You are on page 1of 41

Pagbasa at Pagsusuri

ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa
Pananaliksik
Bakgrawnd sa Kurso

 Ang kursong ito ay naglalayong


mapalawak ang kaalaman at kasanayan
ng mga mag-aaral sa kritikal na pagbasa
at lohikal na pagsulat tungo sa
pagsasagawa ng sariling pananaliksik.
Pagbasa
Kahulugan ng Pagbasa

 Ang pagbasa ay ang pagkilala at


pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa
mga sagisag na nakalimbag upang
mabigkas nang pasalita.
Kahulugan ng Pagbasa

 Paraan din ito ng pagkilala,


pagpapakahulugan at pagtataya sa mga
simbolong nakalimbag.

(Austero,et.al.,1999)
Kahulugan ng Pagbasa

 Ang pagbasa ay isang psycholinguistic


guessing game. Ang isang mambabasa
ay bumubuo muli ng kaisipan o mensahe
hango sa tekstong kanyang binasa.
-Goodman
Proseso ng Pagbasa

Asimilasyon
Reaksyon
Komprehensyon
Persepsyon
Proseso ng Pagbasa
1. Persepsyon
Pagkilala sa mga nakalimbag na
simbolong nabasa.

2. Komprehensyon
Pagpoproseso at pag-unawa sa binasa.
Proseso ng Pagbasa
3. Reaksyon
ng kawastuhan,
Paghatol o pagpasya kahusayan
at aral sa teksto.

4. Asimilasyon
Iniuugnay ang kaalamang dating nabasa sa
kaalaman o karanasan.
Layunin ng Pagbasa

1. Nagbabasa tayo upang maaliw.


2. Tumuklasng mga bagong
kaalaman at maimbak ito sa ating
kaisipan.
3. Mabatid
ang iba pang mga
karanasan na kapupulutan ng aral.
Layunin ng Pagbasa

4. Mapaglakbay ang ating diwa sa


mga lugar na pinapangarap nating
marating.
5. Mapag-aralan natin ang kultura ng
ibang lahi at mabatid ang
pagkakatulad at pagkakaiba nito sa
kulturang ating kinagisnan.
Kahalagahan ng Pagbasa

Ang isang estudyanteng palabasa ay


mas may malaking posibilidad na
maipasa niya ang mga pagsusulit na
ibibigay ng guro kumpara sa isang
hindi palabasa sapagkat sa kanyang
pagbabasa mas nadaragdagan ang
kanyang kaalaman, lumalawak ang
talasalitaan at mga karanasan.
Kahalagahan ng Pagbasa

Mas nahahasa ang kaisipan ng


estudyanteng palabasa na
umunawa nang mas malalalim na
ideya, mga argumentong
pangangatwiran at nababatid ang
implikasyon ng kanyang binabasa.
Kahalagahan ng Pagbasa

Nakatutuklas ng maraming
kaalaman at karunungan tutugon
sa kanyang
pangangailangang pangkabatiran
sa iba’t ibang disiplina tulad ng
agham, panitikan, teknolohiya, at
iba pa.
Kahalagahan ng Pagbasa

para hindi mapag-iwanan ng


nagbabagong panahon gawa ng mga
makabagong teknolohiyang
nagsusulputan ngayon.
Katangian ng Pagbasa

 Isang proseso ng pag-iisip.


 Ang epektib na mambabasa ay isang
interaktib na mambabasa.
 Maraming hadlang sa pag-unawa
 Ang magaling na mambabasa ay
sensitib sa kayariang balangkas ng
tekstong binabasa.
Pananaw at Teorya sa Pagbasa

Teoryang Bottom- Teoryang


up Interaktib

Teoryang Top- Teoryang Iskima


down
Pananaw at Teorya sa Pagbasa

A. Teoryang Bottom-up
Ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga
serye ng mga nakasulat na simbolo upang
maibigay ang katumbas nitong tugon.
Proseso: Nagsisimula sa teksto (bottom)
patungo sa mambabasa (up) kaya nga bottom-
up.
Pananaw at Teorya sa Pagbasa

B. Teoryang Top-down
Ang mambabasa ay may taglay na dating
kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa
kanyang isipan at may sariling kakayahan sa
wika (language proficiency).
Proseso: Nagsisimula sa mambabasa
(top) tungo sa teksto (down).
Pananaw at Teorya sa Pagbasa

C. Teoryang Interaktib
-Kombinasyon ng Teoryang Bottom-up
at Top-down.
-Bi-directional
Pananaw at Teorya sa Pagbasa

D. Teoryang Iskima
Bawat bagong impormasyong nakukuha
sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang
iskima. Bago pa man basahin ng mambabasa
ang teksto ay may taglay na siyang ideya sa
nilalaman ng teksto.
Tatlong Salik ng Pagbabasa

-Uri ng Bokabularyo Talasalitaan (Kinds


of Voc.)

-Balangkas at istilo ng Pagpapahayag

-Nilalaman o Paksa ng Binabasa


(Content / Subject Matter)
Iba’t Ibang Patern o Uri ng Pagbasa

1. ISKANING
Uri ng pagbasa na kung saan ang
nagbabasa ay nagsasagawa ng
paggalugad sa materyal na hawak
tulad ng pagbasa sa mga susi na salita
o key word, pamagat at sub-titles.
Dito, ang mahalagang salita ay di
binibigyan pansin.
Iba’t Ibang Patern o Uri ng Pagbasa

2. ISKIMING
Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa
upang makuha ang pangkalahatang ideya o
impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na
babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap
sa mahalagang impormasyon, na maaaring
makatulong sa pangangailangan tulad ng
term paper o pamanahong papel, riserts at
iba pa.
Iba’t Ibang Patern o Uri ng Pagbasa

3. PREVIEWING
Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi
kaagad sa aklat o chapter. Ang uring ito ay
hindi agad nagtutuon ng pansin sa kabuuan
ng teksto. Ang ganitong paraan ay
makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-
unawa sa babasa.
Iba’t Ibang Patern o Uri ng Pagbasa

 Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na


karaniwang nakasulat ng italik.
 Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.
 Pagbasa sa una at huling talata.
 Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga
talata.
 Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan,
graps at tsart, ito ay binibigyan suri o basa.
 Pagtingin at pagbasa ng table of contents o
nilalaman.
Iba’t Ibang Patern o Uri ng Pagbasa

4. KASWAL
Pagbasa ng pansamantala o di-
palagian. Magaan ang pagbasa
tulad halimbawa habang may
inaantay o pampalipas ng oras.
Iba’t Ibang Patern o Uri ng Pagbasa

5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
Ito’y pagbasang may layunin malaman
ang impormasyon tulad halimbawa ng
pagbasa sa pahayagan kung may bagyo,
sa hangarin malaman kung may pasok o
wala.
Iba’t Ibang Patern o Uri ng Pagbasa

6. MATIIM NA PAGBASA
Nangangailangan ito ng maingat na
pagbasa na may layuning maunawaang
ganap ang binabasa para matugunan
ang pangangailangan tulad ng report,
riserts, at iba pa.
Iba’t Ibang Patern o Uri ng Pagbasa

7. RE-READING O MULING PAGBASA


Paulit na binabasa kung ang binabasa
ay mahirap unawain bunga ng mahirap
na talasalitaan o pagkakabuo ng
pahayag.
Iba’t Ibang Patern o Uri ng Pagbasa

8. PAGTATALA
Ito’y pagbasang may kasamang
pagtatala ng mga mahalagang kaisipan
o ideya bilang pag-imbak ng
impormasyon.
Sagutan
Likod ng booklet
1. Ang pagbasa ay isang proseso ng .
2. Ang , ang hakbang sa pagkilala sa mga
nakalimbag na simbulo.
3. Ayon sa teoryang______ , ang pag-unawa ay
nagsisimula sa teksto patungo sa mambabasa.
4. Ang interaksyon sa teoryang_______, ay bi-
directional.
5. Sa hakbang teoryang _______ Bawat
bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa
ay naidaragdag sa dati nang iskima.
6. Ang epektib na mambabasa ay isang na
mambabasa.
7. Sa mga bulag, ang ginagamit nila
sa pagbabasa.
8. Ayon kay Goodman, ang pagbasa
ay isang .
9. Ang pag-unawa sa tekstong binasa ay nagaganap sa
proseso na _____ .
10. Mahalaga ang ginagampanang papel ng
sa paghahasa ng talino at isipan.

You might also like