You are on page 1of 2

Basic

Education
Q2-UNIT ASSESSMENT JUNIOR HIGH SCHOOL
FILIPINO 9 ENERO 25-29, 2021

PANUNURING PAMPANITIKAN

Layunin: Naipaliliwanag ang naging bisa ng nabasang akda sa sariling kaisipan at


damdamin.

Detalye ng Gawain: Pag-aralan ang Mga Bisang Pampanitikan na siyang basihan sa


iyong gagawing pagsusuri sa binasang sanaysay na isinulat ni Ligaya Tiamson-Rubin na
pinamagatang “Anak” sa pahina 189 ng iyong Aklat.

Taglay ng isang akdang pampanitikan ang pagkakaroon nito ng bisa sa kaisipan, isip,
damdamin, at kaasalan.

1. Bisa sa isip- nakatutuklas ng mga bagong kaalamang matamang sinuri at


tinimbang-timbang upang matiyak kung alin ang dapat tanggapin o isantabi ng
bumabasa.

2. Bisa sa damdamin-nakakapukaw sa damdamin ng mambabasa ang nilalaman ng


isang akda.

3. Bisa sa Kaasalan/pag-uugali- anumang aral na napulot sa nabasa o napanood ay


kusang magiging bahagi ng mga pagpapahalagang moral ng bumabasa. Ito ang dahilan
ng pagbabago ng mga pagpapahalaga ng isang tao.
Panuto: Pumili ng isa o dalawang Pahayag mula sa binasang sanaysay na “Anak” na
nagkakaroon ng bisa sa iyong isip o kaisipan at sa iyong damdamin. Isulat/ ilagay ito sa sa
mga kahon sa ibaba at ipaliwanag kung paano nagkabisa ito sa iyong buhay.

Narito ang Halimbawa ng isang pagsusuri sa akdang “Ang Labu-labo sa Pamilya.

Bisa sa Kaasalan:
Pagkamakasarili

Pahayag:
Sa ganitong panahon, kung sinong may hawak, siyang makakagamit. Iyan ang prinsipyo ko.

Paliwanag:
Kung ating iisipin, ang pagkamakasarili o ang tinatawag na ija-ija- ajo-ajo sa katutubong
wika, ay hindi magandang pag-uugali sapagkat nagtutulak ito ng di pagkaka-unawaan sa
bawat isa. Sabi nga sa aklat na Taga-Filipos 2: 1-4, Kaya nga, sapagkat mayroong
kasiglahan ang buhay kay Cristo, mayroong kaaliwan ng pag-ibig, mayroong pakikiisa ng
Espiritu Santo, at mayroong kagandahang-loob at malasakit para sa isa't isa, lubusin ninyo
ang aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa iisang pag-
ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa. Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa
paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring
ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba,
at hindi lamang ang sa inyong sarili. Mahalaga ang may pagmamalasakit sa kapwa lalo na
sa pamilya sapagkat sino-sino pa ba ang magtutulungan kundi kayo lang. kailanman ay
hindi nagdudulot ng kaginhawaan ang pagkamakasarili.

FilipinoSaTahanan Baitang 9: Student Assessment Package (A.Y. 2020-2021) Pahina 1 of 2


Basic
Education
Q2-UNIT ASSESSMENT JUNIOR HIGH SCHOOL
FILIPINO 9 ENERO 25-29, 2021
A. Bisa sa isip:

Pahayag:

Paliwanag:

B. Bisa sa Damdamin

Pahayag

Paliwanag

C. Bisa sa Kaasalan

Pahayag

Paliwanag:

FilipinoSaTahanan Baitang 9: Student Assessment Package (A.Y. 2020-2021) Pahina 2 of 2

You might also like