You are on page 1of 11

Modyul

ng

Filipino 9
Introduksyon sa Pananaliksik Wika at Panitikan

Jover C. Dollaga
Headteacher Designate in Filipino

1
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay makapagbibigay ng mga
patunay sa paksang ipapakilala sa iyo.

Basahin at unawaing mabuti ang mga nakasaad na pahayag sa ibaba bago mo tuklasin
ang mga bahagi ng pananaliksik na bibigyan mo ng patunay na katanggap-tanggap.

Pananaliksik – Filipino
SAUCO( 1998 ) na ang pananaliksik ay isang pamamarang sistematiko, pormal at
masaklaw na pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng matiyaga at
hindi apurahang pagkuha ng mga datos sa mga pangunahing maaaring pagkunan. Inaayos
ang mga ito at pagkatapos ay sinusulat at iniuulat.
SANCHEZ (1998 ) Ito ay puspusang pagtuklas at paghaharap ng mga hindi pa nalalaman.
SEVILLA ( 1998 ) Ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya.
KAHULUGAN NG PANANALIKSIK BILANG KONGKLUSYON. Ito ay isang
sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag-oorganisa,
at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng
prediksyon, at pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK Austero, et al. (2006) 1. Makadiskubre ng mga
bagong kaalaman . 2. Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na
nalulutas. 3. Maka-develop ng episyenteng instrument, kagamitan o produkto. 4. Makatuk-
las ng mga bagong sabtans o element. ( komposisyon o kabuuan ng isang bagay.)
5. Makalikha ng mga batayan para makapagpasya at makagawa ng mga polisiya,
regulasyon, batas o mga panuntunan na maaaring gamitin sa iba’t ibang larangan. 6. Matu-

2
gunan ang kyuryusidad, interes at pagtatangka ng isang mananaliksik 7. Madagdagan,
mapalawak at mapatunayan ang mga kasalukuyang kaalaman.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK ( Lartec, et al., 2011)
BENEPISYONG EDUCASYONAL. Ito ay nakatutulong sa guro upang magsilbing gabay

ang natuklasan at nang sa gayon ay mapagtagumpayan niya ang epektibong pagtuturo sa


kanyang mga mag-aaral. Para naman sa mga mag-aaral, natututo sila sa mga isyu,
metodolohiya at kaalaman sa napili nilang larangan.
BENEPISYONG PROPESYONAL Ang mag-aaral ay nakapaggagalugad at
nakapaghahanda para sa kanyang pinapasok na karera dahil sa nasasanay na siyang magbasa
at mag-analisa ng mga datos na nagbubunga ng pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa
kanyang propesyon.
BENEPISYONG PERSONAL Sa proseso ng pananaliksik, napapaunlad ng isang mag-
aaral ang kritikal at analitikal nap ag-iisip na magbubunga ng kanyang pagiging metatag sa
buhay. Nakakaya niyang tumayong mag-isa, at masanay na siya sa paghahanap ng mga
datos bilang tugon sa paglutas ng mga suliranin at sa mga pagsubok sa buhay.
BENEPISYONG PAMBANSA. Sa pamamagitan ng pananaliksik, natatamo ang pag-unlad
ng bansa at nakatutulong sa pagkakaroon ng metatag na lipunan tungo sa mabuting
pamumuhay para sa lahat. Maging ang desisyon ng ating mga pinuno hinggil sa kapaka-
nang pambansa ay batay sa resulta ng mga isinagawang pananaliksik.
BENEPISYONG PANGKAISIPAN Nadadagdagan ang kaalaman at pagkatuto ng isang
indibidwal at nahahasa ang kanyang kaisipan dahil sa natitipon niyang mga ideya at
pananaw mula sa iba.
BENEPISYONG PANGKATAUHAN Sa pakikipanayam at pagtitipon ng mga datos,
nahahasa ang kagalingan ng isang mag-aaral sa pakikipagkapwa- tao. Nagbubunga ito ng
kahusayan sa pakikinig at nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao. Bukod ditto, nalilinang ang
kanyang tiwala at pagmamalaki,
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay ginagamitan ng haypotesis ayon kay BEST (1981)
Ang haypotesis ay pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag sa isang tiyak na
kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan, pangyayaring naganap na o magaganap pa lamang,
Ang haypotesis ay tumutukoy sa tiyak na pagpapahayag ng suliranin sa isasagawang
pag-aaral. Ipinapakita ng haypotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa simula pa lamang ng
pag-aaral.

3
Orihinal na akda ang pananaliksik. Hangga’t maaari, tiyaking bago ang paksa at wala
pang nakagawa sa nasabing pananaliksik. Hindi naaaksaya ang oras , panahon at salapi kung
ang Gawain ay nasa ilalim ng nararapat na proseso. Sa pagsisimula hanggang sa pagtatapos,
ang pananaliksik ay isang gawaing may proseso o sistema.
ETIKA NG PANANALIKSIK
Pananagutan ng isang mananaliksik ang pag-iwas at pag-ingat sa plagiarism o
pangungupya ng gawa ng iba . Kung gayon kailangan niyang maging matapat sa kanyang
isinusulat at mapanindigan niya ang anumang produktong ginawa niya sa lahat ng oras.
Bagama’t bukas na ang lahat ng sources o sanggunian dahil na rin sa teknolohiya, kailangan
pa rin ng mananaliksik na ipakilala at ipahatid sa kanyang mambabasa ang pinagmulang
sanggunian ng anumang datos na isinama niya sa kanyang ginawang pananaliksik. Sa
pagsasaalang- alang ng batas batay sa Intellecual Property Rights, kailangan ang mahigpit na
pagiingat.
Paggalang sa karapatan ng iba kung gagamitin bilang respondent ang isang pangkat
ng mga tao anuman ang antas na kinabibilangan nila, kailangan ang kaukulang panggalang o
respeto sa kanilang karapatan. Hindi maaaring banggitin ang kanilang pagkakakilanlan
kung wala silang pahintulot. Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential
kinakailangang alamin ang lahat ng datos at detalyeng nakuha mula sa sarbey, oanumang
paraan na confidential. Nasa sariling pamamaraan ng mananaliksik kung paano niya
ilalahad ang kabuuan.
Pagiging matapat sa bawat pahayag. Ang anumang pahayag sa kabuuan ng
pananaliksik ay nararapat na matapat at naaayon sa pamantayan ng pagsulat. Hindi maaaring
Baguhin ang anumang natuklasan para lamang mapagbigyan ang pansariling interes o
pangangailangan ng ilang tao. Pagiging obhektibo at walang kinikilingan ang isang
mananaliksik dapat matapat niyang mailahad ang resulta ng kanyang pagkiling kaninuman.
Dapat ay maging pantay siya sa lahat. Kinakailangang maibigay kung ano talaga ang
nararapat para sa isang tao, pangkat ng mga tao, institusyon at iba pang may kinalaman sa
kanyang ginawang sulating pananaliksik.

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
1. Ang Pamamaraang Pangkasaysayan – tinatangkang sagutin o tugunin ng pamaraang ito
ang nakaraan sa pamamagitan ng pagpapakita ng kaugnayan ng sanhi at bunga. Sinikap
ng pamamaraang ito na matuklasan ang sanhi ng mga nakalipas na kaganapan, sitwasyon,
at kalagayan. Makukuha ang mga datos sa mga tunay na talaan, dokumento o kasulatang

4
naging saksi ng nakaraan.
Narito ang ilang gawaing isinasaalang-alang sa pagbuo ng pangkasaysayang
Pananaliksik.
a. Pagpili at pagbalangkas ng suliranin. Isinasaalang-alang sa gawaing ito ang kakayahan
ng mananaliksik, ang mapagkukunan ng mga datos, ang tagal ng panahong maiuukol sa
pag-aaral, ang kagalingang pampropesyonal, ang sapat na mapagkukunan ng mga datos,
at pagtiyak na matatapos ng mananakilsik ang proyekto sa itinakdang panahon.
b. Pangangalap at pagtitipon ng mga datos. Ang mga datos ay maaaring makalap mula sa
mga kasulatan tulad ng mga pampublikong dokumento, ang saligang-batas, mga batas,
mga dekreto, mga resolusyon at iba pa; mga materyales na naisalin na ng pasalita gaya
ng mga kuwentong-bayan, alamat at tradisyon; mga gawaing pansining tulad ng mga
masining na guhit, mga larawan, mga relikya at labi.
c. Kritikal na pagsusuri ng mga datos. Ang pagsusuri ay maaaring panloob at panlabas
na isinasagawa upang mabatid ang pagiging tunay at pagkamakatotohanan ng mga paha-
yag ditto.
2. Ang Palarawang Pananaliksik. Inilalarawan sa pamamaraang ito ang tumpak na lara-
wan ng kasalukuyang kalagayan ng mga bagay-bagay na maaaring verbal, graphic o isina-
larawan, quantitative o statistical. Ang mga datos ay mula sa mga kasalukuyang ulat,
sarbey o pagmamasid. Ang kahusayan ng uring ito ay nakasalalay sa paglabalido at
pagkamaasahan ng mga datos. Ang mga datos sa uring ito ay maaaring makuha sa tulong
ng mga talatanungan at mga panayam, kaya lamang, ang talatanungan ay nagpapakita ng
kuru-kuro o palagay, pagkaunawa, saloobin at iba pang sabdyektib na kalagayan ng kama-
layan.
3. Ang EKSPERIMENTAL NA PANANALIKSIK. Natatanging katangian ng pamaraang
ito ang panghuhula sa maaaring kasagutan ng mga katanungan. Haypotesis ang tawag sa
hulang ito. Ang pamamaraang eksperimental ay ang pagsubok sa isang haypotesis sa
pamamagitan ng isang mapamaraan paggamit ng may kaugnayang empirical na mga salik
sa pag-asang matatamo ang katotohanan kung ang haypotesis ay mapapatunayan ng bunga
ng mga mapamaraang paggamit.
Ang Planong Eksperimental Ang sumusunod ay ilan sa mga hakbang ng
pamaraang eksperimental.
a. Pagtiyak sa suliraning eksperimental o paksa
b. Pagsasagawa ng sarbey ng mga magkakaugnay na literatura at mga pag-aaral
c. Pagbabalangkas ng haypotesis

5
d. Pagkilala sa mga eksperimental na baryabol
Ang Plano ng Pananaliksik
1.Pamagat o paksa ng iminumungkahing pag-aaral.
ANG MULTILINGGWALISMO SA PAGLINANG NG KASANAYAN SA PAGBASA
Ni Lorey D. Funtanilla – Tanaleon 2
2.Pagpapahayag ng suliranin
3.Saklaw at limitasyon ng pag-aaral. Ipinapahayag sa saklaw ang mga tiyak na
Mapagkukunan ng mga impormasyon, panahong sasakupin ng pag-aaral, deli-
mitasyon at hangganan ng mga pag-aaral. Ang limitasyon sa kabilang dako ay isang
aspekto ng pagsisiyasat na makaaapekto sa kinahihinatnan ng pagsisiyasat ngunit
wala sa kakayahan na mananaliksik na makontrol ang kakulangang ito.
4.Ang kahalagahan ng pag-aaral
5.Depinisyon ng mga katawagan at panteoryang balangkas
6.Pamamaraan at paraan. – pamamaraan ang tawag sa isang set ng mga hakbang na
gagawin sa pagtuklas ng kabatiran na kaugnay sa pagtatakda ng panahon sa pagtuklas
ng katotohanang dapat mabatid---nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.
Ang pamaraang gagamitin ng mananaliksik ay maaaring pangkasaysayan,
palarawan at eksperimental. Maaaring pagsamahin ang mga pamamaraang ito ngu-
nit dapat na lilinawin ng mananaliksik kung saang bahagi ginamit ang bawat isa.
7.Pagrerepaso ng mga kaugnay na pag-aaral at literature. Ang repaso ay maaaring ipa-
hayag sa anyong paglalahad, pagtataya at pamumuna. Ito ay ginagawa dahil sa sumu-
sunod na mga layunin upang maipakita ng mananaliksik na pamilyar siya sa mga
pangunahing kaisipan sa kaugnay na larangan ng pag-aaral upang maipakita na ang
mga nakaimbak nang kaalaman sa larangang ito ay hindi pa lubos na buo at hindi pa
gaanong maaasahan.
8.Ang bibliyograpiya o talasanggunian. Ang talasanggunian ay matatagpuan sa hulihan
ng sulating pananaliksik ngunit una itong isinagawa bago pa man ang pamagat upang
matiyak ng mananaiksik na mayroon siyang mapagkukunan ng mga datos o may nau-
na nang nabuong pag-aaral sa nasabing paksa. Ang bibliyograpiya ay ang talaan ng
lahat ng maaaring gamiting sangguniang makukuha sa mga aklatan.
9. Karagdagang bahagi. Matatagpuan sa bahaging ito ang talapanahunan ( timetable )
na tumutukoy sa tiyak na iskedyul kung kailan matatapos ang bawat hakbang ng
gawain. Makikita rin dito ang gastusing magpapakita ng tiyak na halagang magagas-
toss a bawat gawaing kailangan.(kasangkapan, kagamitan, instrument, at koreo) kaug-

6
nay na mga gastos tulad ng pasahod, bayarin, gastos sa pagpapalimbag at iba pa.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
A. Fly Leaf 1 ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat sa
pahinang ito. Ito ay blangkong papel
B. Pamagating Pahina- ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad
din ditto kung kanino iniharap o ipinasa ang papel, kung saang asignatura ang nanga-
ngailangan, kung sino ang gumawa at komplesyon. Nagmukhang inverted pyramid
ang pagkakaayos nito.
C. Dahong Pagpapatibay- ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mana
naliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong papel.
D. Pasasalamat o Pagkilala- tinutukoy rito ang sinumang nakatulong ng mananaliksik sa
pagsasagawa ng pananaliksik gayo’y nararapat na pasalamatan.
E. Talaan ng Nilalaman- nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng
pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatag-
puan ang bawat isa.
F. Talaan ng Talahanayan o graf - nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf
na nasaloob ng pamanahong papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan
ang bawat isa.
G. Fly Leaf 2 - isang blangkong papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong papel

KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


A. Ang Panimula o Introduksyon- ay isang maikling talataang kinapapalooban ng
pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.
B. Layunin ng Pag-aaral - inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung
bakit isinagawa ng ang pag-aaral. Tinutukoy din dito ang mga angkop na suliranin
na nasa anyong patanong.
C. Kahalagahan ng Pag-aaral- inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik
ng paksa ng pag-aaral. Inilalahad ditto kung sino ang makikinabang sa nasabing
pag-aaral.
D. Saklaw at Limitasyon- tinutukoy ang hangganan ng pananaliksik.
E. Definisyon ng mga Terminolohiya- ang mga katawagang makailang ginamit sa
pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng kahulugan. Maaari itong operational
kung paano ito ginamit sa pananaliksik Conceptual na Kahulugan Istandard na
Kahulugan Makikita sa diksyunaryo.

7
KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LETERATURA
>tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng
pananaliksik
>tukuyin ang bago o nailimbag sa loob ng huling sampong taon
>gumamit ng pag-aaral at literaturang local at dayuhan
KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

A. Disenyo ng Pananaliksik
Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pad-aaral. Para sa inyong
pamanahong papel, iminumungkahi ang pinasimple na deskriptiv-analitik na isang
Disenyo ng pangangalap ng mga datos at informasyon hinggil sa mga salik o factors
Na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
B, Respondente
Tinutukoy kung ilan sila at paano at bakit sila napili sa sarvey.
C, Instrumento ng Pananaliksik
Inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at
imformasyon. Iniisa-isa rin ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maaari,
kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang.
D. Tritment ng mga Datos
Inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerical
na datos ay mailalarawan. Dahil ito’y pamanahong papel lamang, hindi kailangang
gumamit ng mga kompleks na istatistikal tritment. Sapat na ang pagkuha ng
porsyento o bahagdan matapos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga
respondent.
KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
A. Lagom - ditto binunuod ang mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik
na komprehensibong tinatalakay sa kabanata III B.
B. Konklusyon - ito ay mga inferenses, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon,
pangkalahatang pahayag, at o paglalahad batay sa mga datos at informasyong
nakalap ng mananaliksik.
C. Rekomendasyon - ito ay ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning
natukoy o natuklasan sa pananaliksik.

8
9
10

You might also like