Professional Documents
Culture Documents
PANANALIKSIK
MGA LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang
1. nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagbubuo ng isang
sulating pananaliksik;
2. Nakauuri ng mga pananaliksik batay sa layunin at kategorya;
3. Nakagagamit ng mga batayang etika ng isang mananaliksik; at
4. Nakabubuo ng makabuluhang tanong sa pananaliksik bilang
simula sa pagpili ng paksang sasaliksikin.
Suriin ang talahanayan at
sagutin ang mga tanong kasunod
nito
1.Ano ang nais patunguhan ng sarbey?
2.Bakit kaya kailangang isagawa ang
ganitong mga estatistika at pag-uulat?
3.Paano isinasagawa ang ganitong pag-
aaral?
4.Ano ang maidudulot sa tao o lipunan ng
kaalamang makukuha mula sa pag-aaral
na ito?
Ano ang pananaliksik?
Ang pananaliksik ay isang
sistematikong pag-iimbestiga at pag-
aaral upang makapagpaliwanag at
makapaglatag ng katotohanan gamit
ang iba’t ibang batis ng kaalaman.
Bakit isinasagawa ang
pananaliksik?
Isinasagawa ang pananaliksik
bilang isang lohikal at
organisadong batayan ng mga
karagdagang kaalaman tungkol
sa tao, kultura, at lipunan.
Paano ginagamit ang mga
pananaliksik sa ating buhay
akademya?
Ginagamit ito bunsod ng
pangangailangang palawakin o
palalimin ang kaalaman sa isang
larangan lalo na sa mga
intitusyong pang-akademiko.
Bakit mahalaga ang Pananaliksik?
Sa pagsasagawa ng pananaliksik,
nahahanapan natin ng sagot ang mga
katanungang bumabagabag sa ating
isip, naisasakatuparan ang interes sa
isang bagay, at nililinang ang
kakayahang makahanap ng solusyon.
Nagsisimula ang pananaliksik sa
pamamagitan ng mga tanong sa
pananaliksik
research question). Sinasaklaw
ng mga tanong na ito ang
pinakaubod o sentro ng
pananaliksik.
Nag-uumpisa sa pagbuo ng mga tanong
sa pananaliksik ang tutugunang
suliranin ng pananaliksik. Tumutukoy ito
sa isang paksa, usapin, o pangyayari na
nais siyasatin, at kailanagang alamin;
mga kondisyong dapat baguhin; o mga
hamon na dapat bigyan ng solusyon ng
isang mananaliksik.
Ang pagsagot sa suliraning
tutugunan ng pananaliksik ay
sinusundan ng pagbuo ng kuro-
kuro (Hypothesis).
Paano bumuo ng isang maayos na
pananaliksik?
Ayon sa Duke Writing Studio, kailangang
gawin ang sumusunod:
1. Pumili ng paksang kinawiwilihan at
magbasa ng mga kaugnay na pag-aaral na
naisagawa tungkol dito.
2. Isaalang- alang ang iyong
mambabasa.
Mga Katangian ng Magandang Tanong sa
Pananaliksik
1. Tiyak, espesipiko, at maliwanag ang
paggamit ng mga termino.
Nakakabuti ba ang 4P’s Paano napapabuti ng
ng gobyerno? 4P’s ang kalagayang
pang-ekonomiya ng
mga nakatanngap nito?
2. Tumatalakay sa mahalaga at
makabuluhang isyu.
3. Hindi pa naisasagawa ngunit
posibleng maisakatuparan.
4. Nagtataglay ng malinaw na
layunin at kahalagahan.
Madalas gamitin sa
pananaliksik ang
pamamaraang pasaklaw at
pabuod (Babbie, 1998).
Pasaklaw – sinusuri ang mga detalye at
obserbasyon upang matukoy at
mapatunayan ang pangkalahatang kaisipan
at prinsipyo.