You are on page 1of 26

SIMULAN

NATIN!

Filipino 10: Pinagyamang Pluma


MGA
LAYUNIN
• Naiaantas ang mga salita ayon sa
damdaming ipinahahayag ng bawat isa
• Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang
simbolismo at matatalinghagang
pahayag sa tula
Balik-aral
 Bakit hindi dapat maghusga at
magdiskrimina ng isang tao nang
dahil lang sa kanyang lahi, kulay
balat, itsura o anyo, kasarian, at
edad? Sa paanong paraan
maaaring maiwasan ang
diskriminasyon?
TULA
Ang tula o panulaan ay isang masining na anyo ng
panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin ng
makata o manunulat nito. Kilala ito sa malayang
paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo.
Nagpapahayag ito ng damdamin at magagandang
kaisipan gamit ang maririkit na salita. Ito ay
matalinghaga at kadalasang ginagamitan ng tayutay.
TULA
Ang tula ay binubuo ng mga saknong at ang mga
saknong ay binubuo ng mga taludtod. Karaniwan itong
wawaluhin, lalabindalawahin, at lalabing-animing
pantig. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na
taludturan o saknong.
Ang
Ibong
Nakaha
Marguirite Annie Johnson
• Mas kilala sa pangalang Maya Angelou
• Isinilang noong Abril 4, 1928 sa St. Louis,
Missouri.
• Noong siya’y mag pitong taong gulang,
pinagsamantalahan siya ng kasintahan ng
kanyang ina na namatay din nang
bugbugin ng mga galit na tiyuhin. 
• Kaulana’y nagpakasal siya sa isang
Griyegong mandaragat na
nagngangalang Anastasios Angelopulos.
Marguirite Annie Johnson
• Siya rin ay isang tapat at mabuting
kaibigan kay Martin Luther King.
• Namatay ang kaibigan sa mismong
kaarawan niya noong Abril 4, 1968.
• Siya ay yumao noong Mayo 28,2014 - sa
edad na 86 na taong gulang.
• Ang talambuhay niyang “Ang Ibong
Nakahawla” ay kinilala bilang
pinakamabenta at pinaka unang akda na
ang sinulat ng isang African-American na
babae.
Ang
Ibong
Nakaha
Ang akdang ito ay nagsisilbing
salamin sa kung ano ang naranasan at
naramdaman ni Maya Angelou habang
siya’y lumalaki. Ito ay isang
malikhaing paraan para maihayag niya
sa buong mundo ang kanyang buhay na
puno na kapighatian at pagsasakripisyo.
Ang akda ding ito, ay isang napaka
importanteng kontribusyon sa
feminismong pagsusulat noong 1970s. 
Isang ibon ang umigpaw
Sa likod ng hangin
At nagpalutang pababa sa may ilog
Haggang sa magwakas ang agos
At nagtawtaw ng kanyang mga
pakpak
Sa kahel na silahis ng araw
At nangahas angkinin ang langit.
Ngunit and isang ibong nanlilisik
Sa kanyang makitid na hawla
Ay bihirang makasilip
Sa mga rehas ng kanyang
pagngingitngit
Mga pakpak niya’y pinutulan at
Mga paa’y tinalian
Kaya’t siya’y nagbuka ng tuka upang
makaawit.
Ang ibong nakahawla’y umaawit
Nang may kasindak-sindak na tinig
Ng tungkol sa di-batid na mga bagay
Ngunit minimithi ang kapayapaan
At ang kanyang himig ay naririnig
Sa malayong burol
Sapagkat ang ibong nakahawla’y
Umaawit ng kalayaan
Ang malayang ibon nama’y nag-iisip
ng ibang simoy
Ng hangin malamyos sa mga punong
nagbubuntong hininga
Ng matatabang uod na naghihintay
sa damuhang
Sinisinagan ng umaga
At ang langit ay itinuturing na
kanyang sarili
Ngunit ang isang ibong nakahawla’y
nakatayo
Sa puntod ng mga pangarap
Anino niya’y sumisigaw sa tili ng
isang bangungot
Mga pakpak niya’y pinutulan at mga
paa’y tinalian
Kaya’t siya’y nagbuka ng tuka upang
makaawit.
Ang ibong nakahawla’y umaawit
Nang may kasindak-sindak na tinig
Ng tungkol sa di-batid na mga bagay
Ngunit minimithi ang kapayapaan
At ang kanyang himig ay naririnig
Sa malayong burol
Sapagkat ang ibong nakahawla’y
Umaawit ng kalayaan
PAGPAPAKAHULU
GAN
Para sa unang dalawang saknong na ito, ipinapakita ang
pagkukumpara ng dalawang klase ng ibon. Isang malayang ibon
at isang nakakulong na ibon. Ang malayang ibon ay inilarawan na
nakikipag-ugnayan sa kalikasan, at naghahamon pang sakupin
ang kalangitan. Samantalang, ang nakakulong na ibon ay
nilalarawang nagtitiis sa kanyang hawla na putol ang mga
pakpak, nakatali ang paa at punong-puno ng galit. Ngunit sa
kabila nito, ang ibon ay kumanta pa rin.
PAGPAPAKAHULU
GAN
Ang ikatlo at ang huling saknong ay naglalarawan ng pag-awit
ng nakakulong na ibon ng kanta ng kalayaan. Kahit na ang
kanyang puso ay puno ng takot at pangungulila, patuloy pa rin
siya sa pag-awit. Ang pang-apat at panglimang saknong naman
ay patuloy pa ring kinukumpara ang dalawang ibon.
Pamprosesong Tanong

1. Bakit maituturing na hind malaya ang mga taong tulad


nila sa kabila ng katotohanang wala namang pisikal na
rehas ang kumukulong sa kanila?
Mahalagang KAisipan
Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan
at pananalita sa pamamagitan ng mgataludtod. Ang
kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o
saknong. Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin,
kaisipan, gamit ng marikit na salita. Isang
pampanitikang nagbibigay-diin sa ritmo, nagpapahayag
ng damdamin at nagbinigay-kahulugan sa mga salita.

You might also like