You are on page 1of 103

KALIKASAN AT ISTRUKTURA

NG WIKANG FILIPINO
Lahat ng tao ay may kani-kaniyang wikang kinagisnan at natutuhan.
Wika ang kasangkapan na kanyang ginagamit upang ipahayag ang
kanyang iniisip at nararamdaman-pasulat man o pasalita.

Naipadarama ng wika ang lawak at lalim ng isip. Sa wika naipahayag


ang halaga at pagkakakilanlan ng bawat pangkat ng kultura. Wika ang
nagsisiwalat sa katotohanan ng isang intension. Wika ang naghahatid
ng damdamin ng kagalakan, lungkot, pag-asa, kabiguan. Sa wika
makikita at maririnig ang kagandahan ng pasasalamat, paghanga at
maging ang pag-ibig na nais iparating ninuman.
1. Ponolohiya
2. Morpolohiya
3. Mga Pagbabagong Morpoponemiko
4. Sintaksis
TATLONG SALIK NA KINAKAILANGAN PARA MAKAPAGPRODYUS
NG TUNOG

1. Ang pinanggagalingang lakas o enerhiya.

2. Ang artikulador o bagay na nagpapagalaw sa hangin na


lumilikha ng mga tunog,

3. Ang resonador ang sumasala at nagmomodipika


ng mga tunog patungong bibig
1. ANG PINANGGAGALINGANG LAKAS O ENERHIYA.

Ito ang gumagawa ng pwersa o


presyon na nagpapalabas ng hangin
na galing sa baga.
2. ANG ARTIKULADOR O BAGAY NA NAGPAPAGALAW SA HANGIN NA
LUMILIKHA NG MGA TUNOG.

Kung saan naroon ang mga vocal-kord, (isang


pares ng manipis na masel na pinagagalaw ng
daan ng hangin). Ito ay nasa laringks o Adam’s
apple.
3. ANG RESONADOR ANG SUMASALA AT
NAGMOMODIPIKA NG MGA TUNOG PATUNGONG BIBIG.

Ang mga filter naman ay ang mga


organg nasa itaas ng laringks, (a)
ang faringks, bahagi ng lalamunan sa
pagitan ng laringks at ang oral-kaviti,
(b) ang oral-kaviti at (c) ang neysal-
kaviti na daanan ng hangin sa loob
ng ilong.
Nasa bibig ang apat na mahalagang sangkap sa
pagbigkas ng mga tunog.

1. dila at panga (sa ibaba)


2. ngipin at labi (sa unahan)
3. matigas na ngalangala (sa itaas)
4. malambot na ngalangala (sa likod)
Nagbabagu-bago ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng
bibig dahil sa panga at sa dila na kapwa malayang
naigagalaw.

Ang dila ay napapahaba,napapaikli,


napapalapad,napapalapag, naitutukod sa ngipin o sa
ngalangala, naikubkob, naliliyad o naiaarko ayon sa tunog na
gusting bigkasin.
Nabibigkas ang mga patinig sa pamamagitan ng pagtaas at
pagbaba ng alinman sa tatlong bahagi ng dila—harap, sentral,
likod—at sa pamamagitan ng pagbabagu-bago sa hugis ng
espasyo ng bibig, kasama na ang mga labi na dinaraanan ng
tinig. At dahil sa pagbabagu-bagong ito ay napag-iiba-iba rin ng
nagsasalita ang uri ng mga tunog na lumalabas sa kanyang
bibig.
PONOLOJI NG WIKANG FILIPINO
PONOLOJI NG WIKANG FILIPINO
PONEMA
1.PONEMANG 2. MGA
PONEMANG
SEGMENTAL
SUPRASEGMENTAL

a. Mga 2.1 TONO


Katinig/Konsonant
c. Diptonggo

2.2 HABA
b. Mga d. MGA PARES
Patinig/Vawel MINIMAL
2.3 ANTALA
PONOLOHIYA/PONOLOJI

Pag-aaral ng makabuluhang tunog. Bawat wika ay may


sariling tunog na sinusunod batay sa paraan ng
pagsasaayos nito para ipahayag ang iniisip o nadarama.
Ang mga tunog na ito ay tinatawag na fown o mga
speech sounds na ginagamit sa pagsasalita.
FONETIKS ang tawag sa sangay na ito ng linggwistiks.
PONEMA

Tawag sa pinakamaliit na makabuluhang tunog ng


isang wika. Ang bawat wika ay may kani-kaniyang
tiyak na dami o bilang ng mga makabuluhang
tunog.
Makikilala ang katuturan ng ponema kung makikita ang mga ito
sa mga salitang binubuo ng mga magkakatulad na tunog liban
sa isang tunog na maaaring magpabago ng kanilang kahulugan
sa magkaparehong kaligiran.
Halimbawa:
pit “hukay” bit “kinagat”
cap “sombrero”, cab “taxi”

Magkaiba ang mga kahulugan ng mga ito dahil sa mga ponemang /p/ at /b/.

ang pala “shovel” bala “bullet”


Sapagkat konsistent ang palabaybayang Filipino na ang ibig
sabihin ay may isa-sa-isang pagtutumbasan ang ponema at ang
letra o titik na kumakatawan dito, lahat ng simbolong ginagamit
upang magreprisinta ng ponema ay siya na ring ginagamit na
mga letra sa palabaybayan.

Ang patinig ay itinuturing na siyang pinakatampok o


pinakaprominenteng bahagi ng pantig. Walang pantig sa Filipino
na walang patinig.
May 21 ponema-16 sa mga ito ang katinig
(consonants) at 5 patinig (vowels).

• Mga katinig- /b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, ?/

• Mga patinig-/i,e,a,o,u/
Mahalaga ang /?/ o tuldik na paiwa /’/ sapagkat
nakapagpapaiba ito ng kahulugan ng salita
kapag inilagay sa huling pantig ng salitang
nagtatapos sa patinig. Ang tawag sa /?/ ay
glotal o impit na tunog.
Ang impit na tunog o glotal ay itinuturing na isang ponemang
katinig sa Filipino bagama’t hindi ito ipinakikita sa ortograpiya
ng ating wika. Mahalaga ito sa isang salita sapagkat
nakapagbabago ito ng kahulugan ng dalawang salita na pareho
ang baybay.

Hal: /h/
bata =robe, /’/
bata =child
HALIMBAWA:

salitang /pa:soh/ ‘pot’ na magiging


/pa:so?/ ‘ burn’
c, ñ, q , x
Walang tiyak na ponemikong istatus o walang iisang tunog na tinutumbasan. Kaya ang
mga titik na ito ay tinaguriang redandant.
c = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng central = sentral
tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng card = kard

ñ = tinutumbasan ng dalawang ponemang /n/ at /y/ tulad ng


baño = banyo

q = tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng quota = kota


tinutumbasan ng dalawang ponemang /k/ at /w/ kung may tunog nito
tulad ng quarter = kwarter

x = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng xerox = seroks


tinutumbasan ng dalawang tunog na /k/ at /s/ kung may tunog nito
tulad ng taxonomy = taksonomi
May kani-kaniyang tiyak na dami o bilang ng
makabuluhang tunog ang bawat
wika. Makabuluhan ang isang tunog kapag nag-
iba ang kahulugan nito sa sandaling alisin o
palitan ito.
Halimbawa

salitang baso kapag inalis ang /s/ at ito’y


nagiging bao

Kapag pinalitan naman ang /s/ ng /l/, ito’y


nagiging balo
1.PONEMANG SEGMENTAL

a. Mga
Katinig/Konsonant
c. Diptonggo

b. Mga d. MGA PARES


Patinig/Vawel MINIMAL
a. Mga Katinig/Konsonant

Ang mga katinig sa Filipino ay maiaayos ayon sa


punto at paraan ng artikulasyon at kung ang mga
ito ay bibigkasin nang may tinig (m.t) o walang
tinig (w. t).
MGA PONEMANG KATINIG/KONSONANT NG FILIPINO

Ang pagkakaiba ng tunog ng mga katinig at


patinig ay naaayon sa mga pagkakaiba sa
paraan at punto ng artikulasyon. Maaaring
walang tunog o may tunog.
Ang paraan ng artikulasyon ay inilalarawan kung papaanong
gumagana ang ginagamit na mga sangkap sa pagsasalita at
kung paanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa
pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig.

Ang punto ng artikulasyon kung saang bahagi ng bibig


nangyayari ang pagbigkas ng isang katinig.
PARAAN NG PUNTO NG ARTIKULASYON
ARTIKULASYON Panlabi Pang-ngipin Pang-gilagid Pangangatal Glottal
Palatal Velar
Pasara
w. t. p t k ,
m. t. b d g
Pailong m n n
m. t.
Pasutsot s h
w. t.
Pagilid l
m. t.
Pakatal r
m. t.
Malapatinig y w
m. t.
Ang patinig o vawel ay karaniwang may tunog na nagaganap na
walang sagabal sa ating vocal-trak, kaya mas matunog o
sumorous ang mga patinig kaysa sa mga katinig o consonant na
mas may kahabaan ang tunog na naririnig sa mga patinig kaysa
sa mga katinig. Dahil dito, ang mga vawel ang ginagamit na
batayan sa mga silabol.
b. Mga Patinig/Vawel

Ang mga patinig ng Filipino ay maiaayos din sa tsart


ayon naman sa kung aling bahagi ng dila ang
gumagana sa pagbigkas ng isang patinig-
unahan,sentral, likod—at kung ano ang pusisyon ng
nasabing bahagi sa pagbigkas-mataas, nasa gitna o
mababa.
HARAP SENTRAL LIKOD
Mataas i u
Gitna e o
Mahaba a

Ang /i/, halimbawa, ay tinatawag na mataas-harap sapagkat kapag binigkas


ito, ang harap na bahagi ng dila ang gumagana na karaniwa’y umaarko ng
pataas.
c. MGA DIPTONGGO

Ang diptonggo ng Filipino ay aw iw, iy


ey, ay, oy at uy. Ang alinmang patinig na
sinusundan ng malapatinig na /y/ /o /w/
na napapagitan sa dalawang patinig.
Mayroon lamang pitong diptonggo:
AY,EY,IY,OY,UY, AW at IW. Ang EW, OW at UW
ay mga kabilang din subalit wala o iilan lamang
salita sa Filipino na may tunog na ganito (ayon
sa mga libro).
Samantala,kung ito ay napapasama na sa sumusunod na pantig
ito ay hindi na maituturing na diptonggo

HALIMBAWA:
salitang "aliw“ ✔
salitang “aliwan” x

HALIMBAWA:
a-liw ✔
a-li-wan x
Narito ang ilang halimbawa ng diptonggo sa
Filipino:

bahay Kami'y (dinaglat na kami at ay)


Giliw Reyna
Aruy
SAYAWAN

Ang pagpapantig sa “sayawan”


sa-ya-wan at hindi sa-yaw-an.
ALIWALAS a-li-wa-las

SAMPAYAN sam-pa-yan
d. MGA PARES MINIMAL

Ang pares ng salita na magkaiba ng


kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas
maliban sa isang ponema na magkatulad
na magkatulad ang pusisyon.
Ponemang /p/ at /b/ ng Filipino.
Magkatulad sa punto ng artikulasyon sapagkat kapwa istap o pasara ngunit
ang /p/ ay binibigkas nang walang tinig samantalang an /b/ ay mayroon.
Dahil sa pagkakaibang ito, ang kahulugan ng isang salita ay nababago sa
sandaling ang isa ay ipalit sa isa.

paso baso
“burn” glass
2. MGA PONEMANG SUPRASEGMENTAL

2.1 TONO
Sa ating pagsasalita o pakikipag-usap,
2.2 HABA binabago ng tono ang ating boses upang
bigyan ng diin ang bahagi ng pinararating
2.3 ANTALA na mensahe sa ating kausap upang sa
ganoon ay maging malinaw at mabisang
makarating ang ating pagpapahayag
2.1 TONO

Ang pagtaas at pagbaba ng tono ng boses ay


depende kung gaano kabilis magbaybreyt ang
ating vokal-kord, Mabilis na vaybresyon, mas
mataas ang tono ng boses, kung di gaano ang
vaybresyon, mas mababa naman ito.
3= mataas-isang nota ang taas sa ikalawa
2=katamtaman o normal na lawak ng tono
1= mababa- isang notang mababa sa ikalawa
Halimbawa:

Sa kanina (a) ang


nagsasalita ay nagtatanong
o nagdududa samantalang
sa kanina (B) siya ay
nagsasalaysay.
HUBOG NG TONO
2.2. HABA
Ang pagpapahaba ay bahagyang paghinto sa binibigkas
na pantig o silabol ng salita nang hindi naman pinuputol
ang paglikha ng tunog sa nasabing pantig. May mga
salita na binibigkas nang mas mahaba o mas maikli.
Ang paggamit ng kolon [:] ay nagpapakilala ng haba ng
pagbigkas na magpapabago ng kahulugan ng isang
salita.
/magnana:kaw/ = thief
/magna:na:kaw/ = will steal

*Dahil sa ibinibigay na pagpapahaba sa bigkas na alinmang sa tatlong /a/


sa salita,nag-iiba-iba ang kahulugan ng salita.
/pitoh/ - bilang na 7
/pi:toh/ - silbato

Mananahi = /manana : hi/ = modista


mananahi = /mana : na : hi/ = magtatabas
at bubuo ng kasuotan.
2.3 Antala

Nagkakaroon ng hinto pagkatapos ng pangungusap


upang bigyang linaw ang papapahayag ng kaisipang nais
na iparating sa kausap o sa babasa, na inirereprisinta (.).
Sa pag-aantala ng pagsasalita, ang isang (/) ay maaaring
katawanin para pansamantalang paghinto at dalawang
bar (//) naman para sa lubusang pagtigil.
"Hindi puti." Hindi/ Puti."

"It's not white" No, it's white.


Hindi, si Cora ang may sala.

(ipinaalam na si Cora ang may kasalanan)


Samakatuwid, sa tulong ng mga
suprasegmental na ito - ang tono, haba at
antala ay mahahalagang pantulong sa
pagpapakahulugan ng ating mga sinasabi o
ipinapahayag.
PONOLOJI NG WIKANG FILIPINO
PONEMA
1.PONEMANG 2. MGA
PONEMANG
SEGMENTAL
SUPRASEGMENTAL

a. Mga 2.1 TONO


Katinig/Konsonant
c. Diptonggo

2.2 HABA
b. Mga d. MGA PARES
Patinig/Vawel MINIMAL
2.3 ANTALA
MORPOLOJI NG WIKANG FILIPINO

ANG MORPEMA

1. MALAYANG MORPEMA DIVERSYUNAL


(FREE MORPEME) NA MORPEMA

2. DI-MALAYANG MORPEMA- INFLEKSYUNAL NA


(BOUND MORPHEME) MORPEMA
MORPOLOJI

Pag-aaral ng istruktura ng mga salita at ang


relasyon nito sa iba pang mga salita sa wika.
Hindi mahalaga na makita lamang ang katuturan ng
salita o ng mga salita sa listahan ng mga bokabularyo ay
sapat na. Dapat makita ng isang mag-aaral sa mas
malawak na perspektibo ang kakayahan ng salitang
pinag-aaralan. Hindi sapat na malaman ang rul kundi
kung paano ang mga set ng rul ay nagamit at magagamit
sa higit na kapakipakinabang na pagpapahayag.
MORPOLOJI NG WIKANG FILIPINO

ANG MORPEMA

1. MALAYANG MORPEMA DIVERSYUNAL


(FREE MORPEME) NA MORPEMA

2. DI-MALAYANG MORPEMA- INFLEKSYUNAL NA


(BOUND MORPHEME) MORPEMA
MORPEMA

Ang morpema ay ang pinakamaliit na


yunit ng isang salita na nagtataglay
ng kahulugan (Santiago 2003)
Halimbawa:
Ang salitang maganda ay binubuo ng dalawang morpema.

unlaping [ma-] salitang ugat na [ganda]

Taglay ng unlaping [ma] ang kahulugang pagkamayroon na


isinasaad ng salitang-ugat at [ganda] na naglalarawan ng
kaaya-aya sa paningin o "beautiful" sa Ingles.
URI NG MORPEMA

1. MALAYANG MORPEMA (FREE MORPEME)


Mga salitang may sariling kahulugan na hindi na maaaring hatiin. Itinuturing din itong salitang-ugat.
Halimbawa: tao, dagat, puti, lakad

2. DI-MALAYANG MORPEMA- (BOUND MORPHEME)


Mga salitang binubuo ng salitang-ugat at panlapi o afiks na nakakabit.
Halimbawa: maganda-ma (panlapi)| ganda (salitang-ugat)
ANG MORPEMANG DIVERSYUNAL AT INFLEKSYUNAL

1. Ang diversyunal na morpema nagbago


ang kahulugan nito dahil sa pagkakabit ng
iba pang morpema o afiks nito.
Pansinin ang pagbabagong naganap sa salitang tubig (likidong iniinom,
pinanghuhugas o pinanghahalo)

ma~ + tubig→ ang ma~ ay nagtataglay ng katangiang


taglay ng salitang-ugat at pagkamarami nito.

tubig + an→ ~an may kahulugang lugar na kakikitaan ng


mga bagay na marami na tinutukoy sa salitang-ugat.
pa~ + tubig→ pa~ tumutukoy sa isang bagay na ang
gamit ay para matupad o maging katotohanan ang
diwang isinasaad ng salitang-ugat.

mag~ + tubig→ mag~ nagsasaad ng kilos o bagay at


nakabubuo ng pangngalang tumutukoy sa taong ang gawain o
hanapbuhay ay ang kilos na isinasaad ng salitang-ugat o bagay
na tinutukoy ng salitang-ugat. May pag-uulit sa unang pantig ng
salitang-ugat.
2. Ang infleskyunal na morpema ay hindi nagbabago ang
kahulugan ng mga salita o morpema (sa kategoryang sintaktika)
kung kinakabitan ng iba pang morpema o afiks.

Nag-iiba-iba lang ang aspekto at anyo ng salita. Ang aspekto


ang nagsasabi kung ano ang kalagayano istatus ng kilos na
nasa kahulugan ng salitang-ugat. Malalaman kung ang isang
salita ay natapos na, nag-umpisa na, o nagpapatuloy o nag-
uumpisa na ang kilos.
[maglinis](pawatas)→naglinis

→ naglilinis→ maglilinis.

Pansining hindi nagbago ang anyo ng salitang-ugat na linis, subalit


naiinflek ang afiks o nagbabago ang anyo ng /mag~/ sa /nag~/,
INFLEKSYUNAL NA DIVERSYUNAL NA
MORPEMA MORPEMA

Tumutukoy sa may
tungkuling
panggramatika o karagdagang
gramatik fanksyon semantika
MORPOLOJI NG WIKANG FILIPINO

ANG MORPEMA

1. MALAYANG MORPEMA DIVERSYUNAL


(FREE MORPEME) NA MORPEMA

2. DI-MALAYANG MORPEMA- INFLEKSYUNAL NA


(BOUND MORPHEME) MORPEMA
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

(1)
ASIMILASYON

(2.) PAGPAPALIT
A) ASIMILASYONG NG PONEMA
PARSYAL

(3.) METATESIS
B) ASIMILASYONG
GANAP
MGA URI NG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

(1) ASIMILASYON

Sakop ng uring ito ang mga pagbabagong nagaganap sa /n/ sa


pusisyong pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito.
Tulad ng naipaliwanag na, isa sa tatlong ponemang pailong, /m, n, ŋ /,
ang ginagamit batay sa kung ano ang punto ng artikulasyon ng
kasunod na ponema upang maging magaan at madulas ang
pagbigkas sa salita.
DALAWANG URI NG ASIMILASYON

a) asimilasyong parsyal

(b) asimilasyong ganap


A) ASIMILASYONG PARSYAL
Ang asimilasyong parsyal o di-ganap ay yaong karaniwang pagbabagong nagaganap sa
pailong na /n/ sa pusisyong pinal ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kasunod na
tunog. Ang /n/ o /m/ o nanatiling /n/ dahil sa kasunod na tunog. Bukod dito ay wala nang
ibang pagbabagong nagaganap.

Mga halimbawa: Kung ang isang panlapi o salita ay


nagtatapos sa /n/ at ito’y ikinakabit sa
isang salitang-ugat na nagsisimula sa
[pang-] + paaralan → pampaaralan /p/ o /b/, nagiging /m/ ang /n/.

[pang-] + bayan → pambayan /M/ + /P/, /B/


Mga halimbawa:
[pang-] + dikdik → pandikdik
[pang-] + taksi → pantaksi

Ang huling ponemang /n/ ng isang morpema ay


nagiging /n/ kung ang kasunod ay alinman sa mga
sumusunod na ponema: /d,l,r,s,t/.
/N/ + /D/, /L/, /R/, /S/, /T/
B) ASIMILASYONG GANAP
Sa asimilasyong ganap, bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang
/n/ ayon sa puntong artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala pa rin ang
unang ponema ng nilalapiang salita dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob
na sa sinusundang ponema.

Mga halimbawa:

[pang-] + palo → pampalo → pamalo


[pang-] + tali → pantali → panali
May mga salitang maaaring gamitan ng alinman sa dalawang uri ng asimilasyon, ngunit
may mga salitang nakamihasnan nang gamitan lamang ng asimilasyong parsyal. Sa ibang
salita, hindi nagaganap ang pagkawala ng unang ponema ng ikalawang morpemang
isinasama sa pagbubuo ng salita.

Mga halimbawa:

Yaong maaaring gamitan ng dalawang uri ng asimilasyon.

[pang-] +kuha → pangkuha → panguha


[pang-] +tabas → pantabas → panabas
Yaong hindi ginagamitan ng asimilasyong
ganap:

[pang-] + bansa → Pambansa (*pamansa)


[pang-] + luto → panluto (*panuto)
(2.) PAGPAPALIT NG PONEMA

May mga ponemang nababago o napapalitan sa


pagbubuo ng mga salita. Kung minsan, ang ganitong
pagbabago ang pagpapalit ng diin.

/d/ → /r/
Ang ponemang /d/ sa pusisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang
napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.

Mga halimbawa:

ma- + dapat → marapat


ma- + dunong → marunong

Mapapansing sa unang halimbawa, ang pagpapalit ay sapilitan at hindi


opsyunal. Hindi sinasabi ang *madapat.
May mga halimbawa namang ang /d/ ay nasa pusisyong pinal ng salitang
nilalapian. Kung ito ay hinuhulapian ng [-an] o [-in], ang /d/ ay karaniwang
nagiging /r/.

Mga halimbawa:
lapad + -an= lapadan → laparan
tawid + -in= tawidin → tawirin

Bagamat opsyunal ang pagpapalit, higit na gamitin ang anyong may /r/
sapagkat higit na naaayon ito sa likas na hilig ng tao na gawing lalong madali
para sa kanya ang pagbigkas.
Samantala, sa halimbawang:

ma- + dunong à madunong ~ marunong

Mapapansing maaaring magkapalitan ang /d at /r. (Ang simbolong /~/ ay


ginagamit upang ipakita na ang dalawang ponema ay maaaring
magkapalitan). Pansinin na ang pagpapalitan ng /d/ at /r/ ay nagaganap
kapag ito'y nakapagitan sa dalawang patinig.
Bagamat maaaring gamitin ang alinman sa mga salitang madunong at
marunong, higit na palasak ang ikalawang anyo sapagkat ito ang lalong
magaan at madulas bigkasin.
May mangilan-ngilang pagkakataon na ang nabubuong mga
salita ay magkaiba ng kahulugan:

madamdamin maramdamin

'full of feeling' 'sensitive'

Sa mga ganitong halimbawa, hindi masasabing


maaaring magkapalitan ang /d/ at /r/.
/h/ → /n/
Sa ilang halimbawa, ang /h/ ng panlaping /-han/
ay nagiging /n/.

Halimbawa:

Tawa + -han → tawahan → tawanan


/o/ → /u/
Ang ponemang /o/ sa huling pantig ng salitang-ugat na
hinuhulapian o salitang inuulit ay nagiging /u/. Sa mga salitang
inuulit, ang /o/ ay nagiging /u/ sa unang hati lamang ng mga
salita.
Mga halimbawa:

Dugo+ an → duguan
Mabango → mabangung-mabango
(3.) METATESIS
Kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginitlapian ng [-in], ang /l/ o
/y/ ng salitang-ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng pusisyon.
Mga halimbawa;

-in- + lipad → nilipad


-in + yaya → niyaya

Kung sabagay, may gumagamit din ng linipad at yinaya ngunit higit na gamitin ang
nilipad at niyaya.
May mga salitang nagkakaroon ng pagkakaltas
ng ponema bukod sa pagkakapalit ng pusisyon
ng dalawang ponema.

Mga halimbawa:

Atip+ -an → atipan → aptan


Tanim + -an → taniman → tamnan
Dahil hindi gaanong malinaw ang hangganan ng mga morpema sa
isang salita dahil sa impluwensya ng kaligiran ng iba pang
morpema, nangyayaring nagkakaroon ng pagbabago sa anyo nito.
Ang anumang pagbabago ng morpema dahil sa impluwensya ng
kaligiran nito ay tinatawag na pagbabagong morpoponemiko.
Nangyayari ang pagbabagong anyo ng morpema dahil sa mga
ikinakabit na makabuluhang tunog.
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

(1)
ASIMILASYON

(2.) PAGPAPALIT
A) ASIMILASYONG NG PONEMA
PARSYAL

(3.) METATESIS
B) ASIMILASYONG
GANAP
LEKSIKAL/LEKSIKON

Ang katuturan ng salita ay maaaring magbago ng


kahulugan sa pamamagitan ng pagsasama-sama
o pagdaragdag ng mga morpema na maaaring
nasa anyong malaya at di-malayang morpema.
Ang leksikon ay kilala din sa tawag na
vokabularyo ng wika. Ito ay tumutukoy sa
mga salita na ginagamit sa isang wika ng
mga mananalita nito. Ito rin ay tumutukoy sa
iba't ibang paraan ng pagbuo ng mga salita.
HALIMBAWA
likhain

likha + /in/ = likhain pandiwa

/ma/ + likhain = malikhain pang-uri


SINTAKS/SINTAKSIS

Ang pag-aaral ng pagbubuo


ng mga pangungusap o
sentens.
ANG PANGUNGUSAP

Kapag pinagsama-sama ang mga salita, maaaring makabuo ng


isang diwa. Ang mga pinagsama-samang mga salitang ito ang
maaaring maging batayang yunit ng pagpapakahulugan ng
isang pahayag. Bagamat itinuturing na makabuluhan ang isang
morpema, wala itong kabuluhan kung hindi maisasama sa iba
pang mga salita o kataga para makabuo ng isang diwa o
kaisipan.
Ang pangungusap ay maaaring mga
salita, kataga o lipon ng mga salita na
nagpapahayag ng isang diwa o kaisipan.
Lipon ng mga salita:

Masasaya ang mga bata.


Dumating na ang panauhin.
SI Don ay masipag na mag-aaral.
MGA BAHAGI NG PANGUNGUSAP

1. Sabjek (simuno/paksa)
Bahaging pinag-uusapan sa loob ng pangungusap.

2. Predikeyt (panaguri)
Bahaging nagsasabi tungkol sa sabjek.
Halimbawa:

Napakahusay umawit ni Sarah.

Napakahusay umawit ang nagsasabi tungkol kay Sarah o


predikeyt, at ang ni Sarah ang sabjek o ang pinag-uusapan.
AYOS NG PANGUNGUSAP

KARANIWAN O NATURAL

DI-KARANIWAN O KABALIGTARAN
KARANIWANG AYOS NG
PANGUNGUSAP

Ayos ng pangungusap kapag


nauuna ang predikeyt o
panaguri sa sabjek o
simuno/paksa.
HALIMBAWA:
KARANIWANG AYOS ✓ Akmang-akma ang pagsasalin
kahit baligtarin na ang ayos,
wasto pa rin ang istruktura sa
Filipino, subalit nagkakaproblema
Maganda ang bahay. na sa Ingles.
Beautiful is the house.

✓ Natural sa pangungusap sa
Puti ang pusa. Filipino na mauna ang predikeyt
o panaguri sa sabjek/simuno.
White is the cat.
DI-KARANIWANG AYOS NG
PANGUNGUSAP

Kabaligtaran naman ng ayos


ng pangungusap kapag
nauuna ang sabjek/simuno
sa predikeyt o panaguri.
HALIMBAWA:

The house is beautiful.


Ang bahay ay maganda.
DI-KARANIWANG
AYOS
The cat is white.
Ang pusa ay puti.
HALIMBAWA: KARANIWANG AYOS

Masayahin ang mga Pilipino.

Ang mga Pilipino ay masayahin.


DI-KARANIWANG AYOS

You might also like