You are on page 1of 7

Fili 102 Filipino sa Iba't Ibang Disipilina

LECTURE/PPT-BASED / Maylyn Cantos TRANS BY: TIMMY L. ACLAN | BSN 3103

MODYUL 1 pangangailangan at gawain sa pagsulong ng isang


FILIPINO BILANG WIKA AT LARANGAN bansa tungo sa industriyalismo nito.

Mahalaga ang pagpaplanong pangwika sa pag- Mahalaga ang pagpaplanong pangwika sa pag-
unlad ng Filipino bilang larangan at Filipino bilang unlad ng Filipino bilang larangan at Filipino bilang
iba’t ibang larangan. iba’t ibang larangan.
Ang wika ay simbolo ng pagkakakilanlan, ng
MODYUL 2
kultura, ng kalayaan. Napakahalaga ng papel na
FILIPINO SA AGHAM, TEKNOLOHIYA,
ginagampanan nito sa pang-araw-araw na buhay ng
INHINYERIYA MATEMATIKA AT IBA PANG
tao. Ito ang susi ng pagkakaisa at tagumpay ng
KAUGNAY NA LARANGAN
isang bayan. Sa mga nakalipas na panahon, wika
ang naging sandata upang pag-isahin ang mga nag-
aalab na puso ng mamamayang Pilipino laban sa 1. Lubos na napakahalaga ng pag-aaral ng agham at
mga mapang-aping dayuhan na gustong angkinin teknolohiya para sa lahat sapagkat ito ang
ang kariktan at kayamanan nitong ating bayan. itinuturing na isa sa mga susi sa pag-unlad ng
bansa.
FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA
2. Subalit, mapapansin na kadalasang wikang Ingles
Isang baliktanaw sa kasaysayan ng wikang Filipino ang ginagamit bilang wikang panturo sa mga
bago pa man ito tanghalin na opisyal na wika ng larangang ito.
Pilipinas hango sa lathalain ni Dir. Hen. Roberto
Anonuevo. Disyembre 30, 1937 ipinoroklama ang Ramdam ang napakaliit na espasyo ng wikang
wikang Tagalog bilang batayan ng Wikang Filipino sa mga larangang ito kung ihahambing sa
Pambansa. Ito ay ayon sa Saligang Batas ng 1935
naghahari pa ring kolonyal na wika, ang Ingles.
kung saan ang Kongreso ay gagawa ng hakbang sa
pagpapaunlad at pagpapayaman ng wikang
Magkaganoon pa man, patuloy rin ang ginagawang
pambansa batay sa mga umiiral na katutubong
wika. pagtataguyod ng mga makabayang samahan sa
paglinang at pagpapayaman ng Filipino.
FILIPINO BILANG WIKA NG BAYAN AT
PANANALIKSIK Subalit, tulad ng inaasahan, tutol dito ang ilang
siyentipiko sapagkat makapipigil daw ito sa
Minsan ay binanggit ni Manuel L. Quezon sa pagiging globally competetive ng mga estudyante
Pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang mga katagang, dahil Ingles ang lingua franca o medium of
“Hindi ko nais ang Kastila o Ingles ang maging wika communication sa mundo.
ng pamahalaan. Kailangang magkaroon ng sariling
wika ang Pilipinas, isang wika na nakabatay sa isa INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO SA
sa mga katutubong wika.” LARANGANG SIYENTIPIKO-TEKNIKAL

FILIPINO BILANG LARANGAN AT FILIPINO SA Malaking bilang ng mga mag-aaral ang nakararanas
IBA'T IBANG LARANGAN ng kahirapan sa pag-aaral sa larangan ng agham at
teknolohiya.
Ang wika ay uunlad kung ito ay ginagamit bilang
kasangkapan ng kultura at mas lalo pang Napakarami ng terminolohiya na ginagamit dito na
napalalawak kung ginagamit ito sa pagpapahayag mahirap maunawaan kung hindi mabibigyan nang
ng mga pagbabago o pag-unlad ng kabihasnan, maayos na pagpapaliwanag.
partikular sa mga paksang may kinalaman sa agham
at teknolohiya, sa mga makabagong
Fili 102 Filipino sa Iba't Ibang Disipilina
LECTURE/PPT-BASED / Maylyn Cantos TRANS BY: TIMMY L. ACLAN | BSN 3103

DEKADA 60’S AT DEKADA 80’S Kompyuter, at Rosemary Seva ng UP sa Inhinyeriya


(San Juan et al.).

May nabuo ng Ang • May ilan na ring mga kagamitang panturo sa


diksyunaryo ang Talahuluganang Matematika, Kompyuter, Biolohiya, pisika at
mga siyentipiko. Pang-agham: Kemistri ang nailimbag ng Sentro ng Wikang Filipino
Ingles Pilipino” ng Unibersidad ng Pilipinas.

MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG AGHAM

Na isinulat ni Dr. Jose Sytangco, isang • Ang salitang siyensiya o science ay mula sa
manggagamot mula sa UST at ang “English- salitang Latin na scientia na nangangahulugan
Pilipino Vocabulary for Chemistry” na ng karunungan.
nilikha ng mag-asawang Bienvenido • Ito ay higit na kilala ng mga Pilipino sa tawag
Miranda at Salome Miranda, kapwa na agham.
propesor sa kemistri sa Unibersidad ng • Ito ay tumutukoy sistematikong pag-aaral
Pilipinas. gamit ang sistematikong pamamaraan upang
subukin ang katotohanan sa likod ng mga haka-
haka.
• Nabanggit nina San Juan et al., (2019) (ayon kay • Ang layunin nito ay maparami at mapalawak
Gonzales, 2005), ang intelektwalisasyon ay ang ang datos upang maka pagbuo ng teorya.
“pagpaksa ng mga ideya sa pinakamataas na lebel
sa akademya”. BIYOLOHIYA
Nakatuon sa pag-aaral ng buhay at mga nabubuhay
• Ito ay maaari lamang matamo sa pamamagitan ng na organismo kabilang ang kanilang estruktura,
paggamit dito hindi lamang bilang wika sa pang- mga tungkulin, paglago, ebolusyon, distribusyon at
araw-araw o ordinaryong komunikasyon kung hindi taksonomiya.
maging sa matatalinong diskurso sa paaralan.
KEMISTRI
• Dalawang proseso sa pagtatamo ng Nakatuon sa komposisyon ng mga substance,
intelektwalisasyon ng wika akademya, “linggwistiko properties at mga reaksyon at interaksyon sa
at ekstra-linggwistiko.” enerhiya at sa sarili ng mga ito.

• Ayon pa rin kina San Juan et al., ang pagsasa- PISIKA


Filipino ng iba’t ibang akda mula sa iba’t ibang wika Nakatuon ito sa mga property at interaksyon ng
ay isang paraan ng intelektwalisasyon ng wika. panahon, espasyo, enerhiya at matter. Mula ito sa
Hindi isang simpleng gawain ang pagsasalin. Griyego na Phusike o kaalaman sa kalikasan.

• Dapat na maging bukas at malawak ang pananaw EARTH SCIENCE/HEOLOHIYA


ng isang tagasalin at hindi nakakulong sa personal Ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng mga planeta sa
at limitadong konteksto lamang. Ang pagsasalin ay kalawakan, ng mga bato kung saan gawa ito at ang
hindi simpleng paghahanap o pagtutumbas lamang. mga proseso ng kanilang pagbabago, at iba pang
pisikal na elemento kaugnay ng pagbuo, estruktura
Dr. Sevilla III, ang naitalang gumamit na ng at mga penomena nito.
wikang Filipino sa kanilang pagtuturo ng
siyentipiko at teknikal na kurso. ASTRONOMIYA
Pag-aaral na kinapapalooban ng pagmamasid at
• Ilan sa kanila ay sina John Pellas ng UP at Lea pagpapaliwanag ng mga kaganapang nangyayari sa
Soriano ng DLSU sa Matematika, Nathaniel Oco ng labas ng daigdig at ng himpapawid nito.
NU, at Elimar ng QCPU at AMA para sa araling Pinagaaralan nito ang pinagmulan, pagbabago at
mga katangiang pisikal at kemikal ng mga bagay na
Fili 102 Filipino sa Iba't Ibang Disipilina
LECTURE/PPT-BASED / Maylyn Cantos TRANS BY: TIMMY L. ACLAN | BSN 3103

napagmamasdan sa kalangitan (na nasa labas ng ginagamit sa isa o mahigit pang akda at posible ring
atmospera), pati ang mga kaugnay na mga proseso ang mga salitang ito ay magkaroon ng
at kababalaghan. magkapareho o magkaibang kahulugan.

MATEMATIKA Metodong IMRaD ang kadalasang ginagamit sa


Ito ay siyensiya ukol sa sistematikong pag-aaral sa Siyensiya at Teknolohiya
lohika, at ugnayan ng mga numero, pigura, anyo,
espasyo, kantidad, at estruktura na inihahayag sa I - Introduksyon Nakapaloob dito ang problema,
pamamagitan ng mga simbolo. Ang mga motibo, layunin. Background at pangkalahatang
matematika ay lumulutas ng katotohonan o pahayag. Bakit isinagawa ang pag-aaral? Ang mga
kamalian ng mga konhektura sa pamamagitan ng tanong na dapat sagutin? Ano ang pinatunayan ng
mga matematikal na pagpapatunay na mga hipotesis?
argumentong sapat upang mahikayat ang ibang
mga matematiko sa balidad nito. M- Metodo Nakapaloob ang mga modelo at
panukat na gagamitin, ano, kailan, saan, paano,
MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG TEKNOLOHIYA gagamitin ang materyal. Sino-sino ang sangkot?
(Disenyo ng Pag-aaral, Respondente at paraan ng
Ang teknolohiya ay pinagsamang salitang Griyego pagpili, Lugar ng Pag-aaral, Hakbang na Isasagawa,
na techne (sining, kakayahan, craft o parang kung Instrumentong gagamitin, Istatistikang Panunuri)
paano ginagawa ang bagay); at logos o salita,
pahayag, o binigkas na pahayag. R - Resulta Nakapaloob dito ang resulta ng
ginawang empirikal na pag-aaral. Tama ba ang
INFORMATION TECHNOLOGY (IT) hipotesis? Ipapakita ito sa pamamagitan ng mga
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral at gamit ng tsart, graph, plot at iba pang graphic organizer
telnolohiya kaugnay ng pagbibigay at paglilipat ng
impormasyon, datos at pagpoproseso. Tumutukoy A - Analisis Nakapaloob ang analisis ng isinagawang
rin ito sa pag-unawa, pagpaplano, pagdidisenyo, pag-aaral batay sa resulta.
pagbuo, distribusyon, pagpoprograma, suporta,
solusyon, at operasyon ng mga software at D - Diskusyon Nakapaloob dito ang diskusyon at
kompyuter. konklusyon ng isinagawang pag-aaral. Ano ang
implikasyon ng resulta? Bakit? Ano ang maitutulong
INHINYERIYA nito sa lipunan sa hinaharap? May mga paglabag ba
Ito ay nagmula sa salitang Kastila na ingeniera o ito sa etika? Makabuluhan ba ito? Masasabi bang
ingenieria. Ito ay nakatuon sa paglalapat ng agham malaking kontribusyon ito sa sangkatauhan.
upang matugunan ang pangangailangan ng
sangkatauhan. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng ILANG KUMBENSYON SA PAGSULAT
aplikasyon ng mga prinsipyong siyentipiko,
matematika at praktikal na karanasan upang 1. Gumagamit ng atin, kami, tayo ang sulating
makabuo ng mga disenyo at mapagana ang mga siyentipiko at teknikal, hindi personal (hal. ako,
estruktura o makina ayon sa sistematikong proseso ikaw at iba pa)
o pamamaraan. 2. Hindi pasibo kundi aktibo
3. Nasa pangkasalukuyan (hal. matematika)
FILIPINO SA PAGSULAT SA AGHAM, 4. Maraming drowing (hal. kemistri)
TEKNOLOHIYA, INHINYERIYA, AT MATEMATIKA

Kadalasang nakasulat sa paraang paglalahad,


paglalarawan at pangangatwiran ang mga teksto sa Inilahad ni Alamrio (1997) (ayon kina San Juan et
disiplinang ito at naglalaman ng mga paktuwal at al.,) ang mga panukalang hakbang sa pagsasalin na
produkto ng mga eksperimento, lalo na ang mga ayon sa praktika ng Unibersidad ng Pilipinas.
teksto sa Agham at Teknolohiya. Maliban sa
Matematika, posibleng ang isang termino ay
Fili 102 Filipino sa Iba't Ibang Disipilina
LECTURE/PPT-BASED / Maylyn Cantos TRANS BY: TIMMY L. ACLAN | BSN 3103

Isinasaad ito sa gabay na inilabas ng UP Sentro ng 6. saling-daglat (abbreviated word)


Wikang Filipino. Kabilang dito ang: 7. saling-tapat (parallel translation)
8. saling-taal (indigenous-concept oriented
1. Pagtutumbas mula Tagalog/Pilipino o mula sa
translation); at
katutubong wika ng Pilipinas.
2. Panghihiram sa Español 9. saling-sanib (amalgamated translation)

3. Panghihiram sa Ingles; pagbabago sa baybay o ILANG HALIMBAWA NG MGA SALITANG


pananatili ng orihinal na baybay sa Ingles SIYENTIPIKO AT TEKNIKAL NA NAISALIN SA
FILIPINO
4. Paglikha
Unti-unti na ring nararamdaman ang bahagyang
Binanggit naman ni Batnat, et al., (2009) na nagtala paglaki ng espasyong wikang Filipino sa syentipiko
ang London Institute of linguistics (LIL) ng mga at teknikal na larangan. Ito ay dahil sa patuloy na
katangiang dapat taglayin ng isang tagasalin ng mga pakikiisa ng ilang praktisyoner sa isinusulong hindi
tekstong siyentipiko at teknikal. Kabilang dito ang lamang ng KWF kundi maging ng ilang makabayang
sumusunod: samahan sa pagpapayaman at pagpapaunlad at
paglinang sa wikang Filipino. Ang sumusunod ay
1. malawak na kaalaman sa tekstong isasalin; ilang halimbawa ng mga salita na isinalin sa Filipino.

2. mayamang imahinasyon upang mailarawan sa ENGLISH TAGALOG


isipan ang mga kasangkapan o prosesong Asthma Hika
tinatalakay; Blister Paltos
Ovary Itlugan
3. katalinuhan upang mapunan ang mga nawawala Sex Kasarian
at/o malalabong bahagi sa orihinal na teksto; Endon Litid
Bile Apdo
4. kakayahang makapamili at makapagpasya sa Ringworm Buni
pinakaangkop na terminong katumbas mula sa Sperm Punlay (Punla + Buhay)
literatura ng mismong larangan o sa diksiyonaryo; Telephone Hatinig (Hatid + Tinig)
Chemistry Kapnayan (Sangkap +
5. kasanayang gamitin ang pinagsasalinang wika Hanayan)
nang may kalinawan, katiyakan, at bisa; at Mathematics Sipnayan (Isip +
Hanayan)
6. karanasan sa pagsasalin sa mga kaugnay na Germ Binhay (Binhi + Buhay)
larangan o disiplina.

Bilang pakikiisa sa pagtataguyod ng wikang Filipino,


Samantala, nagbigay naman ng ilang pamamaraan nagbigay din ilang salitang medikal ang Philippine
sa pagsasaling siyentipiko at teknikal sina Enrique Council for Health Research and Development at
at Protacio-marcelo (1984) sa kanilang pag-aaral na salin nito sa Filipino.
pinamagatang “Neocolonial Politics and Language
Struggles in the Philippines”: 1. Haynayan (biology) - isang natural na agham na
nauukol sa pag-aaral ng buhay at mga nabubuhay
1. saling-angkat (direct borrowing); na organismo.
2. saling-paimbabaw (surface assimilation);
3. saling-panggramatika (grammatical translation); 2. Mikhaynayan (microbiology) - isang natural na
agham ukol pag-aaral sa miktataghay o
4. saling-hiram (loan translation)
microorganism.
5. saling-likha (word invention)
Fili 102 Filipino sa Iba't Ibang Disipilina
LECTURE/PPT-BASED / Maylyn Cantos TRANS BY: TIMMY L. ACLAN | BSN 3103

3. Mulatling Haynayan (molecular biology) – pag-


aaral ng mga istruktura at tungkulin ng mulatil o Sabi nga nina Good at Scates (1972),
molecule sa mga nabubuhay na organismo.
“The purpose of research is to serve man, and the
4. Palapuso (cardiologist) - isang dalubhasa ng goal of research is to the good life.”
palapusuan o cardiology
5. Palabaga (pulmonologist) - isang dalubhasa ng Ang gawaing pananaliksik ay nakapagpapayaman
palabagaan o pulmonology. ng kaisipan at nakapagdaragdag ng kaalaman.

6. Paladiglap (radiologist) - isang dalubhasa ng Nangangailangan ito ng ibayong pagbabasa at


paladiglapan o radiology. malalim na pag-unawa sa mga konsepto at pag-
aaral.
7. Sihay (cell) - ang pinakapayak na kayarian ng mga
buhay na organism.

8. Muntilipay (platelet) - mga selula o sihay na may Basahin at unawain ang abstrak ng isang
mahalagang papel sa pagpagaling ng mga sugat na pananaliksik. Tukuyin ang layunin ng isinagawang
dumadaan sa daluyan ng dugo. pag-aaral batay sa abstrak.

9. Kaphay (plasma) - isang bahagi ng dugo na ang Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik
pangunahing trabaho ay ang transportasyon ng
mga ensyma, nutrisyon, at hormona. • Ang pananaliksik na ito ay nauukol sa mga
karanasang pinadadaanan ng isang batang ina.
10. Iti, daragis, balaod (tuberculosis) - impeksyon sa Gumamit ang mananaliksik ng quantitative method
baga na nagmumula sa isang uri ng ishay o bacteria, at random convinient sampling kung saan base sa
ang Myobacterium tuberculosis. “convinience” ang ginawang pagpili ng mga
respondante. Tatlumpu’t lima (35) na mga batang
11. Sukduldiin, altapresyon (hypertension) - isang ina na may edad na 12 hanggang 18 ang
medikal na kondisyon kung saan ang presyon ng respondante ng pag-aaral. Ang pananaliksik ay
dugo sa mga malaking ugat ay labis na mataas. naglalayong matukoy ang edad kung saan
maraming batang ina ang nabubuntis. Nilalayon din
12. Mangansumpong (arthritis) - ang pamamaga sa ng pananaliksik na malaman at mabatid ang mga
mga kasu-kasuan na nagiging sanhi ng kawalan ng pinagdadaanan ng mga batang ina sa aspetong
kakayahang maiunat o maibaluktot at paninigas ng emosyonal, mental, ispiritwal, pinansyal, relasyonal
bahaging ito. at sosyal. Ninanais din na ilahad ng pag-aaral kung
anong mga edad may pinakamaraming nabubuntis
13. Piyo (gout) - isang uri ng mangansumpong o na kabataan. Sa ganitong aspeto ay
rayuma na dulot ng abnormal na metabolismo ng makapagbabalangkas ang mga mananaliksik ng
uric acid. mgarekomendasyon para matulungan ang mga
kabataang maagang nagiging isang ina.
14. Balinguyngoy (nosebleed) - pagdurugo ng ilong.
• Nabatid din ng pag-aaral na batay sa emosyonal
REBYU SA MGA BATAYANG KAALAMAN SA na salik, ay ang pag-aalala nila sa kanilang mga
PANANALIKSIK anak kapag ito ay may sakit. Nasasaktan sila at
nakakaramdam ng pagkataranta kapag nakikitang
Sinasabing ang gawaing pananaliksik ay isinilang ng umiiyak ang anak at nasisigawan nila ang kanilang
magsimulang magtanong ang mga sinaunang tao mga anak kapag sila ay nagagalit samantalang sa
hinggil sa mga bagay bagay na pilit din nilang mental na salik naman ay ang pangamba, agam
hinahanapan ng mga kasagutan. Ngunit sinasabi na agam at pagdududa kung kaya ba nila maging isang
ang gawaing pananaliksik ay nagsimula pa kay ina. Sa ispiritwal na salik ay ang hindi nila
Galileo Galilie noong 1500.
Fili 102 Filipino sa Iba't Ibang Disipilina
LECTURE/PPT-BASED / Maylyn Cantos TRANS BY: TIMMY L. ACLAN | BSN 3103

nararanasan ang magsimba isang beses sa isang 2. Kontrolado. Lahat ng baryabol na sinusuri ay
linggo. kailangang maging konstant. Hindi dapat baguhin,
anomang pagbabagong nagaganap sa asignatura o
• Sa pinansyal na salik naman ay ng kakulangan sa pinag-aaralan ay maiuugnay sa eksperimental na
mga pangangailangan na humahantong sa baryabol na kailangang-kailangan sa mga
pangungutang sa kapitbahay at sa sosyal na salik ay eksperimental na pananaliksik.
ang hindi na nila nararanasan ang makisali sa mga 3. Empirikal. Kailangang maging katanggap-tanggap
proyektong panlipunan at makadalo sa mga party o ang mga pamamaraan ginagamit sa pananaliksik,
kasayahan. Inirekomenda ng mananaliksik na maging ang mga datos na nakalap.
kailangan ng mga magulang na ang malawak na
pang-unawa sa mga nararanasan ng batang ina. PAGPILI NG BATIS NG IMPORMASYON
Dagdag pa dito, inirekomenda rin nila na sa mga
kabataan na kailangan muna nilang makinig sa mga 1. Tiyakin na ang sanggunian ay isang akademiko.
payo at pangaral ng mga magulang parang hindi 2. Tukuyin ang uri ng sanggunian.
humantong sa pagiging batang ina. 3. Alamin kung ang sanggunian ay primarya o
sekundarya.
ANG PAGKALAP NG IMPORMASYON SA
PANANALIKSIK PAGBASA AT PAGSULAT NG PARAPHRASE,
ABSTRAK AT REBYU
1. Sistematiko dahil isa sa kahingian nito ay ang
pagsunod sa isang pinaghandaang proseso. May • Paraphrase ay tumutukoy sa pagsasalin ng ideya
mga hakbang na kailangan sundin upang maging ng orihinal na teksto sa mabisa at malinaw na
tiyak na tama at maasahan ang mga datos na pananalita na hindi nababago ang tunay na
makakalap. kahulugan.

2. Matalino ito dahil hinihingi nito ang pagiging Ang paraphrasing ay nakatutulong upang
iskolar ng mananaliksik. Nararapat lamang na ang mas mapabilis ang pagbibigay kahulugan sa
mananaliksik ay may sapat na kaalaman sa paksang binasang teksto. Sa pagsulat ng paraphrase
kanyang pag-aaralan, my sapat syang kaalaman inilalagay ang pinagkunan ng orihinal na teksto.
kung paano pipiliin ang impormasyon, kaya ng
lapatan ng ang mga ito ng malalim na pagsusuri at • Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang
kaya niyang pangatwiranan at ipaliwanag ang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel tulad
halaga ng ginagawang pananaliksik. ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal lektyur, at
mga report.
• Etikal naman ito dahil kailangang panatilihin ng
mananaliksik ang katapatan sa buong proseso at Ito ay karaniwang makikita sa unahan ng
iwasan hangga’t maari ang paglabag sa karapatan pananaliksik na naglalahad ng buod ng akdang
ng ibang tao na maaring masangkot sa pananaliksik akademiko o ulat.
gaya ng repondante, o mga awtor ng sangguniang
gagamitin niya. Ayon kay gervacio, (2020), may mga dapat
tandaan sa pagsulat ng abstrak.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
1. Lahat ng nakasulat sa abstrak ay dapat
Ayon kay Bernales, et al. (2018), ang pananaliksik nakapaloob sa kabuuan ng papel.
ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:
2. Hindi isinusulat sa abstrak ang detalyadong
1. Sistematik. May sinusunod na proseso o pagpapaliwanag ng mga datos para pahabain ito.
magkakasunod-sunod na mga hakbang tungo sa
pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o 3. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa
ano pa mang nilalayon ng pananaliksik. pagsulat ng abstrak.
Fili 102 Filipino sa Iba't Ibang Disipilina
LECTURE/PPT-BASED / Maylyn Cantos TRANS BY: TIMMY L. ACLAN | BSN 3103

4. Gumamit ng malinaw at direktang pangungusap.


Iwasan ang pagiging maligoy sa pagsulat ng abstrak.

5. Maging obhetibo. Ilahad lamang ang mga


pangunahing kaisipan.

6. Gawing maikli subalit komprehensibo ang


pagsulat ng abstrak kung saan mauunawaan ng
babasa ang pangkalatang nilalaman ng
pananaliksik.

HALIMBAWA NG ABSTRAK

Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na malaman


kung may espasyo ang Filipino sa klase ng
Matematika. Ginawa ang sumusunod na hakbang
upang maisakatuparan ang pag-aaral: pagmamasid
sa mga klase; pagsasagawa ng focus group
discussion at pakikipanayam sa mga guro at mag-
aaral; at mula rito ay makabubuo ng mungkahing
patakarang pangwika. Sa isinagawang pagmamasid
ng mananaliksik, lumabas na may mga
pagkakataong gumagamit pa rin ang mga mag-aaral
at guro (malay o di-malay) ng Filipino
saasignaturang Matematika. Maituturing ito bilang
wikang pantulong sa iba’t ibang yugto ng klase sa
Matematika. Pinatunayan ng pananaliksik na may
espasyo ang Filipino sa Matematika bilang wikang
pantulong; napadadali ang pagtalakay sa
Matematika sa tulong ng Filipino; at ang
pagpapairal ng patakarang pangwika ay kailangan
upang maisakatuparan ang ganap na espasyo ng
Filipino sa paaralan. Iminumungkahi na ipatupad
ang mungkahing patakarang pangwika na nabuo
batay sa resulta ng pananaliksik

Rebyu Ayon kina San Juan, et al. (2019),

Ang rebyu ay isang uri ng pampanitikang kritisismo


na ang layunin ay suriin ang isang akda batay sa
nilalaman, istilo at anyo ng pagkakasulat nito.

Naglalaman din ito ng pagtataya o ebalwasyon ng


akda batay sa personal na pananaw ng mambabasa
na nagbibigay ng rebyu. Gumagamit ang mga
nagsusulat ng panunuri sa rebyu upang magbigay
linaw sa nilalaman ng akda ng sa gayon ay madaling
maunawaan ito ng mambabasa.

You might also like