You are on page 1of 3

Pangalan: Mikel Andre Mendoza Petsa: Oktubre 11, 2020

Kurso: FIL 169 Ponolohiya at Morpolohiya ng Wikang Filipino


Propesor/ Instruktor: Carmela G. Ong .

Gawain 02

1. Iguhit ang Ulo ni Oscar.

2. Ano-ano ang mga salik sa paglikha ng tunog?


Ang pagsasalita ay isa sa mga paksang pinag-aaralan sa ponolohiya.
Ayon sa mga linggwista, may tatlong salik na kinakailangan upang tayo’y
makapagsalita. Ito ay ang mga sumusunod:
a. Ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya.
b. Artikulador o ang kumakatal na bagay.
c. Resonador o ang patunugan

Sa pamamagitan ng interaksyon ng tatlong salik, nakakalikha ang


tao ng alon ng mga tunog. Ang hangin naman ang siyang magiging
midyum nito upang makarating sa tainga ng mga tagapakinig.
Kung susuriin natin ang proseso nito, ang enerhiya ay ang presyong
nalilikha ng papalabas na hiningang nanggagaling sa baga na siyang
nagpapakatal sa mga babagtingang tinig at gumaganap bilang artikulador.
Lilikha ito ng tunog na minomodipika ng bibig at ilong na siyang nagiging
resonador at mula rito lalabas ang mga makabuluhang tunog.

3. Ilarawan ang paraan ng pagbigkas at tagpuang-bigkasan ng mga katinig at


patinig sa pamamagitan ng isang talahanayan.
Ponemang Katinig

Punto ng Artikulasyon
Paraan ng
Panlab Panggilagi Pangngalangala
Artikulasyon Pangngipin Glotal
i d Palatal Velar
Pasara
Walang tunog p t k
May tunog b d g
Pailong
May tunog m n ŋ
Pasutsot
Walang tunog s h
Pagilid
May tunog l
Pakatal
May tunog r
Malapatinig
May tunog y w

Makikita sa tsart ang punto ng artikulasyon o kung saang bahagi


isinasagawa ang pagbigkas ng fonema, na maaaring panlabi, pangngipin,
panggilagid, pangngalangala, bilar o sa dulo ng lalamunan at ang glotal o ang
impit na tunog na ginagawasa pamamagitan ng pagsasara ng glotis. Sa gilid ng
tsart, makikita naman ang paraan ng artikulasyon. Ito ang paraan ng pagbigkas o
paraan ng pagpapalabas ng hangin sa bibig o kaya’y sa ilong- kung ito ay pasara
o kaya’y pailong o nasal, pasutsot, pagilid, pakatal at malapantig.

Ipinapakita rin ng dalawang fonema ang kawalan ng tinig (w.t.) o


pagkakaroon ng tinig (m.t.). Iba ang fonemang panlabing pasara, walang tinig
na /p/ kaysa sa ponemang panlabing pasara na may tinig na /b/.
May isa sa isang tumbasan ang fonema at titik dahil konsistent ang
palabaybayan o ispeling sa wikang Filipino. Lahat ng simbolo para sa bawat
fonema ay siya ring titik maliban sa /?/ para sa impit na tunog o glotal at /η/ para
sa ng.

1. Panlabi – ang ibabang labi ay dumidiit sa labing itaas /p, b, m/


2. Pangngipin – ang dulo ng dila ay dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas /t,
d, n/
3. Panggilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidikit sa
punong gilagid /s, l, r/
4. (Pangngalangala) Velar – ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa velum
o malambot na bahagi ng ngalangala /k, g, η/

Ponemang Patinig

Posisyon ng Bahagi ng Dila


Dila Harap Sentral Likod
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a

Ipinakikita sa tsart ng fonemang patinig na nagkakaiba ang paraan ng


pagbigkas ayon sa taas ng posisyon ng dila- mataas, gitna, at mahaba. Ipinakikita
rin kung saang bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas – harap, sentral o
likod.

You might also like