You are on page 1of 2

Delos Santos, Lea S.

04/03/23
BSED-2B

Kasanayan sa Pagbasa ng mga Mag-aaral

Bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay ang pagbabasa, anuman ang ating


gagawin ay may kaakibat na pagbasa. Anumang propesyon ang pagbasa ay hindi nawawala
maging sa pag-aaral ay palagian natin itong gamit.
Iba-iba ang dahilan kung bakit tayo nagbabasa. Nagiging sandata natin ang pagbabasa sa
paghahanap ng karunungan, pagpapaunlad ng sarili at pagkuha ng mga impormasyong may
kinalaman sa ating kapaligiran. Batay sa pakahulugan ni Austero sa pagbasa, ito ay paraan ng
pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas ng
pasalita.

Ayon kay Goodman, ang Pagbasa ay isang saykolinwistiks na panghuhula kung saan ang
pagbabasa ay bumubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa. Isang
prosesong cylical buhat sa teksto.
Ayon kay James Dee Valentine, ang Pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak at sa
maraming pagkakataon, napatunayan nating marami sa mga nagtatagumpay na tao ang mahilig
magbasa.
Ayon kay Coady, ang ibinigay ni Goodman na nagwikang ang dating kaalaman ng
tagabasa ay kailangang maiugnay niya sa kanyang binabasang teksto at kasanayan sa
pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto.
May anim na kasanayan sa akademikong pagbasa. Una ay ang Pag-uuri ng mga Ideya
at Detalye na kung saan ito ang mga paksang pangungusap na siyang sentro o pangunahing tema
o pokus sa pagpapalawak ng ideya. Ikalawa ay ang Pagtukoy sa Layunin na tumutukoy sa kung
ano ang nais mangyari ng isang awtor sa kanyang mambabasa. Ikatlo ay ang Pagtiyak sa
Damdamin, Tono at Pananaw ng Teksto na sa pamamagitan ng mga tiyak na salitang
ginagamit ng awtor sa isang teksto, maaring matiyak kung ano ang damdamin, tono at pananaw
ng teksto. Ikaapat ay ang Pagkilala sa Pagkakaiba ng Opinyon at Katotohanan dito
nagaganap ang pagkilatis ng sinumang mambabasa sa opinyon at katotohanan. Ikalima ay ang
Pagbuo ng Lagom at Kongklusyon kung saan ito ay tumutukoy sa pinakapayak at
pinakamaikling anyo ng diskurso na batay sa isang binabasang teksto. At ang ikaanim ay ang
Pagbibigay-interpretasyon sa Mapa, Tsart, Grap at Talahanayan, ito ay ang mga
presentasyong biswal na kadalasang ginagamit bilang pantulong sa isang teksto.

Sa kabuoan, ang pagbasa ay isang kasanayan sa pakikipagtalastasan na tumutugon sa


damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag na nangangailangan ng masusing
pag-iisip. Ang pagbasa ay mahalagang linangin sapagkat ito ay lubhang nakatutulong sa ating
pang-araw-araw na buhay lalo na sa mga mag-aaral. Ito ay isang kasanayan na kahit anuman ang
mangyari ay hindi mawawala sa atin bilang isang tao. Mahalaga na tayo ay magbasa upang
maunawaan natin ang mga kaganapan sa ating kapaligiran.

Sanggunian:

Acopra, J. et al. (2014). Komunikasyon sa Makabagong Filipino. (pp. 264-270). Mindshapers


Co., Inc.

You might also like