You are on page 1of 13

Ang Ponolohiya o Palatunugan

Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto(juncture),


pagtaas-pagbaba ng tinig(pitch), diin(stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening).

Sa Filipino, may mga tunog (ponema) na malayang nagpapalitan. Sa pagkakataon na ang


ponema ay malayang nagpapalit, ang baybay ng salita ay nag iiba ngunit hindi ang kanilang mga
kahulugan. Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog. 

Dalawang uri ng ponema

May dalawang uri ng ponema: ang segmental at suprasegmental.

1. Ponemang segmental

Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig.

a) Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit na tunog o glottal
stop (?) sapagkat ito ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito ang kahulugan
ng isang salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o maragsa.

b) /p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo sa ponemang katinig

Halimbawa:
ba: tah - housedress
tub: boh - pipe
ba: ta? - child
tub: bo? - profit

c) Ang ponemang patinig ay lima : a, e, i, o, u.

d) May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/ at /e/ ngunit hindi
nagbabago ang kahulugan ng salita.

Halimbawa:
babae - babai
kalapati - kalapate
lalaki - lalake
noon - nuon

e) Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/ dahil
nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.

Halimbawa:
uso - modern
mesa - table
oso - bear
misa – mass
2. Ponemang Suprasegmental

Ang Diin, bilang ponemang suprasegmental, - ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas.

Halimbawa :
sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/
-ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay
nakapagbabago sa kahulugan nito.

Halimbawa:
1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing /LAmang/siya.

Apat na ponemang suprasegmental

May apat na ponemang suprasegmental:

1. Haba (length) - ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig (a, e, i, o, u ) ng isang pantig.
Maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.

Halimbawa:
1. bu.kas -  nangangahulugang susunod na araw
2. bukas - hindi sarado

2. Tono (pitch) - ito ay tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig. Nagpalilinaw ng


mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap, tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa,
katamtaman at mataas na tono.Maaaring gamitin ang bilang. 1 sa mababa, bilang. 2 sa katamtaman
at bilang 3 sa mataas.

Halimbawa:
1. Kahapon - 213 (pag-aalinlangan)
2. Kahapon - 231 (pagpapatibay)
3. Talaga - 213 (pag-aalinlangan)
4. Talaga - 231 (pagpapatibay)

3. Antala (juncture) - tumutukoy ito sa pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita


upang higit na maging malinaw ang mensahe.Maaring gumamit ng simbolo kuwit ( , ), dalawang guhit
na pahilis ( // ), o gitling ( - )

Halimbawa:
1. Hindi, siya ang kababata ko.
2. Hindi siya ang kababata ko.
                                                                                   
4. Diin (stress o emphasis) - ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay
makakatulong sa pag unawa sa kahalagahan ng mga salita. Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig
na may diin ang malaking titik.

Halimbawa:
1. BU:hay - kapalaran ng tao
2. bu:HAY - humihinga pa
3. LA:mang – natatangi
Pagbabagong Morpoponemiko

Iba't Ibang Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

1. Asimilasyon - kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / d, l, r, s, t /, ang


                            panlaping pang- ay nagiging pan-. Ito ay nagiging pam- naman
                            kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / b, p /.

Paalala: Nananatilinng pang- kapag ang kasunod na tunog ay mga katinig na / k, 


              m, n, ng, w, y / o patinig ( a, e, I, o, u ). Nilalagyan ng gitling ( - )  kapag 
              ang salitang ugat ay nagsisimula sa patinig.

Halimbawa:
1. Pang + lunas - panglunas - panlunas
2. Pang = baon - pangbaon - pambaon
3. Pang + kulay - pangkulay
4. Pang + isahan - pang - isahan

2. Pagkakaltas - sa pagbabagong ito, may nawawalang ponema sa loob ng


                            salita
Halimbawa:
1. Sunod + in - sunodin - sundin
2. Takip + an - takipan - takpan
3. Dala + han - dalahan - dalhan

3. Maypalit - may mga ponemang napapalitan o nagbabago sa pagbuo ng salita.


                      nagaganap ang pagpapalitan ng /r/ at /d/ kapag ang /d/ ay nasa pagitan ng
                      dalawang patinig.
Halimbawa:
1. Ma + dami - madami - marami
2. Bakod + bakudan - bakuran

4. Pagpapaikli ng salita - Pagpapaikli at pagpapabilis ng pagbigkas ng salita.

Halimbawa:
1. Hinatay ka - Tayka - teka
2. Tayo na - Tayna - tena, tana
3. Wikain mo - Ikamo - kamo
4. Wika ko - ikako - kako
Kasanayan sa Pagsasalita
Pagsasalita
 Kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at
nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap
 Kakayahang ipabatid ang nasasaisip o nadarama sa pamamagitan ng pagbigkas
Kahalagahan ng Pagsasalita
 Naipapaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita
 Nagiging kasangkapan sa pagkaunawaan ng mga tao
 Nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig
 Naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan
Pagtatalumpati
 Maituturing na isang uri ng sining
 Ito ay pinaghandaan bago bigkasin sa madla
 Dito makikita ang katatasan at husay ng tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan
ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinalakay
Masining na Pagbigkas
 Lakas ng Pagbigkas
 Bilis ng Pagbigkas
 Linaw ng Pagbigkas
 Hinto
 Kilos at Kumpas
Lakas ng Pagbigkas
 Ito ay may kinalaman sa angkop na lakas o paghina ng tinig.
 Batay ito sa damdamin at kaisipang nais ipahayag ng bumigkas
Bilis ng Pagbigkas
 Ito ay may kinalaman sa bilis o bagal ng pagbigkas na dapat iakma at ibatay rin sa damdamin
at kaisipang nais ipahayag ng bumibigkas
Linaw ng Pagbigkas
 Ang salik na ito ay tumutukoy sa tamang lakas ng tinig, bilis ng pagbigkas, tamang bigkas ng
mga salita, pagsasaalang-alang ng tamang diin upang maunawaan ang ibig ipakahulugan ng
bawat salita. Kasama na rin dito ang malinaw na pagbigkas ng bawat pantig ng mga salita
Hinto
 Ang paghinto ay maaaring matagal sa bawat tuldok o sa katapusan ng bawat pangungusap,
samantalang sa kuwit sa loob ng pangungusap ay bahagya ang paghinto
Kilos at Kumpas
 Upang ganap na maunawaan ang pagbigkas, ang angkop na kumpas ng kamay at pagkilos ay
kailangan.
 Nakatutulong ito upang higit na kawili-wili, nakahihikayat at makulay ang pagbigkas
Kasangkapan ng Isang Nagsasalita
 Kaalaman sa paksa
 Tiwala sa sarili
 Tindig
 Kasanayan
 Lugar
 Papel na ginagampanan
 Paksa
Kaalaman sa paksa
 Magiging mabisa ang nagsasalita kung hawak niya ang halos lahat ng detalye tungkol sa
paksang pinag-uusapan. Nakapagpapahayag siya ng mga kinakailangang impormasyon lalo
na kung may malawak din siyang talasalitaan kaugnay sa mga kaisipan at konseptong
kanyang ipinahahayag. Ang paghikayat o pagkumbinsi sa mga nakikinig o kausap ay madalas
depende sa mga ebidensiya at katibayang pinanghahawakan
Tiwala sa sarili
 Madalas na ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay bunga ng sapat na kaalaman sa paksang
pinag-uusapan at maging sa malawak na talasalitaan
 Ito ay natatamo rin sa pamamagitan ng pagsasanay at eksposyur
 Ngunit para sa mga taong likas na mahiyain, kailangan ang mga nararapat na pagkakataon
upang masanay silang magsalita o makipag-usap hindi lamang sa taong kaharap kungdi lalo
na sa madla
Tindig
 Sa pagsasalita, kailangan ang maayos na tindig na nagpapakita ng tiwala sa sarili, paggalang
at pagiging interesado sa kausap
 Lalo itong kailangan ng nagsasalita sa tanghalan, ng nagbibigay ng panayam o lektyur at
nagtatalumpati
 Madalas na kinikilatis ang nagsasalita sa tanghalan sa kanyang paraan ng pagtindig
 Ang pagkilos at pagkumpas ay nasasalig din dito
Kasanayan
 Naipakikita ang kasanayan sa paraan ng pagbigkas ng mga salita, pagpili ng mga
talasalitaang gamitin at maging sa kanyang mga kaalaman sa paksang pinag-uusapan
 Naihahanay niya ng maayos at lohikal ang kanyang mga ideya
 Ang kasanayan ay naipakikita din sa maayos na pagtindig kasabay ang nararapat na kilos at
kumpas
Lugar
 Nasaan ang nag-uusap?(sa palengke, sa parke, sa eskwelahan)
Papel na ginagampanan
 Ano ang relasyon ng nag-uusap? (kaibigan vs kaibigan, amo vs utusan, namimili vs nagbibili,
mag-asawa, magkasintahan, magkapatid)
Paksa
 Nosyon o kaisipang pag-uusapan (libangan, hanapbuhay, laro, artista, pagkain, pag-aaral)
Mga Katangian ng Mahusay na Tagapagsalita
 Kahandaan
 Kahusayan sa Pagsasalita
Kahandaan
 Malalaman agad ng mga tagapakinig kung pinaghandaang mabuti ang talumpati sa panimula
o introduksyong binibigkas ng tagapagsalita
 Kung maganda ang panimula, makukuha agad ang atensyon ng mga tagapakinig
 Dalawang mahalagang salik para sa panimula ng pananalita: a. kilalanin ang tagapakinig b.
isaalang-alang ang okasyon kung pormal o di-pormal
 Layunin ng dalawang ito na makapukaw ng atensyon ng tagapakinig
Kahusayan sa pagsasalita
 Madaling maganyak na makinig ang publiko kung mataas at mahusay magsalita ang
mananalumpati/tagapagsalita
 Ibinabagay ng tagapagsalita ang kanyang tinig sa nilalaman ng kanyang talumpati
 Dito rin makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita gaya ng paggamit ng angkop na
salita, wastong gramatika at wastong pagbigkas ng mga salita
Iba’t ibang uri ng talumpati
 Impromptu
 Extempore
 Isinaulong talumpati
 Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya
Impromptu
 Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na paghahanda
 Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita
Extempore
 Ayon kay James M. Copeland, ang unang kahirapan sa pagsasagawa ng pagbigkas ng
exte,pore sa isang kompetisyon ay ang kawalan ng tiyak na kahandaan sa pagbigkas
 Ang paghahanda sa ganitong tipo o uri ng pagtatalumpati ay limitado sa oras sa pagitan ng
pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahan
 Ang ikalawang konsiderasyon ay ang pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati
 Sa ibang paligsahan, ang mananalumpati ay tinatanggal kung lumalampas o kaya’y kulangin
sa oras
 Samakatwid, ang pagpili ng materyal at ang pag-aayos ng panimula, katawan at kongklusyon
ay apektado sa itinakdang oras
 Ang ikatlong konsiderasyon ay pag-uulit ng paksa
 Ibig ng lupon ng inampalan na makarinig sa mga tagapagsalita ng iba’t ibang pagtalakay
tungkol sa magkaparehong paksa
 Iminungkahi ni Copeland na mas maganda kung orihinal at maayos ang organisasyon ng
pagtalakay sa paksa
Isinaulong talumpati
 Sa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati
 Samakatwid, may paghahanda na sa ganitong tipo ng pagtatalumpati at kailangang
memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati
Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya
 Makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya
 Ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/kongklusyon
ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan
PONEMA
Ang pag-aaral ng mahalagang yunit ng tunog o ponema ay binubuo ng mga segmental at
suprasegmental.
Segmental ang mga tunay na tunog at ang bawat tunog ay kinakatawan ng isang titik sa ating
alpabeto.
Ang suprasegmental ay pag-aaral ng diin (stress), pagtaas-pagbaba ng tinig (tune o pitch), paghaba
(lengthening) at hinto (juncture).
May dalawang uri ng ponema: ang segmental at suprasegmental.
1. Ponemang segmental
Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig.
a) Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit na tunog o
glottal stop (?) sapagkat ito ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito ang
kahulugan ng isang salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o maragsa.
b) /p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo sa ponemang katinig
Halimbawa:
ba: tah - housedress
tub: boh - pipe
ba: ta? - child
tub: bo? - profit
c) Ang ponemang patinig ay lima : a, e, i, o, u.
d) May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/ at /e/ ngunit hindi
nagbabago ang kahulugan ng salita.
Halimbawa:
babae - babai
kalapati - kalapate
lalaki - lalake
noon - nuon
e) Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/
dahil nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.
Halimbawa:
uso - modern
mesa - table
oso - bear
misa - mass
2. Ponemang Suprasegmental
Ang Diin, bilang ponemang suprasegmental, - ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas.
Halimbawa :
sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/
-ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay
nakapagbabago sa kahulugan nito.
Halimbawa:
1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing /LAmang/siya

PUNTO AT PARAAN NG ARTIKULASYON


—  Ponolohiya o phonology ay tumutukoy sa makaagham na pag-aaral ng makabuluhang tunog na
kinikilala nating ponema.
—  Ayon kay Santiago (2003), malalaman natin na makabuluhan ang isang tunog  kung nagawa
nitong baguhin ang kahulugan ng salitang kinapapalooban nito sa sandaling ito’y alisin o palitan.

Tandaan:

—  Kapag ang mga ponema ay isinusulat, karaniwan itong ikinukulong sa dalawang guhit na pahilis (/
/) na tinatawag na virgules upang mapaiba sa karaniwang tletrang ginagamit sa pagbabaybay ng
mga salita.

—  Hindi lahat ay angkop sa konseptong ito

Anu-anong mga bahagi ang sangkot o ginagamit sa pagsasalita?


—  Baga
—  Babagtingang tinig
—  Laringhe
—  Epiglottis
—  Paringhe
—  Uvula o titilaukan
—  Guwang ng bibig
—  Velum o malambot na ngalangala
—  Guwang ng ilong
—  Palate o matigas na ngalangala
—  Alveolae o punung gilagid
—  Labi
—  Ngipin
—  Dila
Anu-ano ang mga salik na kailangan upang makapagsalita ang tao?
 Ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya
 Ang artikulador o mga kumakatal na bagay
 Ang resonador o patunugan
PONEMANG SEGMENTAL
—  Kilala ring ponema.  Ito ay mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra upang mabasa
at mabigkas.
PUNTO NG ARTIKULASYON
—  Naglalarawan kung saang bahagi ng ating bibig nagaganap ang sagli tna pagpigil o pag-abala sa
paglabas ng hangin sa pagbigkas ng isang katinig.  Saan nagaganap ang pagbuo ngkatinig?

LIMANG PUNTO NG ARTIKULASYON


1. PANLABI –ang ibaba ng labi ay dumidikit sa labi ng itaas
            -/p, b,m/

2. PANGNGIPIN –ang dulong dila ay dumidiiit sa loob ng mga ngipin sa itaas


            -/t,d,n/

3. PANGILAGID –ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa puno ng gilagid


            -/s,l,r/

4. VELAR (PANGNGALANGALA) –ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa velum o malambot na


bahagi ng ngalangala
            -/k,g, π/

5. GLOTTAL –ang babagtingang tinig ay nagdidiit o naglalapit at hinaharang o inaabala ang presyon


ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog
            -/’,h)

PARAAN NG ARTIKULASYON
Inilalarawan at ipinakikita kung papaanong ang mga sangkap sa pagsasalita ay gumagana at kung
papaanong ang ating hininga ay lumalabas sa bibig o sa  ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga 
ponemang katinig. 

ANIM NA PARAAN NG ARTIKULASYON


1. 1.      PASARA-ang daanan ng hangin ay harang na harang
            -/p,t,k,’,b,d,g/

1. 2.      PAILONG-ang hangin nanahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi,


pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin o kaya’y dahil sa pagbaba ng
velum ay hindi sa bibig kund isa ilong lumalabas
            -/m,n,π/

1. 3.      PASUTSOT-ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na


pagitan ng dila at ngngalangala o kaya’y mga babagtingang pantinig
            -/s,h/

1. 4.      PAGILID-ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang


dulong dila ay nakadiit sa punong gilagid
            /l/

1. 5.      PAKATAL – ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang


lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulong nakaarkong
dila
            /r/

1. 6.      MALAPATINIG-dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang pusisyon ng


labi o dila patungo sa ibang pusisyon
            /w,y.

KLASTER O KAMBAL PATINIG


Ang klaster o kambal patinig ang tawag sa dalawang pinagsamang katinig na bumubuo ng isang
tunog sa isang pantig.
Karaniwang ginagamit ang mga klaster sa mga hirap na salita.
Mga Halimbawa:
DIPTONGGO
• Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig (a,e,i,o,u) at isang malapatinig (w,y)
sa loob ng isang pantig. Ngunit kapag ang /y/ o /w/ ay napapagitan sa dalawang patinig, ito ay
napapasama na sa sumusunod na patinig, kaya‟t hindi na maituturing na diptonggo.
• . Ang “iw”, halimbawa, sa “aliw” ay diptonggo. Ngunit sa “aliwan” ay hindi na ito maituturing na
isang diptonggo sapagkat ang “w” ay napagitan na sa dalawang patinig. Ang magiging
pagpapantig sa “aliwan” ay a-li-wan at hindi a-liw-an.

You might also like