You are on page 1of 22

Mindanao State University

College of Social Sciences and Humanities


General Santos City

FIL166 | Kalakaran at Tunguhin sa Pag-aaral ng Wika


Ikalawang Semestre | A.Y. 2023-2024

PANGALAN: FLOREE BYL A. CABARDO PETSA: ENERO 30, 2024


SEKSYON: M30-2

PANIMULA

Ang kursong ito ay sumasaklaw sa mga batayang kaalaman sa pag-aaral ng wika.


Binibigyannang malaking pagpapahalaga ang kasaysayan upang lubusang maunawaan ang
kasalukuyangkalagayan ng wikang Filipino sa bansa. Nakatuon sa epekto ng gamit ng wika sa
pag-unawa samga disiplina gayundin ang halaga ng mga disiplina sa lalo pang pagpapayabong
ng wikangpambansa. Sa pagtatapos ng kurso, inaasahan na makabubuo ng kongkretong hakbang
sapagpapatatag ng wikang Filipino batay sa mga tinalakay na konsepto, kasaysayan at
kalakaran.Kinikilala sa kagamitang panturo na ito ang mga pinaghanguang aklat, babasahin,
literatura,pananaliksik, dyornal, kagamitang pampagtuturo gayundin tinitiyak na hindi ito
gagamitingrekurso at tanging layuning akademiko ang ginawang pagsipi.

BUNGA NG PAGKATUTONG PANGKURSO

 Nakikilala ang mga susing termino sa pag-aaral ng wika.


 Nasusuri ang iba’t ibang lapit sa pag-aaral ng wika.
 Nakapaglalahad ng mga batas na may kaugnay sa wikang Filipino.
 Nakapag-iisa-isa ng mga pangyayari sa kasaysayan kaugnay ng wikang Filipino.
 Naipapaliwanag ang halaga ng ugnayan ng mga disiplina sa wikang Filipino.
 Nagagamit ang kaalaman sa batayang konsepto ng wika, kasaysayan atkalakaran sa
paghahain ng hakbang sa pagpapatatag ng wikang pambansa.
NILALAMAN NG KURSO

BATAYANG KAALAMAN

 Wikang Pambansa
 Wikang Opisyal
 Lingua Franca
 Wikang Panturo
 Mother Tounge Based Multi-Lingual Education
 INTERDISIPLINARYONG LAPIT
 Wika at Sikolohiya Pilipino
 Wikang Filipino at Sosyolohiya
 Wika at Pilosopiyang Pilipino
 Politika ng Wikang Filipino
 Kalakaran at Tunguhin ng Wikang Filipino

AWTOR: MARVIN G. LAI

SANGGUNIAN:

LAI, M. (n.d). FILI 30063 KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG-AARAL NG WIKA.


Kinuha mula sa https://www.scribd.com/document/609655259/OK-FILI30063-KALAKARAN-
AT-TUNGUHIN-SA-PAG-AARAL-NG-WIKA.

"Isyung Pangwika bilang gamit sa Midya❞

Isang mahalagang gampanin ang ginagampanan ng wika sa mundo. Bukod sa daluyan ito
ng ating kaisipan, ito rin ay isang makapangyarihang instrumento na may kakayahang baguhin o
impluwensyahan ang kaisipan at pinaniniwala ng isang tao. Ito ang tulay na nag- uugnay sa atin
sa pag-unlad. Sa pagpasok ng modernisasyon, lumawak din ang potensyal ng wika. Nagkakaroon
na ng ugnayan kahit ang mga taong nasa magkabilang panig ng daigdig at nagkakaroon na ng
kamalayan ang mga tao sa nangyayari sa sanlibutan. Ang lahat ng ito ay dahil sa tulong ng
“Media”, ang kaagapay ng wika sa paghahatid ng kaisipan.

Ayon sa pagpapakahulugan ng diksyonaryo.ph, ang midya ay ang pangunahing mga


sangay ng komunikasyong pangmadla. Mula sa kahulugang ito mahihinuha natin na ang midya
ang nagsisilbing daluyan (tsanel) o imbakan ng mensahe mula sa sender patungong receiver
katulad ng sa modelo ng komunikasyon ni David Berlo.

Ayon naman sa isa pang pagpapakahulugan ni Livesey, C. (2011), pinatutukuyan ang


midyum - midya kapag maramihan - bilang isang uri ng komunikasyong ginagamit ng tao upang
makaugnay at makapagpabatid ng mensahe. Ibig sabihin nito lahat ng instrumento na ginagamit
ng tao sa komunikasyon o sa pagpapabatid ng mensahe ay itinuturing na midyum o midya.
Isinaad naman ni Labrador, J. (n.d) na mayroong iba't-ibang midyum na ginagamit ng tao sa
pang-araw-araw na komunikasyon. Iilan dito ay ang mga larawan, telepono, at ang SMS o short
messaging services.

"Maraming instrumento ang maaaring gamitin bilang pamamaraan komunikasyon upang


magpabatid ng mensahe. Maaring ang instrumentong ito ay isang larawan - halimbawang
larawang matatagpuan sa kuweba ng Altamira, Espanya na iginuhit ng mga sinaunang tao, na
hanggang ngayon ay paksa at bahagi pa rin ng mga debate ng ilang mga dalubhasa kung ito ba ay
isang uri ng sining lamang o isang uri ng pagpapabatid ng mensahe noon. Maaari rin itong isang
kagamitan o device – ang telepono halimbawa, kung saan, naririnig natin ang boses ng kausap
gamit ang isang aparato ng naglilipat ng mga boses sa pamamagitan ng pagpapadaloy ng
soundwaves sa kable upang marinig ang kausap, o hindi naman kaya ang SMS (short messaging
service) na nakakapagbigay ng mensahe gamit ang mobile phones na kayang umakda ng
mensaheng hindi hihigit sa 160 na titik o simbolo."

Mayroon namang isa pang uri ng midya na tinukoy si Livesey, C. (2011) at ito ay ang
Mass Midya. Ayon sa kaniya, ang mass midya ay tumutukoy sa kolektibong uri ng
komunikasyong nag-uugnay at umuugnay sa mga tao. Madalas na pinatutukuyan din ang mass
midyum bilang isang uri ng komunikasyong isa laban sa nakararami (one-to-many).

Ayon naman sa artikulo nina Mapa at Marbella (2019) na “Ang Impluwensya ng Midya
sa Pag-aaral ng Wika",
"Ang midya ang itinuturing na pinakamalakas na institusyong sosyal na nagtataglay ng
kapangyarihang lumikha ng isang opinyong makapagpapabago sa kasaysayan ng bansa. Tatlo
ang batayang tungkulin ng midya sa lipunan: tagapagpangkat, tagapagmulat at
tagapagpakilos...

...Kung gayon, midya rin san a ang siyang makapagsusulong ng isang makabuluhang
pagbabago sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang makapagtaguyod ng isang
demokratikong sistema ng pangmasang edukasyon at pagpapalaganap ng impormasyon..."

Ibig sabihin ang midya ay di lamang simpleng komunikasyong pangmasa bagkus isa
itong makapangyarihang instrumento kasama ng wika na may kakayahang magsulong ng
makabuluhang pagbabago, mapagpamulat at nagpapakilos sa ating lipunan. Mula sa ideyang ito
mahihinuha natin na ang wika at midya naging matalik na magkatuwang. Liban sa harapang
pakikipagkomunikasyon, ang primaryang daluyan ng wika ay midya at mga tsanel nito. Naging
pangunahing midyum naman ng midya ang wika. Dagdag pa nina Mapa at Marbella, ang wika
ang pangunahing kailangan upang maabot ang midya at dahil dito nagkakaroon ng relasyon ang
mga ito sa isa't isa.

Ayon kay Viray, K. (n.d) may mahalagang gamit ang wika sa midya. Una, nagagamit ng
wika ang midya bilang instrumento upang makapagbigay impormasyon at depinisyon kung kaya
sa maraming pagkakataon kinakailangan ng midya na gumamit ng wikang naayon sa kanilang
audience upang madali nitong maintindihan ang mensahe. Pangalawa naman ay ginagamit ng
midya ang wika upang lumikha ng mga konstruksyon ng reyalidad. Ibig sabihin ginagamit ng
midya ang kapangyarihan ng wika upang makalikha ng isang reyalidad na siyang papaniwalaan
at tatanggapin ng mga tao o ng audience. Pangatlo, ginagamit ng midya ang wika upang
makapagpahayag ng mga pananw na magpapanatili sa status quo o wika bilang instrumento ng
kontrol. Ibig sabihin kung nais ng midya ng manghihikayat o impluwensiyahan ang kanilang
mga audience, kailangan nito ang wika na maikikintal sa kaisipan ng kanyang target kung kaya
mahalaga na ang gamiting wika ay naiintindihan at tinatanggap ng nakararami.

Sa kabilang dako, naapektuhan naman ng midya ang wika. Ayon kay Viray, maraming
salita ang nag-ugat mula sa midya na kalaunay naging parte na ng ating bokabularyo dahil ito'y
tinatanggap na ng lipunan. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga salitang ito: ansaveh
(pinauso itoni Vice Ganda sa kanyang palabas sa telebisyon); apir (up here) na halaw naman sa
mga palabas nila Tito, Vic at Joey; nariyan din ang boom ni boy pick-up ng GMA; chika,
dabarkads, atcheche, dramarama, koreanobela, etc. Bawat pagpasok ng mga salitang ito sa ating
kamalayan, siya ring pagpasok ng mga kaisipan na nagiging bahagi rin ng atin pagkilos at
personalidad na sa kalaunan ay nagkakaroon ng epekto sa ating pagkonsumo ng mga produkto,
pagkonsumo ng kultura, pagtingin sa lipunan at marami pang iba. Nakakabuo rin ang mga
salitang ito ng mga ideholohiya na nagiging gabay ng bawat isa sa kanilang perspektiba sa
pulitika, ekonomiya, lipunan, kultura, kasaysayan at moralidad.

Mula sa mga impormasyon nailahad masasabi nating malaki ang parte ng wika sa midya
at gayon naman ang midya sa wika. Ngayon alamin naman natin ang mga isyung pangwika na
impluwensiya ng midya.

MGA MALING GAMIT NG WIKA SA MIDYA

Dahil sa pagiging pangkaraniwan ng gamit ng wika sa midya. Naging relaks din ang mga
tagalikha ng midya sa kanilang tamang gamit. Ito ang napansin ni Rogelio Ordonez, isang
nasyunalista at batikang manunulat. Naging kritikal si Ordonez lalo na sa mga materyal na
inihahatid ng news midya. Naglalayon ang kanyang mga maiikling komento at obserbasyon na
itama ang mga maling paggamit ng mga iilang salita at prase na naging bukang bibig ng mga
reporter at news reader.

AWTOR: MENDOZA, MIKEL ANDRE; MANGALUMAS, MONIRA M.; EQUIÑA, AVA


GAYLE A.

SANGGUNIAN:

MENDOZA, ET.AL. (n.d.). Kalakaran at Tunguhin sa Pag-aaral ng Wika. Kinuha mula sa


https://www.scribd.com/document/483123119/Fil-166.
SIKOLINGGWISTA O SIKOLOHIYA NG WIKA

Alamin muna natin kung ano ba ang kahulugan ng sikolohiya ng wika bago tayo
tumungo sa talakayan.

Ang sikolohiya o dalubisipan ay ang pag-aaral ng isip, diwa at asal. Ito ang siyentipikong
pag-aaral ng kamalayan ng tao at tungkulin nito lalo na iyong nakakaapekto sa kilos; mental na
katangian o aktitud ng isang tao.

Ayon kay Consuelo J. Paz , Ang Linggwistika ay ang sayantipik na pag-aaral ng mga wika ng
tao.

SIKOLOHIYA NG WIKA (Psycholinguistics)

Ang Sikolohiya ng wika ay isang sangay ng cognitive psychology na nag-aaral ng


sikolohikal na batayan ng kakayahan at pagganap ng wika. Ito rin ay “isang pag-aaral ng
sikolohikal at neurobiological na mga kadahilanan upang makakuha, gamitin, naiintindihan at
makabuo ng wika”.

Psycholinguistics ay may pinagmulan sa edukasyon at pilosopiya, at sumasaklaw sa "mga


proseso ng pag-iisip" na posible upang bumuo ng isang grammatical at makabuluhang
pangungusap sa labas ng bokabularyo at gramatikal na mga istraktura, pati na rin ang mga
proseso na posible upang maunawaan ang mga salita, salita, teksto, atbp. Pag-unlad ng
psycholinguistics na pag-aaral ng kakayahan ng mga bata upang matuto ng wika.

Binigyang kahulugan din ito nina Balamurugan at Thirunavukkarasu (2018). Ayon sa kanila, ang
sikolingwistika ay nakatuon sa sa pag-unawa, pagprodyus, at pagtamo ng wika.

PINAGMULAN

Jacob Robert Kantor, ang siyang unang gumamit ng terminong psychoinguistics sa


kanyang aklat na An Objective Psychology of Grammar noong 1936. At sumikat ito noong 1946
na ginamit ng kanyang estudyante na si Nichoas Henry Pronko sa kanyang ginawang artikulong
Language and psycholinguistics: a review”.
Narito ang mga sangay ng sikolinggwistika ayon sa Psycholinguistics-
Introduction ni Jurgen Handke (2012)

1. Language Acquisition
2. Language Processing

PAGTAMO NG WIKA (Language Acquisition)

Ang pagtamo ng wika ay nagaganap sa mga unang taon ng pagkabata. Habang dini-
develop ng bata ang kanyang unang wika, ang proseso ay automatic at subconscious. Ang
prosesong ito ay tinatawag na first language acquisition o pagtamo sa inang wika (mother
tounge). Ang kasalungat naman nito ay ang second language acquisition o ang pagtamo ng
ikalawang wika pagkatapos matamo ang unang wika.

TEORYA SA PAGTAMO NG WIKA

May ilang pangunahing teorya ang pagtamo ng wika ayon kay Badayos (1999) sa
kanyang aklat na Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika.

1. Teoryang Behaviorist

Ayon kay Badayos (1999), Ipinahahayag ng teoryang behaviorist na ang mga bata ay
ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin
sa pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng mga
bata ay mapayayaman at mapauunlad sa tulong ng mga angkop na pagpapatibay dito. Binigyang-
diin ni Skinner (1968), isang. pangunahing behaviorist, na kailangang "alagaan" ang pag-unlad
na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatihay sa anumang
mabuting kilos o gawi.

May paniniwala rin si Skinner na maaaring maisagawa ng bata ang anumang gawain
kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksiyon. Halimbawa, posibleng pagkaanak pa
lamang ay maaaring hubugin na ng mga magulang ang kanilang anak para maging isang doktor o
isang abugado. Unti-unting ihahantad ang bata sa mga bagay at gawaing kaugnay nito at palagi
nang may angkop na pagpapatibay. Ang mga gurong umaayon sa paniniwalang ito ni Skinner ay
palaging kariringgan ng mga papuring: "Magaling:" "Tama ang sagot mo." "Kahanga-hanga ka."
"Sige, ipagpatuloy mo."
Ang teoryang behaviorist sa pagkatuto ay nagbigay sa mga guro ng set ng mga simulain
at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ang audio-lingual method (ALM) na naging
popular noong mga taong 1950 at 1960 ay ibinatay sa teoryang behaviorist. Ang mga
pangunahing katangian ng ALM ay inilahad sa ibaba:

 binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita;


 binibigyang-diin ang pag-uulit.at mga dril;
 Paggamit lamang ng target na wika:
 kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;
 kagyat na pagwawasto ng kamalian, at
 ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro

2. Teoryang Innative

Ayon kay Badayos (1999), ang teoryang innative sa pagkatuto ay batay sa paniniwalang
lahat ng bata ay ipinanganak na may "Iikas na salik" sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni
Chomsky (1975, 1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong
nalilinang habang ang mga bata ay nakikipa-interakasyon sa kanyang kapaligiran. Ang pananaw
na ito ang nagpapahayag na ang wika ay nakapaloob at nabibigyang-hugis ng sosyo-kultural na
kaligiran kung saan ito nabubuo. Ito'y mabibigyang-kahulugan lamang kapag may
interaksyong nagaganap sa kapaligiran.

Inilarawan ni Chomsky ang prosesong ito sa pamamagitan ng analohiya ng isang likhang-


isip na "aparato" na taglay ng mga bata at tinawag niya itong language-acquisition device (LAD).
Ang LAD ang tumatanggap ng mga impormasyon mula sa kapaligiran sa anyo ng wika.Ang
wikang ito ay sinusuri at pagkatapos marinig bubuuin na sa isipan ang mga tuntunin. Ang mga
tuntunin ay inilalapat habang nakikipag-usap ang mga bata. Ang, LAD ay patuloy na ginagamit
ng mga bata bilang sistema ng pagbuo ng mga tuntunin hangang sa marating nila ang kaganapan
ng kanilang edad (maturation).

3. Teoryang Kognitib

Ayon sa pananaw ng teoryang kognitib, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong


dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing
may saysay ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalim na tuntunin at
mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Habang isinasagawa ang
prosesong ito, malimit na nagkakamali sa pagpapakahulugan ng mga tuntunin ang mag-aaral ng
wika o di kaya nama'y naiilapat nang mali ang mga ito. Dahil dito, malimit nagaganap ang mga
kamalian sa paggamit ng wika. Ayon sa mga kognitibist ang pagkakamali ay isang palatandaan
ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto. Ang pagkakamali
ay tinatanaw ng mga kognitibist bilang isang integral na bahagi ng pagkatuto.

 Si B.F Skinner, isang Behaviorist ay naniniwalang, “Ang tao ay ipinanganak na may likas
na kakayahan.”
 Noam Chomsky ay nagsabing , “Likas na matalino ang tao.”
 Jean Piaget nagsabing ang pagkatuto ng wika ay isa lamang sa pangkalahatang cognitive
development ng bata.

PAGKATUTO VS. PAGTAMO NG WIKA O ACQUISITION

Ayon kay Badayos (1999), nagbigay si Krashen (1981) ng magandang paliwanag hinggil
sa pagkakaiba ng pagkatuto at pagtamo ng wika o acquisition. Ang pagkatuto ay isang binalak na
proseso kung saan pinag-aaralan ang wika sa isang organisadong paraan at may sinusunod na
isang tiyak na programa o silabus. Ang ganitong pagkatuto ay humahantong sa pag-alam ng mga
tuntunin sa pagamit wika at pagsasalita nito ayon sa kung paano ito inilahad sa isang sistematiko
at pormal na paraan.

Sa kabilang dako, ang pagtamo o acquisition ay nagaganap nang hindi namamalayan at


katulad ito halos kung paano natutuhan ang ating unang wika. Ito ay nagaganap sa isang
sitwasyon na ang mag-aaral ay nahaharap sa maraming pagkakataon na natural na ginagamit ang
wika."Pinupulot" ng mag-aaral ang wikang kanyang naririnig na sa palagay niya'y kailangan sa
pakikipag-usap sa mga tao sa kanyang paligid.

Ayon kay Badayos (1999), mahalaga ang mga kaalamang ito sa pagtuturo ng wika lalo't
higit kung pangalawang wika ang ituturo dahil sumusuporta at nagbubuo ang dalawang ito sa
isa't isa.

LANGUAGE PROCESSING
Ang pag-unawa ng diskurso- pasulat man o pasalita- ay iniuugnay sa mga salitang ating
nakikita o pinapakinggan, at ang kakayahang magproseso ng mga salita ng isang salita o
pangungusap ay isang pangangailangan sa pagtalakay natin sa bahaging ito.

Memory Processes

Ang memorya ay maaaring tingnan sa iba’t ibang paraan. Ayon sa stage view, ang
memorya ay mayroong tatlong stages. Ito ay ang sensory register, short term memory, at long
term memory (Taylor at Taylor, 1990).

1. Sensory Register

Ang mga impormasyon mula sa sensory register ay tumutungo sa short-term memory.

2. Short-Term Memory (STM)

Habang pinoproseso ang isang pangungusap, ang mga salita ay nananatili sa short-term
memory. Ang limitadong kapasidad na ito ay tinatawag ding working memory.

3. Long-Term Memory (LTM)

Ang mga nakaimbak sa long term-memory ay permanenteng kaalaman at kakayahan:


libo-libong salita at panuntunang panggramatika, mga impormasyon mula sa iyong kausap, at
mga pangyayari.

Language Comprehension

Ang pag-unawa ng mga sinasabi at sinusulat ng iba ay higit na kuomplikado kaysa unang
tingin. Ito ay nangangailangan ng mga kakayahan, proseso, kaalaman at disposisyon na
ginagamit upang mabigyang kahulugan ang wika, pasulat man o pasalita.

Ang mga sumusunod ay mga sangkap sa pag-unawa ng wika.

1. Communication Awareness

Kabilang sa kamalayang ito ang pag-alam,:

• na ang sinasalitang wika ay may kahulugan at purpose


• na ayos ng mga salita, intonasyon, antala, diin, gestures, facial expression, atbp. ay
bumubuo sa kahulugan.

• Kailangan isaalang-alang ang konteksto sa pag-iinterpret ng kahulugan ng sinasalita ng


ibang taong kausap.

2. Proseso ng Pakikining

3. Word knowledge at World knowledge

• Word knowledge- kaalaman sa salita at kahulugan nito

• World knowledge- kaalaman sa mundo

4. Knowledge of word organization- kaalaman sa sintaks at


morpolohiya

5. Pragmatics and Social knowledge

6. Indirect meanings

AWTOR: GONZAGA, STEFHANIE NICOLE C.

SANGGUNIAN:

GONZAGA, S. (2020). Kalakaran at Tunguhin sa Pag-aaral ngWika. Kinuha mula sa


https://pdfcoffee.com/sikolohiya-ng-wika-pdf-free.html.
AWTOR: COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

SANGGUNIAN:

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION. (2017). MGA PATAKARAN, PAMANTAYAN,


AT PANUNTUNAN PARA SA BATSILYER NG SINING SA FILIPINO. Kinuha mula sa
https://chedro1.com/wp-content/uploads/2019/07/CMO-22-s-2017.pdf.

INTRODUKSYON

Makabuluhan pa ba ang Wikang Filipino?

Sa mga panahong ito, laganap ang maling paniniwala na wala nang gaanong kabuluhan
ang ating wika sa pag-aaral ng kabataan. Ayon sa pananaw na ito, tanging Ingles ang
magpapaibayo ng kakayahan ng bansana lumahok sa paligsahan ng mga ekonomiya.Suriin natin
nang mabuti ang argumentong ito. May ilang nagsasabi na ang pagtuturo lamang sa wikang
Ingles ang magpapalakas ng abilidad ng ating mga manggagawa at propesyonal na
makapagtrabaho sa ibang bansa. Higit na magiging atraktibo sila sa mga kompanyang banyaga
maging dito sa ating bayan o sa ibayong dagat

Dahil sa ating bentahe sa Ingles, higit na makakamtan natin ang kaalaman sa agham at
teknolohiya na nanggagaling sa mga kanluraning bansa.Hindi natin tinututulan ang mga
katwirang ito. Talagang mahalaga ang pagkabihasa sa wikang Ingles. Ngunit hindi dahilan upang
pabayaan ang mabuti at malawakang pagtuturo ng wikang Filipino. Sapagkat kung ang buong
sambayanan ay higit ang pag-unawa sa wikang pambansa, ang kakayahang ito ay isang
puwersang magbubuklod sa kanila bilang isang nasyon. Sa kompetisyon ng mga bansa, lalo na sa
kompetitibong karakter ng globalisasyon, higit na mahalaga ang pagkakaisa ng mga
mamamayan. Paano tayo magwawagi sa kompetisyon kung hindi tayo nagkakaisa? At paano
tayo magkakaisa kung hindi tayo nagkakaintindihan?

Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malayang bansa. Ang wika
ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakainindihan ang lahat ng tao. Iba't-ibang
wika sabawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang
Filipino. Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero
bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang sariling wika? Ito ba ang sinasabing mahalaga at
mahal raw ng mga mamamayan ang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di
magawa dahil sa mga masasamang ideya, at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga
banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya ang sariling wika. Kung mahalaga talaga sa
mga Pilipino ang Wikang Pambansa ay gagamitin ito kahit kailan at saan man magpunta.

Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan ng pagsusulat o pagsasalita, ang wika ang


pinakamabisang paraan upang maihatid ang mga kaisipan at mapanatili sa madaling hakbang ang
kasaysayan at mga tala ng mga sinaunang Pilipino. Sa ganitong pagkakataon, malalaman ng
mgakasalukuyang mamamayan ang mga hakbangin na ginawa noong unang panahon upang
maipatuloy ito sa mabuting paraan at maiwasan ang mga hindi magagandang pangyayari noon.
Ito ang magsisilbing lakas upang maisakatuparan ang mga naudlot na pangarap noong simula pa.

Sa araw-araw na gawain ng tao, lumilitaw ang pakikipagtalastasan o pakikipag- ugnayan


sa kanyang kapwa. Halimbawa, sa loob ng klasrum ang pagpapaliwanag ng guro ng mga leksyun
habang nakikinig ang mga estudyante at pagkatapos ay magkaroon ng interaksyon batay sa paksa
na kung saan ang guro ay magtatanong at ang mag-aaral ay sasagot. Ito’y isang
pakikipagtalastasan. Gayundin naman sa lansangan o sa palengke, ang transaksyon na nagaganap
sa mga mamimili o sa mga nagtatanong upang magkaroon ng ugnayan, ito ay isang paraan ng
pakikipagtalastasan.Sa tanggapan o sa opisina ng mga empleyado at kung may mga kliyente
silang kakausapin, ito ay isang pakikipagtalastasan. Ito ang nagpapatunay na ang
pakikipagtalastasan ay isang gawaing pang-araw-araw.

Ang pagsalita ay ginagawa upang maipahayag ang mga ideya at kaisipan sa kapwa sa
ibat-ibang kadahilanan, maaaring nagsasalita o nagsusulat upang maiparating ang mahalagang
impormasyon at mensaheng nais nating ibahagi upang hindi magsisi ang mga tagapagpahayag
kung sakaling hindi natin naiparating gamit ang nag-iisang wikang pambansa ang wikang
Filipino na siyang sumasalamin sa pagiging isang tunay na Pilipino.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ay ito ay isang mahalagang salik
sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at angkop na paggamit ng wika, nagkakaroon ang
gumagamit nito ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman, ng mga mithini at
nararamdaman.

Sa bawat aspekto ng pag-aral ng tao ay ginagamitan ito ng wika kapag nagpapalitan ng


mga sikreto sa pagitan ng malalapit na kaibigan, kapag sumasagot sa klase o nagsusulat ng iba't
ibang term paper, sa mga oras ng review para sa eksamen, lahat ay gumagamit ng wika. Dito
nakasalalay ang epektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang
tao.Ngunit gaya nga ng nabanggit kanina, kailangang hasain ang wika sa isang kaukulang lebel
upang magamit ito nang maayos. Kaya naman may mga kurso tayo sa grammar o balarila, at sa
literature o panitikan. Sa pamamagitan ng mga kursong ito, lumalawak ang pag-unawa ng mga
mag-aaral tungkol sa paggamit ng iba't ibang mga salita upang makamit nila ang kanilang mga
nais gawin.May matibay na relasyon ang pagbabasa at pagsusulat, sapagkat hindi maaaring
umiral ang isa kung wala ang isa pa. Habang umuunlad ang ating kakayahan sa pagbabasa ay
inaasahang umuunlad di nang ating kakayahan sa pagsusulat. Ginagamit rin ang wikang Filipino
upang mas lalo pang nagbubuklod buklod ang bawat isa sa ating bansa.

Dumako naman tayo sa pangunahing punto dito kung ano ano ang mga suliranin o isyu
ng Wika sa edukasyon:

Mayroong apat na maling pagkukuro, pag-aakala o mga pala-palagay hinggil sa paggamit


ng Filpino sa pagtuturo:

Una, pabayaan munang umunlad ang Filipino bago ito gamitin sa pag- tuturo. Pangalawa,
marami pang kakulangan ang wikang pambansa kung kaya’t hindi pa maaaring gawing wikang
panturo ito. Pangatlo, maraming salitang In- gles na walang katumbas sa wikang Filipino, at
pang-apat, kulang pa ng mga batayang-aklat sa Filipino kung kaya’t mahihirapan ang mga guro
at mga mag- aaral.

Kinakailangang pag-ukulan ng masinsinang pansin ang mga tinurang maling paghahaka


sa pamamagitan ng mga karampatang katanungan.

Tungkol sa una: papaano uunlad ang wikang Filipino kung hindi ito gagamitin?

Sa pangalawa, papaanong mapagpupunan ang kakulangan ng sariling wika kung hindi ito
pauunlarin at payayabungin sa pamamagitan ng paggamit?
Sa pangat- lo, papaano magkakaroon ng mga katumbas na kataga sa Filipino ang mga
salitang Ingles kung hindi lilikha at bubuo sa pamamagitan ng paggamit?

At sa pang-apat, papaano makakasulat ng mga batayang- aklat sa Filipino kung hindi


magpapakadalubhasa muna sa paggamit ng wika sa pagsulat at pagtuturo?

Aug pagpapaunlad ng Filipino ay sa pamamagitan ng paggamit lamang. Ito’y alinsunod


sa pakiwari ng mga dalubwika na hindi uunlad ang alinmang wika kung hindi ito gagamitin.
Dahil dito, ang pakiwaring pabayaan munang umunlad ang wikang Filipino bago ito gamitin ay
isang uri ng pag-iwas sa tungkuling makibahagi sa pagpapaunlad ng ating wika. Ang tanging
dahilan kung bakit maraming salitang Ingles ang wala pang katapat o katumbas na salitang
Filipino ay sapagkat sa loob rig matagal na panahon ay itinigil ang pag- gamit nito. Ginamit at
ginagamit pa rin ang wikang Ingles, kung kaya’t ito ang puspusang umunlad. Hindi kataka-taka
na sa ngayon ay magaling at matatas ang mga Pilipino sa paggamit ng Ingles, samantalang
nangangapa naman sa paggamit rig Filipino lalung-lalo na sa pagtuturo.

Samakatuwid, ang mismong karanasan na rin ng mga Piiipino ang siyang


nakapagpapatotoo na ang pagpapaunlad rig sariling wika ay sa pamamagitan rig paggamit
lamang nito. Habang ginagamit ito ay lalo namang yumayabong at lumalawak ang kaniyang
talasalitaan. Habang sinisikap na maipahayag ang bagong karanasang pag-iisip sa sariling wika,
makatutuklas, oiakabubuo at makalilikha rig mga bagong kataga na siyang kakatawan sa mga
bagong diwang angat sa mga bagong karanasang pag-iisip.

Kaya nabuhay at lumalago ang wika sa pamamagitan ng pag-aaruga, pag- didilig, at


pagsusumikap na gamitin ito. Ang wikang Filipino ay hindi nilikha para sa Pilipino. Siya mismo
ang lumikha at patnloy na lumilikha nito upang umunlad. Kinakailangang ipagpatuloy ang
paglikha at pagbuo rig mga salitang magpapayaman at magpapalawak sa wikang ito at
magpapalut ang sa kahenyuhan rig liping kayumanggi.

Anu-ano ang mga suliranin sa Wika ng edukasyon ?

Mahihinuha mula sa mga tinurang maling pagkukuro tungkol sa paggamit ng Filipino sa


pagtuturo na ang inabigat na suliranin ay welding iba kundi ang filipino mismo na naging mga
bilanggo ng mga maling pala-palagay kung kaya’t nanatiling suliranin ang pagtuturo nito.
Kaakibat ng mga ito ang mga saloobing sosyolohikal at sikolohikal na angat din sa kasaysayan at
kalinangan rig Pilipinas. Halimbawa, nagkaroon ng makadayuhang pag-iisip o pag-iisip kolonyal
dahil sa pagsakop ng mga Kastila sa loob ng mahigit na tatlong daang taon, at ng mga
Amerikano sa loob ng limampung taon. Nagkaroon ng in/eriorify com- plex o pagkamababang
damdamin sapagkat laging inihahambing ang sarili sa mga dayuhan na malayo na ang nararating,
hindi lamang sa larangan ng kalinangan kundi sa ekonomiya at wika rin.

Upang lubos na maunawaan ito, kinakailangan ang isang pagpapaliwanag sa


pamamagitan ng isang paglalarawang-diwa;

Isang araw ay umulan nang malakas at dahil sa walang hiimpay na pagpatak ng ulan,
tumaas nang gayon na lamang ang tubig sa balon, at lalo namang natuwa ang palaka sapagkat
lalong luinalaki at lumalalim ang inaangkin niyang tubig doon. Hindi nagluwat at napuno ang
balon hanggang umapaw at umawas ang tubig sa labas nito. Gayon na lamang ang pagkarnangha
at pagkatulala ng palaka naiig niakita niya na sa labas ng balon ay mayroon palang mas malaki at
mas tnalinaw pang katawan rig tubig--ang ilog at ang karagatan.

Ayon kay Dr. Florentino T. Timbreza, Kung bibigyan ringg matamang pagkukuru- kuro,
ang mabigat na suliranin tungkol sa paggamit rig Filipino sa edukasyon (hindi lamang sa parte
ng guro kundi sa parte eg mga mag-aaral din) ay nahahalintulad sa likas na karanasan ng palaka
sa loob ng balon. Sapul-mula’y Ingles ang siyang kinagisnang wikang panturo sa mga paaralan,
lalung-lalo na sa mga dalubhasaan at pamantasan. In- gles ang kinagisnang wika ng mga
itinuturing na magagaling, marurunong, mayayaman, at mga edukado o may pinag-aralan.

Dahil dito, naniniwala ang karamihan na Ingles lamang ang pinakamagaling at


pinakamahusay. Ito ang dahilan kung bakit nawili ang marami sa Ingles at to rin ang humubog sa
makadayuhang panlasa at pag-iisip rig mga Pilipino. Itinuring ang Filipino bilang isang wika ng
mga mangmang, ng mga hindi nakapag-aral at ng mga mahihirap. Sa maling pananalita,
ikinahihiya ang Filipino at nandodoon ang pag-aatubili na gamitin ito sapagkat mayroong pag-
katakot ang gumagamit nito na baka isiping siya ay mangmang at hindi nag-aral.

Bukod pa dito, ang mga Pilipino ay isinilang at lumaki sa iba’t ibang lugar o sulok ng Pilipinas at
ito ay naging sanhi ng kanyang pagkamulat sa mga iba- ibang wikain. Ito ang tanging dahilan
kung bakit nahulma ng makasariling paniniwala (tulad eg palaka sa loob rig balon) ang mga
Pilipino na wala nang mas magaling pa kaysa sa kinagisnang wikain, maging ito man ay
Cebuano, llonggo, Bisaya o Ilokano.

Ang damdaming ito ay siyang humubog sa rehiyunalistikong saloobin (regionalistic


ottinide) ng mga Pilipino. At ang naging mapait na bunga nito ay ang katotohanang higit na
minamagaling ang matawag na Muslim, llonggo, Cebuano, o llokano kaysa sa matawag na isang
Filipino. Ang mga Filipino ay mga biktima ng re hiyunalismo o kaniya-kaniyang saloobin, ng
kolonyalismo o makadayuhan sa pag-iisip, ng isang kalinangan na waring ipinataw ng mga
dayuhang kolonista. Ito ang dahilan kung bakit may pagkakahati-hati, pagkakahiwa-hiwalay at
pagkakawatak- watak. Subalit bakit nananatiling biktima at hindi kumalas mula sa kaniyang
pagkakabilanggo ang mpa Pilipino at balangkasin ang sariling kalinangan at kasaysayan.

Ayon kay Dr. Ouito, tungkulin ng mga intelektuwal ang kumalas sa kalinangan ng
kongkistador sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng sariling kalinangan. Malaki ang
pananagutan ng mga katutubong intelektuwal sapagkat sa kanila nakasalalay ang pagbangon ng
isang sariling kalinangan o kultura. Ang kaniyang mungkahi ay nararapat isulat muli ang
kasaysayan ng Pilipinas sa pananaw-Filipino. Ang dekolonisasyon ay isang mapagpalayang lakas
ng pag-iisip at mabisang pwersa na nagbibigay lakas upang kumalas mula sa mga hadlang
pagkalinangan na siyang nagpapahiwalay at namamagitan sa sangkapilipinunan.

Ito ang pinakamahalaga ngunitpinaka mahirap na hamon ng dekolonisasyon. Bawat


Pilipino ay bilanggo ng kaniyang kinagisnang paniniwala, kaugalian, at kalinangan, kung kaya't
ang kaniyang pangkaraniwang pangangatuwiran at pakikitungo sa kanyang kapwa-Pilipino ay
ibinabatay sa itinuturo ng kaniyang kinamulatang kaugalian, o sa kinagisnan niyang hugis ng
pag-iisip at uri ng wikain ng kinabibilangan niyang pamayanan. Kaya ito ang sanhi ng di-
pagkakasundo at di-pagkakaunawaan higgil sa paggamit ng Filipino sa pagtuturo.

Ang tanging layunin ng dekolonisasyon ay ang pagpalaya sa mga Pilipino mula sa


kanilang paniniwala na hindi kapakipakinabang at magiging sagabal sa pagkakaroon ng
sangkabansaang pagkakaunawuan at pagkakapatiran. Ito’y isang paraan ng pagkalas mula
satanikala ng tradisyon at kolonyalismo na naging balakid sa pag-unlad ng pagkakaisa at pag-
bubuklud-buklod ng sangkapilipinuhan. Ang inilunsad ng Kagawaran ng Kasaysayan at mga
Piling Aralin ng Pamantasan rig De La Salle tungkol sa pag- gamit ng Filipino sa pagtuturo ng
kasaysayan ay isa nang pagsasakatuparan sa diwa ng dekolonisasyon.
KAUGNAY SA MGA PAGBABAGO NG KURIKULUM / WIKA SA EDUKASYON
(MTB-MLE K-12)

Ang edukasyon sa Pilipinas ay pinamamahalaan ng pagkatuto lamang ng mga Ingles at


Filipino na asignatura. Mas binibigyang pansin ang pagkatuto sa nasabing mga wika dahil ito ay
mas nagagamit sa mga transaksiyon sa komersiyo at pangkabuhayan. Ang wikang Ingles din ay
mas binibigyang pansin at kahalagahan dahil sa ito ang nagagamit nating upang makipag-usap sa
ating mga kalapit bansa, maging sa mundo rin. Ang wikang Filipino naman ay may sapat na
pagpapahalaga sa ating pag-aaral dahil ito ang ating pambansang wika. Nagagamit ang mga
wikang ito sa mga asignaturang Agham, at Matematika o Sipnayan. Kaya’t mas binibigyang
halaga ang dalawang wikang ito sa ating Edukasyon (Garbes, 2012)

Sa kabuuan ng bansang Pilipinas, mayroon tayong 171 na dayalekto na nabubuhay at


ginagamit pa ng mamayang Pilipino (Garbes, 2012). Ngunit ito ay unti unting nawawalan ng
halagasa bagong henerasyon dahil sa mas pinipili ng mga bagong henerasyon ang paggamit ng
wikang Ingles at Filipino. Nagsimulang mas lantarang gamitin ang Ingles at Filipino noong
ilahad ng kasalukuyang konstitusyon ang nasabing mga wika bilang opisyal na wika ng Pilipinas
(Garbes, 2012).

Ang pagkakalunsad ng programang K-12 ng Kagawaran ng Edukasyon noong 2012 ay


naghudyat ng pagbabago sa Sistema ng Edukasyon ng bansang Pilipinas.

Nadagdagan ng 2 taon ang pag-aaral, na dati ay 10 taon lamang bago mag kolehiyo.
Hindilang iyon, inilunsad din ang MTB-MLE o Mother Tongue Based – Multilingual Education,
na para sa mga kabataang Pilipino na nag aaral sa elementarya.

Ang mananaliksik ay nagsagawa ng pag-aaral tungkol sakung ano ba ng magandang


naidudulot ng MTB-MLE sa Pilipinas, partikular na sa mga kabataang Pilipino na nakararanas
ng kurikulum ng K-12, na siya namang nakatatanggap karanasan ukol sa pagtuturo gamit ang
MTB-MLE.
Layuning ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na matukoy ang mga mabuting epekto ng paggamit
ng estilo sa pagtuturo na MTB-MLE na kaakibat ng kurikulum ng DepEd na K- 12, sa mga
kabataang Pilipino na nakararanas ng nasabing estilo ng pagtuturo.

Kasama din dito ang pagtukoy kung epektibo ba ang paraan ng pagtuturo na ito para sa
mga kabataang Pilipino.

Kaakibat ng layunin na ito, nilalayon rin ng pag-aaral na ito na ipaalam sa mga kapwa
Pilipino kung ano ba ang mabuting epekto ng MTB-MLE sa mga kabataang Pilipino. Kasama rin
nito ang pag-engganyo sa mga kapwa Pilipino na tangkilikin ang paraan ng patuturo na ito, at
kaugnay rin ang epekto nito na maaring magamit itong paraan upang mailigtas ang pagkawala ng
mga dayalekto sa pagkakagamit sa ating bansa.

Matutulungan nitong mabuhay at maisalba ang mga dayalektona unti-unti nang


nawawala.

Maikling kasaysayan:

Ang MTB-MLE ay unang inilunsad sa Pilipinas bilang pagtupad sa Kurikulum ng K-12,


na ipinatupad noong 2012. Ang administrasyon ni dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco
Aquino III ang siyang nagpatupad ng pagbabago na ito sa Sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Ito
ay inaasahang maipatupad sa lahat ng paaralan sa Pilipinas, partikular na sa mga batang may
nag-aaral sa Kindergarten at unang tatlong taon sa elementarya.

Ang mga kagamitan,at pagtuturo kailangang gamitin sa estilo ng pagtuturo na ito ay


dapat nakabase sa “Mother Tongue” ng kanilang kinabibilangang rehiyon. Sa kabuuan, may
labindalawang “Mother Tongue” na inaprubahan ng DepEd upang ituro sa mga kabataang
Pilipino, na depende sa kanilang rehiyon. Ito ay ang mga sumusunod: Iloko, Pangasinan,
Kapampangan, Tagalog, Bikol, Waray, Hiligaynon, Cebuano, Maranao, Chavacano,
Maguindanaon, at Tausug. Ngunit sakasalukuyan, may idinagdag ang DepEd na pito pang
“Mother Tongue”: Ibanag, Ivatan, Zambal, Aklanon, Kiniray-a, Yakan, at Surigaonon.

Kahulugan ng termino:
Dayalekto - ng tawag sa lenggwahe ng isang partikular na lugar. Mother Tongue- kilala rin sa
tawag na Lingua Franca o unang wika.

MTB-MLE – mas kilala din sa tawag na “Mother Tongue Based – Multilingual Education” ay
paraan ng pagtuturo kung saan unang binibigyang pansin ang pagiging bihasa ng mag-aaral,
partikular na sa kindergarten at unang tatlong taon ng Elementarya, sa paggamit ng kanilang
Lingua Franca o unang wika (dayalekto).

Ang sakop lamang ng pag-aaral na ito ay ang mabuting epekto ng MTB-MLE sa mga
kabataang Pilipino mula kindergarten at unang tatlong taon ng elementarya.

Nakapaloob din sa pag-aaral na ito ang posibleng dahilan at eksplanasyon sa mga


mabuting epekto ng MTB-MLE sa mga kabataang Pilipino.

Mother Tongue

Mother tongue ang kailangang gamitin ng mga kabataang Pilipino mula kindergarten
hanggang unang tatlong taon ng kanilang pag-aaral. Ngunit ano nga ba ang mother tongue? Ang
Mother Tongue ay tinatawag ding Lingua Franca ng karamihan. Ito ang unang wika ng na
ginamit ng isang indibidwal o tao. May mga eksperto ring nagsasabi na ang mother tongue ay
ang wikang ginagamit ng magulang ng isang indibidwal. Ngunit babase tayo sa unang
kahulugang aking tinuran. Halimbawa, ipagpalagay natin na may isang batang nakatira sa La
Union, ang kanyang unang wikang ginamit ay Ilokano, kaya’t maipapalagay natin ang kanyang
Mother Tongue ay Ilokano. May mga pagkakataon din na kinokonsidera bilang mother tongue ng
isang indibidwal ang dayalekto ng lugar na kanyang kapanganakan. Halimbawa, may isang
batang ipinanganak saBulacan, kaya’t ang kikilalaning mother tongue ng bata ay Tagalog, dahil
Tagalog ang pangunahing dayalekto sa Bulacan. Ang ginamit na batayan ng Kagawaran ng
Edukasyon ay ang partikular na dayalekto ng lugar na kinabibilangan ng bata.

Bilingualismo at Multilingualismo

Ang susi sa pagpapatupad ng MTB-MLE ay ang mga magiging epekto nito sa mga
batang makakaranas ng ganitong paraan ng pagtuturo. Ngunit ano nga ba ang Bilingualismo o
Multilingualismo? Ito ay ang kakayahan ng isang indibidwal natagumpay na matutunan at
magamit ang dalawa o higit pang wika. Napatunayan sa maraming
pag-aaral ang mabuting epekto nito sa mga indibidwal na nakagagawa nito. Sa aspeto ng
pakikipag talastasan, matututo ang isang indibidwal na makipag talastasan sa maraming tao, na
may kinalaman sa kanyang ikalawang wika. Magkakaroon ang indibidwal ng maraming
kaibigan, pagkakaintindi sa ibang kultura, pagkakaroon ng malawak na perspektibo sa mga
bagay bagay, pagtaas ng tiwala sa sarili at iba pang may kinalaman sa komunikasyon. Sa
perspektibo naman ng kalusugan, partikular na sa utak, nahahasa ang pag-iisip ng mga
indibidwal na multilingual, nagiging mas matalino, maaari ring dahilan ng pagbawas ng
posibilidad na magkaroon ng sakit na Alzheimer’s Disease at lahat ng benepisyo na maaaring
makuha ng isang indibidwal na may kinalaman sa pag-iisp at utak. May mga benepisyo din ang
pagiging multilingual sa akademiko at propesiyonal na perspektibo. Ilan dito ay ang
pagkakaroon ng mas maraming oportunidad sa mga trabaho na may kinalaman ang
komunikasyon, at mas higit pang pagkakatuto. Ang benepisyong makukuha sa pagiging
multilingual/bilingual ay ang nais makamit ng gobyerno para sa mga kabataang Pilipino.

AWTOR: TRICEE MAY ARNADO AT VANESSA MISEL

SANGGUNIAN:

ARNADO, T., ET. AL. (2021). KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG-AARAL NG WIKA.


KAUGNAYAN SA PAGABABAGO NG KURIKULUM AT WIKA SA EDUKASYON. Kinuha
mula sa https://pdfcoffee.com/kaugnayan-sa-pagababago-ng-kurikulum-at-wika-sa-edukasyon-
arnado-at-misel-pdf-free.html.

You might also like