You are on page 1of 3

Mga Batas at Kautusan na may Kinalaman sa Wikang Pambansa

 Artkulo XIV, Pangkat 3 ng Saligang Batas ng 1935

“… ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang

pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.”

 Batas ng Komonwelth Blg. 184 (136)

Opisyal na paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre 1936.

 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)

Ipinahayag na ang Tagalog ay siyang magiging batayan ng wikang pambansa ng

Pilipinas.

 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (1940)

Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag at paglalathala ng Talatinigang Tagalog-Ingles

at Balarila sa Wikang Pambansa at itinagubilin din ang pagpapaturo ng wikang pambansa

sa mga paaralan, pambayan man o pribado.

 Batas Komonwelth Blg. 570 (1946)

Pinagtibay na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng

Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1946.

 Proklamasyon Blg. 12 (1954)

Nilagdaan ng Pang. Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng

Wikang Pambansa ay magaganap mula sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril

bilang pagbibigay-kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2).

 Proklamasyon Blg. 186 (1955)

Nilagdaan ni Pang. Magsaysay nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula

ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni Pang.

Quezon (Agosto 19).

 Memorandum Sirkular 21 (1956)

Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan na

nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan.

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959


Nilagdaan ni i Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng noong Agosto

13, 1959 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang

Pilipino ang gagamitin.

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 24, s. 1962

Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na simula sa taong-aralan 1963-

1964, ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag sa wikang Pilipino.

 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60, s. 1963

Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang

Awit sa titik nitong Pilipino.

 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, s. 1967

Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos at nagtatadhana na ang lahat ng edipisyo,

gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino.

 Memorandum Sirkular Blg. 199 (1969)

Nilagdaan g Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan,

tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino hangga’t

maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa.

 Memorandum Sirkular Blg. 488 (1972)

Humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974

Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad

ng patakarang edukasyong bilinggwal.

 Kautusang Pangkagawaran Blg 22, s. 1987

Paggamit ng “Filipino” sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas.

 Artikulo XV, Seksyon 2 at 3, Saligang Batas ng 1973

“Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at

pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino at hangga’t hindi binabago ang

batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas”

 Kautusang Pangministri Blg. 22 (1978)

Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang na nag-uutos na isama


ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang antas

 Kautusang Blg. 52 (1987)

Pinalabas ng Kalihim Lourdes Quisumbing na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang

wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan.

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990)

Nagtagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa

Saligang Batas at sa bayan natin.

 CHED Memorandum Blg. 59 (1996)

Nagtatadhana ng siyam na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang

edukasyon at nagbabago sa deskripsiyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining

ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at

Filipino 3 (Retorika).

 Proklamasyon Blg. 1041 (1997)

Nilagdaan niPangulong Fidel Ramos na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taun-taon ay

magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng

pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang

pagdiriwang.

 2001

Tungo sa mabilis na estandardisasyon at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino,

ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino ang 2001 Revisyon ng Ortograpiyang

Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

You might also like