You are on page 1of 11

Dr.

Fortunato Sevilla III, isang Academician at Professor Emeritus sa UST, ang gumamit ng
wikang Filipino sa kanyang klase sa kemistri sa Kolehiyo ng Agham noong kanyang panahon.
● Ibinahagi niya na higit na malaya sa pagtatanong at higit na buhay ang talakayan kapag
sariling wika ang gamit sapagkat hindi rin naman lahat ng estudyante ay magaling
mag-Ingles.
● Anya, "kung sumusulong sa agham ang mga mauunlad na bansa tulad ng Hapon,
Korea, Taiwan, Tsina, Germany, Pransiya, España at iba pang bansa na gamit ang
sariling wika, bakit hindi paunlarin ang sariling wika para maging matatas din ang mga
Pinoy sa agham?"

-globally competitive ng mga estudyante dahil Ingles ang lingua franca o medium of
communication sa mundo.

San Juan, et al., ang ganitong kalagayan, kahit paunti-unti, ang tanaw na tuluyan nang
mangibabaw at magamit ang wikang Filipino bilang midyum ng siyentipiko at teknikal na
diskurso sa iba't ibang larangan na lalo pang magpapahusay sa mga larangang ito para sa
kapakinabangan ng mamamayang Pilipino.

INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGANG SIYENTIPIKO-TEKNIKAL

Malaking bilang ng mga mag-aaral ang nakararanas ng kahirapan sa pag-aaral sa larangan ng


agham at teknolohiya. Napakarami ng terminolohiya na ginagamit dito na mahirap maunawaan
kung hindi mabibigyan nang maayos na pagpapaliwanag. Dahil sa limitadong bokabularyo ng
wikang Filipino sa konseptong teknikal, maraming siyentipiko ang nahihirapan na gamitin ito
bilang wikang panturo.

dekada 60's at dekada 80's ay may nabuo ng diksyunaryo ang mga siyentipiko. Ito ay ang "Ang
Talahuluganang Pang-agham: Ingles Pilipino" na isinulat ni Dr. Jose Sytangco, isang
manggagamot mula sa UST at ang "English-Pilipino Vocabulary for Chemistry" na nilikha ng
mag-asawang Bienvenido Miranda at Salome Miranda, kapwa propesor sa kemistri sa
Unibersidad ng Pilipinas.
● UP (University of the Philippines) lamang ang may librong pang-angham sa Filipino dahil
sa panghihikayat na ibinigay ng Samahan ng Sentro ng Wikang Filipino

San Juan et al., (2019) (ayon kay Gonzales, 2005), ang intelektwalisasyon ay ang "pagpaksa ng
mga ideya sa pinakamataas na lebel sa akademya".

Dalawang proseso sa pagtatamong intelektwalisasyon ng wika sa akademya


● linggwistiko - Kabilang sa unang proseso ang pagdebelop ng isang istandardisadong
anyo ng wika na magagamit naman sa pagdebelop ng akademikong diskurso,
pagdebelop ng corpora o lawak ng teksto sa iba't ibang akademikong larangan at ang
pagbuo ng register ng wika o ang tangi at tiyak na gamit ng wika sa isang larangan.
● ekstra-linggwistiko - Kabilang naman sa ikalawang proseso ang pagbuo ng creative
minority o significant others o ang mga intelektwal na disipulo na magsisimulang
gumamit ng mga teknikal na bokabularyo, terminolohiya at ng estilo o retorika at
magpapalaganap nito sa pamamagitan ng pagsulat, paglalathala at pagtuturo.

Ang pagsasalin ay hindi simpleng paghahanap o pagtutumbas lamang. Hindi literal na mga
kahulugan lamang ng mga salita o pahayag ang dapat na maibigay ng isang saling-teksto kundi
dapat na maibahagi nito ang mas malalim na kahulugan ng mga salita batay sa konteksto o
maging sa kulturang pinagmulan ng orihinal na teksto.

May ilan na ring mga kagamitang panturo sa Matematika, Kompyuter, Biyolohiya, Pisika at
Kemistri ang nailimbag ng Sentro ng Wikang Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas.
Sa pamamagitan ng paggamit sa wikang Filipino, pagsasalin at pagbuo ng mga aklat,
napapabilis ang intelektwalisasyon ng Filipino sa akademya.

MGA DISIPLINA SA LARANGAN ING AGHAM

Ang salitang siyensiya o science ay mula sa salitang Latin na "scientia" na nangangahulugan ng


karunungan.
● Ito ay higit na kilala ng mga Pilipino sa tawag na agham.
● Ito ay tumutukoy sa sistematikong pag-aaral gamit ang sistematikong pamamaraan
upang subukin ang katotohanan sa likod ng mga haka-haka.
● Ang layunin nito ay maparami at mapalawak ang datos upang makapagbuo ng teorya.

1. Biyolohiya Nakatuon sa pag-aaral ng buhay at mga nabubuhay na organismo kabilang ang


kanilang estruktura, mga tungkulin, paglago, ebolusyon, distribusyon at taksonomiya.

2. Kemistri - Nakatuon sa komposisyon ng mga substance, properties at mga reaksyon at


interaksyon sa enerhiya at sa sarili ng mga ito.

3. Pisika Nakatuon ito sa mga property at interaksyon ng panahon, espasyo, enerhiya at matter.
Mula ito sa salitang Griyego na Phusike o kaalaman sa kalikasan.

4. Earth Science/Heolohiya - Ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng mga planeta sa kalawakan, ng


mga bato kung saan gawa ito at ang mga proseso ng kanilang pagbabago, at iba pang pisikal
na elemento kaugnay ng pagbuo, estruktura at mga penomena nito.

5. Astronomiya Pag-aaral na kinapapalooban ng pagmamasid at pagpapaliwanag ng mga


kaganapang nangyayari sa labas ng daigdig at ng himpapawid nito.

6. Matematika Ito ay siyensiya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika, at ugnayan ng mga


numero, pigura, anyo, espasyo, kantidad, at estruktura na inihahayag sa pamamagitan ng mga
simbolo.

Ang teknolohiya ay pinagsamang salitang Griyego na "techne" (sining, kakayahan, craft o


paraan. kung paano ginagawa ang bagay); at "logos" o salita, pahayag, o binigkas na pahayag
MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG TEKNOLOHIYA

1. Information Technology (IT)- Ito ay tumutukoy sa pag-aaral at gamit ng teknolohiya kaugnay


ng pagbibigay at paglilipat ng impormasyon, datos at pagpoproseso

2. Inhinyeriya - Ito ay nagmula sa salitang Kastila na ingeniera o ingenieria.


● Ito ay nakatuon sa paglalapat ng agham upang matugunan ang pangangailangan ng
sangkatauhan. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng aplikasyon ng mga prinsipyong
siyentipiko, matematika at praktikal na karanasan upang makabuo ng mga disenyo at
mapagana ang mga estruktura o makina ayon sa sistematikong proseso o pamamaraan.

Filipino sa Pagsulat sa Agham, Teknolohiya, Inhinyeriya, at Matematika

Kadalasang nakasulat sa paraang paglalahad, paglalarawan at pangangatwiran ang mga teksto


sa disiplinang ito at naglalaman ng mga paktuwal at produkto ng mga eksperimento, lalo na ang
mga teksto sa Agham at Teknolohiya.

Metodong IMRAD ang kadalasang ginagamit sa Siyensiya at Teknolohiya:

1. Introduksyon
I- Introduksyon
● Nakapaloob dito ang problema, motibo, layunin. Background at pangkalahatang
pahayag.

2. Metodo
M- Metodo
● Nakapaloob ang mga modelo at panukat na gagamitin, ano, kailan, saan, paano,
gagamitin ang materyal.

3. Resulta
R- Resulta
● Nakapaloob dito ang resulta ng ginawang empirikal na pag-aaral.

4. Analisis
A- Analisis
● Nakapaloob ang analisis ng isinagawang pag-aaral batay sa resulta

5. Diskusyon
D- Diskusyon
● Nakapaloob dito ang diskusyon at konklusyon ng isinagawang pag-aaral

Ilang Kumbensyon sa Pagsulat


1. Gumagamit ng atin, kami, tayo ang sulating siyentipiko at teknikal, hindi personal (hal. ako,
ikaw at iba pa)

2. Hindi pasibo kundi aktibo

3. Nasa pangkasalukuyan

4. Maraming drowing

PROSESO, LAYON AT KAHALAGAHAN NG PAGSASALING SIYENTIPIΚΟ ΑΤ ΤΕΚΝΙKAL

pagsasalin
● Ito ay isang sining at agham na nangangailangan ng malawak at malalim na kaalaman
sa larangan ng lingguwistika at gramatika.

pagsasaling teknikal
● sa pagpapalaganap ng impormasyon sa iba't ibang sangay at institusyon sa bansa
sapagkat ang pangunahing layon nito ay ang magkaroon ng mas malinaw at mabilis na
komunikasyon gamit ang Filipino sa larangan ng agham at teknolohiya.

Samantala, nagbigay naman ng ilang pamamaraan sa pagsasaling siyentipiko at teknikal sina


Enrique at Protacio-marcelo (1984) sa kanilang pag-aaral na pinamagatang "Neocolonial
Politics and Language Struggles in the Philippines":

1. saling-angkat (direct borrowing);

2. saling-paimbabaw (surface assimilation);

3. saling-panggramatika (grammatical translation);

4. saling-hiram (loan translation)

5. saling-likha (word invention)

Samantala, nagbigay naman ng ilang pamamaraan sa pagsasaling siyentipiko at teknikal sina


Enrique at Protacio-marcelo (1984) sa kanilang pag-aaral na pinamagatang "Neocolonial
Politics and Language Struggles in the Philippines":

1. saling-angkat (direct borrowing);

2. saling-paimbabaw (surface assimilation);

3. saling-panggramatika (grammatical translation);


4. saling-hiram (loan translation)

5. saling-likha (word invention)

6. saling-daglat (abbreviated word)

7. saling-tapat (parallel translation)

8. saling-taal (indigenous-concept oriented translation); at 9. saling-sanib (amalgamated


translation)

Bilang pakikiisa sa pagtataguyod ng wikang Filipino, nagbigay din ng ilang salitang medikal ang
Philippine Council for Health Research and Development at salin nito sa Filipino.

1. Haynayan (biology) - isang natural na agham na nauukol sa pag-aaral ng buhay at mga


nabubuhay na organismo

2. Mikhaynayan (microbiology) isang natural na agham ukol pag-aaral sa miktataghay o


microorganism

3. Mulating Haynayan (molecular biology) pag-aaral ng mga istruktura at tungkulin ng mulatil o


molecule sa mga nabubuhay na organismo

4. Palapuso (cardiologist) - isang dalubhasa ng palapusuan o cardiology

5. Palabaga (pulmonologist) isang dalubhasa ng palabagaan pulmonology

6. Paladiglap (radiologist)- isang dalubhasa ng paladiglapan o radiology

7. Sihay (cell) ang pinakapayak na kayarian ng mga buhay na organism

8. Muntilipay (platelet) - mga selula o sihay na may mahalagang papel sa pagpagaling ng mga
sugat na dumadaan sa daluyan ng dugo

9. Kaphay (plasma) isang bahagi ng dugo na ang pangunahing trabaho ay ang transportasyon
ng mga ensyma, nutrisyon, at hormona

10. Iti, daragis, balaod (tuberculosis) - impeksyon sa baga na nagmumula sa isang uri ng ishay
o bacteria, ang Myobacterium tuberculosis

11. Sukduldiin, altapresyon (hypertension) - isang medikal na kondisyon kung saan ang
presyon ng dugo sa mga malaking ugat ay labis na mataas
12. Mangansumpong (arthritis) ang pamamaga sa mga kasu-kasuan na nagiging sanhi ng
kawalan ng kakayahang maiunat o maibaluktot at paninigas ng bahaging ito.

13. Piyo (gout) isang uri ng mangansumpong o rayuma na dulot ng abnormal na metabolismo
ng uric acid.

14. Balinguyngoy (nosebleed) pagdurugo ng ilong

● Sinasabing ang gawaing pananaliksik ay isinilang ng magsimulang magtanong ang mga


sinaunang tao hinggil sa mga bagay-bagay na pilit din nilang hinahanapan ng mga
kasagutan.

● Ngunit sinasabi na ang gawaing pananaliksik ay nagsimula pa kay Galileo Galilie


noong 1500.

● Ang pananaliksik bilang kasangkapang pang- intelektwal, ay malaki ang papel na


ginagampanan para sa pagtuklas ng mga makabagong kaalaman, mga datos, at mga
katotohanan para sa ikauunlad ng pamayanan, pulitika, kalakalan, edukasyon at
siyensya upang matamo ang inaasam na pagbabago.

● Nilalayon nito na maghanap ng mga solusyon sa mga suliraning kinakaharap sa


iba't-ibang larangan nang sa gayon ay mapabuti ang buhay ng tao at ng pamayanan.
Sabi nga nina Good at Scates (1972), "The purpose of research is to serve man,
and the goal of research is to the good life."

● Ang gawaing pananaliksik ay nakapagpapayaman ng kaisipan at nakapagdaragdag ng


kaalaman.

● Nangangailangan ito ng ibayong pagbabasa at malalim na pag-unawa sa mga konsepto


at pag-aaral.

Mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik

Clarke at Clarke (2005), ang pananaliksik ay isang maingat, masistematiko at obhektibong


imbestigasyon na isinasagawa upang makakuha ng mga balidong katotohanan, makabuo ng
konklusyon at makalikha ng mga simulaing kaugnay ng inilahad na suliranin batay sa iba't ibang
larangan o disiplina.

Ayon naman kay Nuncio, et al. (2013), ang pananaliksik ay isang lohikal na proseso ng
paghahanap na obhektibong sagot sa mga katanungan ng mananaliksik na nakabatay sa
suliranin at metodo ng pag-aaral tungo sa produksiyon ng maraming kaalaman at kasanayan
upang makatugon sa pangangailangan ng tao at ng lipunan.
Ayon naman kay Aquino (1994), ang pananaliksik ay sistematikong paghahanap sa
mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.

Sistematiko dahil isa sa kahingian nito ay ang pagsunod sa isang pinaghandaang proseso. May
mga hakbang na kailangan sundin upang maging tiyak na tama at maaasahan ang mga datos
na makakalap.

Matalino ito dahil hinihingi nito ang pagiging iskolar ng mananaliksik. Nararapat lamang na ang
mananaliksik ay may sapat na kaalaman sa paksang kanyang pag-aaralan, may sapat siyang
kaalaman kung paano. pipiliin ang impormasyon, kaya niyang lapatan ang mga ito ng malalim
na pagsusuri at kaya niyang pangatwiranan at ipaliwanag ang halaga ng ginagawang
pananaliksik.

Etikal naman ito dahil kailangang panatilihin ng mananaliksik ang katapatan sa buong proseso
at iwasan hangga't maaari ang paglabag sa karapatan ng ibang tao na maaring masangkot sa
pananaliksik gaya. ng respondante, o mga awtor ng sangguniang gagamitin niya.

Layunin ng Pananaliksik

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng


pamumuhay ng tao (Bernales, et al., 2018).

1.Upang makadiskubre ng bagong kaalaman. hinggil sa mga batid nang penomena:

2. Upang makakita ng sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na
metodo at impormasyon.

3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng bagong instrumento o produkto.

4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substance o elements.

5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang substances at elements.

6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya, sa kalakalan, industriya, edukasyon,


pamahalaan at iba pang larangan.

7. Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.

8. Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman.

9. Upang mapaunlad ang sariling kaalaman.

10. Upang mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa isang partikular na bagay.
● Sa paaralan, karaniwang rekwarment ang pananaliksik sa mga mag-aaral. Ito ay isang
akademikong pangangailangan sa kahit na anong larangan o disiplina. Ang dahilan nito
ay ang katotohanang walang larangan o disiplina na hindi maaaring umaagapay sa
patuloy na pagbabago ng panahon.
● Kaakibat na ng modernisasyon ang pananaliksik

Mga Katangian ng Pananaliksik

1. Sistematiko

May sinusunod na proseso o magkakasunod-sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng


katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon ng pananaliksik.

2. Kontrolado

Lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang maging konstant. Hindi dapat baguhin, anomang
pagbabagong nagaganap sa asignatura o pinag-aaralan ay maluugnay sa eksperimental na
baryabol na kailangang-kailangan sa mga eksperimental na pananaliksik

3. Empirikal

Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraan ginagamit sa pananaliksik,


maging ang mga datos na nakalap

Mga Kasanayan sa Pananaliksik

● May iba't ibang yugto at proseso ang pananaliksik. Mahalagang matamo ng


mananaliksik ang mga kognitibong kakayahan sa larangan ng pagbasa at pagsulat.

● Dapat ang isang mananliksik ay bihasa sa gawaing pananaliksik upang maging


matagumpay sa gawaing ito.

Pagpili ng paksa ng pananaliksik

1. Pumili ng paksang may sapat na sangguniang pagbabatayan.

2 Pumili ng paksang limitado lamang at hindi malawak ang saklaw.

3. Mahalaga na ang napiling paksa ay makapag-aambag ng bagong kaalaman.

4.Gagamit ng sistematikong at siyentipikong paraan upang mabigyan ng kasagutan ang mga


inilahad na suliranin sa pananaliksik.

5. Nararapat na ang mananaliksik ay may sapat na kaalaman sa paksa.


pagpili ng batis ng impormasyon

1. Tiyakin na ang sanggunian ay isang akademiko.

2. Tukuyin ang uri ng sanggunian.

● Kapag ang web page Uniform Resource Locators ay nagtatapos sa edu ito ay nabibilang
sa institusyong pang-edukasyon o akademiko.
● Maituturing naman na ang hanguan ay isang organisayon kung ito ay nagtatapos sa.org.
● Ang URL na nagtatapos sa .com ay nabibilang sa komersiyo o bisnes.
3. Alamin kung ang sanggunian ay primarya o sekundarya. Maituturing na primarya ang
sanggunian kung ito ay nagbibigay ng direktang katibayan tungkol sa paksa ng pananaliksik at
maituturing na orihinal na ebidensiya. Ang mga halimbawa naman ng sekundaryang
sanggunian ay aklat na nagtasa at naglahad ng mga sintesis mula sa primaryang sanggunian at
artikulo sa journal.

Pagbasa at Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak at Rebyu

Paraphrase

● Ang paraphrase ay tumutukoy sa pagsasalin ng ideya ng orihinal na teksto sa mabisa at


malinaw na pananalita na hindi nababago ang tunay na kahulugan.

● Ang paraphrasing ay nakatutulong upang mas mapabilis ang pagbibigay kahulugan sa


binasang teksto.

Abstrak

● Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng


akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal lektyur, at mga report.
Ito ay karaniwang makikita sa unahan ng pananaliksik na naglalahad ng buod ng
akdang akademiko o ulat. Kinapapalooban din ito ng mga layunin ng pag- aaral at ang
suliranin ng ginawang pananaliksik.

● Ayon kay Koopman (1997), nagtataglay ang abstrak ng introduksyon, mga kaugnay na
literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon

Ayon kay Gervacio, (2020), may mga dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak

1. Lahat ng nakasulat sa abstrak ay dapat nakapaloob sa kabuuan ng papel.

2. Hindi isinusulat sa abstrak ang detalyadong pagpapaliwanag ng mga datos para


pahabain ito. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak
3. Gumamit ng malinaw at direktang pangungusap. Iwasan ang pagiging maligoy sa
pagsulat ng abstrak.

4. Maging obhektibo. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan. Gawing maikli subalit
komprehensibo ang pagsulat ng abstrak kung saan mauunawaan ng babasa ang
pangkalatang nilalaman ng pananaliksik.

Rebyu

● Ayon kina San Juan, et al. (2019), ang rebyu ay isang uri ng pampanitikang kritisismo na
ang layunin ay suriin ang isang akda batay sa nilalaman, istilo at anyo ng pagkakasulat
nito.

Akademikong Publikasyon

● Ayon kay De Laza (n.d.), hindi kompleto ang ginawang pananaliksik kung wala itong
publikasyon

● Ang pinakatanggap at balidong paraan sa akademikong publikasyon ay mapapasama


sa isang refereed research journal sa anumang larangan ng pananaliksik.

● Ang nabuong pananaliksik ay dumadaan sa peer review, isang proseso kung saan ang
manuskrito o artikulo ay dumadaan sa screening o serye ng ebalwasyon bago
mailimbag ang journal.

Presentasyon ng Pananaliksik

● Ayon ay De Laza, (n.d.), ang presentasyon ng pananalisksik ay isang paraan ng


pagbabahagi ng ginawang pananaliksik sa mga lokal, pambansa at pandaigdigang
kumperensiya

Mga Gabay sa Rebisyon


Rebisyon ang pinakahuling proseso sa proseso ng pananaliksik.

● Sa pamamagitan nito, natutuklasan ng mananaliksik ang kahinaan ng ginawang


pananaliksik, pagkakamali sa padron ng gramatika at sistematisasyon ng ideya.

● Sa rebisyon, nahahasa rin ng mananaliksik ang analitikal na kakayahan sa pagbasa.

● Nagagamit ang kakayahan sa paraphrasing sa pagwawasto ng ideya, napapalakas at


napapalalim ang argumentong nabuo sa pananaliksik.

● Naglahad ng mga gabay si De Laza, (n.d.) sa pagrerebisa ng sulating pananaliksik.


Naglahad ng mga gabay si De Laza, (n.d.) sa pagrerebisa ng sulating pananaliksik.

1. Tukuyin ang pangunahing punto ng papel pananaliksik.

2. Tukuyin kung sino ang mga magbabasa ng pananaliksik at kung ano ang mga layunin nito.

3. Tasahin ang iyong mga ebidensiya.

4. Panatilihin lamang ang mahahalagang punto ng pananaliksik,

5. Pakinisin ang gamit na wika sa kabuuan ng papel-pananaliksik.

You might also like