You are on page 1of 20

Ang Kasaysayan

ng wika sa
panahon ng
AMERIKANO
✣ Nang sakupin ng mga Amerikano
ang Pilipinas, sa simula ay
dalawang wika ang ginamit ng mga
bagong mananakop sa mga
kautusan at proklamasyon, Ingles at
Espanyol.
✣ Sa kalaunan, napalitan ng Ingles
ang Espanyol bilang wikang
opisyal.
2
✣ Dumami na ang natutong magbasa at
Magsulat sa wikang Ingles dahil ito
ang naging tanging wikang panturo
batay sa rekomendasyon ng
Komisyong Schurman noong Marso 4,
1899.
✣ Noong 1935 halos lahat ng kautusan,
proklamasyon at mga batas ay nasa
wikang Ingles na. (Boras-Vega 2010)
3
✣ Ngunit sa simula pa lamang ng
pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na
ng mga katipunero ang wikang Tagalog
sa mga opisyal na kasulatan.
✣ Sa Konstitusyong Probisyonal ng
Biak-na- Bato noong 1897,
itinadhanang Tagalog ang opisyal na
wika.
4
✣ Noong Marso 24, 1934, pinagtibay
ni Pangulong Franklin D.
Roosevelt ng Estados Unidos ang
Batas Tydings- McDuffie na
nagtatadhanang pagkakalooban ng
kalayaan ang Pilipinas matapos
ang sampung taong pag-iral ng
Pamahalaang Komonwelt.
5
✣ Artikulo XIV Seksyon 3 ng Konstitusyon
ng 1935
✣ Sa Saligang-Batas ng Pilipinas,
nagtadhana ng tungkol sa wikang
pambansa: “…ang Kongreso ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa
na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika.” (Pebrero 8, 1935)
6
Katutubong wika/ pangunahing wika sa
Pilipinas
✣ Cebuano
✣ Pangasinan
✣ Hiligaynon
✣ Kapampangan
✣ Samar
✣ Leyte
✣ Tagalog
✣ Bikol
✣ Ilokano
7
Oktubre 27, 1936
✣ Itinagubilin ng Pangulong Manuel Luis M.
Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea
Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng
Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-
aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas,
sa layuning makapagpaunlad at
makapagpatibay ng isang wikang panlahat
na batay sa isang wikang umiiral.
✣ Pinagtibay ng Batasang-
Pambansa ang Batas
Komonwelt Blg. 184 na
lumilikha ng isang Surian ng
Wikang Pambansa, at
itinakda ang mga
kapangyarihan at tungkulin
niyon.
9
Tungkulin ng SWP
✣ 1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na
ginagamit ng may kalahating milyong
Pilipino man lamang;
✣ 2. Paggawa ng paghahambing at pag-
aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing
dayalekto;
✣ 3. Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at
ortograpiyang Pilipino;
10
✣ 4. Pagpili ng katutubong wika na
siyang magiging batayan ng
wikang pambansa na dapat
umaayon sa (a) ang
pinakamaunlad at mayaman sa
panitikan, at (b) ang wikang
tinatanggap at ginagamit ng
pinakamaraming Pilipino.

11
✣ Enero 12, 1937 Hinirang ng
Pangulong Manuel L. Quezon
ang mga kagawad na bubuo ng
Surian ng Wikang Pambansa
alinsunod sa tadhana ng
Seksiyon 1, Batas Komonwelt
Blg. 184, sa pagkakasusog ng
Batas Komonwelt Blg. 333

12
✣ Ang mga nahirang na kagawad ay ang mga
sumusunod:
✣ Jaime C. Veyra (Visayang Samar) – Tagapangulo
✣ Cecilio Lopez (Tagalog) – Kalihim at Punong
Tagapagpaganap
✣ Santiago A. Fonacier (Ilokano) - Kagawad
✣ Filemon Sotto – (Visayang Cebu) - Kagawad
✣ Felix S. Rodriquez (Visayang Hiligaynon) –
Kagawad

13
✣ Casamiro F. Perfecto (Bikol) –
Kagawad Hadji Butu (Muslim),
Kagawad
✣ Mga Kagawad
✣ Lope k. Santos (Tagalog)
✣ Jose I. Zulueta (Pangasinan)
✣ Zoilo Hilario (Kapampangan)
✣ Isidro Abad ( Visayang Cebu)

14
Nobyembre 9, 1937
✣ Bunga ng ginawang pag-aaral, at alinsunod sa
tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184, ang Surian
ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang
resolusyon na roo’y ipinahahayag na ang Tagalog
ang “siyang halos na lubos na nakatutugon sa
mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184”,
kaya’t itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas
na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang
pambansa.
15
Disyembre 30, 1937-
✣ Inilabas ng Pangulong Quezon ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa
Tagalog.

16
✣ Tagalog ang ginawang saligan ng Wikang
Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa
maraming wikain sa bansa. Sa madaling
salita’y hindi magiging mahirap ang
Tagalog sa mga di- Tagalog dahil kahawig
ito ng lahat ng wika ng Pilipino sa
ganitong ayos:

17
✣ 59.6% sa Kapampangan
✣ 48.2% sa Cebuano
✣ 46.6% sa Hiligaynon
✣ 49.5% sa Bikol
✣ 31.3% sa Ilokano

✣ 9 to 10 libong salitang magkakatulad at


magkakahawig sa bigkas, baybay at
kahulugan sa pangunahing wika natin

18
✣ Noong Abril 1, 1940
- Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 263. Ipinag-uutos nito ang:
✣ 1. pagpapalimbag ng A Tagalog-English
Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika
na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang
Pambansa; at
✣ 2. pagtuturo ng Wikang Pambansa
simula Hunyo 19, 1940 sa mga
Paaralang Publiko at Pribado sa buong
kapuluan. 19
Maraming
Salamat !!!!

You might also like