layunin:

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1. Maunawaan ang larangan ng humanidades;


2. Makilala ang mga lapit at estratehiya sa humanidades; at
3. Makilala ang tatlong anyo ng pagsulat sa larangan ng Humanidades batay sa layunin.

BALIK TANAW:

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat kung ano ang kahulugan sa iyong palagay
ng nakasalungguhit na salita. Pagkatapos, alamin sa diksyunaryo ang mga kahulugan ng salita at
isulat sa ibabang bahagi. Ikompara ito sa unang hinulaaang kahulugan. Hulaan din kung sa anong
larangan ginagamit ang salita.

a. “… kapag may binubuong komposisyon si Maestro ay itinitipa niya ito sa plano, isinusulat
sa papel, itinitipang muli, binabago at pinapaulit-ulit ito hangggang sa mabuo ang
kaniyang ubra”
L.G.T Rubin “Ang Kapitbahay kong
Higante ng Sining “ Diliman Review,2001”

1.
kahulugan:_____________________________________________________________________
______________________

2. kahulugan sa
diksyunaryo:___________________________________________________________________
___________

3.
Larangan______________________________________________________________________
______________________

b. “ …. Dahil asi Plato ay itinuturingna pinakadakilang mapag-isip, hindi lamang ng mga


Griyego kundi pati ng buong kanluran.”

M. Heidegger, What
Is Called Thinking?, 2004

1.
kahulugan_____________________________________________________________________
_______________________

2. Kahulugan sa
diksyunaryo:___________________________________________________________________
___________

3.
Larangan:_____________________________________________________________________
_______________________

Humanidades – Pag-unawa sa Tao at sa Mundo

Ang layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan
nito. – J. Irwin Miller

Sana’y mapagtanto natin na ang edukasyon at ang Humanidades ay dapat pahalagahan sa


pagpapaunlad ng ating mga isipan at ng lipunan sa kalahatan, at di lamang para magkaroon ng
karera sa hinaharap – Newton Lee

“Hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao.” Ito ang pangunahing
layunin ng larangan ng Humanidades. Tao—ang kaniyang kaisipan, kalagayan, at kultura—ang
binibigyang-tuon sa pag-aaral ng larangang ito.

Binubuo ng mga sumusunod na disiplina ang larangan:

 Panitikan
 Wika
 Pilosopiya
 Relihiyon
 Sining – biswal
 *pelikula
*teatro
*sayaw
 *applied – graphic
 Industriya/fashion
 Interior Dekoratibo
 Fine Arts (Malayang Sining)  *calligraphy
*Studio arts
*art history
*print making
*mixed media

Reaksiyon sa Iskolatisismo

Ang larangan ng Humanidades ay umusbong bilang reaksiyon sa iskolastisismo sa


panahon ng mga Griyego at Romano kung saan inihahanda ang tao na maging doktor,
abogado, at sa mga kursong praktikal, propesyonal, at siyentipiko.
Inilunsad ito upang bumuo ng mga mamamayang mahusay sa pakikipag-ugnayan sa
kapuwa at makabuluhan at aktibong miyembro ng lipunan.

Metodolohiya at Estratehiya
Gumagamit ng lapit na analitikal, kritikal, at ispekulatibo ang Humanidades. Sa mga ito
nabibigyan ng pagkakataong suriin ang isang teksto sa paraang sistematiko at organisado.

Analitikal na lapit

-ang ginagamit sa pag-organisa ng mga impormasyon sa mga kategorya,


bahagi, grupo, uri, at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa isa’t isa

Kritikal na lapit
-kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon, at pagbibigay ng
sariling opinyon sa ideya

Ispekulatibong lapit
-ang pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o pamamaraan ng pagsusuri,
pag-iisip, at pagsulat

Halimbawa ng mga pamamaraan at estratehiyang ginagamit sa mga lapit na ito:

a. Deskripsiyon o paglalarawan

Halimbawa: “Kahit maaga pa’y napakarami na ang taong paroo’t parito. Nangingibabaw ang
ingay at mababakas ang kasiglahan ng mga tindera sa pagsalubong sa isa na namang bagong
araw. Katakam-takam tingnan ang mga sariwang gulay, ang kumikinang-sa-karaniwang mga
isda, mga bagong dating na karne, prutas, at iba pa.” Feodor Villarin, “Mas Mahalaga Kaysa
Uno” Binhi,1990.

a. Paglilista

Halimbawa: “Sa daloy ng laro, lumalakas (“level up”) ang bawat hero sa pamamagitan ng (1)
pagpatay (“kill”) sa mga kalabang hero, (2) pagbasag ng mga tore (“tower”) ng kalabang
koponan, (3) pagbili ng mga gamit (“items”) gamit ang naiipong pera (“gold”) ng bawat player
mula sa kanilang napatay na mga enemy hero at creep.”
– Gerard P. Concepcion, “Ang Umuusbong na Wika ng Kabataang Pilipino sa Paglalaro
ng
DOTA” Salindaw,(2012)

b. Kronolohiya o pagkakasunod-sunod ng pangyayari

Halimbawa: “Ang mga pangyayari sa tinatawag na telecommunication revolution ay


nagdulot ng malaking impak sa teknolohiya ng komunikasyon mula nang maipakilala ang
telegraph noong dekada 40 ng siglo 19. Kaagapay nito ang pagsulong ng Morse Code
noong 1844 (Search Unified Communication). Ang mga tuklas na ito ang nagbunsod sa
iba’t ibang modipikasyon at pagbabago sa teknolohiya ng komunikasyon.Taong 1960
nang magkaroon ng telecommunication satellite na isang balloon. Naging sunud-sunod
na ang lalo pang pag-unlad ng teknolohiya hanggang sa makapaglagay ng unang satellite
sa kalawakan, ang Telstar, na naging dahilan upang maging posible ang komunikasyon
ng tao sa bawat panig ng mundo (Harasim, 1993:5). – Mary Anne S. Sandoval, “Wika sa
Komnet, Isang Bagong Rehistro ng Wikang Filipino” Salindaw,(2012)

d. Sanhi

at
Bunga
Halimbawa: “Nakababahala para sa mga magulang kung Jejemon ang isang anak dahil
nakikita nilang nakasasama ito para sa kanilang anak. Kadalasan, kung talagang
nahumaling na ang isang tao sa paggamit ng wikang jejemon, ginagamit niya na rin ito sa
pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Kung hindi naiintindihan ng mga magulang ang
Jejemon, magkakaroon ng isang harang sa pagitan ng magulang at anak sa
komunikasyon. Dahil dito, maaaring mapalayo ang loob ng anak sa kaniyang mga
magulang. Vivencio M. Talegon, “Kultura at Sistemang Jejemon: Pag-aaral sa Varayti at
Baryasyon ng Filipino Slang”Salindaw,2012

e. Pagko
kompa
ra
Halimbawa: “Kapuna-puna ang kaibahan sa Kubismong Pranses ng mga likha ni
Manansala, na kung kaniyang tawagi’y Tahimbuhay. Naiiba ang mga ito hindi lamang sa
kanilang pagpapahalaga sa kaanyuan ng mga bagay na ipininta, kundi pati sa karamihan
ng mga hugis ng mga bagay. Naririto ang palayok, kawali, mangkok, sandok, gayundin
naman ang iba’t ibang sangkap ng anumang iluluto. Isda, kamatis, at iba pang mga
gulay.”
- Rod Paras Perez, “Sining ng Nagsisikip na Dingding.” Binhi, 1990

f. Epekto
Halimbawa: “Kailangang alam natin, ani Gunnar Myadal, ang sapat na pagnanasang
mag-aruga sa kapwa o ng pag-aalaala sa madla (social consciousness) upang ang mga
produkto ng ating pagsulong ay maging pangmatagalan, maging panghabambuhay.”
- Pura Santillan-Castrence, “Ang Pag-unlad at ang Pagbabago ng Mga Gawi at
Paguugali, Binhi, 1990

Pagsulat sa Humanidades
Tatlong anyo ng pagsulat sa larangan ng Humanidades batay sa layunin (Quinn at
Irvings, 1991):

A. Impormasyonal – Maaari itong isagawa sa pamamagitan ng mga sumusunod:


*Paktuwal na impormasyon bilang background gaya ng talambuhay o maikling bionote
tungkol sa may-akda o libro sa pabalat, artikulo tungkol sa kasaysayan ng mga bagay, at
iba pa.

*Paglalarawan – Nagbibigay ito ng detalye, mga imahe na dinedetalye sa isipan


ng mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan ay isinasagawa sa mga
akdang pampanitikan gaya ng kritisismo, tula, kuwento, nobela, at iba pa.

*Proseso – Binubuo ito ng paliwanag kaugnay ng teknik, paano isinagawa, at ang naging
resulta na kadalasa’y ginagawa sa sining at musika.

B. Imahinatibo – Binubuo ito ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon (nobela,


dula, maikling kuwento) sa larangan ng panitikan, gayundin ang pagsusuri dito.
C. Pangungumbinse – Pangganyak ito upang mapaniwala o di-mapapaniwala ang
bumabasa, nakikinig, at nanonood sa teksto o akda. Subhetibo ito kaya’t mahalagang ang
opinyon ay kaakibat ng ebidensiya at katuwiran o argumento.

A. Gawin ang mga sumusunod. Ibahagi sa klase pagkatapos.


1. Sumulat ng isang talatang nagbubuod sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayarib tungkol sa isang nabasang maikling alamat, kwentong bayan,
maikling kwento.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
____________

2. Gumawa ng recipe ng isang ulam o kakanin na espesyal sa iyong lugar. Isulat ang
recipe na ito. Siguruhing narito ang mga element ng recipe.
• Pamagat
• Pinanggalingan (halimbawa: Popular sa Pampanga, Bicol, Cebu, Laguna)
• Mga Sangkap
• Paraan ng pagluluto ayon sa pagkakasunod-sunod

Aralin 7
Pagsulat sa Larangan ng Agham Panlipunan: Pagkikritik

Layunin:
• Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Makilala ang Agham Panlipunan bilang disiplina;
2. Maisa-isa ang disiplina sa ilalim ng Agham Panlipunan;
3. Matukoy angk atangian ng sulating pang-Agham Panlipunan; at
4. Maisa-isa ang proseso ang pagsulat ng isang kritik pang-Agham Panlipunan.

BALIK TANAW

1. Nabanggit sa Aralin 6 na ang paksa ng Humadidades ay tao at kaniyang damdamin,


persepyon sa sarili, at sa kaniyang sining. Ano sa iyong palagay ang pinapaksa ng Agham
Panlipunan? Ipaliwanang sa isang talata ang iyong palagay.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Bumuo ng inyong FAMILY TREE na naglalaman ng tatlo hanggang apat na henerasyon (


ninuno, lolo o lola, tatay o nanay , kapatid o sarili). Gawing masining at malikhain ang
iyong graphic organizer ng family tree. Isulat sa bond paper at ibahagi sa klase.
Pagsulat sa Larangan ng Agham Panlipunan: Pagkikritik

Ang pundamental na konsepto ng Agham Panlipunan ay KAPANGYARIHAN na


pareho ng esensiya ng ENERHIYA na pundamental na konsepto ng Pisika. – Bertrand
Russel

Ang Agham Panlipunan ay nagbibigay ng pangakong kalagayan ng tao; ang buhay


natin ay lubhang mapauunlad ng mas malalim na pag-unawa sa indibidwal at sa
kolektibong asal at kilos.
– Nicholas A. Christakis

Ang Agham Panlipunan ay isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao— kalikasan,


mga gawain, at pamumuhay nito, kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos
nito bilang miyembro ng lipunan.

Kaiba ito sa larangan ng Humanidades na tumatalakay sa mga sinaunang kaugalian at sa


katangian ng tao bilang nilalang at indibidwal.

Humanidades vs. Agham Panlipunan

Tao at kultura ang sakop ng pag-aaral at paksa ng Humanidades gayundin ng Agham


Panlipunan. Ngunit kaiba sa Humanidades, ang Agham Panlipunan ay itinuturing na
isang uri ng siyensiya o agham.
Humanidades Agham Panlipunan
- ispekulatibo, - Siyentipiko (iba-iba
analitikal, kritikal, depende sa disiplina)
at deskriptibo

Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan

1. Sosyolohiya – Pag-aaral ng kilos at gawi ng mga tao sa lipunan, ang mga pinagmulan,
pagunlad, at pagkabuo ng mga samahan at institusyong panlipunan upang makabuo ng
mga kaalaman tungkol sa kaayusan at pagbabago sa lipunan.
Gumagamit ito ng empirikal na obserbasyon, kuwalitatibo, at kuwantitatibong metodo.
2. Sikolohiya – Pag-aaral ng kilos, pag-iisip, at gawi ng tao. Gumagamit din ito ng empirikal
na obserbasyon.

3. Lingguwistika – Pag-aaral ng wika bilang sistema kaugnay ng kalikasan, anyo, estruktura,


at baryasyon nito. Bahagi ng pag-aaral ang ponetika, ponolohiya, morpolohiya, sintaks, at
gramatika.

4. Antropolohiya – Pag-aaral ng mga tao sa iba’t ibang panahon ng pag-iral upang


maunawaan ang kompleksidad ng mga kultura. Ginagamit dito ang participant
observation o ekspiryensiyal na imersiyon sa pananaliksik.
5. Kasaysayan – Pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral ng isang grupo, komunidad,
lipunan, at ng mga pangyayari dito upang maiugnay ito sa kasalukuyan. Ginagamit ang
lapitnaratibo upang mailahad ang mga pangyayaring ito.

6. Heograpiya – Pag-aaral sa mga lupaing sakop ng mundo upang maunawaan ang


masalimuot na mga bagay kaugnay ng katangian, kalikasan, at pagbabago rito, kasama na
ang epekto nito sa tao. Mga metodong kuwantitatibo at kuwalitatibo rin ang ginagamit sa
mga pananaliksik dito.

7. Agham Pampolitika – Pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika, at mga patakaran, proseso,


at sistema ng mga gobyerno, gayundin ang kilos-politikal ng mga institusyon. Gumagamit
din ito ng analisis at empirikal na pag-aaral.

8. Ekonomiks – Pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso ng produksyon,


distribusyon, at paggamit ng mga serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang bansa.

9. Area Studies – Interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay ng isang bansa, rehiyon, at


heograpikong lugar.

10. Arkeolohiya – Pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact, at monumento kaugnay ng


nakaraang pamumuhay at gawain ng tao.

11. Relihiyon – Pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala, sistemang


kultural, at mga pananaw sa mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan
(uniberso) bilang nilikha ng isang superyor at superhuman na kaayusan.

Pagsulat sa Agham Panlipunan

*simple
*impersonal
*direkta
*tiyak ang tinutuk
*argumentatibo oy
*nanghihikayat
*naglalahad
*di-piksyon ang anyo
*madalas ay mahaba dahil sa presentasyon ng mga ebidensya ngunit sapat upang
mapangatwiranan ang katuwiran o tesis.

Mga Anyo ng Sulatin

*report
*sanaysay
*papel ng pananaliks
*abstrak ik
*artikulo
*rebyu ng libro o artikulo
*biyograpiya
*balita
*editoryal

*talumpati
*adbertisment
*proposal sa pananaliksik
*komersiyal sa telebisyon
*testimonial

Pagsulat sa Larangan ng Agham Panlipunan: Pagkikritik Proseso:

a. Pagtukoy sa o anyo ng sulatin gaya ng binanggit sa


genre itaas.
b. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa.
c. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap.
d. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos.
e. Pagkalap ng datos bilang ebidensiya at suporta sa tesis.
d. Analisis ng ebidensya gamit ang lapit sa pagsusuring kuwantitatibo, kuwalitatibo,
argumentatibo, deskriptibo, at etnograpiko.
e. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado (simula, gitna, at wakas)
angkop, sapat, at wastong paraan ng pagsulat.
f. Pagsasaayos ng sanggunian at talababa sa mga ginamit na sulatin ng ibang may akda.
LAYAG- DIWA

1. Ilista ang pagkakapareho at pagkakaiba ng Humanidades at Agham Panlipunan. Ilagay sa


Venn Diagram. Magbigay ng tig-lilimang pakakaiba at pagkakapareho.

Aralin 8
Pagsulat sa Larangan ng Siyensya at Teknolohiya:
Pagbuo ng Pananaliksik o Kritikal na Editoryal

Layunin:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Mabigyang-linaw ang katangian ng pag-aaral at pananaliksik sa larangan ng
siyensiya at teknolohiya;
2. Maisa-isa ang mga disiplina sa larangan ng siyensiya at teknolohiya; at
3. Matutukoy ng mga halimbawang sulatin at gawain sa siyensiya at teknolohiya.

BALIK- TANAW

1. ANO ANG PAGKAKAKILALA MO SA SUMUSUNOD NA PERSONALIDAD?


ISULAT ANG SAGOT SA PATLANG.

1. ALBERT EINTEIN
:_________________________________________________________________
_____
2. ISAAC
NEWTON:________________________________________________________
_______________

3. AGAPITO
FLORES:_________________________________________________________
_____________
4. DR. FE DEL
MUNDO:_________________________________________________________
___________
5. DANIEL
RUTHERFORD:____________________________________________________
______________
2. IPALIWANAG ANG KAHULUGAN NG SUMUSUNOD NA BAGAY AT TUKUYIN
ANG MGA IMBENTOR NG MGA ITO (maaring magsaliksik sa internet)
1. Mobile
phone:_______________________________________________________________
____________
Imbentor:_____________________________________________________________
__________________
2. GPS_________________________________________________________________
___________________
Imbentor:_____________________________________________________________
__________________
3. MP3:________________________________________________________________
___________________
Imbentor:_____________________________________________________________
__________________
4. Credit card:
_____________________________________________________________________
________
Imbentor:_____________________________________________________________
__________________
5. VTR:________________________________________________________________
____________________
Imbentor:_____________________________________________________________
__________________

Pagsulat sa Larangan ng Siyensya at Teknolohiya:


Pagbuo ng Pananaliksik o Kritikal na Editoryal

Siyensiya

• Ang salitang siyensiya o science (agham ang tawag dito ng mga Pilipino) ay galing sa
salitang Latin na scientia, ibig sabihi’y karunungan.
• Ang layunin ng siyensiya ay maparami at mapalawak ang datos upang makapagbuo ng
teorya.
Likas na Siyensiya

 Ang larangang nagtutuon sa pag-aaral ng mga penomenang likas sa mundo—


sistematikong identipikasyon, obserbasyon, deskripsiyon, klasipikasyon,
eksperimentasyon, imbestigasyon, at teoretikal na paliwanag sa mga penomenong ito
na may layuning mabatid at magkaroon ng kaalaman tungkol dito.
Siyensiyang Panlipunan

• Ang larangang tumutuon sa lipunan ng mga tao. Umiiral ang mga penomenong
panlipunan dulot o resulta ng interbensiyon at interaksiyon ng mga tao sa lipunan.
Bagamat magkahiwalay, may mahalagang elementong sangkot sa dalawang larangan—
ang tao
• Tao ang nakikinabang, gumaganap, at nabubuhay sa mga elemento ng kalikasan, at tao
rin ang bumubuo sa lipunan.
Teknolohiya

• Pinagsamang salita ito ng Griyego na techne (sining, kakayahan, craft o paraan kung
paano ginagawa ang bagay); at logos o salita, pahayag, o binigkas na pahayag
• Ang praktikal na aplikasyon ng mga impormasyon at teoryang pansiyensiya.

• Umaasa ito sa mga teoryang pansiyensiya. Ito ang paglikha at paggamit ng iba’t ibang
pamamaraan o kaugnayan ng buhay, kapaligiran, kalikasan, at lipunan.
Sining

• Ang siya mismong obheto o layunin nito—isang paglikha upang muling makabuo ng
isang ideya o interpretasyon mula sa babasa, titingin, o makikinig dito.
• Emosyon ang nililikha ng sining.
• Tao pa rin ang mahalaga sa mga larangang ito.
Mga Disiplina sa Larangan ng Siyensiya at Teknolohiya

Siyensya

- Biyolohiya – Nakatuon sa mga bagay na buhay – ang estruktura, pinagmulan, ebolusyon,


gamit, distribusyon, at paglawak ng mga ito
- Kemistri – Nakatuon sa komposisyon ng mga substance, properties, at mga reaksiyon at,
interaksiyon sa enerhiya at sa sarili ng mga ito.
- Pisika – Nakatuon ito sa mga property at interaksiyon ng panahon, espasyo, enerhiya, at
matter. Mula ito sa Griyego na Phusike o kaalaman sa kalikasan.
- Earth Science/Heolohiya – Sistema ng planetang daigdig sa kalawakan –klima, karagatan,
planeta, bato, at iba pang pisikal na elemento kaugnay ng pagbuo, estruktura, at mga
penomena nito. Kung minsa’y tinatawag din itong Heolohiya
- Astronomiya – Pag-aaral ito ng mga bagay na selestiyal – mga kometa, planeta, galaxy,
bituin, at penomenang pangkalawakan.
- Matematika – Siyensiya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika, at ugnayan ng mga
numero, pigura, anyo, espasyo, kantidad, at estruktura na ipinahahayag sa pamamagitan
ng mga simbolo.
Teknolohiya

- Information Technology (IT) – Pag-aaral at gamit ng teknolohiya kaugnay ng pagbibigay


at paglilipat ng impormasyon, datos, at pagpoproseso. Ito rin ang pag-unawa, pagpaplano,
pagdidisenyo, pagbuo, distribusyon, pagpoprograma, suporta, solusyon, at operasyon ng
mga software at kompyuter.
- Inhinyeriya – Nakatuon sa aplikasyon ng mga prinsipyong siyentipiko at matematiko
upang bumuo ng disenyo, mapatakbo, at mapagana ang mga estruktura, makina, proseso,
at sistema.
- Aeronautics – Teorya at praktis ng pagdidisenyo, pagtatayo, matematika, at mekaniks ng
nabigasyon sa kalawakan.

Pagsulat at Metodo ng Pananaliksik sa Siyensiya at Teknolohiya

Ang metodong siyentipiko ang ginagamit na proseso sa pag-aaral at pananaliksik sa siyensiya.

Pagkolekta ng Pagbuo ng Hipotesis


Pahayag ng
Impormasyon

Problema
Pagsubok ng
Hipotesis

Kongklusyon: Resulta di-


Kongklusyon: Resulta Sumusuporta sa Hipotesis
Sumusuporta sa Hipotesis

Ang isang mabuti at magaling na teknolohiya ay dumaraan naman sa sumusunod na


proseso:

Disenyo/Sol Mga Mga Mga


Kongklusion
usyon sa Tanong Ebidensya Argumento
Problema Ano? Produkto/Pro
seso/Solusyo

Metodong IMRaD sa Siyensiya at Teknolohiya

I – Introduksiyon – problema, motibo, layunin, background, at pangkalahatang pahayag; Bakit


isinasagawa ang pag-aaral? Ano ang mga tanong na dapat sagutin? Ano ang pinatunayan ng
hipotesis?

M – Metodo – mga modelo at panukat na gagamitin, ano, kailan, saan, paano, gagamitin ang
materyal. Sino-sino ang sangkot?
R – Resulta ng ginawang empirikal na pag-aaral. Tama ba ang hipotesis? Ipapakita ito sa
pamamagitan ng mga tsart, graph, plot, at iba pang graphic organizer

a – Analisis ng isinagawang pag-aaral batay sa resulta.

D – Diskusyon at konklusyon ito ng isinagawang pag-aaral. Ano ang implikasyon ng resulta?


Bakit? Ano ang maitutulong nito sa lipunan sa hinaharap? May mga paglabag ba ito sa etika?
Makabuluhan ba ito? Masasabi bang malaking kontribusyon ito sa sangkatauhan?

Ilang Kumbensiyon sa Pagsulat

1. Gumagamit ng atin, kami, tayo ang sulating siyentipiko at teknikal, hindi personal
(halimbawa: ako, ikaw, at iba pa)

2. Hindi pasibo kundi aktibo

3. Nasa pangkasalukuyan (halimbawa: matematika)

4. Maraming drowing (halimbawa: kemistri)

Ilan sa mga sulating akademiko sa siyensiya at teknolohiya ang mga sumusunod:

a. Teknikal na Report
b. Artikulo ng pananaliksik
c. Instruksiyonal na polyeto o handout
d. Report Panlaboratoryo
e. Plano sa Pananaliksik
f. Katalogo
g. Teknikal na Talumpati o Papel na Babasahin sa Komperensiya
h. Report ng Isinagawang Gawain (Performance Report)

Pagsubok:

Ibigay ang mga hinihiling na sagot sa bawat katanungan. Bawat bilang ay magbigay ng 5- 10
pangungusap na magsisilbing paliiwanag.

1. Ang siyensiya at teknolohiya ba ay pwedeng isama? Ipaliwanag


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________
2. Magbigay ng mga dalawang disiplina na pwedeng pagsamahin mula sa siyensiya at
teknolohiya na makapagbigay ng maganda maidudulot sa ating mundo at sa tao?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________
3. Paano makakatulong ang pag-aaral ng siyensiya at teknolohiya sa iyo bilang isang
magaaral?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________

Aralin 9

Pagpayaman at Pag-oorganisa ng Datos: Character Sketch Layunin:

• Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mag-aaral ang sumusunod:


1. Matukoy ang mga elemento ng isang character sketch;
2. Maipaliwanag ang katangian ng character sketch bilang isang akademikong sulatin; at

3. Makilala ang iba’t ibang estratehiya ng pagpaparami ng datos o detalye para sa character
sketch.
4. 4. natitiyak ang pagkakaiba ng kongkreto at abstraktong salita;
5. 5. napag-iiba-iba ang mga paraan ng pagsasaayos ng datos

Balik tanaw:

Sumulat ng mga salita o pariralang pinakaangkop na makapaglalarawan sa sumusunod na paksa:

Halimbawa :

ANDRES BONIFACIO - matapang, supremo ng katipunan, manunulat

1. JOSE RIZAL
2. NINOY AQUINO
3. Alaga Mong Hayop
4. Ina Mo
5. Ama Mo
6. Kaklase Mo
7. Paborito mong guro
8. LUNETA
9. Kapitbahay mo
10. Kaaway mo
Pagpapayaman at Pag-oorganisa ng Datos sa Character Sketch
Ilan sa mahahalagang katangian ng akademikong pagsulat ang pagkakaroon ng sapat at
mapagkakatiwalaan o mapatutunayang datos at mabisang pagkakaayos ng mga ito para
maipaabot sa mambabasa ang nais sabihin ng manunulat.

Batay rito, kahit ang mga anyo ng malikhaing pagsulat ay kakikitaan din ng mga katangian ng
akademikong pagsulat.

Character Sketch—isang anyo ng sanaysay na naglalarawan o nagsasalaysay tungkol sa isang


tao, hayop, bagay, o lugar tungo sa isang impresyon o kakintalan, o kaya’y insight o kabatiran.

Sa pagpili ng paksa, isaalang-alang ang dalawang bagay.

• Una, pumili ng paksa na pamilyar sa manunulat.


• Pangalawa, pumili ng paksa na makabuluhan sa lipunan.

Pagpaparami ng Datos sa Character Sketch

Dalawang aspekto ng pagsulat ang mahalaga sa character sketch:

• Una, ang kasapatan ng datos, at


• Pangalawa, ang organisasyon o pagsasaayos ng mga datos na ito.
Mahalaga na matutuhan ang ilang estratehiya sa pagpaparami ng datos sa konteksto ng personal
na sanaysay tulad ng character sketch.

PAGLILISTA

 Inililista ang anumang salita o parirala na may kaugnayan sa paksa.


 Hindi kailangang bigyang paliwanag o bigyang-katuwiran sa isip ang bawat
impormasyong isusulat sa listahan.
Ang mahalaga, isulat lamang ang lahat ng detalyeng pumasok sa isip habang naglilista.

PROSESO SA PAGLILISTA

1. Sa isang malinis na papel, isulat sa ibabaw ang paksa ng character sketch.


2. Sa ilalim nito, sumulat ng anumang salita o parirala na pumapasok sa isip kaugnay ng
paksa.
3. Maaari ding maglista ng mga salita o pariralang may kaugnayan, hindi lamang sa paksa,
kundi maging sa mga salita o pariralang nailista na.
4. Huwag masyadong mag-isip. Iwasan din munang mag-edit. Ang mahalaga ay ang
tuloytuloy at mabilisang paglilista.
5. Ang paliwanag tungkol sa sa estratehiyang ito, kapag may presyur sa pagsusulat, tulad ng
tuloy-tuloy na paglilista, lumalabas ang ilang impormasyon o detalye nang hindi
inaasahan.
6. Orasan ang paglilista. Gawin lamang ang paglilista sa loob ng limang minuto.
PAGMAMAPA
 Isinusulat din ang mga salita o parirala na may kaugnayan sa paksa. Ang kaibahan lamang,
mas naipakikita sa estratehiyang ito ang koneksiyon ng mga detalye o aytem sa listahan
sa isa’t isa.

Proseso sa Pagmamapa

1. Sa isang malinis na papel, gumuhit ng isang maliit na bilog sa gitna.


2. Sa loob ng bilog ay isulat ang paksa.
3. Mula sa isang gilid ng bilog, gumawa ng isang maiksing guhit palayo rito.
4. Sa ibabaw ng guhit ay sumulat ng isang salita o parirala na may kaugnayan sa paksa.
5. Pagkatapos nito, gumawa naman ng isang maiksing guhit na nakadugtong sa unang
guhit.
6. Sa ibabaw ng bagong guhit, sumulat ng salita o parirala na may kaugnayan sa nakasulat
sa unang guhit.
7. Muling gumawa ng isang maiksing guhit na maaaring nakadugtong sa una o
pangalawang guhit, depende kung saan nakaugnay ang susunod na salita o pariralang
maiiisip.
8. Ulitin lamang ang proseso hanggang sa magsanga-sanga ang mga guhit.
9. Kapag wala nang maisip na detalye, bumalik sa bilog at muling gumawa ng maiksing
guhit na nakakabit sa bilog.
10. Puwedeng gumawa ng maraming guhit mula sa bilog.
11. Orasan ang pagmamapa. Gawin lamang ito sa loob ng 15 minuto.
MALAYANG PAGSULAT

• Tuloy-tuloy na paglilista ng mga detalye sa anyong patalata. Mahalaga sa estratehiyang


ito ang mahigpit na pagsunod sa wastong proseso.
• Tulad sa paglilista, kontrolado rin ang oras ng pagsasagawa ng estratehiya upang maging
mabisa ito at makapagpalitaw ng mga detalye tungkol sa paksa.
PROSESO NG MALAYANG PAGSULAT

1. Sa isang malinis na papel, isulat sa ibabaw ang paksa.


2. Tiyakin na walang anumang sagabal sa pagsulat bago magsimula.
3. Siguraduhin ding maoorasan ang proseso.
4. Sa pagsisimula, sumulat ng mga parirala o pangungusap na may kaugnayan sa
nakaugnay sa paksa.
5. Sa mga susunod, isulat lang ang kung anumang pumasok sa isip. Huwag munang mag-
edit. Hindi rin kailangang sumunod sa wastong gamit ng bantas.
6. Kung walang pumapasok na salita o detalye sa isip, ulit-ulitin lang ang huling salita na
isinulat; puwede ring maglagay ng sunod-sunod na tuldok.

7. Hangga’t maaari, huwag iaangat ang lapis o bolpen mula sa papel.


8. Mahalagang tuloy-tuloy at mabilis ang pagsulat.
9. Ang prinsipyo ay katulad din sa estratehiya ng paglilista—lumilitaw ang nakatagong
kaalaman kapag may presyur sa pagsulat.
10. Pagkatapos ng ehersisyong ito, balikan ang naisulat at bilugan ang mga detalyeng hindi
akalain na maiisusulat. Maaaring dito ibatay ang pagdebelop ng sulatin.
11. Orasan ang malayang pagsulat. Gawin lamang ito sa loob ng limang minuto.

PAGSASAAYOS NG MGA DATOS SA CHARACTER SKETCH

Kailangang mabigyan ng kaayusan ang mga datos upang makatulong sa pagpapalitaw ng


kakintalan o kabatirang nais palitawin tungkol sa paksa, at upang maintindihan ng mambabasa
ang sulatin.

May ilang paraan ng pagsasaayos ng mga detalye na tatawaging orasan, paputok, at sayaw.

ORASAN

Maaari itong magsimula sa detalye o pangyayaring pinakaunang naganap na susundan ng iba


pang detalye o pangyayaring lumitaw o naganap ayon sa daloy ng panahon.

PAPUTOK

Batay sa paputok, nagsisimula sa isang mahalagang pangyayari, at, kasunod nito, ilalahad naman
ang mga bunga o resulta ng pangyayaring ito.

SAYAW

Tinawag na sayaw ang estratehiyang ito dahil ang manunulat ay puwedeng gumamit ng detalye o
pangyayari mula sa iba’t ibang lugar at panahon. Ang magbibigay ng kaisahan sa mga datos na
ito ay ang paksa o temang nais idebelop sa sulatin.

Pagsulat ng Bionote o Pagpapakilala sa Sarili (o Pagpapakilala sa Indibidwal)

Parang isang anyo rin ng character sketch ang bionote o pagpapakilala sa sarili. Isa itong anyo
ng sulatin na pumapaksa sa sarili o sa ibang tao, maikli lamang, at karaniwang may tonong
pormal.

May iba’t ibang sitwasyong nangangailangan ng bionote. Ilan dito ang mga sumusunod:

1. para ipakilala ang may-akda ng isang aklat o artikulo sa isang journal;


2. para ipakilala ang isang natatanging indibidwal sa isang aklat na pang-general reference
tulad ng encyclopedia;
3. para ipakilala ang isang tagapagsalita sa isang kumperensiya o seminar;
4. para ipakilala ang isang panauhing pandangal sa isang pormal na pagtitipon; at
5. para ipakilala ang isang natatanging indibidwal na bibigyan ng parangal.

Ang bawat bionote ay naglalaman ng mga sumusunod:

1. Personal na impormasyon
2. Mga natapos sa pag-aaral
3. Mga natapos na training-workshop
4. Mga likha o naisagawa
5. Mga natamong pagkilala at gawad
Pinal na gawain:

GUMAWA NG BIONOTE T NG ISANG GURO. Sundin ang mga nilalaman nito.

ARALIN 10

Pag-unawa sa Paksa at Pagtitipon at Pag-oorganisa

ng Datos:

Pagsulat ng Ulat

LAYUNIN:

• Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mag-aaral ang sumusunod:


1. Mapaliwanag ang kabuluhan ng ulat sa lipunan;

2. Matukoy ang iba’t ibang uri ng ulat; at


3. Maipaliwanag ang mga gabay sa pagbuo ng isang nakasulat na ulat pangklase.
Balik- tanaw

Pumili ng isa sa mga sumusunod na paksa.

1. Kaso ng Covid-19 sa buong mundo.


2. Online Learning ng mga mag-aaral sa pampribadong paaralan.
3. Kurupsyon ng mga namumuno sa Phil. Health Program ng bansa.
4. Aksyon ng administrasyon Duterte sa pandemikong kinakahrap ng ating bansa.
5. Pagsasara ng ABS-CBN channel.
Gumawa ng maganda at maayos na ULAT tungkol sa paksang pinili.

REPORT

Ang report o ulat ay anumang anyo ng pagpapahayag, maaaring pasulat o pabigkas, na ang
pangunahing layunin ay magpaabot ng makabuluhang impormasyon sa isang indibidwal o isang
grupo ng mambabasa, manonood, o tagapakinig.

Paksa, Datos, Pananaw, Idea sa Pagsulat ng Report

Maituturing na malaman ang ulat kung nagtataglay ito ng makabuluhan, sapat, at


mapagkakatiwalaang datos para matalakay nito ang isang paksa o matugunan nito ang
inaasahang layunin. Maituturing naman na maayos ito kung malinaw ang pagkakahanay ng
datos at napapatingkad ang mahahalagang kaalaman o ideya na nais maipaabot sa mambabasa o
tagapakinig.

Ilan sa mga pamilyar na halimbawa nito ay ang:


1. Mapagsiyasat na ulat (investigative report) – Ulat na nag-iimbestiga tungkol sa isang
napapanahong isyung pampolitika o panlipunan.

2. Taunang ulat (annual report) – Ulat tungkol sa mga nagawa o sa estado sa nagdaang taon ng
isang pampubliko o pribadong organisasyon.

3. Ulat Panahon (weather report) – Ulat tungkol sa kalagayan ng panahon.

4. Ulat ng Pulis (police report) – Ulat tungkol sa nangyaring aksidente, krimen, at iba pang
kaugnay sa isang tiyak na lugar o pamayanan.

5. Siyentipikong Ulat (scientific report) – Ulat tungkol sa resulta ng isang saliksik o


eksperimento na karaniwang inilalathala sa siyentipikong journal o ipinepresenta sa isang
kumperensiya.

Sa konteksto ng paaralan o unibersidad, karaniwang nahihilingang mag-ulat sa klase ang mga


estudyante. Ang ulat ay madalas na nakasentro sa isang paksa at may layuning magbigay ng
makabuluhan, kapaki-pakinabang, napapanahon, at mapagkakatiwalaang impormasyon sa
kanilang mga kaklase.

Maaaring isa-isahin ang mga nabanggit na pamantayan:

• Makabuluhan – Ang mga datos o impormasyon ay may kaugnayan sa paksa.


• Kapaki-pakinabang – Ang mga datos ay may kinalaman sa buhay ng mga babasa o
makikinig.
• Napapanahon – Ang mga datos ay bago, o kung luma man, makatwiran ang paggamit ng
gayong datos.
• Mapagkakatiwalaan – Ang mga datos ay nagmula sa mga pangunahing sanggunian (hindi
iyong galing sa Internet, pagbubuod, o sangguniang hindi kinikilala ang sumulat), sa mga
sangguniang maaaring balikan para mapatunayan ang mga datos, sa mga sangguniang
isinulat ng mga kinikilala sa larang na sumasaklaw sa paksa o inilathala ng mga
iginagalang na tagapaglimbag.
Narito ang ilang gabay para makabuo ang estudyante ng isang malinaw at maayos na ulat.

1. Unawain mabuti ang paksa


2. Tiyakin ang parametro o mga hangganan ng ulat.
3. Kumuha lamang ng impormasyong may kinalaman sa paksa.
4. Umisip ng pinakapayak ngunit pinakamabisang paraan ng presentasyon ng ulat.
Ilan sa karaniwang disenyo ng presentasyon ang sumusunod:

a. Konsepto-halimbawa

b. Sanhi-bunga

c. Sitwasyon-dahilan

d. Problema-solusyon

e. Produkto-proseso

f. Paglalahad ng kasaysayan ayon sa takbo ng panahon

g. Introduksyon-metodo-resulta-pagtalakay
5. Tiyakin na may maibabahaging bagong impormasyon.

6. Gumamit ng mga pantulong na materyal.

7.Gumamit ng angkop na sistema ng dokumentasyon.

Gawain: pag-unawa sa mga ideyang natutunan.

Ipaliwanag ang mga sumusunod na ideya hinggil sa ulat. Maaring magbigay ng


halimbawa para maipaliwanag nang mabuti ang mga ideya.
IDEYA PALIWANAG

1. Nagsisimula ang maayos na ulat sap ag-


unawang mabuti sa paksa.

2. Ang tagaulat ay maaring magtakda ng


parametron o hangganan ng paksa para sa
ulat

3. Kailangang magbigay ng bagong


impormasyon ang isang ulat

4. Ang mga datos o impormasyon ay dapat


na nagmula sa
mapagkatiwalaaang sanggunian

5. Kailangang maging sensitibo o mapili sa


gagamiting datos o impormasyon

ARALIN 11

Pagsuri ng Gawang Malikhain:

Pagsulat ng Rebyu 1

LAYUNIN;

• Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mag-aaral ang sumusunod:


1. Maipaliwanag ang nagaganap na proseso kapag nagrerebyu ng isang gawang malikhain;
2. Mapag-iba ang pangkalahatan at partikular na repertoire o katangian ng isang malikhaing
gawa at ng mambabasa; at
3. Matukoy ang ilang estratehiya kapag sumusuri ng isang gawang malikhain.

Balik- tanaw

Nasa unang hanay ang ilang gawaing malikhain. Sa pangalawang hanay, isulat ang ilang
kurokuro o pananaw mo hinggil sa gawaing ito. Maari ding isulat mo sa pangalawang hanay ay
ang kuro-kuro o pananaw ng iba tungkol sa mga gawaing ito na narinig o nabasa mo.

Gawaing malikhain Kuro-kuro o Pananaw tungkol ditto

1. “Himala” pelikula

2. “Lupang Hinirang” awit

3. “noli me Tangere” nobela

4. Paborito mong pelikula ( isulat ang


pamagat)
5. Paborito mong awit
(isulat ang pamagat)

REBYU

Isang mapanuring pagbasa o pagtatasa ng isang gawang malikhain (tulad ng tula, dula,
pelikula, musika, sayaw) o ng isang gawang akademiko (tulad ng aklat o artikulo na produkto ng
isang pag-aaral o saliksik).Ang isang rebyu ng gawang malikhain ay naglalaman ng una,
batayang impormasyon tungkol sa gawa, at pangalawa, pagsusuri ng rebyuwer sa gawa.

Batayang Impormasyon:

• Kung Dula
1. Pamagat ng dula

2. Grupong pandulaang nagpalabas ng dula

3. Direktor

4. Mandudula

5. Maylikha ng iba’t ibang aspekto ng produksiyon tulad ng musika, sayaw o galaw, pag-iilaw,
disenyo ng set, at iba pa

6. Mga Gumanap (Pangalan ng artista at papel sa dula)


• Kung Pelikula

1.Pamagat ng pelikula

2. Produsyer ng pelikula

3. Direktor

4. Manunulat ng dulang pampelikula

5. Maylikha ng iba’t ibang aspeto ng produksyon (tunog at sound effects) 6. Mga gumaganap

(pangalan ng artista at papel sa pelikula)

Sa pagbubuod halimbawa ng dula o pelikula, mahalagang matukoy ang:

1) pangunahing paksa o tema;


2) banghay;
3) kung walang malinaw na banghay, ang matingkad na disenyo o estruktura o pagkakaayos;

4) ano, sino, saan, kailan, paano, at bakit ng gawa. Tandaan na may iba’t ibang paraan din
ng pagbubuod depende sa gawang ginagawan ng buod.
Pagsusuri

• Ang tampok na bahagi ng isang rebyu.

Pangkalahatang Repertoire na Partikular sa Anyo


Repertoire

Maaaring tumukoy sa Maaaring tumukoy sa iba’t ibang pamamaraan sa pagbuo ng gawa.


nilalaman, tema,
paniniwala, at
pagpapahalagang
karaniwang mahahalaw sa
naratibo o kuwento nito.

• Sa pamamagitan nito, naipahahayag ng rebyuwer ang kaniyang mga pagninilay, pananaw,


at paghuhusga tungkol sa gawa.
Repertoire ng Gawa

Repertoire ng Gawang
Malikhain
Pangkalahatang Partikular na
Repertoire ng Repertoire ng Gawang
Gawang Malikhain Malikhain

Nilalaman Pamamaraan
Tema Kumbensiyon
Elemento
Paniniwala
Estratehiya Teknik
Pagpapahalaga
Genre o Anyo

Repertoire ng Rebyuwer Bilang Mambabasa

Pangkalahatang Repertoire ng Partikular na Repertoire


Rebyuwer ng Rebyuwer

Ang kaniyang mga pananaw, Tumutukoy sa kaalaman ng


kaisipan, paniniwala, at rebyuwer tungkol sa iba’t ibang
pagpapahalaga tungkol sa iba’t pamamaraan na humubog sa gawa
ibang paksa, usapin, o bagay sa na kaniyang nirerebyu.
lipunan at sa mundo.

Repertoire ng Rebyuwer Bilang Mambabasa

Mailalarawan ang repertoire ng mambabasa sa ganitong paraan:


Listahan ng mga Hakbang o Prosesong Ginagawa ng Rebyuwer

1. Tukuyin ang mga batayang impormasyon tungkol sa gawang malikhain.


2. Gumawa ng detalyadong buod ng gawa.
3. Tukuyin ang pangunahing tema o ideya ng gawang malikhain.
4. Tukuyin ang mga pangunahing pansuportang detalye o ideya sa pagdebelop ng
pangunahing tema o ideya ng gawa.
5. Sang-ayunan o pasubalian ang pangunahing tema o ideya ng gawa ayon sa sariling
pananaw, paniniwala, o paninindigan ng rebyuwer.
6. Sang-ayunan o pasubalian ang pangunahing tema o ideya ng gawa ayon sa kasapatan o
katatagan ng mga pansuportang detalye o ideyang ginamit sa pagdebelop ng
pangunahing tema o ideya.
7. Suriin ang pamamaraang (kumbensiyon, elemento o sangkap, estratehiya, teknik, genre o
anyo) ginamit sa pagbuo ng gawa
8. Iugnay ang gawa sa iba pang kaugnay na gawa (kung nagrerebyu ng isang pelikula
tungkol sa Overseas Filipino Worker, maaaring iugnay ito sa iba pang pelikulang
Filipino tungkol sa OFW).
9. Humanap ng mga puwang o katahimikan sa gawa (puwedeng suriin hindi lamang ang
kung ano ang nasa gawa kundi maging ang wala dito, ang hindi nito isinama na sa
palagay mo ay mahalagang naisama sa gawa).
10. Iugnay ang gawa sa napapanahong isyu.
11. Iugnay ang gawa sa personal na buhay.
12. Pagtuonan ang mga susing salita o konsepto sa pamagat at suriin kung paano ito
napapatotohanan o napasusubalian sa kabuuan ng gawa.
13. Iugnay sa sariling pagsusuri ang pagsusuri ng ibang rebyuwer o kritiko tungkol sa gawa
kung mayroon man.
MAHALAGANG TANDAAN:
1. Hindi natatapos ang pagsulat ng rebyu sa hiwa-hiwalay na paglalapat ng mga
estratehiyang nabanggit.
2. Huwag ding tangkain o piliting gamitin ang lahat ng hakbang o prosesong nakalista rito.
Gawain: Rebyu sa Rebyu

Humanap ng halimbawang rebuy na nalathala sa mga pahayagan, magasin, journal, at iba pang
daluyan. Basahin at suriin ang rebuy batay sa mga natutuhang konsepto at proseso ng pagbasa o
pagrerebyu ng gawaing nalikhain sa Aralin 11. Tukuyin ang kalakasan at kahinaan ng rebuy.

ARALIN 12

Pagsusuri ng Gawang Akademiko:

Pagsulat ng Rebyu 2

LAYUNIN:

• Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mag-aaral ang sumusunod:


1. Maipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng gawang malikhain at gawang
akademiko; at
2. Maikumpara ang mga proseso kapag nagrerebyu ng isang gawang malikhain at gawang
akademiko.
3. naiisa-isa ang mga estratehiya kapag sumusuri ng isang gawang akademiko; at
4. natutukoy ang mga estratehiyang ginamit sa isang halimbawang rebyu ng gawang
akademiko.

BALIK-TANAW

Batay sa natutuhan sa sinundang aralin, sikaping maipaliwanag sa sariling paraan ang mga
sumusunod na ideya:
Ideyang Inaasahang Natutuhanan sa Sinundang Sariling Paliwanag
Aralin
1. Ang gawang malikhain ay may mga
katangiang dala kapag nakaharap sa proseso
sa pagbabasa.
2. Ang mambabasa ay may katangiang dala
kapag humaharap sa isang gawang
malikhain.

3. Ang pagbabasa o pagsusuri ay tapatan ng


repertoire o mga katangian ng isang gawa at
ng mambabasa.
4. Ang pagrerebyu ay isang masinsin at mas
malalim na paraan ng pagbabasa.
5. Ang pagbabasa ay isang aktibo proseso.

Pagsuri ng Akademikong Gawa sa Isang Rebyu

Tumutukoy ang gawang akademiko sa mga produkto ng pag-aaral o pananaliksik tungkol sa


mahahalagang paksa sa iba’t ibang disiplina o makabuluhang paksa tungkol sa lipunan.
Karaniwang ipinag-iiba ang gawang malikhain at gawang akademiko.

Gawang Malikhain Gawang Akademiko

 Pangunahing nakabatay  Pangunahing nakabatay sa mga


sa mga malikhaing proseso sistematiko at obhetibong proseso na
na kinasasangkutan ng pinamamayanihan ng kritikal na pag-
imahinasyon ng manunulat. iisip
 Karaniwan ding nabubuo  Karaniwan ding nabubuo sa
sa pamamagitan ng mga pamamagitan ng mga prosesong
prosesong ginagawa sa ginagawa sa pagbuo ng gawang
pagbuo ng gawang malikhain.
akademiko.

Rebyu ng Gawang Malikhain

Batayang Impormasyon :

Kung aklat, maaaring banggitin ang sumusunod:


1. Pamagat ng aklat
2. Pangalan ng may-akda
3. Tagapaglimbag
4. Taon ng Paglilimbag
5. Bilang ng pahina Kung artikulo
1. Pamagat ng artikulo

2. Pangalan ng may-akda
3. Pamagat ng kinapapaloobang aklat
4. Pangalan ng editor ng aklat
5. Tagapaglimbag
6. Taon ng Paglilimbag
7. Pahina ng artikulo

Repertoire ng Gawang Akademiko

Ang gawang akademiko ay karaniwang nasa anyo ng mga artikulong inilalathala sa mga
journal ng mga unibersidad o at iba pang institusyon. Kasama rin ang mga tesis at
disertasyon—mga pananaliksik na ginagawa para makatugon sa pangangailangang
akademiko sa mga pamantasan.
Pangkalahatang Repertoire

• Tumutukoy sa paksa, pangunahing ideya tungkol sa paksang ito, at mga pansuportang


ideya ng gawa.
• Madalas itinuturing na ang paksa at pangunahing ideya ay iisa.
• Ang paksa ay pinag-uusapan o tinatalakay sa isang gawa.
• Ang pangunahing ideya o tema naman ay ang ideyang dinebelop o sinasabi tungkol sa
paksa.
Partikular na Repertoire

Maaaring tumukoy sa mga bahagi ng isang gawang akademiko na karaniwang binubuo ng:

1. Paglalahad ng paksa at suliranin ng pag-aaral

2. Rebyu ng kaugnay na pag-aaral

3. Layunin ng pag-aaral

4. Teoretikal na balangkas

5. Metodo ng pananaliksik

6. Saklaw at delimitasyon

7. Kahalagahan ng pag-aaral

8. Presentasyon ng datos

9. Pagsusuri ng datos

10. Kongklusyon

Ang Repertoire ng Rebyuwer Bilang Mambabasa

Pangkalahatang Repertoire ng Partikular na Repertoire ng Rebyuwer


Rebyuwer
Maaaring tumukoy sa kaniyang mga Maaaring tumukoy sa mga tiyak na
kaalaman, pananaw, o paninindigan estratehiya na ginagamit niya para suriin
tungkol sa paksa at mga ideyang ang gawang akademiko.
nakapaloob sa gawang akademiko.

Estratehiya at Gabay na Tanong ng Isang Rebyuwer ng Gawang Akademiko:

1. Pagtiyak sa Pinagmulan o Kasaysayan ng Gawang Akademiko


2. Pagtimbang sa Kahalagan ng Paksa ng Gawang Akademiko
a. Kailangan ba talagang talakayin ang paksa? 202 Filipino sa Piling Larangan

b. Mahalaga o napapanahon bang usisain ang paksa dahil ito ay napabayaan, maraming
magkakainteres, pumupuno sa kakulangan sa kasalukuyang lawas ng kaalaman?

c. Sa pagtalakay ng temang ito, may naiaambag ba ang gawang akademiko?

3. Pagtatasa sa Linaw ng Pagpapalitaw ng Pangunahing Ideya ng Pag-aaral

a. Malinaw bang naipahayag ang pangunahing ideya ng pag-aaral?

b. Nasusuportahan ba ang pangunahing ideyang ito sa kabuuan ng pagaaral?

4. Pag-uugnay ng Pag-aaral sa Ibang Naunang Pag-aaral

a. Nagpapamalas ba ang pag-aaral ng sapat na kaalaman sa kasalukuyang literatura sa larang na


kinabibilangan ng pag-aaral?

b. Nagbabanggit ba ito ng mas naunang pag-aaral para mas mapalalim ang pag-unawa sa paksa?

5. Pagsusuri sa Disenyo ng Pag-aaral

a. Malinaw ba ang disenyo ng pag-aaral?

b. Malinaw ba ang paliwanag kung paano nakuha ang datos, ebidensiya, impormasyon, at ibang
intelektuwal na materyal para suportahan ang mga ideya sa pag-aaral?

6. Pagsusuri sa Paggamit ng Datos

a. Mapagkakatiwalaan ba ang mga ginamit na datos?

b. Nagamit ba nang mabisa ang mga datos para isulong ang pangunahing ideya ng pagaaral?

7. Pagsusuri sa Paggamit ng Teorya

a. May malinaw bang teorya o konseptong ginamit ang pag-aaral?

b. Malinaw bang naiugnay ang teorya sa pagsusuri ng mga datos?

8. Pagsusuri sa Paggamit ng Teorya

a. May malinaw bang teorya o konseptong ginamit ang pag-aaral?

b. Malinaw bang naiugnay ang teorya sa pagsusuri ng mga datos?


9. Pagsusuri sa Paggamit ng Teorya

a. May malinaw bang teorya o konseptong ginamit ang pag-aaral?

b. Malinaw bang naiugnay ang teorya sa pagsusuri ng mga datos? 10. 10. Pagtatasa

sa Kalidad ng Komunikasyon

a. Malinaw ba ang pagkasulat ng pag-aaral?

b. Angkop ba ang wika at estilo ng pagkasulat na ginamit para sa inaasahang mambabasa?

LAMBAT-LIKHA

Gawain:

1. Humanap ng isang halimbawang rebuy ng gawang akademiko. Maaaring makakita nito sa


mga akademikong journal, lalo na iyong inilathala ng university press o limbagang
pampamantasan.
2. Basahing mabuti ang rebyu. Markahan ng numero ang bawat talata tulad ng makikita sa
halimbawang rebyu sa araling ito.
3. Gumawa ng teybol na katulad ng nasa Gawain 3 ng Layag-Diwa. Tukuyin din ang
iba’tibang estratehiya ng pagsulat ng rebyu na ginamit sa halimbawang rebyu na nakita
mo. Tiyakin dun kung saang talata makikitang ginamit ang estratehiyang ito.
4. Ibahagi sa klase ang iba pang estratehiya na napansin mo na wala pa sa listahan ng mga
estudyante na nasa araling ito.
5. Mahusay ba ng nakita kong rebyu. Ipaliwanag ang sagot.

ARALIN 13

Pagsusuri ng Isyu at Pagbuo ng Tindig sa Posisyong Papel

Layunin:

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1. Mailahad ang gamit ng posisyong papel sa lipunan;


2. Maisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel; 3. Masuri ang
nilalaman at estruktura ng isang posisyong papel; at
4. Makasulat ng isang posisyong papel.

Nasa unang hanay ang mga posisyon sa ilang panlipunan. Sa dalawang susunod na hanay, isulat
ang tig-isa o tigalawang katuwiran para suportahan o kontrahin ang posisyon na nasa unang
hanay.

Posisyon Katuwirang Katuwirang


Sumusuporta Kumokontra
1. Dapat nang baguhin ang
pagsisimula ng klase – mula
Hunyo patungong Agosto.

2. Dapat na magsuot ng
uniporme ang mga
estudyante mula elementary
hanggang kolehiyo.

3. Dapat na ipagbawal ang


paggamit ng plastic sa lahat
ng tindahan sa buong bansa.

4. Dapat nang ibalik ang


parusang kamatayan.

5. Dapat nag awing legal ang


paggamit ng marijuana sa
panggagamot.

Paghahanay ng mga Katuwiran at Pagbuo ng Paninindigan sa Posisyong Papel

Posisyong Papel

- isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o grupo


tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu.

Gamit ng Posisyong Papel

1. Pagkakataon ito para sa may-akda na magtipon ng datos, organisahin ang mga ito, at
bumuo ng isang malinaw na paninindigan tungkol sa isang paksa o usapin.
2. Sa pamamagitan din ng posisyong papel, naipakikilala ang kredibilidad sa komunidad ng
mga may kinalaman sa nasabing usapin.
3. Para sa lipunan naman, ang posisyong papel ay tumutulong para maging malay ang mga
tao sa magkakaibang pananaw tungkol sa isang usaping panlipunan.

Paghahanay ng mga Katuwiran at Pagbuo ng Paninindigan sa


Posisyong Papel

Katuwiran vs. Paninindigan

Katuwiran
-galing sa salitang “tuwid” na nagpapahiwatig ng pagiging tama, maayos, may
direksiyon o layon.

Paninindigan

- galing sa “tindig” na nagpapahiwatig naman ng pagtayo, pagtatanggol, paglaban,


at maaari ding pagiging tama.

Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

1. Tiyakin ang paksa.

a. Una, puwedeng reaksiyon ito sa isang mainit na usaping kasalukuyang pinagtatalunan.


b. Pangalawa, puwedeng tugon lamang ito sa isang suliraning panlipunan.
2. Gumawa ng panimulang saliksik.

a. Matapos matiyak ang paksa, gumawa ng panimulang saliksik.


b. Magbasa-basa ng diyaryo o magtatanong-tanong ng opinyon sa mga taong may awtoridad
sa paksa para mapalalim ang pagkaunawa sa usapin.
c. Sikaping maging bukas muna ang isip para makabuo ng matalino at makatuwirang
posisyon.
3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inihanay na mga katuwiran

a. Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig upang matimbang ang


dalawang posisyon.
b. Mas makabubuting isulat sa papel ang mga katuwiran sa dalawang hanayan para
magkaroon ng biswal na representasyon ng mga ito.
c. Maaari ding pagtapat-tapatin ang bawat katuwiran at kontra-katuwiran para makita kung
alin ang walang katapat o hindi pa nasasagot.
4. Gumawa ng mas malalim na saliksik

a. maaaring pagtuunan na ang mga katuwiran para sa panig na napiling panindigan


b. Maaaring sumangguni sa mga aklat at akademikong journal.
c. Maaaring makipanayam sa mga taong may awtoridad sa paksang pinagtatalunan.
d. Mahalaga ring gumamit ng mga ulat ng ahensiya ng pamahalaan, NGO, pribadong
organisasyon, pahayagan, at magasin upang makapagtampok ng napapanahon mga datos
o impormasyon.
5. Bumuo ng balangkas

Matapos matipon ang mga datos, gumawa ng balangkas para matiyak ang direksiyon ng
pagsulat ng posisyong papel.

Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel

 Introduksiyon
-Ipakilala ang paksa. Dito rin ipaliwanag ang konteksto ng usapin. Maaari na ring
banggitin dito ang pangkalahatang paninindigan sa usapin.

 Mga Katuwiran ng Kabilang Panig


a. Isa-isang ihanay dito ang mga katuwiran ng kabilang panig.
b. Ipaliwanag nang bahagya ang bawat katuwiran.
c. Banggitin din ang sanggunian o pinagkunan ng katuwirang ito—mga dokumento,
memorandum, interbiyu, at iba pa.
 Mga Sariling Katuwiran
a. Isa-isa namang ihanay rito ang sariling mga katuwiran.
b. Sikaping may katapat na katuwiran ang bawat isa sa kabilang panig.
c. Bukod dito, maaari ding magbigay ng iba pang katuwiran kahit walang itong katapat. Sa
gayon, maipakikita ang kalamangan ng sariling paninindigan.
 Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran
a. Dito maaaring palawigin ang paliwanag sa sariling mga katuwiran.
b. Maaaring magbigay dito ng karagdahang ebidensiya para lalong maging kapani-paniwala
ang sariling mga katuwiran

 Huling Paliwanag Kung Bakit ang Napiling Paninindigan ang Dapat


a. Lagumin dito ang mga katuwiran. Ipaliwanag kung bakit ang sariling paninindigan ang
pinakamabuti at pinakakarapat-dapat.

 Muling Pagpapahayag ng Paninindigan at/o Mungkahing Pagkilos


a. Sa isa o dalawang pangungusap na madaling tandaan, muling ipahayag ang paninindigan.
b. Sikaping gawing maikli, malinaw, at madaling tandaan ang mga huling pahayag na ito.
c. Maaari ding dito sabihin ang mungkahing pagkilos na hinihikayat sa babasa ng posisyong
papel.
6. Sulatin ang posisyong papel.

- Kung may malinaw na balangkas, madali nang maisusulat ang posisyong papel.
- Kailangang buo ang tiwala sa paninindigan at mga katuwiran.
- Kailangang maiparamdam at maipahiwatig sa mambabasa na kapani-paniwala ang mga
sinasabi sa posisyong papel.
- Ipakita ang kaalaman at awtoridad sa usapin.
- Patunayan na ang sariling paninindigan ang siyang tama at nararapat.
7. Ibahagi ang posisyong papel

- Walang silbi ang posisyong papel kung hindi ito maibabahagi sa publiko.
- Maaaring magparami ng kopya at ipamigay ito sa komunidad, ipaskil sa mga lugar na
mababasa ng mga tao, ipalathala sa pahayagan, magpaabot ng kopya sa mga estasyon ng
telebisyon, radyo, at iba pang daluyan.
- Maaaring ding gamitin ang social media upang maabot ang mas maraming mambabasa.

Ipaliwanag ang mga konsepto tungkol sa posisyong papel na nasa unang hanay. Tahasin din ng
sarili kung sapat, malinaw, at maayos ang pagpapaliwanag.

Konsepto Paliwanag Pagtatasa (5 puntos


ang pinakamataas)
1. Ang pagsulat ng posisyong
papel ay isang proseso ng
paninimbang.

2. Ang pagsulat ng posisyong


papel ay isang prosesong
mapanuri.

3. Ang posisyong papel ay


sabayang obhetibo at may
kinikilingan.
4. Ang posisyong papel ay
tumutulong sa paghugis ng
pananaw ng publiko.
5. Ang posisyong papel ay
may ambag sa paglutas ng
mga suliranin ng lipunan.

6. Ang posisyong papel ay


hindi dapat matapos sa papel
lamang.

Aralin 14

Pagbabahagi ng Kaalaman sa Paraang Pabigkas:

Talumpati Layunin:

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1. Makapagbigay ng iba’t ibang uri at halimbawa ng talumpati;


2. Maisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati;
3. Mapag-iiba ang pasulat at pabigkas na paraan ng pagpapahayag;
4. Marebisa ang komplikadong pagpapahayag patungo sa mas simpleng pagpapahayag; at
5. Makapagsuri ng isang talumpati.

Magpangkat-pangkat na may tig-aapat hanggang limang miyembro. Talakayin sa bawat pangkat


ang sumusunod:

1. Magbigay ng halimbawa ng talumpating napanood o napakinggan.


2. Sino ang nagtalumpati?
3. Saan idinaos ang talumpati?
4. Sino ang manonood o ang makikinig sa talumpati?
5. Ano ang paksa ng talumpati?
6. Paano dinebelop ang paksa?
7. Ano-ano ang naobserbahang paraan ng pagtatalumpati (pagbigkas, kilos o galaw, tindig,
at iba pa)?
8. Ano-anno ang pangkalahatang katangian ng talumpati batay sa napanood o napakinggan?

Ang Pagsulat ng Talumpati

Ang talumpati ay isang pormal na pagpapahayag na binibigkas sa harap ng manonood o


tagapakinig. Pormal dahil ito ay pinaghahandaan, gumagamit ng piling wika, at may tiyak na
layunin. Ito ay karaniwang binibigkas bagaman madalas itong nagsisimula sa nakasulat na anyo.
Ang proseso ng pagsulat ng talumpati ay maaaring hatiin sa tatlong yugto: paghahanda,
pananaliksik, at pagsulat ng talumpati

PAGHAHANDA

Bahagi ng paghahanda ang pagtiyak sa 1) layunin ng okasyon, 2) layunin ng magtatalumpati, 3)


manonood, at 4) lugar na pagdarausan ng talumpati. Mahalaga ang panimulang pagsisiyasat sa
mga elementong ito dahil kailangang isaalang-alang ang mga ito sa pagtiyak sa nilalaman, tagal,
at tono ng talumpati.

Layunin ng Okasyon
Mahalagang alamin ng tagapagtalumpati ang layunin ng pagdaraos ng okasyon. Kung may
itinakdang paksa o tema ang mga nag-organisa ng okasyon, dapat ding alamin at unawain ito ng
tagapagtalumpati para maiayon niya ang kaniyang talumpati sa paksa o temang ito.

Layunin ng Tagapagtalumpati
Bukod sa layunin ng okasyon, dapat ding tiyakin ng tagapagtalumpati sa kaniyang sarili kung
ano ang kaniyang magiging layunin sa pagtatalumpati. Ang nilalaman, haba, at tono ng talumpati
ay dapat na iayon sa layuning ito.

Manonood
Ang manonood ay hindi lamang tagapakinig. Pangunahing salik din sila sa nilalaman at estilo ng
talumpati. Karaniwan, inaalam ng tagapagtalumpati ang dami ng manonood. Ngunit bukod sa
dami ng manonood, kailangan ding alamin ang ilang bagay tungkol sa katangian nila—ang
kanilang pinag-aralan, ekonomikong estado, edad, kasarian, o kulturang pinagmulan. Dapat
isaalang-alang ang mga salik na ito para makabuo ng talumpating mabisa at makakaugnay sa
tagapakinig.

Tagpuan ng Talumpati.
Tumutukoy ito sa lugar, sa kagamitan, sa oras, at sa daloy ng programang kapapalooban ng
talumpati. Bago ang mismong pagtatalumpati, mahalagang makita o mausisa man lamang ang
kondisyon ng lugar na pangyayarihan ng pagtatalumpati: nasa loob o labas, nasa entablado o
nasa lupa, malamig o mainit ba ang lugar? Tingnan o tanungin din kung may kagamitan:
projector, kompyuter, audio player, blakbord, at iba pang kakailanganin sa presentasyon. Alamin
din hindi lamang ang eksaktong araw at oras ng pagtatalumpati, kundi maging ang oras ng buong
programa.

PANANALIKSIK

Bahagi ng proseso ng pananaliksik ang pagbuo ng plano, pagdebelop ng paksa o tema, pagtitipon
ng mga materyal sa pagsulat ng talumpati, at pagsulat ng balangkas ng talumpati.

Pagbuo ng Plano
Sa simula, kailangang pag-aralang mabuti ang paksa o tema, at/o papel ng tagapagtalumpati sa
okasyon. Isaisip na maraming iba’t ibang paraan o estratehiya ng pagdebelop ng isang paksa o
tema. Ilista ang mga ito at piliin ang pinakaangkop sa okasyon, sa layunin, sa manonood, at
tagpuan. Maaari ring sumangguni sa iba para mapahusay pa ang plano.

Pagtitipon ng Materyal
Tipunin ang mga materyal na kailangan ayon sa nabuong plano ng pagdebelop ng paksa o tema.
Ang mga materyal na ito ay maaaring mga nakalimbag na materyal tulad ng aklat, artikulo,
panitikan; maaari ring di-nakalimbag na materyal tulad ng mga panayam o mga kuwento; at
maaari ring materyal na audio-visual tulad ng mga pelikula, musika, larawan.

Pagsulat ng Balangkas.
Matapos matipon ang mga materyal, huwag agad dumiretso sa pagsulat ng talumpati. Mahalaga
pa ring maklasipika o mapagpangkat-pangkat ang mga natipong materyal. Batay sa
pagpapangkat na ito, maaaring bumuo ng balangkas ng talumpati. Ang balangkas ang
magbibigay ng direksiyon sa pagsulat. Sa pagbuo ng balangkas, maaari ring makita kung ano
pang bahagi ang kulang sa datos, at kung gayon, kailangan pa ng dagdag na materyal.

PAGSULAT

Dalawang malaking proseso ang mahalagang isaalang-alang sa yugtong ito: ang mismong
pagsulat ng talumpati at ang pagrerebisa nito.

Pagsulat ng Talumpati.

Simulang sulatin ang talumpati ayon sa nabuong balangkas.

Narito ang ilang pangkalahatang gabay sa pagsulat:

1. Sumulat gamit ang wikang pabigkas. Dapat, isaalang-alang ang kakayahan ng mga
tagapakinig na unawain ang talumpati kahit pinapakinggan lamang ito. Dahil dito,
pinakamabisa ang estilong natural; ibig sabihin, ang talumpati ay parang nakikipag-usap
lamang sa tagapakinig.
2. Sumulat sa simpleng estilo. Hangga’t maaari, huwag ding gumamit ng teknikal na salita.
Sa halip na gumamit ng mga abstraktong salita, mas gamitin ang mga kongkretong salita,
o iyong lumilikha ng mental na imahen sa tagapakinig. Iwasan din ang mahahaba at
komplikadong pangungusap. Putulin at paikliin ang mahahabang pangungusap, at bumuo
ng mga pangungusap na may iisang paksa at komentaryo lamang.
3. Gumamit ng iba’t ibang estratehiya at kumbensiyon ng pagpapahayag na pagbigkas. Ilan
sa mga ito ay ang sumusunod:
a. paggamit ng matalinghagang pahayag o tayutay
b. paggamit ng kuwento
c. pagbibiro
d. paggamit ng mga kongkretong halimbawa
e. paggamit ng paralelismo
f. paggamit ng mga salitang pantransisyon sa mga talata
g. pagbibigay ng tatlong halimbawa para maipaliwanag ang isang ideya
-Huwag isipin na ang mga estratehiyang ito ay mga palamuti lamang. Sa
halip, dapat ituring ito bilang mga pamamaraan para mas madaling mapakinggan at
maunawaan ng mga tagapakinig ang talumpati.
4. Gumamit ng angkop na mga salitang pantransisyon.

Sa nakasulat na sanaysay o artikulo, ang teksto ay maaaring balik-balikan kapag hindi


gaanong naintindihan. Ang pagbabago ng mga talata na hudyat ng pagbabago rin ng ideya ay
makikita sa paggamit ng mga espasyo at indensiyon sa mga pahina. Kaya naman dapat gabayan
ng tagapagtalumpati ang tagapakinig sa pamamamagitan ng pagbibigay ng mga hudyat gamit
ang mga salita. Ilang dito ang sumusunod: una, ikalawa, ikatlo, sa simula, sa katapusan,
pagkatapos, kasunod nito, at iba pa.

5 Huwag piliting isulat agad ang simula at katapusan ng talumpati.


Mas madali kung magsisimula sa katawan ng talumpati. Pagkasulat ng katawan, mas madali
nang isulat ang intoduksiyon at konklusyon. Ang introduksiyon ay maaaring maglaman ng
alinman sa sumusunod:

a. sipi mula sa isang akdang pampanitikan;

b. anekdota;

c. pagbanggit ng paksa o tema at pagpapaliwanag ng mga susing konsepto nito;

d. pag-iisa-isa sa mga layunin; at

e. pagtatanong sa tagapakinig.

Ang kongklusyon naman ay maaaring maglaman ng alinman sa sumusunod:

a. sipi mula sa isang akdang pampanitikan o anekdota na magbibigay diin sa nilinang na ideya;

b. paglalagom sa mga pangunahing ideyang dinevelop;

c. pagrerebyu sa mga layunin at kung paano ito natamo; at

d. panawagan sa tagapakinig na gumawa ng pagkilos.

PAGREREBISA NG TALUMPATI
Sa yugto ng pagrerebisa, mahalaga ang paulit-ulit na pagbasa, ang pag-ayon ng estilo ng
talumpati sa pagbigkas, at ang pag-aangkop ng haba ng talumpati sa ibinibigay na oras.

Paulit-ulit na pagbasa.
Isang mahalagang hakbang sa pagrerebisa ang paulit-ulit na pagbasa nang malakas sa draft.
Kailangang matiyak ng tagapagtalumpati na madulas ang pagbigkas ng mga salita at
pangungusap. Kung may problema sa pagbigkas ang tagapagtalumpati, iwasan ang mga salitang
gumagamit ng mga letrang ito upang hindi mahirapan sa pagpapahayag ng talumpati.

Pag-ayon ng estilo ng nakasulat na talumpati sa paraang pabigkas.


Pakinggan kung may musika o ritmo ang bagsak ng mga pahayag. Nagagawa ito kung napag-
iibaiba sa talumpati ang mahahaba at maiikling pangungusap. Sikapin ding ilagay sa dulo ng
pangungusap ang mga makabuluhang salita o mga salitang gustong bigyang-diin.

Pag-aangkop ng haba ng talumpati sa ibinigay na oras.


Bahagi rin ng pagrerebisa ang pagtiyak na ang haba o tagal ng pagbabasa o pagbigkas ng
talumpati ay umaayon sa ibinigay na oras sa tagapagtalumpati. Huwag gawing eksakto sa oras.
Magbigay ng kaunting palugit; ibig sabihin, dapat ay mas maikli nang kaunti ang talumpati sa
itinakdang tagal nito.

Narito ang karaniwang tagal ng iba’t ibang uri ng talumpati:

• Panayam o lektura 45–50 minuto

• Presentasyon ng papel sa isang kumperensiya 20–25 minuto • Susing panayam 18–22 minuto •
Pagpapakilala sa panauhing pandangal 3–4 minuto • Talumpati para sa isang seremonya 5–7
minuto Tandaan na walang tagapakinig ang gustong maupo at makinig sa isang napakahabang
talumpati, gaano man kahusay ang tagapagtalumpati. May mga pag-aaral na sumukat na sa
attention span o tagal ng kakayahang makinig at magpokus ng isang tao sa iba’t ibang
sitwasyon. Kailangang isaalang-alang ito upang maiwasang mabagot ang mga tagapakinig.
URI NG TALUMPATI KARANIWANG TAGAL

Panayam o lektura 45–50 minuto

Presentasyon ng papel sa isang kumperensiya 20–25 minuto

Pagpapakilala sa panauhing pandangal 3–4 minuto

Talumpati para sa isang seremonya 5–7 minuto

MAHALAGANG TANDAAN::

Tandaan na walang tagapakinig ang gustong maupo at makinig sa isang napakahabang


talumpati, gaano man kahusay ang tagapagtalumpati. May mga pag-aaral na sumukat na
sa attention span o tagal ng kakayahang makinig at magpokus ng isang tao sa iba’t ibang
sitwasyon. Kailangang isaalang-alang ito upang maiwasang mabagot ang mga tagapakinig.
Ang pagbigkas ng talumpati sa harap ng publiko sa isang pormal na konteksto ang
ikinatatangi nito sa maraming anyo ng pagpapahayag. Dahil binibigkas ito sa harap ng
madla, mahalagang isaisip na ang talumpati ay dapat na may kabuluhan sa buhay ng mga
makikinig. Ang paksa ay napapanahon at may kaugnayan sa lipunan; ang nilalaman ay
mapagkukunan ng mga ideya para makapamuhay nang mabuti sa lipunang ito. Ang iba’t
ibang pamamaraan at estratehiya namang ipinaliwanag sa araling ito ay tutulong para
higit na mabisang maipaabot sa mga tagapakinig ang nais na ipahayag na mga idea.

Gawain:

Narito ang mga hakbang sa pagbuo ng talumpati. Ayusin ang pagkakasunod-sunod nito sa
pamamagitan ng paggawa ng balangkas na may dalawang lebel. Pigilin ang sarili na tingnan ang
tamang pagkakasunod-sunod ng Gaod-Kaisipan; sa halip, unawaing mabuti ang mga hakbang
para maihanay ang mga ito nang maayos.

• Pagtiyak sa layunin ng okasyon


• Pagbuo ng balangkas
• Pagbuo ng plano
• Paghahanda
• Pagrerebisa ng talumpati
• Pagtiyak sa Tagpuan
• Pagsulat
• Pagsulat ng talumpati
• Pagtitipon ng materyal
• Pagtiyak sa manonood
• Pananaliksik
• Pagtiyak sa layunin ng mananalumpati

Isulat dito ang dalawang lebel na balangkas ng proseso ng pagbuo ng talumpati.

ARALIN 15

Pagbuo ng Panukalang Saliksik LAYUNIN:


Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1. Matukoy ang mga bahagi ng isang panukalang saliksik;


2. Maipaliwanag ang kahalagahan ng isang panukalang saliksik;
3. Masuri ang isang halimbawang panukalang saliksik; at
4. Makabuo ng isang panukalang saliksik.

Alin sa mga sumusunod ang sa palagay mo ay bahagi o kasama ng isang panukalang saliksik?

Kasama Hindi Kasama


1. Listahan ng mga interes ng
mananaliksik.
2. Budget na kailangan sa
saliksik.
3. Listahan ng mga gusting
magawa at saliksik
4. Listahan ng mga
gagamiting libro at iba pang
sanggunian sa
saliksik
5. Paraan ng pagkuha ng datos
ng mananaliksik
6. Impormasyon tungkol sa
mga dati nang nagawang
saliksik tungkol sa paksa
7. Impormasyonn tungkol sa
dati nang nagawang saliksik
ng mananaliksik
8. Balangkas ng saliksik
9. Listahan ng mga taong
dapat interbyuhin para sa
saliksik
10. Iskedyul ng pagbuo ng
saliksik

Pagpaplano ng Saliksik sa Isang Panukalang Saliksik

Ang tagumpay ng anumang proyektong saliksik ay nakasalalay sa isang pinag-isipan at


sistematikong plano. Ang plano ay dinedetalye sa tinatawag na research proposal o panukalang
saliksik. Gaya ng mahihiwatigan sa termino, ang planong ito ay isang panukala lamang, na ang
ibig sabihin ay para sa konsiderasyon o pagsasaalang- alang ng eksperto o nakababatid tungkol
sa proyekto. Maaari pa itong mabago sang-ayon sa mga komentaryo at mungkahi ng mga
eksperto at iba pang magbibigay pansin o puna rito.

Ang isang panukalang saliksik ay karaniwang binubuo ng sumusunod na bahagi:


1. Introduksiyon
2. Paglalahad ng Suliranin
3. Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral
4. Layunin
5. Kahalagahan ng Pag-aaral
6. Teoretikal na Balangkas
7. Metodo
8. Saklaw at Delimitasyon
9. Daloy ng Pag-aaral

MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

INTRODUKSYON

Tinutukoy na sa bahaging ito ang paksa at suliranin ng saliksik upang magkaroon agad ng ideya ang
babasa ng panukalang saliksik kung tungkol saan ang pag-aaral. Mahalagang mapag-iba ang paksa at
suliranin. Ang suliranin ng saliksik ay isang katanungan hinggil sa isang aspekto ng paksa.

Halimbawa, kung ang paksa ay “wika at agham,” isang posibleng suliranin ng saliksik ay “Bakit kaunti o
halos walang nagsusulat ng siyentipikong babasahin sa wikang Filipino?” LAYUNIN

Isa-isahin ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral na tumutukoy sa mga espesipikong gagawin sa saliksik.
Dahil ang mga layunin ay tumutukoy sa dapat gawin, nakasulat ang bawat layunin gamit ang mga verb o
pandiwa. Karaniwan, may mga tatlo hanggang limang tiyak na layunin ang isang may katamtamang
habang saliksik (mga 30 hanggang 50 pahina).

Ang bawat layunin ay dapat na espesipiko, maaaring isakatuparan, at nasusukat. Kapag naisulat na ang
saliksik, karaniwang binabalikan ang mga tiyak na layunin para matiyak kung natamo ang lahat ng mga
layuning ito.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Dito ipinaliliwanag kung bakit mahalagang gawin ang pag-aaral. Maaaring mahalaga ang pag-aaral dahil
sa maiaambag nito sa isang akademikong disiplina, o maidaragdag na impormasyon o kabatiran hinggil
sa isang napapanahong isyu, o maibibigay na sagot sa isang problema ng lipunan.

TEORETIKAL NA BALANGKAS

Para sa marami, isang mabigat na salita ang teorya. Karaniwan, iniuugnay ito sa mga salitang nagtatapos
sa “-ismo” tulad ng pormalismo, marxismo, peminismo, pos- estrukturalismo, at iba pa. Pero hindi lang
naman ang mga salitang ito ang maituturing na teorya. Sa halip na salitang teorya, maaari ring gamitin
ang salitang konsepto o ideya.

Sa Teoretikal na Balangkas ipinaliliwanag ang mga ideyang gagamitin sa pagtingin, pagpapahalaga, o


pagsusuri sa mga datos na natipon sa saliksik. Sa bahaging ito rin ipinaliliwanag kung paano ilalapat ang
mga ideyang ito sa datos.

Kapag sinabing mga konsepto o ideya, maaaring nasa anyo ito ng mga salita o pangungusap. Ang mga
konsepto o ideyang ito ay maaaring nabuo ng ibang mananaliksik, iskolar, o eksperto mula sa kanilang
sariling malawakan o malaliman o tuloy-tuloy na pananaliksik sa isang larang. Dahil sa kahalagan ng
kanilang nabuo o nadebelop na konsepto o ideya, maaaring gamitin din ng ibang mananaliksik o iskolar
ang mga konsepto o ideyang ito sa pag-aaral ng ibang paksa o ng ibang aspekto ng paksang niluwalan ng
konsepto o ideyang ito.

METODO

Ang metodo ay tumutukoy sa mga paraan ng pagsasagawa ng saliksik o sa mga paraan ng pagkuha at
pagtitipon ng mga datos. Ilan sa pinakakaraniwang paraan ay ang saliksik sa aklatan, panayam, sarbey,
questionnaire, focus group discussion, at obserbasyon. Sa bahaging ito ng panukalang saliksik, kailangang
ipaliwanag kung ano sa mga paraang ito ang gagamitin at kung paano ito gagamitin sa pag-aaral.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Sa bahaging ito naman tinitiyak ang saklaw ng pag-aaral. Tumutukoy ito sa maliit na bahagi o aspekto ng
paksa na pagtutuonan sa pag-aaral. Kasama ring tinitiyak ang delimitasyon. Dapat linawin na ang
delimistayon ay iba sa limitasyon ng pag-aaral. Ang limitasyon ay hindi kontrolado ng mananaliksik.

Halimbawa, walang informant, kulang sa pondo, o limitado ang panahon ng saliksik. Hindi na kailangan
pang banggitin ang mga ito sa panukalang saliksik. Sa kabilang banda, ang delimitasyon ay sadyang
itinatakda ng mananaliksik. Kung minsan, ang delimitasyon ng pag-aaral ay nakabatay sa limitasyon.

DALOY NG PAG-AARAL

Ang Daloy ng Pag-aaral ay ang balangkas ng pag-aaral. Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi kapag
isinulat na ang pag-aaral.

Paliwanag Hinggil sa Pagsulat Aplikasyon sa Halimbawa Dagdag na Paalala

Tinutukoy ang paksa at Paksa: tanawing pangwika sa UP Maaaring maikling banggit lang sa
suliranin Campus Suliranin: Ano-anong paksa at suliranin. May hiwalay na
wika ang ginagamit sa tanawing bahaging Paglalahad ng Suliranin.
pangwika sa UP Campus at ano
ang ideolohiyang pangwika ng
mga gumawa nito?

Ipinaliliwanag ang (mga) susing Ipinaliwanag kung ano ang Maaaring maikling paliwanag
konsepto tanawing pangwika lamang. Maaaring may mas
mahabang paliwanag sa bahaging
Teoretikal na Balangkas.
Inilalahad ang personal at Ipinaliwanag na hindi Huwag mag-alangan na magbahagi
panlipunang dahilan sa pagpili napagaaralan ang tanawing ng personal na dahilan sa pagpili ng
ng paksa pangwika, gayundin ang paksa. Gayunman, bukod sa
kahalagahan ng domain na ito sa personal, mahalaga ring
pagsusulong ng wikang Filipino maipaliwanag ang panlipunan o
akademikong kabuluhan ng paksa.
Ang pananaliksik ay hindi ginagawa
para sa sariling pakinabang lamang.

Batay pa rin da ibinibigay na halimbawang panukalang pananaliksik, talakayin kung bakit mahalaga ang
bawat bahagi ng isang panukalang saliksik.
BAHAGI NG PANUKALANG SALIKSIK KUNG BAKIT MAHALAGA ANG BAHAGING
ITO
1. INTRODUKSYON

2. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

3. REBYU NG KAUGNAY NA PAG-AARAL

4. LAYUNIN

5. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

6. TEORITIKAL NA BALANGKAS

7. METODO

8. SAKLAW AT DELIMITASYON

9. DALOY NG PAG-AARAL
ARALIN 16

Pagbabahagi ng Produkto ng

Gawaing Akademiko:

Ilang Paraan ng Presentasyon ng

Saliksik Pagkatapos

LAYUNIN:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng pagbabahagi ng produkto ng gawaing akademiko;

2. Matukoy ang iba’t ibang kailangang paghahanda bago ang presentasyon ng saliksik;

3. Maisa-isa ang iba’t ibang paraan ng presentasyon ng saliksik;

4. Matasa ang kalakasan at kahinaan ng iba’t ibang paraan ng presentasyon ng saliksik; at

5. Makabuo ng isang plano para sa isang presentasyon ng saliksik.

Alalahanin ang isang presentasyon ng saliksik na napanood. Maaring ito ay isang kumperensiya, seminar,
forum, lektyur o katulad na okasyon. Batay sa nasaksihang ito, punan ang sumusunod na talahanayan.
1. Paksa ng presentasyon

2. Presentor

3. Petsa

4. Lugar

5. Manonood

6. Paano nagpresenta ang presentor?


Nagsasalita lng o nagbasa?

7. Ano pa ang ibang ginamit na paraan ng


presentasyon?

8. Ano baa ng reaksyon ng manonood sa


presentasyon>? Bakit?
9. Ano ang reaksyon mo? Bakit?

10. Sa kabuuhan, epektibo baa ng


presentasyon? Bakit?

Mga Paraan ng Pagbabahagi ng mga Produkto ng Gawaing Akademiko

Ang pagsulat ay isa lamang paraan ng pagbabahagi sa maraming tao ng bunga ng gawaing
akademiko. Ang isa pang paraan ay sa pamamagitan ng oral na presentasyon o presentasyong
pabigkas.
Ang totoo, sa maraming pagkakataon, higit pang nakararating sa mas maraming tao ang oral na
presentasyon ng resulta ng mga pananaliksik o pag-aaral kaysa sa nakasulat nitong bersiyon.
Madalas kasing mas maraming naaabot sa isang pagkakataon o okasyon ang oral na
presentasyon kaysa sa nakalimbag nitong bersiyon. At ang oral na presentasyong ito na lang
ang nagiging batayan kung mahusay o hindi ang isang pananaliksik.
Ang isang mahusay na nakasulat na pananaliksik ay dapat lang na matapatan ng isang mahusay
na presentasyon kung mayroon ngang pagkakataon na maibahagi ito sa isang grupo ng tao o
sa publiko. Sa dami ng pamamaraan ngayon sa paggawa ng presentasyon, may pagkakataon
pa ngang ang isang mahinang pananaliksik ay pinagtatakpan sa pamamagitan ng paghahanda
ng isang magarbong presentasyon.
Halimbawa nito ang paggamit ng iba’t ibang biswal na materyal tulad ng mga larawan, video sa
Internet, o clip sa pelikula para magmukhang makapal ang isang manipis na report. Maaaring
magtagumpay ang ganitong taktika sa ilang di mapanuring manonood, pero para sa kritikal na
tagapakinig, madali silang makakahalata’t hindi malilinlang ng may palamuting presentasyon.
Ang idinidiin dito, ang isang malaman at makabuluhang pananaliksik pa rin ang pundasyon ng
isang mahusay na presentasyon. Sa kabilang banda, kailangan ding paghandaan at pag- isipang
mabuti ang presentasyon upang mapatingkad ang bunga ng pananaliksik.
Bago ang mismong presentasyon, mahalagang matiyak at mapaghandaan ang layunin,
manonood, iskrip, at audio-visual material.

LAYUNIN

Bago maghanda ng mga gagamitin sa presentasyon, kailangang tiyakin muna ang layunin ng
presentasyon. Maaaring ito ay sariling layunin ng presentor o layuning ibinigay lamang sa
kaniya. Bagaman ang pangkalahatang layunin ay ibahagi ang resulta ng pananaliksik,
maaaring ang hinihingi ay isang maliit na parte lamang ng kabuuang resulta nito.
Karaniwan ay limitado ang panahon ng presentasyon kaya mahalaga na sa maikling
panahong nakalaan ay matamo ang pakay ng presentasyon.
Ilan sa posibleng layunin ng presentasyon ay ang sumusunod:

1. magdagdag sa kaalaman ng tagapakinig tungkol sa paksa ng pananaliksik,


2. mag-ulat tungkol sa progreso ng pananaliksik,
3. manghikayat na tanggapin ang resulta ng pananaliksik,
4. magmungkahi ng iba pang direksiyon sa pagsisiyasat tungkol sa paksa, at 5. mag-
udyok ng isang partikular na aksiyon mula sa tagapakinig.

MANUNUOD
Sa pagsasabing dapat isaalang-alang ang mga salik na ito tungkol sa manonood, inaasahan na
iaangkop ang nilalaman at paraan ng presentasyon sa mga katangian ng manonood. Mahalaga na
makabuo ng isang maayos, kaaya-aya, at may tiwala at may respetong ugnayan sa pagitan ng
presentor at manonood. Pangunahing batayan ng ganitong ugnayan ang pagsisikap na kilalanin ng
presentor ang kaniyang tagapakinig.

ISKRIP

Iba ang nakaulat na saliksik, report, o papel sa mismong bibigkasin sa presentasyon. Magkaiba
ang estilo ng pagsusulat at pagbigkas sa pagbabasa at pakikinig. Sadyang nakababagot para sa
manonood ang makinig lamang ng pagbabasa ng isang mahabang papel. Kaya naman, kailangang
maghanda pa ng iskrip batay sa nakasulat na saliksik o papel.

Ilan sa patnubay na maaaring isaalang-alang ang sumusunod:

1. Pumili lamang ng apat hanggang limang pangunahing ideya na ipepresenta sa manonood.

2. Sikaping sulating-muli ang mga pangunahing ideya mula sa saliksik sa paraan o estilong
madaling maintindihan at madaling tandaan.

3. Lumikha ng mnemonic device. Isang halimbawa nito ang BRAT diet para sa may maselang
kondisyon sa tiyan. Ang diet ay binubuo ng bababa, rice, apple, at toast. Sikapin bumuo ng
katulad nito sa Filipino para katawanin ang mahahalang konsepto o ideya ng presentasyon

4. Sa umpisa pa lang ay ipaliwanag na ang magiging daloy ng presentasyon. Lumikha ng mapang


mental sa manonood para mailugar nila ang mga napapakinggan nila impormasyon o ideya
habang nagsasalita ang presentor.

5. Gumamit ng naratibo. Maaaring magkuwento sa umpisa ng presentasyon para makuha agad


ang atensiyon ng manonood. Maaaring sa gitna ng presentasyon para maputol ang isang pormal
at seryong paglalahad. Maaaring sa katapusan ng presentasyon para mapatingkad ang nais
ipaunawa sa tagapakinig.

6. Gumamit ng angkop na audio-visual na materyal. Maraming iba’t ibang uri ng audio-visual na


materyal. May tradisyonal at makabago. Sigurado, makalipas lang ang ilang taon, ang
itinuturing na makabago ngayon ay magiging lipas na. Hindi laging mas mabuti ang makabago
kaya kailangang matutuhan din ang paggamit kahit ng itinuturing na luma nang paraan. Nasa
hanayan ang katangian, mungkahi sa paggamit, kalakasan, at kahinaan ng iba’t ibang audio-
visual na materyal.
Audio-visual na Katangian/ Mungkahi Kalakasan Kahinaan
Materyal

Blackboard/ whiteboard • Pagsulat ng notes o • Karaniwang • Mahirap gamitin sa


at chalk/ marker mga tala sa blackboard mayroon nito malalaking lugar •
o whiteboard gamit ang sa maraming Kailangang mabilis
chalk o marker klasrum sumulat ang presentor
• Planuhin ang • • Nahahati ang
pagsulat ng mga tala Nakapagtatala atensiyon ng presentor
para maayos ang layout ng mga ideya sa pagsasalita at
nito sa blackboard/ ang manonood pagsulat
whiteboard kasabay ng
presentor
• Maghanda ng
ekstrang pansulat

Handouts Paghahanda ng • May • Magastos


naka-mimeograph o maiuuwing • Maaaring kulang ang
naka-photocopy na materyal ang kopya
materyal manonood at
• May tendensiyang
• Ilagay lamang ang puwede nilang
basahin na lang ang
balangkas, tsart, ibahagi
handouts kaysa makinig
teybol, at iba pang • Maaaring
• Posible ring hindi na
ilustrasyon; huwag sulatan ng dagdag
makinig dahil may handouts
ilagay sa handouts na tala manonood
ang buong naman
presentasyon o
buong papel

Props • Paghahanda ng • Makatotohanan • Kung malaki ang


mga bagay o awtentiko ang lugar, maaaring hindi
(ginawa o materyal makita ang bagay
awtentiko)
• Maaaring ipasa • Maaaring mawala
at mahawakan ng ang bagay
manonood • Maaaring
kailanganin ang pagtulong
ng isang kasama para
magdala ng mga bagay

Audio-visual na Katangian/ Kalakasan Kahinaan


Materyal Mungkahi

Overhead Projector • Paggamit ng • Maaaring ito ang • Maaari ring hindi na


overhead mayroon sa halip na gumagamit nito lalo sa mga
projector at LCD projector na mas makabagong lugar; sa halip,
transparencies huling lumitaw
• Hindi LCD projector na ang
kailangan ng kagamitan
computer • Magastos ang
• Maaaring i- transparency at paglilipat ng
project sa malaking teksto ditto
screen kaya • Kung minsan say
madaling makita ng
nagdidikit- dikit ang mga
marami
transparency
• Nakadepende ang
paggamit nito sa elektrisidad

LCD Paggamit ng LCD • Madaling • Maaaring


Projector Projector at makita ng marami walang kagamitan sa
computer na • Maraming ibang lugar
naglalaman ng puwedeng gawin sa • Nakadepende
slide show computer para sa computer
presentation • gawing mabisa ang • Nakadepende
Iwasan ang presentasyon sa elektrisidad
napakaraming
• Maaari
slides
maglakip ng video
• Alalahaning clips
pantulong
• Madaling
lamang ito at
magdagdag o
kung gayon,
magrebisa
kailangan pa ring
maitampok ang • Maaaring
mismong ibahagi ang soft
copy ng
paliwanag o
presentasyon
iskrip ng
presentor

CD Player Paggamit ng CD player at • Madaling makakuha ng • Kung minsan ay


mga CD atensiyon ang nagkakaroon ng problema
• Tiyaking nakahanda na ang napapakinggang materyal sa kagamitan • Maaaring
mga kagamitan at materyal mas mabisa kung bukod sa
at naka-cue na sa eksaktong may napapakinggan ay
bahagi ang CD may nakikita rin silang
biswal na material
• Maaaring
kailangan ng kasama o
technician
Film/Video • Paggamit at • Madaling makakuha ng • Kailangang
pagpapanood ng video sa atensiyon ang napapanood padilimin ang lugar at dahil
pamamagitan ng iba’t ibang na materyal dito, maaaring hindi
format (DVD, video clip, makapagsulat ang
video recording, at iba pa) manonood
• Tiyaking nakahanda • Makain sa oras ng
na ang mga kagamitan at presentasyon
materyal at naka-cue na sa • Kung minsan ay
eksaktong bahagi ang video
nagkakaroon ng problema
sa kagamitan
• Maaaring
kailangan ng kasama o
technician

PINAL NA OUTPUT:

MAGBIGAY NG 3 AUDIO VISUAL NA MATERYAL AT LAGYAN NG SARILING PAG-UNAWA ANG MGA ITO,
BIBIGYAN RIN ITO NG KALAKASAN AT KAHINAAN.
AUDIO-VISUAL NA KAHINAAN KALAKASAN
MATERYAL

You might also like