You are on page 1of 4

AGHAM, TEKNOLOHIYA AT MATEMATIKA

Ang mga akda sa agham, teknolohiya at matematika ay may kakanyahan at


estrukturang naiiba sa ibang disiplina. Ang mga konsepto at presentasyon ay nasa anyong
teknikal at pormal. Ang mga teksto ay tinatawag ding di-piksyon. Halos pandaigdig ang
konsepto sa tekstong ito, gumagamit ito ng panlahat na katawagan kung hindi ito
maisalin sa target na wika.

Mga Isyu Patungkol sa Paggamit ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng


Siyensya, Teknolohiya at Matematika at iba pang kaugnay na Larangan

 Ang agham at teknolohiya ay dalawang larawan na sumisimbolo sa larangan ng


edukasyon. Mahalaga ang pag-aaral ng agham at teknolohiya sa lahat ng panahon
dahil ito ang susi sa pag-unlad ng bansa.

 Sa Agham tayo namulat sa mga kaparaanan ng pisikal at buhay na mundo. Ito ang
nagturo sa atin kung paano pahalagahan ang mga bagay-bagay na bumabalot sa
ating kapaligiran.

 Ang pagtuturo sa wikang Ingles ay ay nagsimula noong naging kolonya ng


Estados Unidos ang Pilipinas. Nagsimula itong magbago noong inilunsad ang
“Bilingual Education Policy” taong 1974. Ngunit nakasaad rin sa polisiyang ito na
ang Ingles ay ang “non-exclusive language of science and technology”.

 Ang Siyensya at ang Matematika ay itinuturo sa kanila gamit ang wikang hindi
nila ginagamit sa pangkaraniwan na sitwasyon. Karamihan ng mga libro ay nasa
wikang Ingles, kasama na rin ang mga impormasyon na galing sa internet at
telebisyon.

 Ayon kay Dr. Fortunato Sevilla III, ang direktor ng UST Office for Research and
Development (ORD) ng wikang Filipino sa pagtatalakay ng mga liksyon sa mga
klase kemistri sa kolehiyo ng Agham.

 Ayon sa Third International Mathematics and Science Study na lumabas noong


1997, nahuhuli ang Pilipinas sa larangang ito. Ayon pa kay Dr. Sevilla III, mas
malinaw ang paggamit ng Filipino dahil ito ang ginagamit sa pang araw araw na
buhay.
 haba ng alon (wavelength)
 dalas (frequency)
 pagtunaw (melting)
 paglusaw (dissolving)
 bilis (speed)
 tulin (kung saan may direksyon ang paggalaw ng velocity)

 May iba’t-ibang paraan ang pagsalin ng mga salitang Ingles sa Filipino


 Una rito ang paggamit ng salitang Kastila. Kabilang dito ang siyensya,
kimika, pisika, biyolohiya at iba pa.
 Pangalawa, ang pag-uugnay ng mga katutubong salita para makabuo ng
bagong salita. Halimbawa, kapnayan (galing sa salitangsangkap at hanayan
para sa chemistry) at liknayan (likas + hanayan sa biology).
 Ang paghihiram sa Ingles at pagsasa-Filipino ng baybay, tulad ng kemistri,
fisiks, bayolodgi, ikwesyon, molekyul at iba pa ang pangatlong paraan.

 Subalit, tutol ang ibang siyentipiko sa paggamit ng Filipino. Makakapigil daw ito
sa pagiging globally competitive ng mga estudayante dahil Ingles ang ginagamit
na lingua franca o medium of communication sa mundo.

 “Ang Talahuluganang Pang Agham: Ingles Pilipino” ni Dr. Jose Sytangco at


“English-Pilipino Vocabulary for Chemistry” nina Bienvenido Miranda at Salome
Miranda.

 Napatunayan na din sa iba’t-ibang pag-aaral na malaki ang maiaambag ng


pagkatuto at sa pagpapadali ng pagtuturo ang paggamit ng wikang Filipino.
Maging sa mga asignaturang teknikal tulad ng matematika.

 Sa ngayon, ang UP Diliman lamang ang may librong pang-agham sa Filipino dahil
sa panghihikayat na binigay ng Sentro ng Wikang Filipino dito. Gayunpaman, sa
UST, Ingles ang ginagamit na libro, at nasa wikang Ingles ang mga pagsusulit.

MGA GABAY SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG MGA TEKSTO SA


IBA’T IBANG DISIPLINA

Unang Hakbang: Suriin ang tekstong sa kabuuan nito.


Subuking tukuyin ang layunin, nilalaman, maging ang target na mambabasa
ng teksto. Hanapin ang mgapalatandaan sa mga pamagat, sa mga subtitles,
pagkilala o pasasalamat (kung mayroon man) at iba pang bahagi ng teksto.
1. Sino ang sumulat ng teksto?
2. Sino ang mga target na mambabasa ang nais kausapin ng Teksto?
3. Tungkol saan ang artikulo?
4. Anu-anong mga babasahin ang ginamit na sanggunian?

Ikalawang Hakbang: Tukuyin ang Pangkalahatang Layunin at Estruktura ng


Teksto
Kailangan mong tukuyin ang layunin ng akda at tesis na pahayag. Tingnan
rin ang konklusyon sapagakat naglalaman ito ng kabuuan ng akda.
1. Ano ang pangunahing kaisipan na nais ilahad ng may akda?
2. Ano-ano ang mga katibayang ginagamit ng may-akda?
3. Ano-ano ang mga limitasyong inilatag ng may akda tungkol sa teksto?
4. Ano ang pananaw ng may-akda?

Ikatlong Hakbang: Basahing muli ang artikulo, ngunit sa pagkakataong ito ay


pagtuunan ng pansin ang paraan ng pagsulat at presentasyon.
Huwag lamang tumutok sa kung ano ang sinasabi ng may-akda, kundi sa
kung paano ito sinabi ng may akda. Sa hakbang na ito, masusukat ang katatagan at
katotohanan ng pahayag sa pamamagitan ng mga katibayang inilatag ng may akda.

Ikaapat na Hakbang: Kritisismo at Ebalwasyon ng Teksto


Ano ang una mong reaksyon dito? Nauunawaaan mo ba ito? Nagustuhan mo
ba ang akda? Nasiyahan ka ba sa paglalahad ng konsepto? Matapos mong tayahin
ang iyong personal na reaksyon, maghulo ng mas malalim na impresyon.
Ang ebalwasyon ng isang teksto ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng
pagsasaalang-alang sa estilo at kumbesyonal na estruktura ng kaparehong artikulo.
Nakasunod ba sa tamang pardon ang aking binasa?
1. Buo ba ang artikulo?
2. May katuturan at kabuluhan ba ito?
3. Ano ang pangunahing kahulugan at katuturan ng akda sa disiplinang
kinabibilingan nito?
4. Malinaw ba ang organisasyon?

You might also like