You are on page 1of 16

Inihanda nina Bb. CHRIZL D.

FUNTANILLA
at G. RODEN P. PEDRAJAS
MGA LAYUNIN
Natutunan ng mag-aaral

1 ang kasaysayan ng
Wikang Pambansa
Napahalagahan ng mag-

2 aaral ang pagbuo ng


Wikang Pambansa
Naitala ang mahalagang

3 pangyayari sa pagkakaroon
ng Wikang Pambansa
Konstitusyon ng 1935; Artikulo XIV,
Seksyon 3

“Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at


pagpapatibay ng isang panlahat na Wikang Pambansa na nasasalig sa isa mga
wikang katutubo. Hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, ang Ingles at
Kastila ay magpapatuloy na mga wikang opisyal”
Nobyembre 13, 1936
◦ Pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Batas Komonwelt Blg. 184 na may pamagat na
“Isang Batas na Nagtatakda ng Surian ng Wikang Pambansa at Nagtatakda ng mga
Kapangyarihan at Tungkulin nito.
◦ Ang tungkulin ng institusyong ito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na
maging batayan sa pagpili ng wikang Pambansa ng Pilipinas,
◦ Si Jaime C. de Veyra ang nagging tagapangulo ng komite na magsasagawa ng pag-aaral sa
pagpili ng wikang pambansa
Enero 12, 1937
◦ Pinasinayahan ni Pangulong Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa at itinalaga ang
unang mga kagawad na kinabibilangan nina:
Jaimie C. de Veyra (Samar-Leyte) – Tagapangulo
Cecelio Lopez (Tagalog) – Kalihim at Pinunong Tagapagpaganap
Felix B. Salas Rodriguez (Hiligaynon) – Kagawad
Santiago A. Fonacier (Ilokano)- Kagawad
Casimiro F. Perfecto (Bikolano)-Kagawad
Filemon Sotto (Cebuano)- Kagawad / Isidro Abad
Hadji Butu (Muslim) – Kagawad / Lope K. Santos
Disyembre 30, 1937; Kautusang
Tagapagpaganap Blg.134
◦ Kasabay ng anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal, nilagdaan ni
Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na
nagtatakda sa Tagalog bilang saligan ng wikang pambansa
Bakit Tagalog?
◦ Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunawa ng Tagalog kumpara sa ibang wika
◦ Mas madaling matutuhan ang Tagalog kumpara sa ibang wikain sapagkat sa wikang ito,
kung ano ang bigkas ay siyang sulat
◦ Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang Maynila ang sentro ng kalakalan sa Pilipinas
◦ Ang wikang ito ay may historical na basehan sapagkat ito ang wikang ginamit sa himagsikan
ni Andres Bonifacio
◦ May mga aklat na panggramatika at diksyunaryo ang wikang Tagalog
Abril 1, 1940; Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 263
◦ Ipinahintulot ng pangulo ng Pilipinas ang paglimbag ng A Tagalog English
Vocabulary at Ang Balarila ng Wikang Pambansa
◦ Sinimulan din ang pagtuturo sa mga paaralang publiko at pribado ang wikang
Pambansa noong Hunyo 19, 1940
Agosto 13,1959; Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7
◦Ang kalihim ng Edukasyon na si Kalihim Jose E. Romero ay
nag-atas na tawagin ang wikang Pambansa ng “PILIPINO”
Konstitusyon 1973; Artikulo XV,
Seksyon 2 at 3
◦ Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad
at pormal na pagggamit ng Pambansang wikang Pilipino at hanggang hindi
binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng
Pilipinas.
Konstitusyon 1987; Artikulo XIV
◦ Sek.6. Ang wikang pambasa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samatalang nalilinang, ito ay dappat
pagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakabangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang panturo sa sistemang
pang-edukasyon
Kautusang Tagapagpaganap Blg.335
◦ Nag-atas sa lahat ng kagawaran/ahensya/instrumentality ng pamahalaan na
magsagawa ng hakbang para sa layuning magamit ang wikang Filipino sa mga
opisyal na transakyon at korespondensya
◦ Ang noo’y Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (na dating Surian ng Wikang
Pambansa) ang nagpatupad ng kautusang ito
Batas Republika Blg.7104
◦ Nalikha ang Komisyon sa Wikang Filipino noong Agosto 14,1991.
◦ Ang KWF ang ahensya ng pamahalaan na may tungkuling magsagawa, mag-ugnay
at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at
preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Pilipinas
Ang Bisyon ng KWF
◦ Na magawa ang Filipino na isang modernong wikang magagamit na mabisang
kasangkapan sa kabuuan ng pambansang pagpapaunlad
Ang Misyon ng KWF
◦ Na mabalangkas, mag-ugnay at magpatupad ng mga programa at proyekto sa
pananaliksik upang higit pang mapabilis ang pagsulong at pagbulalas ng Wikang
Filipino bilang midyum ng pangkalahatang talastasan at gayundin ng mga layuning
intelektwal
Salamat sa Pakikinig! ^_^

You might also like