You are on page 1of 8

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Panahon ng kastila
ESPANYOL
• Ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo
Panahon ng amerikano
• Nang sakupin ng nga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginagamit ng mga bagong
mananakop sa ma kautusan at proklamasyon
INGLES at ESPANYOL
• Kalaunan, napalitan ng INGLES ang Espanyol bilang wikang opisyal.
Marso 4, 1899
• Dumami na ang natutong magabasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang nagging tanging wikang
panturo batay sa rekomendasyon ng KOMISYONG SCHURMAN.
Komisyong schurman
• Unang Komisyon ng Pilipinas na itinatag ni US President William McKinley.
NOONG 1897
• Sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa Kalayaan, ginamit na ng mga katipunero ang wikang Tagalog sa
mga opisyal na kasulutan.
BIAK-NA-BATO
• Itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika.
Marso 24, 1934
• Pinagtibay ni Pangulong FRANKLIN D. ROOSEVELT ng Estados Unidos ang Batas Tydings-McDuffie na
nagtatadhanang pagkakalooban ng Kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng
Pamahalaang Komonwelt.
Artikulo xiv Seksyon 3 ng konstitusyon ng 1935
Pebrero 8, 1935
• Sa Saligang-Batas ng Pilipinas, nagtatadhana ng tungkol sa wikang Pambansa:
• “…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”
Katutubong wika/pangunahing wika sa pilipinas:
1. Cebuano
2. Hiligaynon
3. Samar-Leyte
4. Bikol
5. Ilokano
6. Pangasenense
7. Kapampangan
8. Tagalog
Oktubre 27, 1936
• Itinagubilin ng Pangulong Manuel Louis M. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang
paglikhan ng Surian ng Wikang Pambansa.
Surian ng wikang Pambansa
• Gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at
makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.
Nobyembre 13, 1936
• Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184.
Batas komonwelt blg. 184
• Lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa, at itinakda ang mga kapangyarihan niyon.
Tungkulin ng SWP:
 Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man lamang;
 Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto;
 Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at ortograpiyang Pilipino;
 Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang Pambansa na dapat umaayon sa
a. Ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan
b. Ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino
Enero 12, 1937
• Hinirang ng Pangulong Manuel Quezon ang mga kagawad na bubuo ng SWP alinsunod sa tadhana ng
Seksiyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 333
Ang mga nahirang na kagawad ay ang mga sumusunod:
1. Jaime C. Veyra (Visayang Samar) – Tagapangulo
2. Cecilio Lopez (Tagalog) – Kalihim at Punong Tagapagpaganap
3. Santiago A. Fonacier (Ilokano) – Tagapangulo
Mga Kagawad
4. Filemon Sotto (Visayang Cebu)
5. Felix S. Rodriguez (Visayang Hiligaynon)
6. Casamiro F. Perfecto (Bikol)
7. Hadji Butu (Muslim)
8. Lope K. Santos (Tagalog)
9. Jjose I. Zulueta (Pangasinan)
10. Zoilo Hilario (Kapampangan)
11. Isidro Abad (Visayang Cebu)
Nobyembre 9, 1937
• Bunga ng ginawang pag-aaral, at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184, ang SWP ay nagpatibay
ng isang resolusyon na roo’y ipinahahayag na ang Tagalog ang “siyang halos na lubos na nakatutugon sa mga
hinihingi ng Batas Komonwealth Blg. 184”, kaya’t itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay
pagtibayin bilang saligang wikang Pambansa.
Disyembre 30, 1937
• Alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184, sa pamamagitan ng kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
ay ipinahayag ni Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na batay sa Tagalog.
TAGALOG ang ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa maraming wikain sa
bansa. Sa madaling salita’y hindi magiging mahirap ang Tagalog sa mga hindi Tagalog dahil kahawig ito ng lahat
ng wika ng Pilipino sa ganitong ayos:

 59.6 % sa Kapampangan
 48.2% sa Cebuano
 46.6% sa Hiligaynon
 39.5% sa Bikol
 31.1% sa Ilokano
Abril 1, 1940
• Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Ipag-utos nito ang:
1. Pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa.
2. Mula Hunyo 19, 1940 ay pasisimulan nang ituro ang Pilipino sa lahat ng paaralang bayan at pribado sa
buong bansa.
Abril 12, 1940
• Pinalabas ng kalihim Jorge Bocobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang kautusang pangkagawaran.
Abril 12, 1940
• Sinundan ng isang sirkular (Blg. 26 serye 1940) ng Patnugot ng Edukasyon Celedonio Salvador.
Sirkular (Blg. 26 serye 1940)
• Ang pagtuturo ng wikang Pambansa ay sinimulan muna sa mataas na paaralan at mga paaralang normal.
Hunyo 7, 1940
• Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570
Batas Komonwelt Blg. 570
• Nagtatadhana bukod sa iba pa, na ang Pilipino ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula
sa Hulyo 4, 1946.
Marso 26, 1954
• Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang Proklama Blg. 12
Proklama Blg. 12
• Nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 – Abril 4 taon-taon sag-
ayon sa tagubilin ng SWP.
• Napapaloob sa panahong saklaw ng pagdiriwang ang araw ni Balagtas (Abril 2).
Setyembre 23, 1955
• Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na nasusog sa Proklama Blg. 12 serye
1954.
Proklama Blg. 186
• Sa pamamagitan nito’y inilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon
simula Agosto 13 – 19.
Agosto 13, 1959
• Pinalabas ng Kalihim Jose E. Rombero ng Kagawaran ng edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
• Nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ay siyang gagamitin.
OKTUBRE 24, 1967
• Naglagda ang Pangulong Ferdinand E. Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
• Nagtatadhanang ang lahat ng gusali; edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
• Nagtatadhanang ang lahat ng gusali; edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
Marso 27, 1968
• Pinalabas ng kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang memorandum Sirkular Blg. 172
memorandum Sirkular Blg. 172
• Nagbibigay-diin sa pagpapairal ng kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 at bilang karagdagan ay iniaatas din na
ang mga letterhead ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa
Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles.
• Iniaatas din na ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa
Pilipino gagawin.
Agosto 5, 1968
• Ipinalabas ng kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 199
Memorandum Sirkular Blg. 199
• Nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos
ng SWP sa lahat ng purok pangWika.
Agosto 6, 1968
• Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187
• Nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang
wikag Pilipino hanggat maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa.
• Pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transakyon ng pamahalaan.

Ang pagpapatuloy

Agosto 7, 1969

• Memorandum Sirkular Blg. 277 na pinalabas ng kalihim Tagapagpaganap Ernesto M. Maceda na bumago sa
Memorandum Sirkular Blg. 199

Memorandum Sirkular Blg. 277

• Nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos
ng SWP sa lahat ng purok pangwika hanggang sa ang lahat ng pook ay masaklaw ng kilusang pangkapuluan
na nagpapalaganap ng Wikang Pambansa.

Agosto 17, 1970

• Pinalabas ng kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg. 384
Memorandum Sirkular Blg. 384

• Nagtalaga ng may kakayahang tauhan upang mamahala ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng


departamento, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong
ari o kontrolado ng pamahalaan.

MARSO 4, 1971

• Pinalabas ng kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg. 443

Memorandum Sirkular Blg. 443

• Hinihiling sa lahat ng tanggapang pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa alaala sa ika-183 anibersaryo


ng kapanganakan ni Francisco (Balagtas) Baltazar sa Abril 2, 1971

MARSO 16, 1971

• Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 304

kautusang Tagapagpaganap Blg. 304

• Nagpapanauli sa SWP at nililiwanag ang kapangyarihan at tungkulin.

Ang mga kagawad ng SWP ay kakatawan sa sumusunod na mga pangunahing pangkat lingguwistiks:

 Bikol
 Sebuano
 Mga wika ng minoryang Kultural
 Hiligaynon
 Ilokano
 Kapampangan
 Pangasinense
 Samar-Leyte
 Tagalog

BUBUUIN NG sumusunod:

Tagapangulo

Direktor Ponciano B.P. Pineda (Tagalog)

Kalihim at Pinunong Tagapagpaganap

Pangalawang Director Fe Aldave-Yap

Mga Kagawad

 Dr. Lino A. Arquiza (Cebuano)


 Dr. Nelia Guanco Casambre (Hiligaynon)
 Dr. Lorenzo G. Cesar (Samar-Leyte)
 Dr. Clodualdo H. Leocadio (Bikol)
 Dr. Juan L. Manuel (Pangasinan)
 Dr. Alejandro Q. Perez (Pampango)
 Dr. Mauyag M. Tamano (Tausog)
Ang SWP ay magkakaroon ng sumusunod na kapangyarihan, tungkulin at Gawain

 Maghayag ng kinakailangang panuntunan at mga alituntunin na alinsunod sa mga pamantayang umiiral at


tumutugon sa mga pinakabagong kaunlaran sa agham ng lingguwistika tungo sa pagpapalawak at
pagpapalakas ng wikang Pambansa.

 Ialinsabay sa panahon ang gramatika ng wikang Pambansa.


 Magpanukala ng diksyonaryo, tesauro, ensayklopidya o ano mang kasangkapang lingguwistiko ayon sa mga
pinakabagong leksikograpiya, pilosopiya at pagkatha ng ensayklopidya.

 Magpanukala at maghayag ng mga patakarang pangwika na naaangkop sa progresibong pagpapaunlad na


edukasyonal, kultural, sosyal at ekonomikal ng bansa.

 Pag-aralan at pagpasyahan ang mga pangunahing isyung may kinalaman sa wikang Pambansa.

 magpanukala ng mga patakarang naglalayon ng maramihang produksyon ng mga aklat, pamphlet at katulad
ding babasahin sa wikang Pambansa sa uri ng pagsasalin at obrang orihinal.

 Isagawa ang iba pang kaugnay na Gawain.

Hulyo 29, 1971

• Memorandum Sirkular Blg. 488

Memorandum Sirkular Blg. 488

• humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng


Wikang Pambansa. Agosto 13-19

Disyembre 1, 1972

• Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand E. Marcos ang kautusang Panlahat Blg. 17

kautusang Panlahat Blg. 17

• ang panukalang Saligang-Batas ng 1972 ay limbagin sa Pilipino at Ingles sa Official Gazette at mga
pahayagang may malawak na sirkulasyon bago idaos ang plebisito para sa ratipikasyon ng saligang-Batas sa
Enero 15, 1973.

Disyembre 1972

• Atas ng Pangulo Blg. 73

Atas ng Pangulo Blg. 73

• pinalabas ng Pangulong Marcos na nag-aatas sa SWP na ang Saligang-Batas ay isalin sa wikang sinasalita ng
may limampung libong (50,000) mamamayan, alinsunod sa probisyon ng Saligang-Batas. (Art. XV, Sec. 3 [1])

Hunyo 9, 1974

• Nilagdaan ni kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at kultura ang kautusang Pangkagawaran Blg. 25

kautusang Pangkagawaran Blg. 25

• nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyon bilinggwal sa mga paaralan na


nagsisimula sa taong-aralan 1974-1975.

Oktubre 22, 1974

• pinalabas ng nanunungkulang kalihim Tagapagpaganap Roberto V. Reyes ang pahintulot sa SWP

ANG PAHINTULOT SA SWP AY

• makapagdaos ng mga palingkurang pagsasanay, seminar, gawaing kapulungan at iba pang kauring gawain
tungkol sa bilinggwalismo para sa mga pinuno’t tauhan ng lahat ng tanggapang pampamahalaan, sa lahat ng
guro, propesor, pinuno’t tagapangasiwa ng mga paaralan.

Hulyo 21, 1978

• Nilagdaan ng kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at kultura ang kautusan Blg. 22, 1978

kautusan Blg. 22, 1978


• bilang karagdagan sa kautusang Pangkagawarang Blg. 25, na nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi na ng
kurikulum na pangkolehiyo.

kautusan Blg. 22, 1978

• simula sa unang semester ng taong 1979-1980, ituturo ang anim na yunit ng Filipino sa kolehiyo

• Filipino I (3 yunit) Sining ng Pakikipagtalastasan (Communication Arts)

• Filipino II (3 yunit) Panitikang Pilipino; Pahapyaw na Kasaysayan at mga Piling Katha (Surveys and Readings
of Literature in Filipino)

Sek. 9 artikulo xiv ng saligang-batas

Itatatag ng konggreso ang isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinakatawan ng iba’t
ibang rehiyon at larangan ng karunungan na magsasagawa, makikipag-ugnayan at magtataguyod ng mga
pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika, para mapaunlad, mapalaganap at mapangalagaan ang mga wikang ito.

1987

• pinalabas ng kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang


Kautusan Blg. 52

Kautusan Blg. 52

• nag-uutos ng paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng
Ingles na nakatakda sa patakaran ng edukasyong bilinggwal.

1987

• sa rekomendasyon ng Linangan ng Wika sa Pilipinas (ang dating SWP), nilagdaan ng kalihim Lourdes R.
Quisimbing ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang kautusang Pangkagawaran Blg. 81

kautusang Pangkagawaran Blg. 81

• nagtatakda ng bagong alpabeto at patnubay sa pagbabaybay ng wikang Filipino.

Agosto 25, 1988

• nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang kautusang tagapagpaganap Blg. 335

kautusang tagapagpaganap Blg. 335

• nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, ahensiya at kaparaanan ng pamahalaan na


gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon,
komunikasyon at korespondensiya.

Setyembre 9 1988

• Pinalabas ng kalihim Lourdes R. Quisimbing ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang kautusang


Pangkagawaran Blg. 84

kautusang Pangkagawaran Blg. 84

• nag-aatas sa lahat ng opisyal ng DECS Na isakatuparan ang kautusang tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos
na gamitin ang Filipino sa lahat ng komunikasyon at transaksiyon ng pamahalaan.

Marso 19 1990

• Pinalabas ng kalihim Isidro Carino Edukasyon, Kultura at Palakasan ang kautusang Pangkagawaran Blg. 21

kautusang Pangkagawaran Blg. 21

• nagtatagubilin na gamitin ang wikang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas at


sa bayan natin.
Mga Dahilan Kung Bakit sa Tagalog Ibinatay ang Wikang Pambansa

1. Ito ang wikang ginagamit sa punong-lungsod ng Pilipinas, ang Maynila at siyang Lingua Franca ng buong bansa.

2. Ito ay may pinakamayamang talasalitaan. Ang Tagalog ay binubuo ng 30,000 salitang-ugat at 700 panlapi.

3. May pinakamaunlad na panitikan sa lahat ng katutubong wika sa Pilipinas.

4. Ito ang wikang ginagamit ng nakararami.

5. Madaling pag-aralan, matutuhan at bigkasin.

6. Ito ay kahalintulad ng maraming wikang local o diyalekto tulad ng Kapampangan, Cebuano, Hiligaynon, Bikol, atbp.

You might also like