You are on page 1of 19

SIMULAN

NATIN!

Filipino 10: Pinagyamang Pluma


Mga Paalala:
1. Panatilihing laging bukas ang mga camera habang nagaganap
ang klase.
2. Dapat naka-off ang mga microphone. Bubuksan lamang ito
kapag tinatanong ng guro.
3. Iwasan ang pagpunta sa palikuran. Dapat nagawa nang umihi
bago pa magsimula ang klase.
4. Iwasang kumain habang nagaganap ang talakayan.
5. Iwasan ang MULTI TASKING.
MGA
LAYUNIN
Balik-aral
Panghalip
at Mga Uri nito
Ano ang
Panghalip? ?
?
Ang PANGHALIP ay bahagi ng pananalita na inihahalili o
ipinapalit sa pangngalan.
APAT na
Uri ng Panghalip
Panghalip Panao Panghalip Panaklaw

Panghalip Pamatlig Panghalip Pananong


Panghalip Panao
- mga panghalip na ipinapalit o inihahalili sa ngalan ng tao. Ang
panghalip na panao ay may panauhan, kaukulan, at kailanan.

 Panauhan ng Panghalip na Panao


– taong tinutukoy sa panghalip

• Unang panauhan - tumutukoy sa taong nagsasalita


• Ikalawang panauhan- tumutukoy sa taong kinakausap
• Ikatlong panauhan - tumutukoy sa taong pinag-uusapan
 Kailanan ng Panghalip Panao
- tumutukoy sa dami o bilang ng taong tinutukoy ng panghalip
oIsahan
oMaramihan (kasama na rito ang dalawahan)

 Kaukulan ng Panghalip Panao


- tumutukoy sa gamit ng panghalip sa pangungusap
 Palagyo – mga panghalip panaong ginagamit bilang simuno o paksa
ng pangungusap.
Halimbawa:
Siya ay nagkaroon ng matibay na paninindigan.
 Palayon – mga panghalip na ginagamit bilang layon ng pandiwa o
pang-ukol.
Halimbawa:
Ang lupa ay ipinagbili niya. (layon ng pandiwa)
Ang kuwento ay tungkol sa kanila. (layon ng pang-ukol)

 Paari – mga panghalip na nagpapakita ng pagmamay-ari sa isang


bagay.
Halimbawa:
Hindi ipinagbibili ni Edith ang kanyang lupa.
Sa akin ang naiwang pluma kahapon sa silid-aklatan.
Panghalip Pamatlig

- mga panghalip na inihahalili sa pangngalang itinuturo o


inihihimaton. Ang panghalip na pamatlig ay may panauhan at uri
din.

Makikita sa susunod na slide ang


talahanayan.
URI
PANAUHAN
Panawag-
Pronominal Patulad Panlunan
pansin
Una – malapit sa
taong nagsasalita narito/
ito, nito, dito (h)eto ganito nandito
Pangalawa –
malapit sa taong iyan, niyan, (h)ayan ganyan nariyan/
kausap diyan nandiyan

Pangatlo – malapit
sa taong pinag- iyon, noon, (h)ayun ganoon naroon/
uusapan doon Nandoon
Panghalip Panaklaw

- mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan, dami, o kalahatan ng


tinutukoy.

Narito ang mga panghalip na panaklaw:


 iba, lahat, tanan, madla, pawa
 anuman, alinman, sinuman, ilanman, kailanman
 saanman, gaanuman, magkanuman
Panghalip Pananong

- mga panghalip na ginagamit sa pagtatanong o pag-uusisa na


pumapalit sa isang pangngalan, pariralang pangngalan, o panghalip.
Mahalaga ito upang makilala ang pagkakaiba ng panghalip
pananong sa iba pang uri ng mga salitang nagtatanong tulad ng
pang-uring pananong at pang-abay na pananong.
Ang panghalip pananong ay maaaring isahan o
maramihan

ISAHAN MARAMIHAN

sino sino-sino

ano ano-ano

kanino kani-kanino

alin alin-alin
NOTE:

Hindi kasama sa mga panghalip pananong ang mga salitang


pananong na saan, nasaan, kalian, bakit, paano, at gaano dahil
ang mga ito ay PANG-ABAY NA PANANONG. Samatala, ang mga
salitang pananong na magkano, ilan, at pang-ilan ay mga PANG-
URING PANANONG.
Pamprosesong Tanong
Mahalagang KAisipan

You might also like