You are on page 1of 21

10

Filipino
Unang Markahan
Modyul 9
Nobela Mula sa France
Panimula
Ang France ay kilala bilang sentro ng edukasyon at ideyalismo noong Age of
Enlightenment sa Europe. Kilala rin ang bansa sa hindi maitatangging kagandahan ng
estruktura ng mga gusali. Kakambal ng kagandahan ng bansa ang kagandahan ng
kanilang panitikan. Hindi mabilang na aklat at nobela ang naisulat sa France na likha
ng itinuturing na mga tanyag sa pagsulat ng panitikan.
Ang araling ito ay naglalaman ng mga katangian ng isang nobela gayundin ang
mga dapat tandaan sa paguslat ng nobela. Mababasa mo rin ang isang buod ng
nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame” na isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo. Ang
nobelang ito ay isinulat ni Victor Hugo na itinuturing na isa sa pinakamahusay na
manunulat sa mundo. Tunghayan ang nobelang magbibigay ng tunay na kahulugan
ng pamilya at pag-ibig. Pansinin din ang mga pinakamahalagang kasanayang
pampagkatuto na nakapaloob sa araling ito.

MGA PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

F10PN-Ig-h-67- Naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa


napakinggang diyalogo.
F10PB-Ig-h-68- Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang
pampanitikan sa pananaw humanismo o alinmang angkop na
pananaw.
F10PT-Ig-h-67- Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas
o tindi ng kahulugang ipinahahayag nito (clining).
F10PD-Ig-h-66- Naihahambing ang ilang pangyayari sa napanood na dula sa mga
pangyayari sa binasang kabanata ng nobela.
F10PS-Ig-h-69- Nailalarawan ang kultura ng mga tuhan na masasalamin sa
kabanata.

SUBUKIN
Bago mo simulang pag-aralan ang paksa ngayong linggo, sagutin mo muna ang
paunang pagtataya.
Panuto: Itiman ang bilog na may titik ng iyong napiling sagot.

1. Ito ay bungang-isip/katha na nasa anyong prosa, kadalasang halos


pang-aklat ang haba na ang banghay ay inilalahad sa pamamagitan
ng mga tauhan at diyalogo.
A. Dula C. Maikling Kuwento
B. Epiko D. Nobela
2. Alin ang hindi matatagpuang elemento sa isang mahusay na nobela?

1
A. isang kuwento o kasaysayan
B. isang pag-aaral
C. paggamit ng malikhaing guniguni
D. paggamit ng totoong karanasan sa buhay
3. Ang pangunahing layunin ng nobela ay _________.
A. lumibang C. magbigay ng aral
B. manghikayat D. magbigay puna
4. Ang lalong mahusay na nobela ay naglalarawan ng _________.
A. banghay C. tagpuan
B. diyalogo D. tauhan
5. Ang humanismo ay naniniwala na ang _________ ang sukatan ng
lahat ng bagay at pinanggagalingan ng lahat.
A. bagay B. halaman C. hayop D. tao
6.Taong 1482 nang itinanghal si Quasimodo-ang Kuba ng Notre Dame
bilang “Papa ng Kahalangan”. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang ________.
A. kagandahan C. katalinuhan
B. kaguwapuhan D. katangahan
7. Kinupkop si La Esmeralda ng pangkat ng mga taong palaboy at mag-
nanakaw. Ang sumusunod maliban sa isa ay hindi kahulugan ng sali-
tang may salungguhit.
A. inalagaan C. inabandona
B. inaruga D. kinalinga
8. Inisip niya ang dahilan ng kaniyang pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay
kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo-na kailanman ay hindi niya
nagawang tutulan dahil sa utang na loob. Anong katangian ang nangi-
babaw sa tauhan?
A. mabait C. pagsasakripisyo para sa iba
B. masunurin D. pagtanaw ng utang na loob
9. Piliin ang pahayag na nagpapakita nang panghahamak sa kapwa.
A. Nang dahil sa taglay niyang kapangitan, siya ang itinuring na pina-
pangit na nilalang sa Paris.
B. Inutusan niya si Quasimodo na bumalik sa Notre Dame na kasama
niya.
C. Lumapit ang dalaga sa kaniya na may dalang isang basong tubig.
D. Tinunton niya ang tuktok ng tore at doon hinanap ang dalaga.
10. Sino sa mga sumusunod na tauhan ang nagpapakita ng pagbaba-
go ng ugali dahil sa matinding pag-ibig?
A. Ang matinding pagnanasa niya sa dalaga ang nag-udyok sa kan-
ya na talikuran ang Panginoon at pag-aralan ang itim na mahika.
B. Lumapit siya sa pinuno ng pangkat at nagmungkahing pakakasalan
ang lalaki upang mailigtas lamang ito.
C. Nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ng dalaga kaya sinundan
niya ito sa pag-uwi.

2
D. Si Quasimodo ay napaibig sa dalaga noong araw na hinatiran siya
ng tubig sa panahong walang tumulong sa kaniya.
Para sa bilang 11-13.

Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang


nagkakagulo, sinamantala ni Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya
ng dalawang pagpipilian ng dalaga: ang mahalin siya o ang mabitay? Mas pinili ni
La Esmeralda ang mabitay kaysa mahalin ang isang hangal na tulad ni Frollo.
Iniwan ni Frollo ang dalaga na kasama si Sister Gudule. Labis ang pagkamangha
ng dalawa nang mabatid nila na sila ay mag-ina. Nakilala ni Sister Gudule si La
Esmeralda dahil sa kuwintas na suot ng dalaga. Ito ang kaniyang palatandaan na
suot ng kaniyang anak bago mawala. Ninasa ni Sister Gudule na iligtas ang anak
subalit huli na ang lahat.

11. Sino sa mga tauhan ang nagpapakita ng katangiang matinding pag-


nanasa sa kapwa?
A. Frollo C. La Esmeralda
B. Quasimodo D. Sister Gudule
12. Anong bagay ang naging palatandaan ni Sister Gudule na suot ng
kanyang anak?
A. hikaw C. Pulseras
B. kuwentas D. Tsinelas
13. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal ng isang
pamilya?
A. Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo.
B. Mas pinili ni La Esmeralda ang mabitay kaysa mahalin ang isang
hangal na tulad ni Frollo.
C. Nag-alok siya ng dalawang pagpipilian ng dalaga: ang mahalin
siya o ang mabitay?
D. Ninasa ni Sister Gudule na iligtas ang anak subalit huli na ang
lahat.
14. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kultura ng bansang France
maliban sa isa.
A. pagsanib sa itim na mahika
B. pagiging makata at pilosopo
C. pagkakaroon ng mga pagdiriwang
D. pagpaparusa na ginagawa sa tapat ng palasyo
15. Anong isyung panlipunan ang nangingibabaw sa akda?
A. pagnanakaw C. pag-ibig sa kapwa
B. pang-aapi sa kapwa D. pagtulong sa kapwa

3
Aralin Ang Kuba ng Notre Dame (Buod)
ni Victor Hugo
1.1 Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
PANITIKAN

ALAMIN

Ngayon ay nasa ikasiyam na linggo ka na sa iyong pagkatuto. Sa pagtatapos


ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakikilala ang nobela bilang isang akdang pampanitikan;


2. naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa nabasang diyalogo;
3. nasusuri ang binasang buod ng nobela bilang isang akdang pampanitikan
sa pananaw na humanismo;
4. naihahambing ang ilang pangyayari sa napanood na pelikula sa binasang
buod ng nobela;
5. nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na masasalamin sa binasang akda.

BALIKAN/PAGGANYAK/
PAGGANYAK
Sa nakaraang linggo ay napag-aralan mo ang isa sa akdang pampanitikan na
epiko mula sa Mesopotamia na may pamagat na “Epiko ni Gilgamesh”.
Napatunayan ng mga pangunahing karakter ang tunay na kahulugan ng
pagkakaibigan.

Ngayon, bigyang pansin mo ang larawan sa ibaba. Sila ang isa sa


pinakakilalang tauhan sa pelikulang “Tha Lion King” at tanyag bilang matalik na
magkaibigan. Gamit ang lobo ng usapan, punan ito ng mga diyalogo na angkop sa
sinasabi ng larawan.

4
Gawain 1. Katangian Ko…Diyalogo Ko
Panuto: Mula sa una mong ginawa, basahin ang mga diyalogo mula sa mga akda at
ibigay ang katangian ng tauhan batay sa kanilang sinabi. Isulat sa patlang
ang iyong sagot.

1. “Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katangha-


lian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag ako’y
nawala.”
Halaw sa kuwentong “Nang Minsang Naligaw si Adrian”,
LM Grade 9, pp. 15
______________________________________________________________

2. “Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang lalaking estranghero sa akin,” sabi


ng babae.
Halaw sa nobelang “Isang Libo’t Isang Gabi
(Thousand and One Nights) Saudi Arabia
______________________________________________________________

3. “Sige, bibigyan kita ng trabaho. Pero ayoko ng tamad, ha? Dos singkwentang
gana mo.” (Don ho sa pinagtrabahuan ko, tatlong pisong…) O, e, di don ka
magtrabaho. Burahin ko nang pangalan mo?”
Halaw sa nobelang “Maynila sa Kuko ng Liwanag”
______________________________________________________________

4. “Kasalanan n’yo ang nangyari, e! Natataranta kasi kayo basta may kostumer
kayong kano. Pa’no natitipan kayo ng dolyar. Basta nakakita kayo ng dolyar,
naduduling na kayo, kaya binabastos ninyo ang mga kapwa Pilipino.”
Halaw sa nobelang “Gapo” ni Lualhati Bautista
______________________________________________________________

5. “Walang ibang babae akong minahal.”


Halaw sa nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame”
______________________________________________________________

Mga Gabay na Tanong

1. Paano nakatulong ang mga pangyayari sa pagkilala ng katangian ng tauhan?

______________________________________________________________
2. Anong uri ng tauhan ang nabuo ng may-akda?

______________________________________________________________
3. Nalaman ba sa diyalogo ang pagkakilanlan ng isang tauhan? Patunayan.

______________________________________________________________

5
TUKLASIN

Bilang pangalawang araw ng ating aralin, matutuklasan mo ang mga


mahahalagang konsepto kaugnay sa akdang pampanitikang nobela na mula sa
France.

Ngayon, para lalo mong maunawaan ang ganda at halaga ng isang nobela,
basahin mo nang tahimik o nang malakas sa harap ng iyong pamilya ang buod ng
nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame”. Nais kong bigyan mo rin ng pansin ang
katangian ng bawat tauhan sa nobela.

Ang Kuba ng Notre Dame (Buod)


ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Sa isang malawak na espasyo ng Katedral nagkikita-kita ang mamamayan
upang magsaya para sa “Pagdiriwang ng Kahangalan” na isinasagawa sa loob ng
isang araw taon-taon. Taong 1482 nang itanghal si Quasimodo – ang kuba ng
Notre Dame bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na
kapangitan. Siya ang itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris. Nang araw
na iyon, iniluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa
pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon na nakikibahagi sa
kasiyahan. Naroroon si Pierre Gringoire, ang nagpupunyaging makata at pilosopo
sa lugar. Hindi siya naging matagumpay na agawin ang kaabalahan ng mga tao sa
panonood ng nasabing parada. Malaki ang kaniyang panghihinayang sapagkat
wala man lang nagtangkang manood ang kaniyang inihandang palabas. Habang
isinasagawa ang mga panunuya kay Quasimodo, dumating ang paring si Claude
Frollo at ipinatigil ang pagdiriwang. Inutusan niya si Quasimodo na bumalik sa
Notre Dame na kasama niya.
Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni
La Esmeralda- ang dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang sundan ang dalaga sa
kaniyang pag-uwi. Habang binabagtas ni La Esmeralda ang daan, laking gulat niya
nang sunggaban siya ng dalawang lalaki – sina Quasimodo at Frollo. Sinubukang
tulungan ni Gringoire ang dalaga subalit hindi niya nakaya ang lakas ni Quasimodo
kung kaya’t nawalan siya ng malay. Dagli namang nakatakas si Frollo. Dumating
ang ilang alagad ng hari sa pangunguna ni Phoebus – ang kapitan ng mga
tagapagtanggol sa kaharian.
Dinakip nila si Quasimodo. Samantala, hatinggabi na nang pagpasiyahan
ng pangkat ng mga pulubi at magnanakaw na bitayin si Gringoire. Lumapit si La
Esmeralda sa pinuno ng pangkat at nagmungkahing huwag ituloy ang pagbitay
sapagkat handa siyang magpakasal sa lalaki sa loob lamang ng apat na taon,
mailigtas lamang ang buhay ni Gringoire sa kamatayan.

6
Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng
palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. Matindi ang sakit ng
bawat latay ng latigo na ipinapalo sa kaniyang katawan. Inisip niya ang dahilan ng
kaniyang pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo-
na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob.
Kasabay ng sakit na nadarama niya ay ang matinding kirot na nalalasap sa
bawat panghahamak sa kaniya ng mga taong naroroon. Nagmakaawa siya na
bigyan siya ng tubig subalit tila bingi ang mga taong nakatingin sa kaniya – na ang
tanging gusto ay lapastanganin at pagtawanan ang kaniyang kahabag-habag na
kalagayan. Dumating si La Esmeralda.
Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang basong tubig.
Pinainom siya. Samantala, sa di kalayuan ay may babaeng baliw na sumisigaw kay
La Esmeralda. Tinawag siya ng babaeng “hamak na mananayaw” at “anak ng
magnanakaw.”
Kilala ang babae sa tawag na Sister Gudule. Siya ay pinaniniwalaan na dating
mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang anak na babae, labinlimang taon
na ang nakalilipas.
Makaraan ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay sumasayaw sa tapat
ng Notre Dame at pinagkakaguluhan ng maraming tao, napagawi ang mga mata ni
Phoebus sa mapang-akit na kagandahan ng dalaga. Nang mapuna ni La Esmeralda
si Phoebus ay napaibig dito ang dalaga. Tila siya nawalan ng ulirat nang kaniyang
marinig ang paanyaya ng binata na magkita sila mamayang gabi upang lubos na
magkakilala. Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at
nakaramdam ng matinding panibugho sa nasasaksihan. Ang kaniyang matinding
pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-udyok sa kaniya na talikuran ang Panginoon
at pag-aralan ang itim na mahika. Mayroon siyang masamang balak. Nais niyang
bihagin ang dalaga at itago sa kaniyang selda sa Notre Dame. Nang sumapit ang
hatinggabi, sinundan niya si Phoebus sa pakikipagtipan kay La Esmeralda. Habang
masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may sumunggab ng
saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may sala. Hinuli ng mga alagad
ng hari si La Esmeralda sa pag-aakalang siya ang may kagagawan ng
paglapastangan sa kapitan.
Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang
kasalanang hindi niya ginawa. Pinaratangan din siyang mangkukulam. Siya ay
nasintensiyahang bitayin sa harap ng palasyo. Dinalaw siya ni Frollo sa piitan at
ipinagtapat ang pag-ibig sa kaniya. Nagmakaawa ang pari na mahalin din siya at
magpakita man lang kahit kaunting awa ang dalaga subalit tinawag lamang siya ni
La Esmeralda ng tiyanak na monghe at pinaratangang mamamatay tao. Tumanggi
siya sa lahat ng alok ni Frollo. Bago ang pagbitay, iniharap si La Esmeralda sa
maraming tao sa tapat ng Notre Dame upang kutyain. Napansin ng dalaga ang anyo
ni Phoebus kaya isinigaw niya ang pangalan ng binata. Si Phoebus ay nakaligtas sa
tangkang pagpatay sa kaniya. Tumalikod si Phoebus na tila walang naririnig at
tinunton ang bahay ng babaeng kaniyang pakakasalan.

7
Ilang sandali’y dumating si Quasimodo galing sa tuktok ng Notre Dame patungo
kay La Esmeralda gamit ang tali. Hinila niya paitaas ang dalaga patungo sa Katedral
at tumatangis na isinigaw ang katagang “Santuwaryo”. Si Quasimodo ay napaibig kay
La Esmeralda nang araw na hatiran siya ng dalaga ng tubig sa panahong wala man
lang magnasang tumulong sa kaniya. Matagal na niyang pinagplanuhan kung paano
itatakas si La Esmeralda sa naging kalagayan ng dalaga. Batid ni Quasimodo na ang
dalaga ay mananatiling ligtas hangga’t nasa katedral. Sa mga araw na magkasama
ang dalawa, mahirap para kay La Esmeralda na titigan ang pangit na anyo ni
Quasimodo. Di nagtagal, naging magkaibigan ang dalawa.

Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at magnanakaw – sila


ang kinikilalang pamilya ni La Esmeralda. Naroon sila upang sagipin ang dalaga
sapagkat narinig nila na nagbaba ng kautusan ang parliyamentaryo na paaalisin si La
Esmeralda sa katedral. Samantala, inakala naman ni Quasimodo na papatayin ng mga
lumusob si La Esmeralda kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang dalaga.

Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang


nagkakagulo, sinamantala ni Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya ng
dalawang pagpipilian ng dalaga: ang mahalin siya o ang mabitay? Mas pinili ni La
Esmeralda ang mabitay kaysa mahalin ang isang hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni
Frollo ang dalaga na kasama si Sister Gudule. Labis ang pagkamangha ng dalawa
nang mabatid nila na sila ay mag-ina. Nakilala ni Sister Gudule si La Esmeralda dahil
sa kuwintas na suot ng dalaga. Ito ang kaniyang palatandaan na suot ng kaniyang anak
bago mawala. Ninasa ni Sister Gudule na iligtas ang anak subalit huli na ang lahat.

Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang


tuktok ng tore at doon hinanap ang dalaga. Sa di kalayuan, napansin niya ang anyo ng
dalaga. Si La Esmeralda ay nakaputing bestida at wala ng buhay. Naantig siya sa
kaniyang nasaksihan. Labis na galit ang nararamdaman niya kay Frollo na noon pa
man ay batid niya na may matinding pagnanasa sa dalaga. Nawala sa katinuan si
Quasimodo. Nang mamataan niya si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot na
nararamdaman ay inihulog niya ito mula sa tore- ang paring kumupkop sa kaniya.

Inihulog niya sa kamatayan ang taong naghatid ng pagdurusa sa babaeng


kaniyang minahal – si La Esmeralda. Habang nakatitig sa wala ng buhay na katawan
ng dalaga, sumigaw si Quasimodo, “walang ibang babae akong minahal.” Mula noon,
hindi na muling nakita pa si Quasimodo.
Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng
puntod ang libingan ni La Esmeralda, nasilayan niya ang hindi kapani-paniwalang
katotohanan- nakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan ng dalaga.

8
SURIIN/ TALAKAYIN

Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan


Ayusin ang mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan. Gamitin ang
teknik pagkiklino.

A. Kagunggungan
Kahangalan
kabaliwan
kalokohan

B. galit
muhi
poot
ngitngit

C. kinupkop
inalagaan
tinangkilik
kinalinga

D. hapis
lungkot
pighati
lumbay

Gawain 3: Pag-unawa sa Akda


Sagutin ang mga tanong. Isulat sa patlang ang iyong mga sagot.

1. Ilarawan ang natatanging katangian na taglay ni Quasimodo. Ano ang suliranin na


bumabagabag sa kaniya?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

9
2. Bakit ninais ni Pierre Gringoire na makisali sa pangkat ng mga pulubi at magnana-
kaw?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Paano natagpuan ang kalansay ni Quasimodo sa loob ng libingan ni La Esmeralda?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Ano ang pananaw ng may-akda tungkol sa pamilya? Pag-ibig? Magbigay ng mga


patunay.

Ang Kuba Ng Notre Dame

Pamilya Pag-ibig

5. May mahalagang papel ba ang Katedral sa kuwento na nakapaloob sa nobela?


Pangatuwiran ang sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

6. Anong kakaibang katangian ni Claude Frollo bilang kontrabidang tauhan sa bina-


sang akda.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

7. Ilarawan ang magkaibang wakas ng mga tauhan na masasalamin sa nobela.


Gamitin ang kasunod na dayagram sa pagsagot.

CLAUDE
QUASIMODO
FROLLO

HINAHARAP NG MGA TAUHAN SA


NOBELA

LA ESMERALDA PHOEBUS

10
8. Maglahad ng dalawang pangyayari o bahagi sa nobela na magpapakilala sa kultura
o pagkakakilanlan ng bansang pinagmulan ng akda. Itala sa tsart.

Bahagi o Pangyayari sa Akda Kultura o Pagkakakilanlan ng Bansa

1.

2.

9. Mahusay bang naisasalaysay ang mga pangyayari sa paglalarawan ng mga tauhan


sa nobela? Patunayan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

10. Sa iyong palagay, ano ang nais ipabatid ng may-akda sa kaniyang isinulat na no-
bela na may kaugnayan sa bansang pinagmulan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ngayon ay nasa ikatlong araw ka na ng aralin. Alamin ang kahulugan at mga


dapat tandaan sa Pagulat ng Nobela.

Alam mo ba na…
Ang nobela ay bungang-isip/katha na nasa anyong prosa, kadalasang halos pang-aklat
ang haba na ang banghay ay inilalahad sa pamamagitan ng mga tauhan ay diyalogo? Ito’y
naglalahad ng isang kawili-wiling pangyayari na hinabi sa isang mahusay na
pagkakabalangkas.
Ang tatlong elemento na karaniwang matatagpuan sa isang mahusay na nobela ay
1.) isang kuwento o kasaysayan, 2.) isang pag-aaral, at 3.) paggamit ng malikhaing
guniguni.
Pangunahing layunin ng nobela ay lumibang, bagaman sa di-tahasang paraan,
ito’y maaari ring magturo, magtaguyod ng isang pagbabago sa pamumuhay o sa lipunan
o magbigay ng isang aral.
Mga Pangyayari- Dahil binubuo ng mga kabanata, dapat na ang mga pangyayari
ay magkaugnay. May panimula, papaunlad na mga pangyayari na magsasalaysay ng
tunggalian ng nobela, kasukdulan, at kakalasan na patungo na sa wakas.

Paglalarawan ng Tauhan- Ang lalaong mahusay na nobela ay naglalarawan ng


tauhan. Ito’y ginagawa nila sa isang paraang buhay na buhay, kaya’t parang mga tunay na
tauahan ang kinakaharap natin habang binabasa ang nobela. Sa kanilang bukambibig, sa
kanilang kilos at sa mga sinasabi ng may-akda tungkol sa kanila ay natutuhan nating
kilalanin at pahalagahan ang mga lalaki at babae ng isang katha na naiuugnay sa mga
taong nakapaligid sa atin.

11
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Nobela
1. Sa isang mahusay na nobela, ang mga tauhan ay hindi pinagagalaw ng
may-akda. Sila’y gumagalaw ng kusa – lumuluha, nalulugod, nagtataksil,
nagtatapat, nang-aapi, tumangkilik-alinsnod sa angkin nilang lakas, mga hangarin,
at mga nakapaligid sa kanila. Ang mga kilos nila’y siyang mga kilos na hihingi ng
katutubo nilang ugali at ng mga pangyayaring inilalarawan ng kumatha.

2. Ang mga masasaklaw na simulain ng pagsasalaysay. Ang nobela ay


dapat sumunod sa masasaklaw na simulain ng pagsasalaysay. Ang nobela’y may
pauna, na tumutugon sa mga katanungang Sino? Ano? Kailan? Saan?

Sa pagsusuri ng mga akda tulad ng nobela, isang mahalagang pamaraan


ang paglalapat ng mga pananaw. Ang teoryang humanismo ay itinatanghal ang
buhay, dignidad, halaga, at karanasan ng bawat nilalang maging ang karapatan at
tungkulin ng sinuman para linangin at paunlarin ang sariling talento.

Paniniwalaan ng humanismo na ang tao ay isang rasyonal na nilikha na may


kakayahang maging makatotohanan at mabuti. Sa madaling salita, ang
humanismo ay naniniwala na ang tao ang sukatan ng bagay, ang siyang
pinanggagalingan ng lahat. Mainam tingnan sa sumusunod ang pagsusuri ng
panitikan:

a. pagkatao
b. tema ng akda
c. mga pagpapahalagang pantao
d. mga bagay na nakaiimpluwensiya sa pagkatao ng tauhan
e. pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa problema

ISAISIP

Inaasahan kong nagkaroon ka na ng pagpapahalaga at pag-unawa sa


binasang buod ng nobela gayundin ang pagsusuri sa nobela gamit ang teoryang
humanism at ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng nobela.

Tandaan na ang nobela ay isang bungang-isip o katha na naglalahad ng


mga kawil ng mga kawili-wiling pangyayari at ang pangunahing layunin ay ang
lumibang sa mambabasa. Higit na binibigyang-diin ang mahusay na paglalarawan
sa mga tauhan na kung saan ay ginagamitan ng teoryang humanismo.

12
ISAGAWA

Gawain 4: Suring Tauhan

Sa pananaw humanismo, ipinakikita na ang tao ay sukatan ng lahat ng bagay


kaya’t binibigyang-halaga ang kanyang saloobin at damdamin. Matitiyak lamang ito
kung tataglayin niya ang kalayaan sa pagkilos, natatanging talas ng isipan at
kakayahan.

Ilarawan ang katangian ng mga tauhan sa nobelang binasa at paano


ipinakikilala ang kultura o pagkakakilanlan ng bansang kaniyang pinagmulan. Punan
ang talahanayan na nasa kasunod na pahina.

Paano ipinakita ang


mga namumukod
Tauhan Paano mag-isip? Ano ang kaniyang na katangian n
damdamin? amula sa kaniyang
bansang
pinagmulan?

Quasimodo

Claude Frollo

La Esmeralda

Phoebus

PAGYAMANIN/ KARAGDAGANG GAWAIN

Gawain 5: Makabuluhang Hambingan

Ihambing mo ang ilang pangyayari sa napanood na pelikula sa mga pangyayari


sa binasang buod ng nobela. Gamitin ang talahanayan sa pagsagot.

13
PAGHAHAMBING
ANG KUBA NG NOTRE DAME NAPANOOD NA PELIKULA (Pamagat)

Pangyayari 1

Pangyayari 2

Pangyayari 3

TAYAHIN

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ang bawat aytem.


Piliin ang titik ng tamang sagot at ihiwalay sa sagutang papel.
Palala: Panatilihin ang katapatan sa pagsagot sa pasulit. Huwag kalimutang isulat
ang pangalan, taon at seksyon at bilang ng modyul sa sagutang papel at saka
isumite sa napagkasunduang petsa ang sagutang papel.

1. Alin ang hindi matatagpuang elemento sa isang mahusay na nobela?


A. isang kuwento o kasaysayan
B. isang pag-aaral
C. paggamit ng malikhaing guniguni
D. paggamit ng totoong karanasan sa buhay
2. Ito ay bungang-isip/katha na nasa anyong prosa, kadalasang halos
pang-aklat ang haba na ang banghay ay inilalahad sa pamamagitan
ng mga tauhan at diyalogo.
A. Dula C. Maikling Kuwento
B. Epiko D. Nobela
3.Ang pangunahing layunin ng nobela ay _________.
A. lumibang C. magbigay ng aral
B. manghikayat D. magbigay puna
4. Ang humanismo ay naniniwala na ang _________ ang sukatan ng
lahat ng bagay at pinanggagalingan ng lahat.
A. bagay B. halaman C. hayop D. tao
5. Ang lalong mahusay na nobela ay naglalarawan ng _________.
A. banghay C. tagpuan
B. diyalogo D. tauhan

14
6. Habang isinasagawa ang mga panunuya kay Quasimodo, dumating ang paring si
Claude Frollo at ipinatigil ang pagdiriwang. Ang sumusunod maliban sa isa ay hindi
kahulugan ng salitang may salungguhit.

A. pinupuri C. panunudyo
B. panlilibak D. pangungutya
7. Matindi ang sakit ng bawat latay ng latigo na ipinapalo sa kaniyang katawan. Ang
salitang may salungguhit ay nangangahulugang____.
A. bakat C. haplos
B. bigat D. hampas
8. Inisip niya ang dahilan ng kaniyang pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay
kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo-na kailanman ay hindi niya
nagawang tutulan dahil sa utang na loob. Anong katangian ang nangi-
babaw sa tauhan?
A. mabait C. pagsasakripisyo para sa iba
B. masunurin D. pagtanaw ng utang na loob

Para sa bilang 9-11.

Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya


ang tuktok ng tore at doon hinanap ang dalaga. Sa di kalayuan, napansin niya ang
anyo ng dalaga. Si La Esmeralda ay nakaputing bestida at wala ng buhay. Naantig
siya sa kaniyang nasaksihan. Labis na galit ang nararamdaman niya kay Frollo na
noon pa man ay batid niya na may matinding pagnanasa sa dalaga. Nawala sa
katinuan si Quasimodo. Nang mamataan niya si Frollo, hinila niya ito at sa
matinding lungkot na nararamdaman ay inihulog niya ito mula sa tore- ang paring
kumupkop sa kaniya.

9. Labis na galit ang nararamdaman niya kay Frollo na noon pa man ay batid niya na
may matinding pagnanasa sa dalaga. Alin sa mga sumusunod ang idyoma ng
salitang labis na galit?
A. balat sibuyas C. taingang kawali
B. ibaon sa hukay D. kumukulo ang dugo
10. Siya ang tauhan na nagpapakita nang matinding damdamin.
A.Frollo C. La Esmeralda
B. Quasimodo D. Wala sa nabanggit
11. Aling pahayag ang nagpapakita ng bunga sa matinding galit ni Quasimodo?
A. Naantig siya sa kaniyang nasaksihan.
B. Sa di kalayuan, napansin niya ang anyo ng dalaga.
C. Si La Esmeralda ay nakaputing bestida at wala ng buhay.

D. Nang mamataan niya si Frollo, hinila niya ito at sa matinding


lungkot na nararamdaman ay inihulog niya ito mula sa tore- ang
paring kumupkop sa kaniya.

15
12. Piliin ang pahayag na nagpapakita nang panghahamak sa kapwa.
A. Nang dahil sa taglay niyang kapangitan, siya ang itinuring na pina-
pangit na nilalang sa Paris.
B. Inutusan niya si Quasimodo na bumalik sa Notre Dame na kasama
niya.
C. Lumapit ang dalaga sa kaniya na may dalang isang basong
tubig.
D. Tinunton niya ang tuktok ng tore at doon hinanap ang dalaga.
13. Sino sa mga sumusunod na tauhan ang nagpapakita ng pagbaba-
go ng ugali dahil sa matinding pag-ibig?
A. Ang matinding pagnanasa niya sa dalaga ang nag-udyok sa kan-
ya na talikuran ang Panginoon at pag-aralan ang itim na mahika.
B. Lumapit siya sa pinuno ng pangkat at nagmungkahing
pakakasalan ang lalaki upang mailigtas lamang ito.
C. Nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ng dalaga kaya sinundan
niya ito sa pag-uwi.
D. Si Quasimodo ay napaibig sa dalaga noong araw na hinatiran siya
ng tubig sa panahong walang tumulong sa kaniya.
14. Anong isyung panlipunan ang nangingibabaw sa akda?
A. pagnanakaw C. pag-ibig sa kapwa
B. pang-aapi sa kapwa D. pagtulong sa kapwa
15. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kultura ng bansang France
maliban sa isa.
A. pagsanib sa itim na mahika
B. pagiging makata at pilosopo
C. pagkakaroon ng mga pagdiriwang
D. pagpaparusa na ginagawa sa tapat ng palasyo

Sanggunian:
Filipino 10 Modyul para sa mag-aaral
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-kuba-ng-notre-dame.html

16
17
SURIIN/ TALAKAYIN
Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan
A. kagunggungan B. ngitngit C. tinangkilik D. pighati
Kahangalan muhi kinalinga hapis
kabaliwan poot kinupkop lumbay
kalokohan galit inalagaan lungkot
Mga Gabay na Tanong
1. Nakakatulong ang pangyayari sa pagkilala ng katangian ng tauhan dahil dito
naipapakita kanyang kilos at pananalita.
2. Ang tauhan na nabuo ng may-akda ay isang tauhang buhay na buhay kaya’t
parang mga tunay na tauhan ang kinakaharap natin habang nagbabasa.
3. Opo, nalalaman sa diyalogo ang pagkakilanlan ng isang tauhan dahil kung ano
ang sinasabi ng tauhan ay naipapakita nito ang kanyang tunay na pagkatao.
Gawain 1. Katangian Ko…Diyalogo Ko
1. Isang taong naghahangad ng kaligayahan o gustong lumigaya sa piling ng
taong kanyang minamahal.
2. Nagpapakita ng katangian ng isang tunay na dalagang Pilipina. Hindi maharot o
hindi basta-basta lumalapit sa isang hindi kilalang lalaki.
3. Isang taong matipid, sigurista o kuripot.
4. Isang taong ayaw madungisan ang imahe ng mga Pilipino.
5. Isang lalaking matapat sa kanyang minamahal.
BALIKAN/PAGGANYAK
Timon : Kaibigang Pumbaa, nakikita mo ba ang nakikita ko?
Pumbaa : Opo, kaibigang Timon! Ang ganda ng ilog. Tara, maligo tayo!
MGA PAGSASANAY AT IBA PANG MGA GAWAIN
UNANG MARKAHAN -MODYUL 9
BAITANG 10
SUSI NG MGA SAGOT
18
Gawain 3: Pag-unawa sa Akda
1. Si Quasimodo ay isang masunurin na tao at marunong tumanaw ng utang na loob. Ang
suliranin niya ay ang kaniyang taglay na kapangitan at ang pang-aapi sa kanya ng mga
tao.
2. Ninais ni Pierre na makasali sa pangkat ng mga pulubi at magnanakaw sapagkat sila ang
pamilya ni La Esmeralda at ito ang paraan upang mapalapit siya sa dalaga.
3. Natagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod ang libingan ni La Esmeralda na kung
saan ay yakap-yakap ito ng kalansay ng kubang si Quasimodo.
4. Ang pananaw ng may-akda tungkol sa pamilya ay kayang magsakripisyo ng isang tao para
sa kanyang pamilya at handa silang gawin ang lahat para maprotektahan ang kanilang
pamilya samantalang ang pananaw naman ng may-akda tungkol sa pag-ibig ay maaaring
gawin ng isang tao ang lahat ng bagay makuha lamang ang matamis na oo ng kanyang
minamahal at kaya niyang baguhin ang sarili para sa taong ito.
5. Ang mahalagang papel ng katedral sa kuwento ay dito nagsimula at nagtapos ang kuwento.
Umikot ang kuwento sa loob at labas ng katedral.
6. Si Claude ay isang tauhang bilog sapagkat makikita sa kuwento ang pagbabago ng
kanyang ugali. Siya ang tipo ng isang kontrabida na sa una ay mabait pero sa bandang
huli ay nagbago ang pag-uugali dahil sa pagnanasa sa isang babae.
7. Quasimodo- hindi naging maganda ang wakas ng kuwento para kay Quasimodo sapagkat
siya ay namatay ngunit nakasama naman niya si La Esmeralda hanggang kamatayan.
Claude Frollo- hindi rin naging maganda ang kanyang wakas sa kuwento dahil siya ay
napatay ni Quasimodo sa sobrang galit nito.
La Esmeralda-katulad ng kay Quasimodo at Claude Frollo hindi rin maganda ang wakas
niya sa kuwento dahil siya ay namatay.
Phoebus-siya ay nawala at lumisan nang panahon na malapit nang bitayin si La
Esmeralda dahil ito ang napagbintangan na nagtangkang pumatay sa kanya.
8.
Bahagi o Pangyayari sa Akda Kultura o Pagkakakilanlan ng Bansa
1. Sa isang malawak na espasyo ng Ipinapakita ang kanilang pagkahilig sa
Katedral nagkikita-kita ang mamamayan mga kasiyahan o pagdiriwang na
upang magsaya para sa “Pagdiriwang ng ginagawa nila taon-taon.
Kahangalan” na isinasagawa sa loob ng
isang araw taon-taon
2. Nang sumunod na araw, si Quasimodo Ipinapakita sa kanilang kultura ang
ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng pagpaparusa sa isang nagkasala sa
palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa harapan mismo ng mga tao.
kaniyang katawan.
9. Opo, mahusay na naisasalaysay ang mga pangyayari sa paglalarawan ng mga tauhan
sa nobela sapagkat sa pamamagitan ng mga pangyayari sa kuwento ay mas nakikilala
ang mga tauhan at naipapakita ang kanilang tunay na pag-uugali.
10. Nais ipabatid ng may-akda sa kanyang isinulat na nobela ang kultura ng kanilang bansa
at ang kahalagahan ng pamilya at pag-ibig.
19
PAGYAMANIN/ KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain 5: Makabuluhang Hambingan
ANG KUBA NG NOTRE DAME
1. Siya ang itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris. Nang araw na iyon,
iniluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng
pangungutya ng mga taong naroroon na nakikibahagi sa kasiyahan.
2. Nagmakaawa ang pari na mahalin din siya at magpakita man lang kahit kaunting
awa ang dalaga subalit tinawag lamang siya ni La Esmeralda ng tiyanak na monghe at
pinaratangang mamamatay tao. Tumanggi siya sa lahat ng alok ni Frollo.
3. Nakilala ni Sister Gudule si La Esmeralda dahil sa kuwintas na suot ng dalaga. Ito
ang kaniyang palatandaan na suot ng kaniyang anak bago mawala. Ninasa ni Sister
Gudule na iligtas ang anak subalit huli na ang lahat.
NAPANOOD NA DULA/PELIKULA (Pamagat)
PAMAGAT: KAMPANERANG KUBA
1. Pangungutya kay Imang ng mga tao dahil sa kanyang kapangitan at pagiging kuba.
2. Nagalit si Veronica dahil hindi kayang suklian ni Luke ang kanyang pagmamahal.
3. Sa bandang huli ng kuwento ay nalaman ni Lourdes na si Imang ang tunay niyang
anak.
ISAGAWA
Gawain 4: Suring Tauhan
Tauhan Paano mag-isip? Ano ang kaniyang Paano ipinakita ang
damdamin? mga namumukod
na katangian na
mula sa kaniyang
bansang
pinagmulan?
Quasimodo pabugso-bugso umiibig at pagiging matapang
nasasaktan sa mga at mapagmahal
taong umaapi sa
kanya
Claude Frollo marahas, masama matinding pag-ibig gagawin ang lahat
alang-alang sa
pag-ibig
La Esmeralda matinong mag-isip pangungulila at pagmamahal sa ina
umiibig at pagiging
matulungin sa kapwa
Phoebus nagkaroon ng nasaktan at Walang paninidigan
pagbabago ang pag- naduwag at madaling naniwala
iisip
20

You might also like