You are on page 1of 40

RACE SHORE

NULL
RASYONAL
SOLE RAIN I
KNIN
SULIRANIN
AIM ROD
IMRAD
LAY ON IN
LAYUNIN
SENT AID OH
COME ON
SENTIDO
KOMON
ARALIN 1:
RASYONAL
WMSU Taga-ulat:
Delos Santos, Lea S.

WESTERN MINDANAO STATE UNIVERSITY


Ano ba ang
rasyonal?
Rasyonal
• Ito ay nagsisilbing panimula o introduksiyon.
• Ito ay ang pagpapaliwanag kung ano ang
kabuluhan ng ginagawa mong pananaliksik.
• Ito ay karaniwang nagsisimula sa
panglahatang pagpapahayag ng suliranin na
nakatuon sa tiyak na suliranin.
Rasyonal
• Tiyak ang paglalahad upang mabigyan ng
kaisipan ang mambabasa hinggil sa
ginagawang pananaliksik.
• Isinasama rin ang mga kaugnay na literatura
na nabasa mula sa iba’t ibang babasahin.
Halimbawa
PAGTATAYA NG MTB-MLE: TUGON SA PAGPAPAUNLAD
NG IMPLEMENTASYON NG K TO 12 KURIKULUM
Dr. Lita Bacalla

Ang paggamit ng unang wika o Mother Tongue-Based Multilingual


Education sa Pilipinas ay isang pagtugon sa uhaw na pangangailangan ng mga
mag-aaral tungo sa pagtamo ng madallang pag-unawa sa isang aralin. Patunay
nito ang sinabi Cummins (1996) na ang paggamit ng unang wika ay
tumutulong sa pagtamo ng pag-unawa at paglinang ng kritikal na pag-lisip.
Napakaraming pag-aaral na nagpapatunay na malaki ang naitutulong ng
paggamit ng unang wika bilang wikang panturo.
Ayon kina Benson (2002) at Dutcher (2003), ang pangkalahatang edukasyong
natamo ng mga mag-aaral ay mas napapalawig kung ipinagamit ang unang
wika bilang pundasyong wika sa pag-aaral ng primarya. Dagdag pa ang pag-
aaral ni Dutcher (2004) na malaking bilang sa mga batang katutubo ang hindi
nag-aaral o kahit pa man nag-aaral ay nauuwi pa rin sa mababang performans
at mababang literasi at kasanayan dahil sa ginagamit na wikang panturo tulad
ng Ingles. Sa pag-aaral ng UNESCO (2011) sa Pilipinas, sa lahat ng mga nag-
enrol sa unang baitang ay 73% lang ang nakatapos ng primarya, ibig sabihin
ay 27% sa kanila ay huminto o bumagsak. Isang senaryo na tipikal na lamang
sa Pilipinas mula nang ipatupad ang patakarang bilingguwal. Subalit, isang
dekadang nagdaan, na nakakulong ang patakarang pang-edukasyon sa batas
ng Edukasyong Bilingguwal na ginagamit ang Ingles at Filipino bilang
wikang opisyal ngunit umiral ang paggamit ng Ingles bilang wikang panturo
mula sa mababang paaralan hanggang sa kolehiyo.
Ang sistemang pang-edukasyong ito ay naging malaking balakid sa pagsulong
ng paggamit ng unang wika bilang asignatura at wikang panturo mula sa antas
primarya. Gayunpaman, maraming mananaliksik ang naniniwala na isang
pundasyon sa mabisang pagkatuto ang paggamit ng ibang kuwantitabo at iba
pang pag-aaral na nauukol sa kabisaan ng paggamit ng unang wika. Isa sa
naging lundayan na pag-aaral nina Walter at Dekker (2011) na napag- alaman
na mas mataas ang literasi na nakuha sa achievement test ng mga mag- aaral
na gumamit ng unang wika kaysa pangalawa at pangatlong wika. (AJHSSR e-
ISSN: 2378-703X)
ARALIN 4:
ANG
SULIRANIN
WMSU Taga-ulat:
Delos Santos, Lea S.

WESTERN MINDANAO STATE UNIVERSITY


Ang Pagbuo ng Suliranin
Narito ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng
paksa:
1. Nararapat na may interes sa paksang
sasaliksikin.
2. Magbasa ng mga kaugnay na literatura at
pag-aaral na nailathala na.
3. Pagtuonang-pansin ang paksa na may
maiaambag sa sarili, sa lipunan
Ang Pagbuo ng Suliranin
sa edukasyon at iba pang larang.
4. Isaalang-alang ang panahon na gugulin sa
inyong pananaliksik kung ito ba ay kaya ng
isang semester, isang taon o mahigit ba na hindi
lalampas sa itinakdang oras.
5. Lahat ng pananaliksik ay nangangailangan ng
pinansyal na aspekto.
Ang Pagbuo ng Suliranin
6. Gumawa ng pananaliksik na napapanahon
subalit may materyales kang magagamit o
mapagkukunang datos na magagamit.
Saan Kinukuha ang mga Suliranin sa
Pananaliksik?
1. Pakikinig ng mga balita
2. Pagbabasa ng tesis, disertasyon, journal,
aklat at iba pang sanggunian
3. Pag—oobserba sa ating kapaligirang
ginagalawan maging sa tahanan at lipunan
Saan Kinukuha ang mga Suliranin sa
Pananaliksik?
4. Pagsasaliksik sa internet
5. Sa propesyon na napili
6. Pagdalo ng mga webinar/seminar hinggil sa
mga presentasyon ng pananaliksik at alamin ang
mga resulta at rekomendasyon sa nagawang
pananaliksik.
Ayon kay Ardales (2008), maaring
pagkuhanan ng mga suliranin sa
pananaliksik ang sumusunod:

• Sariling karanasan
• Sentido Komon
• Teorya
Naglahad si Cozby (1985) ng dalawang
tungkulin ng teorya:

a. Ang teoryang nagsasaayos at nagpapaliwanag


ng iba;t ibang ebidensiya o realidad;
b. Nakakapaglikha ito ng bagong kaalaman sa
pamamagitan ng pagtuon ng pag-iisip para
mapansin ang mga bagong aspekto ng gawi.
Paano ginagawang Tiyak ang Suliranin?

• Dapat maging malinaw ang iyong paraan ng


pagbuo ng mga katanungang sasagutin sa
iyong pananaliksik.
Halimbawa:
Ang paksa ay tungkol sa panitikan.
Paglalahad ng Suliranin

Ito ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng


pananaliksik. Inilalahad o inilalarawan dito ang
suliraning kaugnay sa kahalagahan ng paksa at
tiyak na suliranin. Dito nakapaloob ang lahat ng
mga katanungan na dapat masagot sa kabanata
apat ng pananaliksik.
Ayon kina Calmiron at Calmiron (2006)
medaling matandaan ang katangian ng
suliranin gamit ang akronim na ito;

• S – Specific
• M – Measurable
• A – Achievable
• R – Realistic
• T – Time-bounded
IMRAD

Ayon kay Forland (2012), ang IMRAD ang


pinakadominanteng pormat na ginagamit sa mga
pangunahing journal ng sosyolohiya sa Estados
Unidos ng Amerika (nabanggit ni Arinilla,
2014).
Ang IMRAD ay akronim ng:

I – INTRODUKSIYON – Bakit isinasagawa


ang pananaliksik?
M – METODO – Ano-ano ang kagamitang
ginamit sa pagsasagawa ng pananaliksik?
R – RESULTA – Ano ang natuklasan batay sa
mga layunin ng pananaliksik?
D – DISKUSYON – Ano ang implikasyon ng
mga natuklasan?
Ayon kay Gay, ang haypotesis ay pansamantala
o temporaryong pagpapaliwanag sa isang tiyak
na kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan,
pangyayaring naganap na o magaganap pa
lamang.
Halimbawa:
Pamagat: Salik na Nakaaapekto sa Akademikong
Performans ng mga Piling Mag-aaral na
Nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Panahon ng
Pandemya
Pangkalahatang Suliranin: Nilalayon ng pag-
aaral na ito na malamang ang mga salik na
nakakaapekto sa Akademikong Performans ng
mga Mag-aaral sa Unang Taon sa Kolehiyo na
Nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Panahon ng
Pandemya
Mga Tiyak na Layunin
1. Ano-ano ang salik na nakaaapekto sa
akademikong performans ng mga mag-aaral
ayon sa sumusunod:
1.1 Kagamitan sa pagkatuto
1.2 Internet connectivity
1.3 Lugar
Mga Tiyak na Layunin
2. Ano ang kalagayan ng mga mag-aaral sa
flexible learning sa akademikong performans sa
panahon ng pandemya ayon sa:
2.1 online class
2.2 modular
Mga Tiyak na Layunin
3. Ano ang akademikong performans ng mga
mag-aaral sa Filipino sa panahon ng pandemya?
4. May kaugnayan ba ang akademikong
performans ng mga mag-aaral sa Filipino ayon
sa mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng
mga mag-aaral ayon sa kagamitan sa pagkatuto,
internet connectivity, at lugar?
5. May kaugnayan ba ang akademikong
performans ng mga mag-aaral ayon sa online
class at modular?
Haypotesis

1. Walang mahalagang kaugnayan ang


akademikong performans sa salik na
nakaaapekto sa mga mag-aaral sa Filipino.
2. Walang mahalagang kaugnayan ang
akademikong performans sa Filipino sa
flexible learning ayon sa online at modular.
Maraming Salamat
sa pakikinig!

You might also like