You are on page 1of 11

Fil 166

Kalakaran at Tunguhin
sa Pag-aaral ng Wika

Ipinasa nina:

Equiña, Ava Gayle A.


Mangulamas, Monira M.
Mendoza, Mikel Andre

Ipinasa kay:

Prof. Love I. Batoon


Tagapag-ulat bilang 20

“Isyung Pangwika bilang gamit sa Midya”

Isang mahalagang gampanin ang ginagampanan ng wika sa mundo. Bukod sa daluyan


ito ng ating kaisipan, ito rin ay isang makapangyarihang instrumento na may kakayahang
baguhin o impluwensyahan ang kaisipan at pinaniniwala ng isang tao. Ito ang tulay na nag-
uugnay sa atin sa pag-unlad. Sa pagpasok ng modernisasyon, lumawak din ang potensyal ng
wika. Nagkakaroon na ng ugnayan kahit ang mga taong nasa magkabilang panig ng daigdig
at nagkakaroon na ng kamalayan ang mga tao sa nangyayari sa sanlibutan. Ang lahat ng ito
ay dahil sa tulong ng “Media”, ang kaagapay ng wika sa paghahatid ng kaisipan.

Ayon sa pagpapakahulugan ng diksyonaryo.ph, ang midya ay ang pangunahing mga


sangay ng komunikasyong pangmadla. Mula sa kahulugang ito mahihinuha natin na ang
midya ang nagsisilbing daluyan (tsanel) o imbakan ng mensahe mula sa sender patungong
reciever katulad ng sa modelo ng komunikasyon ni David Berlo,.

Ayon naman sa isa pang pagpapakahulugan ni Livesey, C. (2011), pinatutukuyan ang


midyum – midya kapag maramihan – bilang isang uri ng komunikasyong ginagamit ng tao
upang makaugnay at makapagpabatid ng mensahe. Ibig sabihin nito lahat ng instrumento na
ginagamit ng tao sa komunikasyon o sa pagpapabatid ng mensahe ay itinuturing na midyum o
midya. Isinaad naman ni Labrador, J. (n.d) na mayroong iba’t-ibang midyum na ginagamit ng
tao sa pang-araw-araw na komunikasyon. Iilan dito ay ang mga larawan, telepono, at ang
SMS o short messaging services.

“Maraming instrumento ang maaring gamitin bilang pamamaraan ng


komunikasyon upang magpabatid ng mensahe. Maaring ang instrumentong ito ay
isang larawan – halimbawang larawang matatagpuan sa kuweba ng Altamira,
Espanya na iginuhit ng mga sinaunang tao, na hanggang ngayon ay paksa at
bahagi pa rin ng mga debate ng ilang mga dalubhasa kung ito ba ay isang uri ng
sining lamang o isang uri ng pagpapabatid ng mensahe noon. Maaari rin itong
isang kagamitan o device – ang telepono halimbawa, kung saan, naririnig natin
ang boses ng kausap gamit ang isang aparato ng naglilipat ng mga boses sa
pamamagitan ng pagpapadaloy ng soundwaves sa kable upang marinig ang kausap,
o hindi naman kaya ang SMS (short messaging service) na nakakapagbigay ng
mensahe gamit ang mobile phones na kayang umakda ng mensaheng hindi hihigit
sa 160 na titik o simbolo.”

Mayroon namang isa pang uri ng midya na tinukoy si Livesey, C. (2011) at ito ay ang Mass
Midya. Ayon sa kaniya, ang mass midya ay tumutukoy sa kolektibong uri ng komunikasyong
nag-uugnay at umuugnay sa mga tao. Madalas na pinatutukuyan din ang mass midyum
bilang isang uri ng komunikasyong isa laban sa nakararami (one-to-many).

Ang konseptong one-to-many ni Livesey

Ipinapakita sa dayagram na ito na ang mass midya ay matuturing bilang one way
communication, kung saan kinakatawan ng “isa” ang may akda o pinagmulan ng mensahe na nakiki-
ugnay o kumakausap sa “nakararami” o ang taong masa.

Ayon naman sa artikulo nina Mapa at Marbella (2019) na “Ang Impluwensya ng


Midya sa Pag-aaral ng Wika”,

“Ang midya ang itinuturing na pinakamalakas na institusyong sosyal na


nagtataglay ng kapangyarihang lumikha ng isang opinyong makapagpapabago sa
kasaysayan ng bansa. Tatlo ang batayang tungkulin ng midya sa lipunan:
tagapagpangkat, tagapagmulat at tagapagpakilos...
...Kung gayon, midya rin sana ang siyang makapagsusulong ng isang
makabuluhang pagbabago sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang
makapagtaguyod ng isang demokratikong sistema ng pangmasang edukasyon at
pagpapalaganap ng impormasyon...”

Ibig sabihin ang midya ay di lamang simpleng komunikasyong pangmasa bagkus isa itong
makapangyarihang instrumento kasama ng wika na may kakayahang magsulong ng
makabuluhang pagbabago, mapagpamulat at nagpapakilos sa ating lipunan. Mula sa ideyang
ito mahihinuha natin na ang wika at midya naging matalik na magkatuwang. Liban sa
harapang pakikipagkomunikasyon, ang primaryang daluyan ng wika ay midya at mga tsanel
nito. Naging pangunahing midyum naman ng midya ang wika. Dagdag pa nina Mapa at
Marbella, ang wika ang pangunahing kailangan upang maabot ang midya at dahil dito
nagkakaroon ng relasyon ang mga ito sa isa’t isa.

Ayon kay Viray, K. (n.d) may mahalagang gamit ang wika sa midya. Una, nagagamit
ng wika ang midya bilang instrumento upang makapagbigay impormasyon at depinisyon
kung kaya sa maraming pagkakataon kinakailangan ng midya na gumamit ng wikang naayon
sa kanilang audience upang madali nitong maintindihan ang mensahe. Pangalawa naman ay
ginagamit ng midya ang wika upang lumikha ng mga konstruksyon ng reyalidad. Ibig sabihin
ginagamit ng midya ang kapangyarihan ng wika upang makalikha ng isang reyalidad na
siyang papaniwalaan at tatanggapin ng mga tao o ng audience. Pangatlo, ginagamit ng midya
ang wika upang makapagpahayag ng mga pananw na magpapanatili sa status quo o wika
bilang instrumento ng kontrol. Ibig sabihin kung nais ng midya ng manghihikayat o
impluwensiyahan ang kanilang mga audience, kailangan nito ang wika na maikikintal sa
kaisipan ng kanyang target kung kaya mahalaga na ang gamiting wika ay naiintindihan at
tinatanggap ng nakararami.

Sa kabilang dako naapektuhan naman ng midya ang wika. Ayon kay Viray, maraming
salita ang nag-ugat mula sa midya na kalaunay naging parte na ng ating bokabularyo dahil
ito’y tinatanggap na ng lipunan. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga salitang ito:
ansaveh (pinauso itoni Vice Ganda sa kanyang palabas sa telebisyon); apir (up here) na
halaw naman sa mga palabas nila Tito, Vic at Joey; nariyan din ang boom ni boy pick-up ng
GMA; chika, dabarkads, atcheche, dramarama, koreanobela, etc. Bawat pagpasok ng mga
salitang ito sa ating kamalayan, siya ring pagpasok ng mga kaisipan na nagiging bahagi rin
ng atin pagkilos at personalidad na sa kalaunan ay nagkakaroon ng epekto sa ating
pagkonsumo ng mga produkto, pagkonsumo ng kultura, pagtingin sa lipunan at marami pang
iba. Nakakabuo rin ang mga salitang ito ng mga ideholohiya na nagiging gabay ng bawat isa
sa kanilang perspektiba sa pulitika, ekonomiya, lipunan, kultura, kasaysayan at moralidad.

Mula sa mga impormasyon nailahad masasabi nating malaki ang parte ng wika sa
midya at gayon naman ang midya sa wika. Ngayon alamin naman natin ang mga isyung
pangwika na impluwensiya ng midya.

MGA MALING GAMIT NG WIKA SA MIDYA

Dahil sa pagiging pangkaraniwan ng gamit ng wika sa midya. Naging relaks din ang

mga tagalikha ng midya sa kanilang tamang gamit. Ito ang napansin ni Rogelio Ordonez,

isang nasyunalista at batikang manunulat. Naging kritikal si Ordonez lalo na sa mga materyal

na inihahatid ng news midya. Naglalayon ang kanyang mga maiikling komento at

obserbasyon na itama ang mga maling paggamit ng mga iilang salita at prase na naging

bukang bibig ng mga reporter at news reader.


Sa diskurso ni Ordonez, makikitang kinakailangang paigtingin ang pagaaral ang
tamang paggamit ng mga wika. Lalo na ang mga miembro ng midya sa anumang larangan.
Sila ang madalas na marinig ng mga batang nagpapaunlad pa lamang ng kanilang wika. Ito ay
upang lalong maging maunlad ngunit dalisay ang wikang Filipino.

Nagbigay ng konklusyon si Viray K. R. sa isyung ito. Aniya, kailangan pa ring ipagpatuloy


ang proseso ng intelektuwalisasyon ng wikang pambansa at ang paggamit nito sa mga
diskursong impormatibo at analitikal sa media. Ito ay sa kabila ng pantay na
pangangailangang gawing malapit ang midya at diskurso sa publiko o masa. Ika pa nga ni
Marshall McLuhan, The medium is the message. Pinapatunayan nito kung gaano kalakas ang
media as “influencer” kung kaya’t kinakailangan itong gamitin ng tama at mahusay. Dahil
kung hindi, ang pagimpluwensya ay hindi lamang pangkamalayan kundi aabot ito hanggang
sa pananalita at paggamit ng wika mismo. Maaaring maging dahilan ito ng pagbaba ng
kalidad ng wika.

WIKA AT PAHAYAGAN

Ang pahayagan ay naglalaman ng iba’t-ibang balita at mga impormasyon. Araw-araw

itong ginagamit ng mga mamamayan upang makatuklas ng mga panibagong balita o

kaganapan sa ating bansa. Dito rin natin makikita ang iba’t-ibang opinyon ng mga manunulat

tungkol sa iba’t-ibang bagay. Isa sa mga halimbawa ng pahayagan o dyaryo ay ang tabloid.

Ang tabloid ay nagbibigay diin sa mga paksa tulad ng krimen, tsismis, at telebisyon.
Pero ano nga ba ang Isyu ng Wika sa Pahayagan?

Ayon kay David Michael San Juan, ”Wikang Filipino ang madalas na ginagamit sa

mga tabloid na ang nananaig na tono ay impormal, at waring hindi gaanong istrikto ang

pamantayan ng propesyunalismo.” Dagdag pa niya na karaniwang ginagamit ang Wikang

Filipino sa media ngayon, hindi dahil sa pagnanais ng media na palaguin ang Wikang

Pambansa kundi mas higit na nauunawaan ng mga mambabasa ito at karaniwang ginagamit

ng mga tao sa kalye, mula estudyante at propesyunal hanggang driver at tindera sa palengke.

Ito ang mga kadalasang headline o ulo ng mga balitang krimen sa tabloid mula kay Jirah

Dalan:

 Binurdahan ng labintatlong saksak sa katawan

 Driver dinedo ng pasahero

 Solvent boy, binalisong

 Usyusero tinusok sa puwit

 Tinepok habang nanonood ng sabong

Mula sa mga nabanggit sa itaas masasabing ang mga manunulat ng tabloid ay mas

pinagtutuunan ng pansin kung paano nila mapupukaw ang atensyon ng mga mambasa. At

rumeresulta ito sa paggamit ng mga impormal, kolokyal, o balbal na salita.

WIKA AT TELEBISYON

Sa panahon ngayon, ang teknolohiya ay patuloy ang pag-unlad at pagyabong dahil sa

kamangha-mangha nitong tulong at gamit sa pang araw-araw. Ngunit sa kabila ng lahat ng


pagbabagong ito hindi maikakala na ang telebisyon ay naging malaking bahagi din ng ating

pamumuhay at naging isa sa pangunahing paraan ng telekomunikasyon.

Ang telebisyon ay nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon na siyang nakakatulong na

mabigyan ang mga manonood ng sapat na kaalaman ukol sa pinapanood nito. Ang ilan na

alamang sa mga ito ay balita, teleserye, sports, dokyumentaryo, at iba pa na siyang

nakakapukaw ng atensyon ng mga manonood.

Sa pagpasok ng makabagong henerasyon na siyang mas pinaiiral ang paggamit ng

wikang Ingles sa pakikipag-usap o pakikipagkomunika, karamihan sa mga palabas ngayon sa

telebisyon ay gumagamit na rin ng wikang Ingles lalong lalo na sa cable channels. Ang cable

channels ay available sa mga cable televisions na ginagamitan ng satelite upang magkaroon

ng mas malakas na signal at sumasakop ng mga channels ng iba’t ibang bansa. Ang ilan sa

mga ito ay FOX, Disney Channel, Cartoon Network, MTV, CNN, ESPN, STAR MOVIES at

iba pa. Dahil sa mas malawak na paggamit ng wikang Ingles sa mga programa sa mga

channels na ito, nakakalimutang bigyan ng pansin ng karamihan sa atin ang ating sariling

wika, ang wikang Filipino.

WIKA AT RADYO

Ang wikang Filipino ay nangunguna sa komunikasyon sa halos lahat ng media

ngayon. Ito ay isa sa mga paraan upang magbigay impormasyon sa masa. Sa radyo, ito’y

nangungunang mass media na abot kaya ng mga Pinoy. Subalit ang mga binibigkas ng mga

DJ sa radyo ay pawang Ingles, Taglish at iba pang wika bukod sa Wikang Filipino.

Ang nais ipahiwatig ng mga programa ng radyo tulad ng AM at FM ay mapanatiling

sumusubaybay ang mga tagapakinig sa kanila. Ginagawan nila ito sa pamaraan ng pagbibigay

aliw at mga impormasyong gustong maparinig ng mga tao kesa sa mga impormasyong
kailangan na dapat nilang malaman upang lumago bilang isang Pilipino. At kasabay nito ay

ang paglitaw ng mga “siyokoy” na salita. Dinadagdagan nila ang lebel ng kanilang

paghihiwatig ng balita at ang paggamit ng wikang Filipino ay ang paraan nila upang

maipahiwatig sa mga masa ang impormasyong kailangan nila at hindi ang mga impormasyon

na dapat nilang malaman.

WIKA AT PELIKULA

Ang pelikula ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang

isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging pangunahing

tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa

kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng

pelikula. Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo. Nililikha

ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng “totoong” tao at bagay sa kamera.

Sa pelikula, Wikang Filipino ang tanging ginagamit ng mainstream o studio-produced

films, tulad ng ginagawa ng Star Cinema, Regal, Viva at iba pang commercial studios. At

ito’y dahil ang masang manonood na pinupuntirya ng kanilang investment ay wikang Filipino

ang naiintindihan at ginagamit. Dahil ang karamihan sa mga manonood ay nasa urban centers

tulad ng NCR, mapapansin ang pagnanais ng mga pelikulang ito na magmukhang urbanisado

at sopistikado. Ngunit, kadalasan ay nagkakaroon ng isyu sa paggamit ng angkop na salita sa

“dabbing”, na nagreresulta sa paglitaw ng mga “siyokoy” na salita. Kaya Ingles ang madalas

na gamiting titulo at ang kanilang dialogo ay madalas gumagamit ng Taglish.

Hindi maikakaila na mahilig ang mga Pilipino sa midya (mass media at social media)
at dahil sa malakas na impluwensya nito sa mga tao mabilis din ang pagtransmit nito ng
impormasyon. Mabuti sa isang bansa ang pagkakaroon ng mabilis na daluyan ng
impormasyon, ngunit kung hindi naman tumpak ang hinahayag nito ay hindirin
makatutulong. Marami sa ating mga Pilipino ay malaki pa ang kakulangan pagdating sa
intektuwalisasyon sa wika, at dahil dito nakagagamit tayo ng mga maling termino na kapag
ginamit sa pagcomment, pagpost o iba pang larang ng midya ay mabilis din na ginagaya ng
marami at mas mabilis na kumakalat mali kaysa sa tamang gamit ng salita. Pagdating naman
sa bokabularyo ng ating wika, hindi na ito pangkaraniwan sapagkat tuay ngang dinamiko at
buhay ang wika ngunit kung ginagamit ito sa pormal na uri ng literatura babagal ang
istandardisasyon ng ating wika.

SANGGUNIAN:

Assiter, Alison. "Althusser and structuralism". British Journal of Sociology. London School
of Economics. 35 (2): 272–296. 1984.

Dalan, J. (2004). Lenggawahe ng Tabloid. Retrieved from https://prezi.com/–


ilfea1sjds/lenggwahe-ng-tabloid/

Fairclough, N. Language and power. London: Longman. 1989.

Fowler, R. Language in the news: Discourse and ideology in the press. London: Routledge.
1991.
McLuhan, M. Understanding media: The extensions of man. Cambridge: MIT Press.
(Original work published 1964). 1994. http://www.sociology.org.uk/media_defined.pdf

Labrador, J. (n.d).Ang Papel ng Mass Midya sa Wika, Kultura, at Ekonomiya. Retrieved


April 3, 2020, from
https://www.academia.edu/19852413/Ang_Papel_ng_Mass_Midya_sa_Wika_Kultura_at_Ek
onomiya

Livesey, C. (2011). Defining Mass Media. Retrieved April 3, 2014, from www.sociology.ord:

Mapa, K. at Marbella, F. (2019). Impluwensiya ng Midya sa Pag-Aaral ng Wika. Asia Pacific


Journal of Multidisciplinary Research, Vol. 7, No. 1, February, 2019 Retrieved April 3, 2020,
from http://www.apjmr.com/wp-content/uploads/2020/01/APJMR-2019-7.1.06.pdf

San Juan, D.M. (2012). Ang Wikang Filipino sa Media Ngayon. Retrieved from
https://www.scribd.com/doc/102671690/Ang-Wikang-Filipino-Sa-Media-Ngayon
Tiongson, Nicanor (ed.). The Cultural Traditional Media of Asean. Asean Committee on
Culture and Information. 1986.

Viray, K. (n.d) Mga Isyu sa Wika at Midya.Retrieved 08/10/20 from


www.academia.edu/38665473

You might also like