You are on page 1of 4

MODYUL 1

ANG PANANALIKSIK
Batayang Kasanayan
Pagsusuri ng ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, at
pamamaraan sa pananaliksik

Mga Layunin
1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagbubuo ng isang sulating pananaliksik
2. Nakauuri ng mga pananaliksik batay sa layunin at kategorya
3. Nakagagamit ng mga batayang etika ng isang mananaliksik; at
4. Nakabubuo ng makabuluhang tanong sa pananaliksik bilang simula sa pagpili ng
paksang sasaliksikin

Ano ang Pananaliksik?


 Ito ay isang sistematikong pag-iimbestiga at pag-aaral upang makapagpaliwanag
at makapaglatag ng katotohanan gamit ang iba’t ibang batis ng kaalaman.
 Isinasagawa ang pananaliksik bilang isang lohikal at organisadong batayan ng
mga karagdagang kaalaman tungkol sa tao, kultura, at lipunan.
 Ginagamit ito bunsod ng pangangailangang palawakin o palalimin ang kaalaman
sa isang larangan lalo na sa mga institusyong pang-akademiko.
 Ang paghahanap , pangangalap, pagtatasa o pagtataya, at pagiging kritikal ay
mga kasanayang nalilinang sa pagsasagawa ng pananaliksik
 Nagsisimula ang pananaliksik sa pamamagitan ng mga tanong sa pananaliksik
(research question) . Sinasaklaw ng mga tanong na ito ang pinakabuod o sentro
ng pananaliksik.
 Tinutukoy nito ang uri at layunin ng pananaliksik at nagsisilbi rin itong patnubay
kung anong proseso ang angkop gamitin.
 Ang pagsagot sa suliraning tutugunan ng pananaliksik ay sinusundan ng pagbuo
ng kuro-kuro (hypothesis)

Paano bumuo ng isang maayos na tanong sa Pananaliksik? Ayon sa DUKE WRITING


STUDIO, kailangang gawin ang mga sumusunod;
1. Pumili ng paksang kinawiwilihan at magbasa ng mga kaugnay na pag-aaral na
naisagawa tungkol dito.
2. Isaalang-alang ang iyong mambabasa. (sino, ano, paano, saan, bakit, at kailan)

Mga Katangian ng Magandang Tanong na Pananaliksik


1. Tiyak, espisipiko, at maliwanag ang paggamit ng mga termino.
Halimbawa; Alin sa dalawang halimbawa ang magandang tanong sa pananaliksik?

Nakakabuti ba ang 4P’s ng Gobyerno? Paano napapabuti ng 4P’s ang


kalagayang pang-ekonomiya ng mga
nakatanggap nito?

2. Tumatalakay sa mahalaga at makabuluhang isyu


3. Hindi pa naisasagawa ngunit posibleng maisakatuparan
4. Nagtataglay ng malinaw na layunin at kahalagahan
Madalas gamitin sa pananaliksik ang pamamaraang pasaklaw at pabuod (Babbie,
1998).
1. PASAKLAW- nagsisimula sa maliit na detalye bago bumuo ng paglalahat
2. PABUOD- unang inilalahad ang pangkalahatang pangkaisipan na pinatutunayan sa
pamamagitan ng mga detalye at obserbasyon.

“Samakatuwid, ang pamamaraang pasaklaw ay ginagamit upang maghanap ng


paliwanang, habang ang pamamaraang pabuod ay ginagamit upang patunayan ang
paliwanag.”

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
 May kasabihan sa wikang-Ingles, “Necessity is the mother of invention.” Dahil sa
pangangailangan, napipilitan ang tao na gumawa ng paraan upang
maisakatuparan, makamit, o ma solusyunan ang nasabing pangangailangan.
 Ang likas na pagiging mausisa at palatanong ng tao ang nagbubunsod sa kaniya
upang lumikha o humanap ng sagot.
 Nagkakaroon ng kaganapan ang pag-iral ng tao bilang isang natatanging nilalang
kapag ang kaniyang mga pag-uusisa ay nagbubunsod ng pananaliksik na
nakapag-aambag sa komunidad at lipunang kaniyang ginagalawan.

Ano-ano ang Gamit ng Pananaliksik?


1. Upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-
pakinabang sa mga tao.
2. Bigyan ng bagong interpretasyon ang lumang impormasyon
3. Upang linawin ang isang pinagtatalunang isyu.
4. Nagsasagawa ng karagdagang pananaliksik upang patunayan ang bisa at
katotohanan ng isang datos o ideya. Maaaring kompirmahin ng bagong pag-aaral ang
isang umiiral na katotohanan.

Bilang isang gawain sa Akademya, kailangang taglayin ng isang mabuting


pananaliksik ang sumusunod na katangian:
1. Nakabatay sa mga datos mula sa mga obserbasyon at mga aktuwal na
karanasan. Sinusukat ang bisa at katotohanan ng mga datos sa pamamagitan ng
paggamit ng mga estatistikal na pamamaraan.
2. Sistematiko. Lahat ng aspekto ng pananaliksik ay kailangang may sinusundang
proseso upang maiwasan ang misrepresentasyon, pagkiling, at pagdududa sa
kinalabasan ng pananaliksik.
3. Kontrolado. Mahalagang matukoy ang mga pagbabatayan lamang ng pag-aaral
upang makontrol at maipokus ang direksyon ng isinasagawang pag-aaral.
4. Gumamit ng matalinong kuro-kuro (hypothesis) na siyang magiging gabay sa
buong proseso ng pananaliksik. Ang matalinong kuro-kuro o tentatibong pahayag
tungkol sa isasagawang pananaliksik ay hindi simpleng hula lamang, bagaman ang
mga hinuha sa kalalabasan ng pag-aaral ay batay sa isang lantad na katotohanan.
Halimbawa;
Pamagat: Komparatibong pag-aaral sa epekto ng musika sa pagkatuto ng mga mag-
aaral sa ikalawang antas ng Manuel Roxas High School
Kuro-kuro: Nakakaimpluwensya ang musika ang pagkatuto ng isang tao. (Maaaring
baguhin kapag malinaw na ang tunguhin ng pananaliksik)

5. Masusing nagsusuri at gumagamit ng angkop na proseso.


6. Makatwiran at walang kinikilingan
7. Gumagamit ng mga dulog estatistika

Halimbawa:

8. Ayon sa isinasagawang pag-aaral, lumabas na:

200 milyon ang aktibong gumagamit ng Facebook


100 milyon ang nagla-log in isang beses isang araw
2/3 ng gumagamit ng Facebook ay hindi pumapasok sa kolehiyo
70 porsiyento ng gumagamit ng Facebook ay nakakalat sa labas ng USA

hango sa Facebook Statistics


https:/www.bcps.org/offices/lis/researchcourse/statistics_role.html

Orihinal
9. Maingat na gumagamit ng mga pamamaraan sa pangangalap ng mapagtitiwalaang
datos.
10. Hindi minamadali

May Iba’t ibang Dimensiyon ang Pananaliksik


1. Ang pananaliksik ay naglalayong tumuklas ng mga bagong kaalaman at
magpatunay ng mga umiiral na kaalaman

a. Ang pananaliksik na naglalayong tumuklas ng makabagong kaalaman


ay nagsasagawa ng imbestigasyon at pagsusuri tungkol sa mga bagay
o ideya na hindi pa ganap na nauunawaan o hindi pa saklaw ng
kaalaman.
b. Ang pananaliksik na naglalayong magpatunay ng mga umiiral na
teorya ay batay sa mga nakuhang datos.
2. Pananaliksik na nagtataya o nagsusuma ng mga datos at pananaliksik na
nag-uuri ng mga datos.
a. Ang pananaliksik na nagtataya o nagsusuma ng mga datos ay gumagamit ng
numero o estatistika upang masukat ang mga element. Isang halimbawa nito
ay ang pagsasagawa ng sarbey sa mga grupo ng mamamayan at ang mga
gagawing batayan sa pagbubuo ng kongklusyon o rekomendasyon.
b. Ang pananaliksik na nag-uuri ay nakabatay sa direktang obserbasyon o
bunga ng mga panayam mula sa iba’t ibang batis. Ang pananaliksik na ito ay
naglalarawan ng mga katangian ng paksang sinasaliksik.
“Maaaring ang pananaliksik na nagpapatunay ay nagsusuma ng resulta,
habang ang pananaliksik na tumutuklas ay nag-uuri.”

Etikang Isinasaalang-alang sa Pananaliksik

a. Paggamit ng Teksto ng ibang manunulat o mananaliksik (PLAGIARISM)

Iba’t ibang anyo o paraan ng PLAGIARISM


1. Pag-angkin sa gawa ng iba
2. Pangongopya ng mga salita o ideya nang hindi kinikilala ang orihinal
na sumulat
3. Hindi paglalagay ng panipi sa mga siniping pahayag
4. Pagbibigay ng maling impormasyon tungkol sa pinagmulan ng siniping
pahayag
5. Pagpapalit ng mga salita ngunit pareho lamang ang estruktura ng
pahayag
b. Pagrereksiklo ng mga material (Recycling)
c. Agarang pagbibigay ng kongklusyon nang walang sapat na batayan.

You might also like