You are on page 1of 20

PAGBABALIK-ARAL:

1. Ano ang tekstong deksriptibo?


2. Ano ang layunin ng tekstong deskriptibo?
3. Sa tingin mo, paano makatutulong ang kaalaman sa pagsulat ng
tekstong deskriptibo sa pananaliksik?
4. Ano ang pagkakaiba ng karaniwang paglalarawan sa malikhaing
paglalarawan? Magbigay ng halimbawa.
5. Ano naman ang pagkakaiba ng obhetibo at subhetibong
paglalarawan? Magbigay ng halimbawa.
6. Ano-ano ang mga mahahalagang kasangkapan na ginagamit sa
malinaw na paglalarawan?
Pagsusuri ng Halimbawa ng
Tekstong Deskriptibo

“Alam Mo Ate…Sa India…


Ni Rowena Del Castillo
A. Gabay na Tanong
1. Ano ang kalagayan ng mga mamamayan ng India sa panahong mahina ang
kanilang ekonomiya?
2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng industriya sa isang bansa batay sa naging
sitwasyon ng India. 
3. Bakit mahalaga na paunlarin ang pagsasaka ng isang bansa?
4. Ilahad ang mga napunang pagbabago ng may-akda sa India.
5. Ano-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng karanasan ng mga tao sa India
at Pilipinas?
B. Suriin ang binasang teksto na pinamagatang “Alam mo Ate, Sa
India….” at punan ang mga hinihingi na detalye. Hanapin at itala
ang mga katangian o kaisipan ng isang tekstong deskriptibo.

a. Malinaw at detalyadong paglalarawan. Pisikal na


paglalarawan sa tao, bagay, lugar o pangyayari. 

b. Matalinghagang pahayag

c. Mga naobserbahan at nadarama


Mahal kong Ate Tessie,
O, kumusta na kayo ni Inay? Tinutulungan mo ba siya sa mga
gawaing-bahay? Siyempre naman, alam kong mabait ka.
Pasensiya ka na, ha… ngayon lamang uli ako nakasulat sa iyo
kasi masyadong marami akong ginagawa rito sa India. Ang
daming assignment… kay daming ipinapagawa ng aming
propesor! Hindi ko tuloy masagot agad ang iyong mga sulat. Pero
hindi bale, marami naman akong natutunan dito.
Mabuti naman ang aking kalagayan sa lugar na ito. Unti-
unti na akong nasasanay sa pamumuhay rito. Pero
siyempre, nami-miss ko pa rin kayo ni Inay. Namamasyal
na lang muna ako pag nalulungkot na. Alam mo, noong
isang araw ay binagtas namin ang makukulay na ani ng
red chilli peppers na karaniwang-karaniwan sa bansang
ito. Hindi ba’t mahilig sila sa spices?
Nang marating namin ang aming destinasyon, namangha at humanga ako
sa kanilang lambak. Berdeng-berde ang kapaligiran, malamig ang klima, at
masarap ang simoy ng hanging dala ng mga sariwang gulay sa kanilang
taniman. Sa paanan ng Ghat Mountains makikita ang lambak, at doon
itinatanim ang sari-saring gulay. Naupo kami sa paanan ng bundok at doon
sinimulan ng aming propesor ang pagtuturo. Alam mo ba, naaalala ko ang
Pilipinas sa oras na iyon! Naisip ko kasi, hindi pala nalalayo ang ating
bansa sa karanasan ng India.
Tulad ng ating bansa, dumaan sa napakaraming mabibigat na problemang pang-
ekonomiya at agrikultura ang India. Naroong umangat ang kanilang ekonomiya,
naroong patuloy ito sa pagbulusok. Sa mga kalsada nga, makikita ang mga
pagal na mukha ng tao….ang kanilang pagod na katawan na handang kumayod
nang husto para sa kanilang pamilya. Pero sa kabila nito, makikita pa rin sa
kanilang anyo ang pag-asa sa buhay. Maraming tao rito ang nakararanas ng
pangangalam ng sikmura dahil sa gutom. Kapos din sila sa mga pangunahing
pangangailangan tulad ng pagkain. Ang ilan ngang magsasaka…halos hindi na
nasusustentuhan ang pagkain ng kani-kanilang pamilya.
Naalala ko tuloy ang ating Maynila. Ang maiingay na mga
kalye, ang mauusok na lansangan, ang makukulay na
sasakyan, ang mga bulungan at tawaran sa mga palengke,
ang mga giray-giray na barong-barong sa gilid ng mga
kalsada. Sa mga bukirin naman, para ko pang nakikita ang
mga magsasakang nakayuko habang nagtatanim ng mga
binhi ng palay…pati ang maliliit na kubo sa gilid ng mga
lupang pansakahan. Ganoon din kasi rito!
Alam mo bang noong 1947 ay mahina ang ekonomiya ng India? Totoong
nag-eeksport sila ng raw materials pero kulang naman sila sa makinarya
upang patatagin ang programa sa eksport. Kaya naman nag-angkat sila ng
mga makina mula sa mga dayuhan at industriyalisadong bansa. Pero para
mabawasan ang ganitong pag-angkat, nagtayo sila ng mga pabrika ng mga
plastik, trak, at traktora. Pinasok din ng bansa ang industriya ng paggawa
ng mga kemikal, gayundin ang textiles. Mayaman ang India sa iron at coal
at ginamit rin nila ito upang itaguyod ang kanilang industriya. Dahil dito,
taong 1960nang bansagan ang India bilang ikapito sa mga
industriyalisadong bansa. Taong 1970 naman nang muli silang magkaroon
ng problema dahil sa pag-angkat ng langis mula sa ibang bansa. Panahon
kasi iyon ng mataas na presyo ng langis sa pambansang pamilihan.
Tulad natin, nangarap din ang India na maging isang maunlad na
bansa. Iyong hindi umaasa sa mga dayuhang bansa. ..may
maunlad na teknolohiya at industriya… may sapat na pagkain para
sa lahat. Isa sa mga nakita nitong paraan para matupad ang
ganitong hangarin ang pagpapaunlad ng kanilang agrikultura. Ito
ang itinuturing na puso ng ekonomiya ng mga taga-India. Kasi
naman…tatlong-kapat o ¾ ng tao sa India ay nakatira sa mga rural
na lugar. Magsasaka ang karamihan sa kanila.
Hirap noon ang maraming magsasaka dahil sa makalumang sistema ng
pagsasaka. Gumagamit ng mga lumang kagamitan sa pagsasaka ang
karamihan. Walang traktora…at ang lakas pa rin ng mga bisig ang
kanilang ginagamit sa pagtatanim, katulong ang mga alagang hayop gaya
ng kalabaw. Problema rin nila ang pangit na uri ng lupa na labis na
nakaapekto sa kanilang pagtatanim. Idagdag pa ang mga tagtuyot na
kanilang nararanasan…at ang mga baha na karaniwang may dulot na
sakuna. Maaari sanang mabigyang-solusyon ito kung may maayos silang
sistema ng patubig noon.
Sa pagdaan ng panahon nagising ang pamahalaan at mamamayan ng India.
Nakita nila ang kahalagahan ng agrikultura sa pag-angat ng ekonomiya. Lumikha
sila ng mga bagong sistema ng patubig at irigasyon. Nagtayo sila ng mga dam na
magbibigay ng isang buong taong patubig sa mga pananim. Naghukay sila ng
malalaking kanal kaya naiwasan ang pagbaha sa mga lupang sakahan. Hinikayat
ang mga magsasaka sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya at makinarya
na makapagpapabilis sa kanilang gawain. Inilunsad ng pamahalaan ang reporma
sa lupa kung saan ang mga lupang pansakahan ay hinati sa mga maliit na
magsasaka.
Nagkaroon din ng tinatawag na green revolution. Ito ang pagtatanim ng
mga bagong uri ng palay at wheat na magreresulta sa mas malaking ani
ng mga magsasaka. Tinaguriang miracle crops ang ganitong pananim, sa
tulong ng green revolution, nagkaroon ng pagbabago hindi lamang sa ani
ng mga magsasaka kundi pati na sa pamumuhay ng marami sa kanila.
Ang iba’y nakayang makabili ng mga traktora na magagamit sa
pagsasaka.
Naging progresibo rin ang maraming lugar: may suplay ng
kuryente, sistema ng komunikasyon, at maayos na sistema ng
patubig para sa mga mamamayan. Dahil dito, noong taong 1990
ay nagsimula na ring mag-eksport ng mga iba’t ibang
produktong agrikultural ang bansa. Sa kasalukuyan, patuloy pa
rin ang mga taga-India sa pagpapaunlad ng kanilang bansa. O
kita mo, ang dami ko nang alam tungkol sa India! Aba’y sa dami
ng pinababasa ng aming propesor, dapat lang naman, di ba?
Okey, hanggang dito muna. May assignment pa ako
tungkol naman sa buhay-pamilya ng mga tao rito. Huwag
kang mag-alala, babalitaan din kita tungkol dito. Ihalik mo
ako kay Inay.
Gabay na Tanong
1. Ano ang kalagayan ng mga mamamayan ng India sa panahong mahina ang
kanilang ekonomiya?
2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng industriya sa isang bansa batay sa naging
sitwasyon ng India. 
3. Bakit mahalaga na paunlarin ang pagsasaka ng isang bansa?
4. Ilahad ang mga napunang pagbabago ng may-akda sa India.
5. Ano-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng karanasan ng mga tao sa India
at Pilipinas?
Suriin muli ang binasang teksto na pinamagatang “Alam mo Ate,
Sa India….” at punan ang mga hinihingi na detalye. Hanapin at
itala ang mga katangian o kaisipan ng isang tekstong deskriptibo.
a. Malinaw at detalyadong paglalarawan. Pisikal na paglalarawan
sa tao, bagay, lugar o pangyayari. 
b. Matalinghagang pahayag
c. Mga naobserbahan at nadarama
Dito nagtatapos
ang ating aralin!

You might also like