You are on page 1of 5

Bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay ang pagbabasa, anuman ang ating gagawin ay may

kaakibat na Pagbasa. Anumang propesyon ang pagbasa ay hindi nawawala maging sa pag-aaral ay
palagian natin itong gamit. Bakit nga ba napakahalaga ng pagbasa?

Iba-iba ang dahilan knng bakit tayo nagbabasa. Nagiging sandata natin ang pagbabasa sa paghahanap ng
karunungan, pagpapaunlad ng sarili at pagkuha ng mga impormasyong may kinalaman sa ating
kapaligiran.

Batay sa pakahulugan ni Austero, ito ay paraan pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga
sagisag na nakalimbag upang mabigkas ng pasalita. Sinasabing walang pagbasa kung walang pang-
unawa. Ginagamitan natin ng masusing pag-iisip ang anumang bagay na nakalimbag bago natin ito
mabigyan ng kahulugan. Ilan pa sa mga sumusunod na eksperto ang nagbigay ng kanilang pakahulugan
sa pagbasa.

1. Goodman. Ang pagbasa ay isang saykolinwistiks na panghuhula kung saan ang pagbabasa ay
bumubu‘ong muli ng isang mensahe 0 kaisipang hango sa tekstong binasa. Isang prosesong cyclical
buhat sa teksto.

2. James Dee Valentine. Ang pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak at sa maraming pagkakataon,
napatunayan nating marami sa mga nagtatagumpay na tao ang mahilig magbasa.

3. Coady. Ang ibinigay ni Goodman na nagwikang ang dating kaalaman ng tagabasa ay kailangang
maiugnay niya sa kanyang binabasang teksto at kasanayan sa pagpopoproseso ng mga impormasypng
masasalamin sa teksto.

Mga Layunin ng Pagbasa.

1. Nagbabasa tayo upang maaliw.

2. Nagbabasa tayo upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at maiimbak sa ating isip.

3. Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.

4. Nakapaglalakbay ang ating diwa at napapalawak natin ang ating imahinasyon.

5. Napag-aaralan natin ang iba pang kultura ng ibang lahj.

Ayon kay William S. Gray (Ama ng Pagbasa), ito ay may apat na hakbang na sinusunod:

1. Persepsyon -_hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas nang


wasto sa mga simbulong nababasa.
2. Komprehensyon - Pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng
simbulong nakalimbag na binasa.
3. Reaksyon - hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga ng
isang ’ tekstong binasa.

4. Asimilasyon - isinasama at iniuugnay ahg kaalamang nabasa sa mga dati nangkaalaman o


karanasan.

Anumang pamamaraan ang gagamitin o aklat na babasahjn, ito ay dapat na makatulong ayon sa mga
sumusunod:

1. Naaayon sa layunin.

2. Naaayon sa kanyang interes.

3. Naaayon sa mga materyales na mayroon na

4. Naaayon Sa kanyang kakayahang maunawan ang binabasa

Mga Karaniwang Sulliranin sa Pagbabasa

1. Ang malabong paningin


2. Kakulangan sa kaalamang panlingwistika
3. Kakulangan sa kaalaman sa Pagsusuri
4. Kakulangan Sa kaalaman at Impormasyon
5. Kakulangan sa Bokabularyo
6. Kakulangan sa karanasan

Mga Teorya sa Pagbasa

Maraming mahahalagang bagay ang dapat bag-ukulan ng pansin upang matamo ang mabisang pagbasa.
Bilang isang mag-aaral na katulad mo kinakailangan mo ring alamin ang mga teoryang dapat mong
isaalang-alang at gamitin tulad ng mga sumusunod:

1. Teoryang Bottom-up

Ayon sa teorjrang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbulo
upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay
nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto, bago pa
man ang pagpapakahulugan sa buong teksto.

Ang proseso ng pag-unawa, ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom) patungo sa
mambabasa (up) A kaya nga tinawag itong bottom-up.

Ikatlong Antas: Pokus sa ma’lalim na kahulugan ng Pangungusap at is truktura nito.

Ikalawang Antas: Pokus kahulugan ng mga salita


Unang Antas: Pokus sa tunog at letra

Tradisyunal itong paraan at ang dulog ay nagsisimula sa texto tungo sa Mambabasa o reader.

2. Teoryang Top-down

Ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang Geatalt na naniniwalahg ang pagbasa ay isang
prosesong holistik. Ayon sa proponent nito, ang mambabasa ay isang napakaaktib na partisipant sa
proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa
kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency) at kanyang ginagamit habang
siya ay nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto.

Tinatawag din itong teoryang inside out o conceptually driven dahil ang kahulugan o impormasyon ay
nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamitng
kanyang dating kaalaman at mga konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan
at pananawa sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya ng&mga palagay at hinuha na kanyang iniuugnay sa
mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.

Unang antas

lkalawang antas

lkatlong antas

Pokus sa paggamit ng nakaimbak na kaalaman hahang bumabasa (inside-out or Conceptually driven)


dahil nagsisimula sa bumabasa tungo sa teksto ang dulog).

3. Teoryang Interaktib

Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang
isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito
nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Ang interaksyon, kung gayon, ay
may dalawang direksyon o bi-directional.

Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay diin 5a Dag-unawa 5a pagbasa bllang proseso at hindi
bilang Produkto.

Pagsasama ng bottom-up at top-down

4.Teoryang Iskima

Ayon sa teoryang ito, bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang
iskima. Samakatwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay
nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaring binabasa niya lamang ang
teksto upang patunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin.
Dahil dito, masasabing ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang
iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.

Mga Uri ng Pagbasa

1. Skimming – pagtingin sa pamagat, pantulong na pangungusap, simula sa wakas ng talata.

2. Scanning – pagtingin mga detalye or particular or tiyak na impormasyon.

3. Pagbasa para Mag-aral - pag-uulit-ulit para matutuhan.

4. Magaan na Pagbasa - paglilibang sa pagbabasa.

5. Salita-Sa-Salita - ito ay pagbabasa sa mga tekstong teknikal tulad sa sikolohiya, siyensya at iba pa.

Mga kasanayan sa Akademikong Pagbasa

1. Pag-uuri ng mga Ideya at Detalye

a. Paksang pangungusap na siyang sentro o pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng ideya.

b. At mga suportang detalye na tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay linaw sa paksang


pangungusap.

2. Pagtukoy sa Layunin

a. Tumutukoy ang layunin ng teksto sa kung ano ang nais mangyari ng isang awtor sa kanyang
mambabasa.

Tandaan lamang na may mga tekstong may dalawa o higit pang layunin

3. Pagtiyak ga Damdamin, Tono at Pananaw ng Teksto

Sa pamamagitan ng mga tiyak na salitang ginagamit ng awtor sa isang teksto, maaaring matiyak kung
ano ang damdamin, tono at pananaw sa teksto.

Damdamin - saloobin ng mambabasa

Tono - saloobin ng awtor

Pananaw - tumutukoy sa punto de vistang ginagamit gamit ng awtor sa teksto.

4. Pagkilala sa Pagkakaiba ng Opinyon at Katotohanan


a. Pagkilatis ng sinumang mambabasa sa Opinyon at Katotohanan

b Maaring sang ayunan o tutulan ng ibang tao.

5. Pagbuo ng Lagom at Kongklusyon

a. Ang lagom o buod ay tumutukoy sa pinakapayak at pinakamaikling anyo ng diskurso na batay sa isang
binabasang teksto. Taglay nito ang pinakadiwa at mahahalagang kaisipan ng teksto.

b. Ang kongklusyOn naman ay tumutukoy sa mga' implikasyoiig mahahango sa isang binabasang teksto. '

6. Pagbibigay-interpretasyon sa Mapa, Tsart, Grap at Talahanayan

a. Ito ay mga presentasyong biswal na kadalasang ' ginagamit bilang pantulong sa isang teksto.

b. Nagagawang payak at mas madaling unawain ang mga datos na inilalahad sa isang teksto.

Paglalagom:

Ang pagbasa ay isang kasanayan sa pakikipagtalastasan na tumutugon sa damdamin at kaisipan sa mga


titik at simbolong nakalimbag na nangangailangan ng masusing pag-iisip. Ito ay may apat na hakbang:

a. Persepsyon

b. Komprehensyon

c. Reaksyon

d. Asimilasyon

You might also like