You are on page 1of 3

Proseso ng Pagsulat

Ayon kay Isagani R. Cruz, naituturo ang pagsulat sapagkat hindi naman namamana ang
kakayahang ito. Pinag-aaralan sa kolehiyo ang proseso ng pagsulat upang maging epektibo at
makabuluhan ang gawaing pang-komunikatibo at pang-akademiko.Tingnan natin ang anim na
yugto sa proseso ng pagsulat:

1. Pagtatanong at Pag-uusisa. Ang mga sulating papel sa kolehiyo’y nagmumula sa isa o


maraming tanong. Maaaring galing ang isang tanong sa guro na nagnanais makuha ang opinyon
ng mga estudyante tungkol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.Kung
ang kahingian naman sa klase ay isang sulating pananaliksik o tesis, kanariwang maraming
tanong ang nag-uudyok para sulatin ang mga kasagutan para rito. Nabubuo rito ang paksa ng
sulatin. Hindi ganap ang pagtatanong lamang kung kaya’t ang mausisang isipan ang nagbibigay-
daan para makahanap ng sagot sa tanong.Ang pag-uusisa ang pangunahing simula ng isang
masinop na pananaliksik.

2. Pala-palagay.Kung ang mausisang isipan ang binhi para sa simula ng pananaliksik, sa isang
banda, unti-unting nabubuo ang pala-palagayng manunulat sa paksang susulatin. Habang wala
pang tiyak na balangkas at daloy ng pagtalakay sa pagsang susulatin, naghahain muna ng haka-
haka ang manunulat. Maaaring sulatin niya sa kanyang scrapbook o kwaderno ang mga
posibleng ugat ng kahirapan, katiwalian, pagkawasak ng moral na pundasyon ng pamilya, o ang
kultura ng kapabayaan at walang pakialaman. Iisa-isahin niya ang iba pang sanhi at bunga ng
pangyayari habang nag-iisip kung paano bubuuin ang balangkas ng paksang napili. Balisa o
hindi mapalagay ang manunulat sa yugtong ito dahil patuloy siyang naghahanap ng sagot at
maaaring patuloy ang pagsulpot ng iba pang mga tanong. Lumalawak ang pala-palagay sa
pamamagitan ng panimulang pananaliksik sa aklatan, pagtatanong sa ibang tao, pagbabasa, at
pagmamasid. Kadalasan, ito ang pinakamahabang bahagi sa proseso ng pagsulat. Tinatawag ng
ilan ang yugtong ito bilang incubation period.

3. Inisyal na pagtatangka. Sa bahaging ito, kailangang maipokus ng manunulat ang saklaw ng


pananaliksik na gagawin. Ito ang yugto na tatangkain ng manunulat na ayusin ang panimulang
datos, pala-palagay at iba pang impormasyon para makabuo ng balangkas. Ang pagsulat ng
balangkas ng pananaliksik o anumang dokumento ay palatandaan na may direksyon na ang
pagsulat na gagawin ng isang manunulat.Kapag may balangkas na, babalik muli ang manunulat
sa aklatan upang tiyak nang makuha ang kailangang sanggunian, o di kaya’y pupunta na sa mga
taong may ekspertong kaalaman hinggil sa paksa para kapanayamin.

4. Pagsulat ng unang borador.Kung handa na ang lahat ng sanggunian at maayos na ang daloy
ng paksa at detalye ng paksa ayon sa balangkas nito, maaring sulatin na ang unang borador.Dito
na ibubuhos ng manunulat ang kanyang kasanayan, kaalaman at kakayahan upang mabuo ang
papel.

5. Pagpapakinis ng papel. Kung tapos na ang unang borador, muli’t mulingbabasahin ito para
makita ang pagkakamali sa ispeling, paggamit ng salita, gramatika at ang daloy ng
pagpapahayag, impormasyon at katwirang nakapaloob sa komposisyon.

6. Pinal na papel.Kapag nasuyod nang mabuti ang teknikal na bahagi at nilalaman ng papel,
pwede nang ipasa at ipabasa ito sa guro o sa iba pang babasa’t susuri nito.
Organisasyon ng Teksto

Ang lahat ng sulating pang-akademiko ay binubuo ng apat na bahagi.

1. Titulo o Pamagat. Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng papel; pangalan ng sumulat, petsa ng
pagkasulat o pagpasa, at iba pang impormasyon na maaaring tukuyin ng guro.

2. Introduksyon o Panimula. Karaniwang isinasaad dito ang paksa, kahalagahan ng paksa,


dahilan ng pagsulat ng paksa at pambungad na talakay sa daloy ng papel.

3. Katawan. Dito matatagpuan ang mga pangunahing pagtalakay sa paksa. Ang pangangatwiran,
pagpapaliwanag, pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad ay matatagpuan sa bahaging ito.

4. Kongklusyon.Dito nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng papel.Isinasaad din sa


bahaging ito ang napatunayan o napag-alaman batay sa paglalahad at pagsusuri ng mga
impormasyong ginamit sa papel o sa pananaliksik.

Halimbawa:

“Dumating ang may-ari ng litsunan, sa ayos niya’y mukhang siya pa ang dapat tuhugin ng
kawayan at ihawin sa nagbabagang uling.Bilog na bilog ang kanyang katawan. Wala na siyang
leeg. Nakasaklay na ang kanyang balikat sa magkabilang tainga. Makipot ang nagma-mantika
niyang labi na ibinaon naman ng pumuputok niyang pisngi. Biik lamang ang kanyang
tangkad.Kung maglakad siya’s parang nakawalang bulog. Sumenyas siya.Pinapupunta kami sa
loob ng kanyang kural, este opisina.”

- Halaw sa “May Baboy na Di-Matuhod sa Litsunan,” Barriotic Punk, mga Kwento sa Baryo at
Kanto ni Mes De Guzman

Gawain : Magsulat ng isang sanaysay tungkol sa isang paksa. Ilagay ang mga
kinakailangan sa patlang at isulat ang pinal na sanaysay sa kabilang pahina.

PAKSA :

LAYUNIN :

PAMAGAT :

BILANG NG SALITANG NAGAMIT :

You might also like