You are on page 1of 2

UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY

GRADUATE SCHOOL
Dr. Ortega St., San Miguel, Iriga City

Mag aaral: JULIET ROSE A. SINFUEGO


GURO: Gng. LUZ PRADES

DAHIL SA ANAK
Julian Cruz Balmaceda

SANLIGAN:

Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang buod ng kwentong “Dahil Sa Anak” at ang aral na
makukuha dito. Ang kwentong Dahil Sa Anak ay isinulat ni Julian Cruz Balmaceda. Ito ay sumusunod
sa kwento ni Manuel at ni Rita.

Buod:

Ang kwentong “Dahil sa Anak” na isinulat ni Julian Cruz Balmaceda ay tungkol sa isang lalaking nagngangalang
Manuel. Si Manuel ay nagmahal ng anak ng isang labandera na si Rita. Ang pagmamahalan nila Manuel at Rita
ay nagbunga ngunit ito ay tinutulan ni Don Arkimedes. Hindi siya sang-ayon na magpakasal ang dalawa. Si
Manuel ay nag-panggap na magpapari na lamang. Nang malaman ito ni Don Arkimedes, siya ay nagalit sapagkat
mapuputol ang kaniyang pangalan at lahi kung si Manuel ay magpapari at ang kaniyang magiging apo ay
magiging anak na ligaw. Sa bandang huli ay sumang-ayon na rin siya na magpakasal sila Manuel at Rita.

Bakit “Dahil sa anak” ang pamagat ng kwento?

Ang kwentong ito ni Julian Cruz Balmaceda ay pinamagatang “Dahil sa Anak” sapagkat ipinakita rito
ang pagmamahal at pagsaalang-alang ng mga magulang sa kapakanan ng kanilang mga anak o apo.

Kahit ang bunga ng pagmamahalan nila Manuel at Rita ay dumating sa hindi inaasahang pagkakataon,
si Manuel ay nanindigan at pinili pa rin ang kanyang mag-ina kahit na siya ay itatakwil ng kanyang
sariling ama. Ipinakita rito na dahil sa kanyang anak, ay kaya niyang maging matatag at lakasan ang
loob na pumili para sa kapakanan nito.

Ang mga bagay na ito ay nakita rin ni Don Arkimedes. Sa kabila ng galit at pagkabigo sa kanyang anak,
pinili pa rin ni Don Arkimedes ang pagmamahal kay Manuel at tanggapin ang kanyang magiging apo

PAGPAPAHALAGA AYON SA NILALAMAN:

KULTURANG IPINAKITA

 Pagintindi sa pagkamit ng magandang kinabukasan at ipagliban muna ang pagibig para magkaroon ng
maginhawang buhay ang sarili at ang magiging pamilya sa tamang panahon.

KALAGAYANG SOSYAL AT PANGKABUHAYAN

Mayaman ang pamilya nina Rita at mahirap naman ang pamilya nina Miguel. Kaya ganoon na lamang
ang pagtutol na Don Arkimedes na makasal si Rita kay Miguel.
PILOSOPIYANG PILIPINO

Na ang mga mayayaman ay para lamang sa mayaman at mahirap ay para lamang sa mahirap.

SIMBOLISMONG PILIPINO

Ag pagkakaroon ng laks ng loob ni Manuel na humarap kay Don Arkimedes upang sabihin ang nangyari
sa kanila ni Rita at handa siyang panagutan ito .

Uri ng Teoryang Pampanitikan

- Teoryang Klasismo sapagkat inilahad sa kwento ang dalawang estado ng pamumuhay ng mga
tauhan. Inilahd sa kwento kung gaano mas nagkakroon ng higit na pagpapasya ang nakaangat
sa buhay.

IMPLIKASYON

IMPLIKASYON SA LIPUNAN- Ang ipakita sa lahat na ang kaayusan ng pamilya ay kaayusan ng


lipunan.

IMPLIKASYON PANGKABUHAYAN- Hindi kailanman hadlang ang estado sa buhay sa dalawang


taong nagmamahalan.

IMPLIKASYON SA SARILI – Walang amang natitiis ang anak at hindi kailanman natatalo ang mga
pusong nagmamahalan.

You might also like