You are on page 1of 2

FILIPINO BILANG LARANGAN

 Ang Filipino bilang gamit na pangunahing salita sa piling larangan tulad ng pagsusulat ay isang mahalagang aspeto upang mas
maipalam at mas maipaintindi sa mambabasa ang nilalaman ng sulatin. Maliban pa rito, ang paggamit ng wikang Filipino ay
isang paraan upang mas madaling mailabas o masabi ng manunulat ang kanyang mga naiisip at nararamdaman.

 Walang bansang umuunlad nang walang sariling wika at panitikan. Naniniwala kami na napakahalaga ng wikang Filipino at
panitikan sa pagpapalalim ng mapanuri, malikhain, malaya, at mapagpalayang kakayahan ng mga mag-aaral at mamamayan,
anuman ang kanilang kurso, disiplina at larangan ng pagpapakadalubhasa. Hindi pag-uulit ang pag-aaral ng wika at panitikan
sa kolehiyo, bagkus ay pagpapalawig sa teorya, praktika, at silbi nito sa pamantasan, bansa, at buhay.

Mataas ang pagpapahalaga sa wikang Filipino at panitikan bilang kapwa mga asignatura at disiplina na humuhubog sa
makabayan, makatao, at demokratikong aspirasyon ng pamantasan at bansa. Bahagi ang pagsusulong ng wikang Filipino at
panitikan sa mandato ng 1989 Patakarang Pangwika ng UP – ang pagtataguyod at pagsusulong ng wikang Filipino bilang wika
ng pagtuturo, pagsasaliksik, at talastasang-bayan.

Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika na itinakda ng Konstitusyon ng Pilipinas. Patuloy itong pinayayabong ng lahat
ng mga wikang ginagamit at pinauunlad ng mamamayan. Ang wikang Filipino at panitikan ay mga sandata sa
pagtataguyod ng katotohanan at katuwiran, lalo na sa panahon ng kasinungalingan, kawalan ng katarungan, at krisis
panlipunan. Kasalanan at kataksilan sa bayan ang pagtanggal ng wikang Filipino at panitikan sa hanay ng mga aralín sa kolehiyo
o anumang antas ng paaralan. Mahigpit ang pangangailangang itanghal at ipaglaban nating lahat ang wikang Filipino at
panitikan!

FILIPINO BILANG LARANGAN AT SA IBA’T IBANG LARANGAN

AKADEMIKO

 Nakapaloob dito ang Filipino bilang isang larangan. Ang isang guro sa Filipino ay nagtataguyod ng pambansang wika upang
ito ay mapagyabong at mapangalagaan ang pagiging buhay ng ating wika.
 Sa mga pananaliksik at pagsulat ng iba’t iba sulatin gamit ang Filipino ay patunay na isa itong natatanging larangan.

MEDISINA

 Napakahalagang papel ang ginagampanan ng Filipino sa larangan ito. Ang pasyente halimbawa, ay kinakausap ng ductor,
mas madaling nauunawan ang dapat gawin na mga payo ng duktor upang mapadali ang pagaling.
 Sa mga pagbili ng gamot na riseta ng duktor o nars.
 Sa pagbasa sa mga riseta at payo ng duktor.
 Maging sa pag-aaral sa larangan ito.

POLITIKA

 Nakasaad sa ating Saligang batas 1987 na Filipino ang ating gagamitin sa mga pangunahing ahensya sa ating bansa.
 Ang mga batas natin ay nakalimbag sa Filipino
 Mga mambabatas, pangulo, at mga huwes ay Filipino at Ingles din ang gamit na salita.
 Ilang mga babala at pangalan ng ahensya sa ating bansa ay sa Filipino nakasulat.

KUMERSIYO

 Nakasaad sa ating Saligang batas 1987 na Filipino ang ating gagamitin sa mga pangunahing ahensya sa ating bansa.
 Ang mga batas natin ay nakalimbag sa Filipino
 Mga mambabatas, pangulo, at mga huwes ay Filipino at Ingles din ang gamit na salita.
 Ilang mga babala at pangalan ng ahensya sa ating bansa ay sa Filipino nakasulat.

TEKNOLOHIYA

 Sa pagtuturo sa mga makabagong teknolohiya, filipino narin ang gamit ng guro at estudyante. Sa ganitong paraan, mas
mapapabilis at mapapadali ang pagkatuto.
 May mga salita naring katumbas sa Filipino ang galling sa Inges gaya ng mga salitang headset, website, e-mail, charger atbp.
 Sa mga gadyet ay nagagamit narin ang Filipino bilang pang-chat o teks.

AGHAM

 Ayon sa KWF, marami narin salitang Filipino na magagamit sa Agham upang mas mapanatili ang kayabungan ng ating salita.
Sa ilang unibersidad at mga paaralan ginagamit na ang mga terminong iyon. Bagaman marami pang walang katumbas na
salita sa Filipino, patuloy parin ang pagpapaunlad sa larangang ito upang mapagyaman at mapanatili ang ating wika tungo
sa umuunlad na panahon.

MATIMATIKO

 Hipnayan, dagdag, bawas ay ilan sa mga halimbawa na salitang Filipino para sa mga salitang MATH, PLUS, MINUS. Gamit
narin ito sa pagtuturo upang mas maunawaan ng mag-aaral ang paksa.
 Kung ito ang magiging lengguwahe sa pagtuturo o paggamit sa Matematiko, madaling papasok sa kamalayan at damdamin
ng mga Filipino sa kanilang pang-araw-araw na aktibidad na kinasasangkutan ng math.

SINING

 Masasabing ang Filipino a y isang wikang pambayan. Sa katunayan nito ay sa mga performing arts. Dito gamit ang Filipino sa
pakikipag tunggali gaya ng balagtasan, tula, sayaw atbp.
 Sa biswal na sining naman tampok ang mga karakter na Pilipino.
 May mga sikat din tayong mga biswal-artis na Filipino na nagpapakilala sa atin sa ibang bansa gaya nila Juan luna, Fernando
Amorsolo atbp.

MUSIKA

 OPM (Original Pilipino Music) ang magandang halimbawa nito.


 Mga awit na isinulat sa Filipino
 Mga Musikang pangsayaw

You might also like