You are on page 1of 25

WIKANG

PAMBANSA
WIKANG PAMBANSA
Isang wikang magiging daan ng
pagkakaisa at pag-unlad bilang
simbolo ng kaunlaran ng isang bansa.
Kinikilala rin itong pangkalahatang
midyum ng komunikasyon sa
isang bansa.
WIKANG PAMBANSA
Sinasabing wikang pinagtibay ng
pambansang pamahalaan ang wikang
pambansa na ginagamit sa
pamamahala at pakikipag-ugnayan sa
mamamayang kaniyang sakop.
Artikulo XIII, Seksiyon 3 ng
Saligang Batas ng 1935

ang Kongreso ay dapat gumawa ng


mga hakbang tungo sa pagkakaroon
ng isang pambansang wika na
ibabatay sa mga umiiral na
katutubong wika.
Batas Komonwelt Blg. 184

Itinatag ang Surian ng Wikang


Pambansa na may mandatong pumili
ng katutubong wikang gagamiting
batayan para sa ebolusyon at
adapsiyon ng Pambansang
Wika ng Pilipinas.
Batas Komonwelt Blg. 184
Isinasaalang-alang ang mga
katotohanang gaya ng :
(a) wikang pinakamaunlad sa
estruktura, mekaniks, at literatura, at
(b) wikang tinatanggap at ginagamit
ng pinakamaraming Pilipino.
Ano ang
TAGALOG?
Noong ika-9 ng Nobyembre 1937
pinagtibay ng Surian ang isang
resolusyon na nagrerekomenda sa
TAGALOG bilang batayan ng
pambansang wika dahil “ito ang
wikang halos tumutugon sa mga
pangangailangan ng Batas
Komonwelt Blg. 184.
Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134 na ipinatupad noong 1937

Pinagtibay ni Pang. Manuel L. Quezon


ang rekomendasyon ng Surian sa
Wikang Pambansa na gamitin ang
TAGALOG bilang batayan ng
Wikang Pambansa.
Ano ang
PILIPINO?
Kautusang Pangkagawaran Blg.
7, s. 1959

Iniatas ni Kalihim Jose E. Romero ng


Kagawaran ng Edukasyon at Kultura,
na kailanman tutukuyin ang
pambansang wika, ang salitang
PILIPINO ang gagamitin.
Ano naman ang
FILIPINO?
Saligang Batas ng 1973

nagtakda sa Batasang Pambansa ng


paggawa ng mga hakbang tungo sa
paglinang at pormal na adapsiyon ng
isang panlahat na pambansang wika
na tatawaging “Filipino”.
Ang “Filipino” ang katawagang napili
ng Kumbensiyong Konstitusyunal ng
1987 sa layuning maisakatuparan ang
pagkakaroon ng matibay na
instrumentong pagpapalaganap ng
impormasyon tungkol sa nagawa na at
ginagawa pa ng Bagong Lipunan, ang
pamahalaang itinatag ng dating
Pangulong Marcos.
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng
Saligang Batas ng 1987
Ang pambansang wika ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na mga wika
ng Pilipinas at sa iba pang
mga wika.
WIKANG
OPISYAL
Ano ang Wikang Opisyal?
Ang opisyal na wika ang wikang itinalaga
ng tiyak na institusyon para maging wika
ng opisyal na pakikipagtalastasan
o pakikipagtransaksyon dito,
halimbawa’y ang pamahalaan o
isang kompanya o isang
organisasyon.
Panahon ng Amerikano

Sa panahon ng mga Amerikano, Ingles


ang naging opisyal na wika bilang iyon
ang wika ng mga dayuhang
nagpapatakbo ng
pamahalaan.
Artikulo XIII, Seksiyon 3 ng
Saligang Batas ng 1935

Hangga’t walang ibang itinatadhana ang


batas, ang Ingles at Espanyol ay patuloy
na mga opisyal na wika.
Panahon ng Republika

Sa panahon naman ng Republika na ilang


dekada na ang inililipas sapul noong
panahon ng mga Espanyol, inalis na ang
Espanyol bilang opisyal na wika
habang nanatili ang Ingles.
Artikulo XV, Seksiyon 3 ng
Saligang Batas ng 1973
Hanggang walang itinatadhana ang batas,
ang Ingles at Pilipino ay magpapatuloy na
mga opisyal na wika.
Artikulo XIV, Seksiyon 7 ng
Saligang Batas ng 1987

Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at


pagtuturo, ang mga opisyal na wika ng
Pilipinas ay Filipino at hanggan’t walang
itinatadhana ang batas, Ingles.
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng
nasabing Konstitusyon
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng
Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo
sa sitemang pang-edukasyon.

You might also like