You are on page 1of 2

Task Overview

Week 10 (Nov 16-22)- Kailanan at Kasarian ng Pangngalan

FILIPINO 6
Mga Gawain para sa Ika-10 na Linggo 
Nobyembre 16-22, 2020

Kailanan at Kasarian ng Pangngalan

Magandang araw! Kumusta mga mag-aaral? Narito ang listahan ng mga gawain para sa linggong ito. 
-----------------
Task 1
Pag-aralan ang slideshow presentation na nakapaloob sa folder na ito. Ito ay tungkol sa Kailanan at
Kasarian ng Pangngalan.

Task 2
Pagkatapos pag-aralan ang slideshow presentation ay gawin ang Pagsasanay 2: Pagtukoy sa Naiibang
Kasarian (1-10) na makikita sa assessment folder. Suriin ang bawat grupo ng mga pangngalan ayon sa
kasarian nito. Pindutin ang pangngalang naiiba ang kasarian.

Task 3
Sagutin ang Pagsasanay 3: Pagbibigay ng Kasalungat na Kasarian ng Pangngalan (1-5). Basahin ang mga
salitang nakalista at isulat sa loob ng kahon ang kasalungat na kasarian nito. Gamitin sa pangungusap ang
mga sagot na salita.

TASK 4
Pagkatapos sagutin ang Pagsasanay 2 at 3 ay handa ka na para sa Seatwork #2: Pagtukoy sa Kailanan at
Kasarian ng Pangngalan. Maaaring i-download at sagutan ang WS file na nakapaloob sa folder na ito o di
kaya’y i-type diretso ang sagot. Pagkatapos sagutan ay ipasa ito sa pamamagitan ng assignment folder:
Seatwork #2: Kailanan at Kasarian ng Pangngalan (file or image upload).
 
-----------------
Huwag kalimutang bisitahin ang ating kurso sa Schoology accounts ninyo para sa Updates at mga
Anunsyo. Maaari po ninyo akong masulatan sa daguileric@gmail.com o di kaya ay sa mga numero ng
aking telepono (09266527618) at sa messaging feature sa schoology. Susubukan ko pong masagot ang
mga tanong ninyo sa abot ng aking makakaya. Maraming salamat po sa pag-unawa. 

Manatiling ligtas at malusog. Pagpalain nawa kayo ng Maykapal.

-Sir Eric

Pagsasanay 2: Pagtukoy sa Naiibang Kasarian

Panuto: Basahin ang bawat pangkat ng pangngalan. Suriin kung alin sa mga pangngalan sa bawat
pangkat ang naiiba ang kasarian. Pindutin lamang ang salita ng inyong sagot.

(uploaded as assessment- highlighting text)


1. tiyo, tiya, amain, kuya
2. modista, tindera, sastre, ale
3. hipag, bayaw, binibini, biyuda
4. bakuran, prutas, gulay, manok
5. biyenan, manugang, pinsan, ate
6. datu, kapitan, lakambini, hari
7. manong, diko, ingkong, impo
8. dalubhasa, siyentipiko, propesor, manunulat
9. barangay, ospital, komunidad, manggagawa
10. senador, piloto, mambabatas, kalihim

Pagsasanay 3: Pagtukoy sa Kasalungat na Kasarian

Ibigay ang kasalungat na kasarian ng sumusunod na mga pangngalan. Gamitin ang mga ito sa
pangungusap. (Use your answer to create a sentence)

1. binibini-
_____________________________________________________________________________
2. konde-
_____________________________________________________________________________
3. hari-
_____________________________________________________________________________
4. ale-
_____________________________________________________________________________
5. pari-
_____________________________________________________________________________

You might also like