You are on page 1of 1

Katangian ng mahusay na pananaliksik

1. Sistematiko – Ito’y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso.


2. Kontrolado –Ito’y pinaplano nang mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya
hindi pwedeng manghula sa resulta.
3. Empirikal – Ang mga pamamaraang ginamit sa pananaliksik ay katanggap-tanggap,
maging ang mga datos na nakalap.
4. Pagsusuri – Ito ay ang masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo.
5. Obhetibo, walang kinikilingan, at lohikal – Ang anumang resulta sa pag-aaral ay may
sapat na batayan at hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik.
6. Ginagamitan ng hipotesis – Ipinakikilala ng hipotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa
simula pa lamang ng pag-aaral.
7. Orihinal na akda – Ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at
hindi mula sa panulat, tuklas, o lathala ng ibang mananaliksik.

Katangian ng mahusay na mananaliksik

1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa iba’t ibang mapagkukunan, maging


ito’y sa aklatan, opisina, institusyon, tao, media, komunidad, at Internet.
2. Maparaan sa pagkuha ng mga datos na hindi madaling kunin at nag-iisip ng sariling
paraan para makuha ang mga ito.
3. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng
pinagkukunan.
4. Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba ukol sa paksa at mga kaugnay na
paksa.
5. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon, at rekomendasyon sa paksa.
6. Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos at sa pagsisigurong maayos at
mahusay ang mabubuong pananaliksik.

You might also like