You are on page 1of 6

Farhana A.

Gandarosa BEED-III
FILIPINO REPORT
“ISTRUKTURA AT KALIKASAN NG WIKANG FILIPINO”

PONOLOHIYA - ito ay makaagham na pag-aaral ng ponema.


MORPOLOHIYA - ito ang pag-aaral kung paano binubuo ang mga salita.
SINTAKSIS - ito ay ang pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap.
SEMANTIKA - ito ay pag-aaral ng mga pagpapakahulugan ng isang wika.

ANO ANG PONOLOHIYA?


-Ito ay ang pag-aaral sa mahahalagang tunog ng wika na nagbibigay kahulugan
sa pagbigkas ng salita o nagbibigay ng pagbabago sa kahulugan ng mga salita. Ito ay
tinatawag rin na palatunugan.
-Ito ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto, pagtaas-pagbaba ng mga
pintig, diin at pagpapahaba ng tunog.
-Ito ay mula sa salitang griyego na ang ibig sabihin ay “tunog o boses”.

ANO ANG PONEMA?


-Ito ay isang makahulugang tunog dahil nababago nito ang kahulugan ng isang
salita kapag ito ay tinanggal at pinalitan.
-Ponema ang tawag sa pinakamaliiit na unit ng tunog.

Halimbawa:
Tela Tila
Isang material sa paggawa ng damit. Ang ibig sabihin ay walang katiyakan o di
sigurado.
 Maaaring mabago ang kahulugan kapag ang tunog E ay pinalitan ng tunog na I.

“MAY DALAWANG URI NG PONEMA”


1. PONEMANG SEGMENTAL
2. PONEMANG SUPRASEGMENTAL

PONEMANG SEGMENTAL
May dalawampu’t isa (21) ponema ng wikang Filipino labing anim (16) ang
katinig at lima (5) naman ang patinig.
PATINIG: a, e, i, o, u
KATINIG: b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y,z

PATINIG- Sa pagbigkas ng mga ponemang patinig may pagkakataon na napapalitan


ang ponemang e ng i at ang o ng u subalit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita.
Halimbawa:
 bibe- bibi
 babae-babai
 doon-doun
 noon-nuon
 Lalake-Lalaki
May pagkakataon ang impit na tunog ay kinakatawan ng gitling (-) kapag ito ay nasa
loob ng salita sa pagitan ng katinig at patinig.

Halimbawa:
 may-ari vs mayari

Makikita na kapag inalis ang gitling sa mga halimbawang salita mag-iiba ang kahulugan
nito.

PONEMANG SUPRASEGMENTAL
-ito ay tumutukoy sa tono, haba, diin, at antala (tigil o paghinto).
-ang ponemang ito ay hindi kinakatawan ng anomang titik at ang
nakakapagpabago ng kahulugan ay batay sa artilulasyon o pagpapahayag.

TONO - ito ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita.
Halimbawa: May bisita tayo. vs May bisita ba tayo?
Siya ang kasama ko. vs Siya ang kasama ko?

HABA - ito ay ang pagpapahaba sa mga salitag binibigkas.


Halimabawa: Malayong-malayo
Mahabang-mahaba

(Pahabain ang bigkas nito bilang pagbibigay-diin sa kalayuan ng tinutukoy na lugar)

DIIN- Ito ay ang haba ng bigkas na iniukol sa pantig ng isang salita.


Halimbawa: BUkas - buKAS
PIto - piTO
SAya – saYA

ANTALA – ito ay ang salita na pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging malinaw at
mabisa ang kaisipang ipinahahayag.

Halimbawa: Bigkasin at huminto kapag nakita ang /.


Si Mark Anthony / at ako //
Si Mark/ Anthony/ at ako //

Hindi puti. vs Hindi, puti.


Hindi ako nakasira vs. Hindi, ako nakasira.

PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN


-Dalawang magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na posisyon
bagama’t hindi nakakapagbago ng kahulugan ng salita.

Halimbawa: totoo-totou
lalaki-lalake
madumi-marumi
madami-marami
(sinasabing ang a,e,i,o,u,d at r ay maaaring magpalitan na hindi nagbabago ang
kahulugan ng salita).

DIPTONGGO
-Alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang
pantig.
-Ang mga diptonggo sa Filipino ay ang mga sumusunod,
/y/ - ay, ey, oy, uy
/w/ - aw, ew, iw, ow,uw
Halimbawa: AW IW AY
agaw aliw bahay
takaw giliw gulay
araw baliw sabay
ihaw sisiw tulay

PARES MINIMAL
-Pares na salita na magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas
maliban sa isang ponema.

Halimbawa: pala-bala, tela-tila, osu-uso, misa-mesa.

KAMBAL-KATINIG/ KLASTER
-Ito ang magkasunod na ponemang katinig sa isang pantig.
-ito ay maaaring makikita sa unahan, sa gitna o sa hulihang pantig ng salita.

Halimbawa:
UNAHAN GITNA HULIHAN
drama eskwela rekord
blusa biskwit tayp
gripo klima kard
plano sumbrero relaks
dyaryo iskwater nars

MGA KASANGKAPAN SA PAGSASALITA

1. TINIG
-Isinasaalang-alang sa bahaging ito ang tulin o bilis ng pananalita,
pagbibigkas sa mahahalagang salita o mensahe na kailangan
maunawaan ng tagapakinig, tono ng pananalita, pagtaas at pagbaba ng
tinig at paglakas at paghina ng tinig.
2. BIGKAS
-Napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita. Kailangan
Matatas at malinaw ang pagbigkas niya sa mga salita.

Hal. Tela
Tila
3. TINDIG
-Ito ay ang repleksyon nang kung gaano kahanda at komportable ang
mambibigkas.

4. KUMPAS
-Ang kumpas ng kamay ang mahalaga rin sa pagsasalita. Ang kumpas ng
kamay ay kailangan para maging angkop sa diwa ng salita o mga salitang
sinasabi.

URI NG KUMPAS
1. Kumpas na pasuntok o kuyom ang palad.
2. Kumpas na pakutya
3. Paturong kumpas
4. Marahang pagbaba ng dalawang kamay.
5. Kumpas na halos pantay balikat.
6. Nakaharap sa madla na nakabukas ang palad.
5. KILOS
-Ang kilos ay mahalaga rin sa pagsasalita dahil hindi sapat ang salita
lamang upang maunawaan ang sinasabi kundi lalo higit ng kilos at
ekspresyon ng mukha.

“MGA PRINSIPAL NA SANGKAP SA PANANALITA”


Sa pagsasalita, kailangan ng tatlong salik:

1. Enerhiya
-Nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga.
2. Artikulador
-Nagpapakatala sa mga babagtinga ng pantinig.
3. Resenador
-Nagmomodipika ng tunog.
-Ang bibig at guwang ng ilong ang itinuturing na resonador.

Ang interaksyon ng tatlong salik na ito ang lumilikha ng alon ng mga tunog.
Ang hangin naman ang nagiging midyum ng mga alon ng mga tunog upang
marinig ang mga ito. Ang presyon o puwersang nilikha ng papalabas na
hiningang galing sa baga ang siyang enerhiyang buhat sa babagtigang
pantinig na nagpapagalaw sa artikulador. Nababago naman ang tunog dahil
sa bibig na siyang resonador.

TAGPUAN O PUNTO NG ARTIKULASYON

-Naglalarawan ito kung saan bahagi ng bibig nagaganap ang paglalabas ng


hangin sa pagbigkas ng isang katinig o pagbuo ng tunog, may pitong punto ng
artikulasyon;

a. PANLABI. Ang ibabang labi at labing itaas ay naglalapat; ginagamit ang mga labi
sa pagbigks ng katinig. / p, b, m, w/.

b. PANGNGIPIN. Ang dulo ng dila ay dumidikit sa loob o sa likod ng ngiping itaas.


/t, d, n/.
c. PANGGILAGID. Ang punong galagid ay nilalapitan o dinidiitan ng ibabaw ng
dulong dila. /s, l, r /
d. PALATAL (Pangalangala). Dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang
ibabaw ng punong dila. /y/

e. VELAR (Pangalangala). Ang velum o malambot na bahagi na ngalangala ay


dinidiitan ng ibabaw ng punong dila. / k, g, / ng /

f. PANLALAMUNAN. Ang pagitan ng dalawang babagtingang tinig na tinatawag na


glottis ay bahagyang nakabukas upang ang hangin sa lalamunan ay makadaan.
/h/

g. GLOTTAL. Ang presyur ng papalabas na hangin o hininga ay nahaharapan sa


pamamagitan ng pagdidiit ng mga babagtingang tinig at ang nalilikha ay paimpit o
pasusuot na tunog.

You might also like