Professional Documents
Culture Documents
ang itinuturing na isa sa mga susi sa pag-unlad ng bansa. Subalit, mapapansin na kadalasang
wikang Ingles ang ginagamit bilang wikang panturo sa mga larangang ito. Ang kadalasang
maririnig na dahilan mula sa mga guro o propesor sa larangang ito ay dahil walang
katumbas o walang salin sa wikang Filipino ang mga terminolohiyang ginagamit nila. Kung
mayroon man, higit itong nagdudulot ng kalituhan sa mga mag-aaral dahil sa kakulangan sa
kasanayan sa paggamit ng mga terminong ito.
Ramdam ang napakaliit na espasyo ng wikang Filipino sa mga larangang ito kung
ihahambing sa naghahari pa ring kolonyal na wika, ang Ingles. Dahil sa tindi ng naging
impluwensya ng Estados Unidos sa mga Pilipino noong ang bansa ay nasa ilalim pa ng
kanilang kapangyarihan at dahil sa maka-Amerikanong sistema ng edukasyon na umiiral sa
bansa hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang pag-aangat sa pidestal ng maraming Pilipino sa
wikang Ingles.
Magkaganoon pa man, patuloy rin ang ginagawang pagtataguyod ng mga makabayang
samahan sa paglinang at pagpapayaman ng Filipino. Hindi nagpapigil ang mga iskolar at
makabayang edukador sa paggamit ng Filipino bilang wika sa akademya at maging sa ibang
propesyon sa kabila ng banta ng globalisasyon. Sa katunayan, isa si Dr. Fortunato Sevilla
III, isang Academician at Professor Emeritus sa UST, ang gumamit ng wikang Filipino sa
kanyang klase sa kemistri sa Kolehiyo ng Agham noong kanyang panahon. Ibinahagi niya
na higit na malaya sa pagtatanong at higit na buhay ang talakayan kapag sariling wika ang
gamit sapagkat hindi rin naman lahat ng estudyante ay magaling mag-Ingles. Anya, “kung
sumusulong sa agham ang mga mauunlad na bansa tulad ng Hapon, Korea, Taiwan, Tsina,
Germany, Pransiya, España at iba pang bansa na gamit ang sariling wika, bakit hindi
paunlarin ang sariling wika para maging matatas din ang mga Pinoy sa agham?” Subalit,
tulad ng inaasahan, tutol dito ang ilang siyentipiko sapagkat makapipigil daw ito sa pagiging
globally competetive ng mga estudyante dahil Ingles ang lingua franca o medium of
communication sa mundo.
Subalit, dahil sa pagsisikap na maitaguyod ang isang makabayang edukasyon sa bansa,
may ilan pa ring mga iskolar ang hindi nagpatinag at patuloy sa paggamit ng wikang
Filipino sa pagtuturo sa larangang siyentipiko-teknikal. Ayon nga kina San Juan, et al., ang
ganitong kalagayan, kahit paunti-unti, ang tanaw na tuluyan nang mangibabaw at magamit
ang wikang Filipino bilang midyum ng siyentipiko at teknikal na diskurso sa iba’t ibang
larangan na lalo pang magpapahusay sa mga larangang ito para sa kapakinabangan ng
mamamayang Pilipino.
Sa yunit na ito, pag-uusapan kung ano ang mga disiplinang nasa ilalim ng agham at
teknolohiya at kung paano nga ba nagagamit ang wikang Filipino sa pagsulat sa mga
larangang ito.
INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGANG
SIYENTIPIKO-TEKNIKAL
Malaking bilang ng mga mag-aaral ang nakararanas ng kahirapan sa pag-aaral sa
larangan ng agham at teknolohiya. Napakarami ng terminolohiya na ginagamit dito na mahirap
maunawaan kung hindi mabibigyan nang maayos na pagpapaliwanag. Dahil sa limitadong
bokabularyo ng wikang Filipino sa konseptong teknikal, maraming siyentipiko ang nahihirapan
na gamitin ito bilang wikang panturo. Subalit, ang kakulangan na ito ang nagtulak sa ilan na
magsagawa ng mga pag-aaral sa kani-kanilang larangan gamit ang wikang Filipino. Sa
katunayan, noong pa mang dekada 60’s at dekada 80’s ay may nabuo ng diksyunaryo ang mga
siyentipiko. Ito ay ang “Ang Talahuluganang Pang-agham: Ingles Pilipino” na isinulat ni Dr. Jose
Sytangco, isang manggagamot mula sa UST at ang “English-Pilipino Vocabulary for Chemistry”
na nilikha ng mag-asawang Bienvenido Miranda at Salome Miranda, kapwa propesor sa kemistri
sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang UP lamang ang may librong pang-angham sa
Filipino dahil sa panghihikayat na ibinigay ng Sentro ng Wikang Filipino dito at dahil na rin sa
masigasig na pagtataguyod ng mga propesor sa naturang unibersidad sa pagsusulong ng wikang
Filipino bilang wikang panturo sa mga larangang ito.
Sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika sa pagtuturo sa mga larangang
siyentipiko-teknikal, kailangang ang intelektwalisasyon ng wika. Nabanggit nina San Juan et al.,
(2019) (ayon kay Gonzales, 2005), ang intelektwalisasyon ay ang “pagpaksa ng mga ideya sa
pinakamataas na lebel sa akademya”. Ito ay maaari lamang matamo sa pamamagitan ng
paggamit dito hindi lamang bilang wika sa pang-araw-araw o ordinaryong komunikasyon kung
hindi maging sa matatalinong diskurso sa paaralan. Mayroong dalawang proseso sa pagtatamo ng
intelektwalisasyon ng wika sa akademya, linggwistiko at ekstra-linggwistiko. Kabilang sa unang
proseso ang pagdebelop ng isang estandardisadong anyo ng wika na magagamit naman sa
pagdebelop ng akademikong diskurso, pagdebelop ng corpora o lawak ng teksto sa iba’t ibang
akademikong larang at ang pagbuo ng register ng wika o ang tangi at tiyak na gamit ng wika sa
isang larang. Kabilang naman sa ikalawang proseso ang pagbuo ng creative minority o
significant others o ang mga intelektwal na disipulo na magsisimulang gumamit ng mga teknikal
na bokabularyo, terminolohiya at ng estilo o retorika at magpapalaganap nito sa pamamagitan ng
pagsulat, paglalathala at pagtuturo. Ang pagbuo ng isang patakarang pangwika ay tunay ring
makabuluhan at malaking tulong sa intelektwalisasyon ng wika (Zafra, 2003).
Malaki ang ginampanang papel ng pagsasalin sa adhikaing intelektwalisasyon ng wika.
Ayon pa rin kina San Juan et al., ang pagsasa-Filipino ng iba’t ibang akda mula sa iba’t ibang
wika ay isang paraan ng intelektwalisasyon ng wika. Hindi isang simpleng gawain ang
pagsasalin. Dapat na maging bukas at malawak ang pananaw ng isang tagasalin at hindi
nakakulong sa personal at limitadong konteksto lamang. Ang pagsasalin ay hindi simpleng
paghahanap o pagtutumbas lamang. Hindi literal na mga kahulugan lamang ng mga salita o
pahayag ang dapat na maibigay ng isang saling-teksto kundi dapat na maibahagi nito ang mas
malalim na kahulugan ng mga salita batay sa konteksto o maging sa kulturang pinagmulan ng
original na teksto.
Ilan pang mga batikang propesor mula sa malalaking pamantasan at unibersidad sa
Maynila, maliban kay Dr. Sevilla III, ang naitalang gumamit na ng wikang Filipino sa kanilang
pagtuturo ng siyentipiko at teknikal na kurso. Ilan sa kanila ay sina John Pellas ng UP at Lea
Soriano ng DLSU sa Matematika, Nathaniel Oco ng NU, at Elimar ng QCPU at AMA para sa
araling Kompyuter, at Rosemary Seva ng UP sa Inhinyeriya (San Juan et al.). May ilan na ring
mga kagamitang panturo sa Matematika, Kompyuter, Biolohiya, pisika at Kemistri ang
nailimbag ng Sentro ng Wikang Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng
paggamit sa wikang Filipino, pagsasalin at pagbuo ng mga aklat, napapabilis ang
intelektwalisasyon ng Filipino sa akademya.
English Filipino
Asthma Hika
Blister Paltos
Ovary Itlugan
Sex Kasarian
Tendon Litid
Bile Apdo
Ringworm Buni
Bilang pakikiisa sa pagtataguyod ng wikang Filipino, nagbigay din ilang salitang medikal
ang Philippine Council for Health Research and Development at salin nito sa Filipino.
1. Haynayan (biology) - isang natural na agham na nauukol sa pag-aaral ng buhay at
mga nabubuhay na organismo
2. Mikhaynayan (microbiology) - isang natural na agham ukol pag-aaral sa miktataghay
o microorganism
3. Mulatling Haynayan (molecular biology) - pag-aaral ng mga istruktura at tungkulin
ng mulatil o molecule sa mga nabubuhay na organismo
4. Palapuso (cardiologist) - isang dalubhasa ng palapusuan o cardiology
5. Palabaga (pulmonologist) - isang dalubhasa ng palabagaan o pulmonology
6. Paladiglap (radiologist) - isang dalubhasa ng paladiglapan o radiology
7. Sihay (cell) - ang pinakapayak na kayarian ng mga buhay na organismo
8. Muntilipay (platelet) - mga selula o sihay na may mahalagang papel sa pagpagaling
ng mga sugat na dumadaan sa daluyan ng dugo
9. Kaphay (plasma) - isang bahagi ng dugo na ang pangunahing trabaho ay ang
transportasyon ng mga ensyma, nutrisyon, at hormona
10. Iti, daragis, balaod (tuberculosis) - impeksyon sa baga na nagmumula sa isang uri
ng ishay o bacteria, ang Myobacterium tuberculosis
11. Sukduldiin, altapresyon (hypertension) - isang medikal na kondisyon kung saan ang
presyon ng dugo sa mga malaking ugat ay labis na mataas
12. Mangansumpong (arthritis) - ang pamamaga sa mga kasu-kasuan na nagiging sanhi
ng kawalan ng kakayahang maiunat o maibaluktot at paninigas ng bahaging ito
13. Piyo (gout) - isang uri ng mangansumpong o rayuma na dulot ng abnormal na
metabolismo ng uric acid.
14 .Balinguyngoy (nosebleed) - pagdurugo ng ilong