You are on page 1of 3

Estrella, Gesmyn Elyzza R.

FILIP01
BSIT 501

MGA BATAS PANGWIKA


Artkulo XIV, Pangkat 3 ng Saligang Batas ng 1935
ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na
ibabatay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.

Batas ng Komonwelth Blg. 184 (136)


Opisyal na paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre 1936.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)


Ipinahayag na ang Tagalog ay siyang magiging batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (1940)


Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag at paglalathala ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa
Wikang Pambansa at itinagubilin din ang pagpapaturo ng wikang pambansa sa mga paaralan, pambayan
man o pribado.

Batas Komonwelth Blg. 570 (1946)


Pinagtibay na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa
Hulyo 4, 1946.

Proklamasyon Blg. 12 (1954)


Nilagdaan ng Pang. Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa
ay magaganap mula sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay-kahalagahan sa
kaarawan ni Balagtas (Abril 2).

Proklamasyon Blg. 186 (1955)


Nilagdaan ni Pang. Magsaysay nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang
19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni Pang. Quezon (Agosto 19).

Memorandum Sirkular 21 (1956)


Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan na nag-uutos na
ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959


Nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng noong Agosto 13, 1959 na
nagsasaad na kailanmat tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang gagamitin

Kautusang Pangkagawaran Blg. 24, s. 1962


Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na simula sa taong-aralan 1963-1964, ang mga
sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag sa wikang Filipino.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60, s. 1963


Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik
nitong Filipino.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, s. 1967


Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos at nagtatadhana na nag lahat ng edipisyo, gusali at
tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino.
Memorandum Sirkular Blg. 199 (1969)
Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang
sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino hanggat maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa.

Memorandum Sirkular Blg. 488 (1972)


Humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika

Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974


Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang
edukasyong bilinggwal.

Kautusang Pangkagawaran Blg 22, s. 1987


Paggamit ng Filipino sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas.

Artikulo XV, Seksyon 2 at 3, Saligang Batas ng 1973


Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
paggamit ng pambansang wikang Pilipino at hanggat hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino
ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas

Kautusang Pangministri Blg. 22 (1978)


Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang na nag-uutos na isama ang Pilipino sa
lahat ng kurikulum na pandalubhasang antas.

Artikulo XIV, Saligang Batas ng 1987


Sek. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Pilipino. Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles. Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Espanyol. Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang
komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng ibat ibang mga rehiyon at mga
disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga
wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.

Kautusang Blg. 52 (1987)


Pinalabas ng Kalihim Lourdes Quisumbing na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa
lahat ng antas sa mga paaralan.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990)


Nagtagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas at sa
bayan natin.

CHED Memorandum Blg. 59 (1996)


Nagtatadhana ng siyam na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at
nagbabago sa deskripsiyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan),
Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Ibat Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika).

Proklamasyon Blg. 1041 (1997)


Nilagdaan niPangulong Fidel Ramos na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging
Buwan ng Wikang Filipino at nagtagubilin sa ibat ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga
paaralan na magsagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.

2001
Tungo sa mabilis na estandardisasyon at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon
ng Wikang Filipino ang 2001
Limang Isyung Pangwika

You might also like