You are on page 1of 4

Intelektuwalisasyon ng Wika

Wikang Filipino sa Iba’t Ibang Larang (Akademiko, Disiplina, Espesyalisasyon)

AKADEMIKO
Iginiit ng ilang dalubhasa, kasama ang isang pambansang alagad ng sining sa
panitikan, na ang paggamit ng katutubong wika sa mga saliksik ang nagpapaunlad sa
akademiya sa bansa sa nakaraang ika-apat na edisyon ng “Hasaan.”

Ang Hasaan ay isang Pambansang Kumperensiyang may layong palaganapin ang


paggamit ng Filipino bilang Moda ng Pagsulat at Instruksiyon.

Ayon kay Clarence M. Batan isang sosyolohista na gumagamit ng wikang local at


Filipino sa pananaliksik, “Ang kahalagahan ng paggamit ng lokal na wika hindi lamang
sa lente ng Sosyolohiya kung hindi pati na rin sa ibang larangan ng pananaliksik.

DISIPLINA
Ang Filipino sa iba’t ibang disiplina ay tumutukoy sa Gamit ng Wikang Filiino sa iba’t
Ibang Larangan o kurso. Isa itong malinaw na katotohanan na sa kasalukuyang
panahon ang wikang Filipino ay tanggap at ginagamit ng mga Pilipino ano mang tribu o
grupo ang kanilang pinanggalingan.

ESPESYALISASYON
Malaki ang gingampanan ng wika sa larangan ng espesyalisasyon, tulad na lamang sa
larangan ng medisina na kung saan mas naiintindihan ang mga salitang gagamitin kung
ito ay gagamitan ng wikang local na.

WIKANG FILIPINO SA AGHAM AT TEKNOLOHIYA


Sa pagbabago ng panahon at lipunan, natural lamang na sumabay ang wika sa mga
pagbabago’t modernisasyon ng lipunang gumagamit nito.

lto ang hamon ng pagpasok ng bagong siglo sa mga edukador at tagapagpalaganap ng


wikang Filipino. Kailangang magamit ang Filipino sa pagtuturo at pagsusulat sa
larangan ng Agham at Teknolohiya. Ayon sa kanila, ang paggamit ng wikang Filipino ay
nagdudulot ng mahusay, mabilis, at mabisang pag-unawa sa mga asignaturang
siyentipiko at teknikal.

Sa larangan ng agham, tinutukoy ang teknolohiya bilang produkto ng siyentipikong


pamamaraan ng paglikha ng kagamitan batay sa pangangailangan ng tao at sa
pagpapahusay ng mga naunang likha upang umagapay sa nagbabagong
pangangailangan ng lipunan. Ang wika at teknolohiya ay lubhang konektado sa isa’t-isa.
Sanhi ng patuloy na pag-unlad ng makabagong panahon ay ang pag uso ng paggamit
ng pinaikling salita tulad na lamang ng “ansaveh” na pinaikli ng salitang “Anong
masasabi mo doon?” upang mapadali ang ating pakikipag uganayan;

Ang pag-usbong ng teknolohiya ay makikita na sa kahit anong lugar. Kahit saang bansa
ay makikita ito dahil sa patuloy na pag-unlad nito. Dati lamang ay dyaryo, radyo at
telebisyon lamang ang ating pinagkukuhanan ng impormasyon, ngayon ay may ‘tablet’,
“Ipad’ ng Iphone,‘cellphone’, ‘laptop’, at kompyuter na kung saan atin nang nalalaman
ang mga balita mapa-lokal o ‘abroad’. Noon din, ang ating ginagamit sa
pakikipagkomonikasyon ay sa paraan nang pagsulat, ngayon makabagong kagamitan
na ang ating paraan upang makipagkomunikasyon o makipagkumustahan

Sa bawat pag-usbong ng teknolohiya ay may mga paraan ang tao upang mas higit na
mapabilis ang pakikipag-usap at maging
epektibo ang komunikasyon. Tulad na lamang
ng:
• Pagpapaikli ng salita
• Pag-usbong ng mga bagong salita

WIKANG FILIPINO SA AGHAM PANLIPUNAN

A g h a m   P a n l i p u n a n   a y   i s a n g   p a n g k a t   n g   m g a displinang akademiko na
pinag-aaralan ang mga aspekto ng tao sa mundo. Ito rin ang pag-aaral ng
mga phenomena at pangyayari sa lipunan. Ito ay ang pang-agham na disiplina na
nakatuon sa pag-aaral at layunin na pagsusuri ng mga pangyayaring nagaganap sa
lipunan. Sa madaling salita, ang mga agham panlipunan ay nakatuon sa pag-aaral ng
pag-uugali ng tao sa loob ng kanyang panlipunang kapaligiran.Kaugnay nito, pinag-
aaralan ng mga disiplina na ito ang parehong indibidwal at sama-samang pag-uugali ng
tao, upang maunawaan ang mga partikularidad o regularidad na nagaganap sa mga
institusyong panlipunan. Ilan sa mga disiplina ng larangang ito ay batas at
politika, antropolohiya, ekonomiya, arkeolohiya, linggwistika, sikolohiya,
sosyolohiya, pilosopiya, at heograpiya. Pinagtutuunan ng pansin sa pag-aaral na
ito ang ginagawa ng tao para sa pangkalahatan.

Halimbawa nito ay ang Batas at Politika kung saan Wika ang pangunahing
kasangkapan sa pag-uugnayan ng lahat sa pagitan ng namamahala (ang pamahalaan)
at ng pinamamahalaan (ang mga mamamayan). Dahil dito, dapat gamitin ang wika sa
komunikasyon ng bayan para magkaunawaan. Sa larangang ito, ang daloy o proseso
ng komunikasyon ay dalawa: paghahatid ng mensahe o atas (ayon sa nasa batas) at
ang tugon o sagot ng bayan.

Kung gayon, dapat gamitin ang wikang Filipino sa larangang ito. Dapat ding maging
lengguwahe ng hukuman ang wikang ito. Samakatwid, susi ang wikang Filipino sa
Agham Panlipunan lalong lalo na sa sangay ng Agham Pampulitika, sa
pagpapalaganap ng katarungan, at pagsugpo sa krimen na lumalaganap sa
administrasyon ng batas at politika.

WIKANG FILIPINO SA SINING


Sa larangan ng sining napakahalaga ng Wika. Sa pamamagitan ng maayos at angkop na
paggamit ng wika nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang kumuha at makapagbahagi
ng kaalaman ng mga mithini at nararamdaman. Ang sining ay maituturing na isang pandaigdig
na wika na makakapagbuklod at may kakayanang pag-isahin ang bansa at ang sangkatauhan. 

WIKANG FILIPINO SA HUMANIDADES


Ang humanidades ay tumutugon sa isang pangkat ng mga palagay at saloobin na
nakatuon sa pagpapahalaga sa buhay.

Kung susuriing mabuti, wika ang may pinakamalaking papel na ginagampanan sa


larangang ito—ang Humanidades. Sa ngayon, higit nang malawak ang saklaw nito
sapagkat maaari nang talakayin ang kultura, pagpipinta, musika, estruktura, at iba pang
makataong sining at ang mabuti at wastong pagtugon dito.

Sa tulong ng wika, higit nating mapalalawak ang larangang ito, pati na ang ating sarili at
higit tayong nagiging maingat at magalang sa paniniwalang likha ito at gawi ng ibang
tao.

WIKANG FILIPINO SA MEDISINA


Ang wika ay nakakatulong sa larangan ng medisina dahil sa komunikasyon. Ang wika
ang dahilan kung bakit naiintindihan natin ang mga bagay na sinasabi ng mga doktor.
Ito ay nakakatulong sa komunikasyon sa pagitan ng mga pasyente at doctor,
instrumento rin ito sa pagsasagawa ng mga pag-aaral para sa pagunlad ng antas ng
medisina. Napapabilis ng wika ang komunikasyon sa pagitan ng mga propesyunal sa
larangan ng medisina

Madaling ihatid sa karaniwang tao ang bagong kaalaman sa agham kapag ito ay
nakasaad sa wikang pamilyar sa kanila,” ani Prop. Emeritus Fortunato Sevilla III mula
sa Departamento ng Kimika.

Mahalaga ng wikang Filipino sa larangan ng Medisina dahil makakatulong ito sa


pakikipagkomunikasyon sa mga pasyente, halimbawa

WIKANG FILIPINO SA BATAS


WIKANG FILIPINO SA AGRIKULTURA

WIKANG FILIPINO SA MASS MEDIA

You might also like