10 KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA PAMAMAGITAN NG BATAS
PANGWIKA 1. Ayon sa Konstitusyon noong 1935, isinasaad sa Artikulo XIV, Sek.3 Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibayngisang Wikang Pambansa batay sa isasa mga umiiral na katutubong Wika. lyon ang unang hakbang tungo sa pagkakaroon natin ng Wikang Pambansa. 2. Batas Komonwelt Blg.184(1936) Lumikha ng isang lupon at itinakda ang mga kapangyarihan nito sa pagpili ng isang katutubong wika na siyang pagbabatayan ng Wikang Pambansa. Ipinatupad ng Batas Komonwelt Blg. 184 ang pagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa na siyang mangangasiwa na pag-aralan ang wikain sa Pilipinas at napili ang Tagalog para gawing Wikang Pambansa, dahil ito ang pinakamalaganap sa buong kapuluan. Ang mga naging kasapi ng Surian ng Wikang Pambansa ay sina: Jaime C. de Veyra (Hiligaynon), Santiago Fonacier (Ilocano), Casimiro Perfecto (Bicol), Felix S. Rodriguez (Tagalog), Hadji Butu (Maranao- Maguindanao), Isidro Abad (Cebuano), Zoilo Hilario (Pampanga), Jose Zulueta (Pangasinan), Lope K. Santos(Tagalog). 3. Kautusang Tagapagpaganap Blg.134(1937) Ipinahayag na ang Tagalog ang siyang magiging batayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Nilagdaan ni Pangulong Manuel L. Quezon noong Disyembre 30, 1937 na nagsasaaad na Tagalog ang kikilalaning Wikang Pambansa. Kaya siya'y itinuturing na “Ama ng Wikang Pambansa." Tagalog ang ginawang batayanng Wikang Pambansa sapagkatito'y nahahawig sa maraming wikain sa bansa. Bukod sa pagkakahawig sa maraming wikain sa Pilipinas, ang Tagalog na siyang batayan ng Wikang Pambansa ay nagtataglay ng humugit-kumulang na 5,000 salitang hiram sa Kastila, 1,500 sa Ingles, 1,500 sa Intsik, at 3,000 sa Malay. (Rolando A. Bernales, Komunikasyon sa Modernong Panahon,2011,p.62) 4. Kautusang Tagapagpaganap Blg.263(1940) Nagbigay ng pahintulot sa pagpapalimbag ng· isang Diksyunaryo at isang Gramatika o Balarila ng Wikang Pambansa, at itinakdang mula sa Hunyo 19,1940, ay pasimulan nang ituro ang Wikang Pambansa ng Pilpinas sa lahatng paaralang-bayan at pribado sa buong bansa. Inatasan din ang Kalihim ng Pagtuturong Pambayan na maglagda kalakip ang pagpapatibay ng pangulo ng Pilipinas, ng mga kinakailangang tuntunin at patakaran sa pagpapaunlad sa kautusang ito. 5. Batas Komonwelt Blg.570(1946) Pinagtibay na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay maging isa sa mga opisyal na wika ng bansa 6. Proklama Blg.12(1954) Nilagdaan ng Pangulong Magsaysay ang batas na nagpapahayagng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, mula Marso 29,hanggang Abril 4 ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa. 7. Proklama Blg.12(1955) Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang batas na nagsusulong hinggil sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika. 8. Proklama Blg.186(1959) Nilagdaan ng Pangulong Magsaysay at sinusugan ang proklama Blg. 12 (1954). Itinakda ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula ika-13 ng Agosto hanggang 19. 9. Kautusang Pangkagawaran Blg.7(1959) Nilagdaan ni Kalihim Jose Romero at itinagubilin na kailanman at tinukoyang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang itatawag. 10.Kautusang Pangkagawaran Blg.24(1962) Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at iniutos na simula sa Taong Aralan "63-64", ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag sa Wikang Pilipino. 11. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 (1963) Nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang pag-uutos na awitin ang Pambansang Awit ng Pilipinas sa titik nitong Pilipino.
12. Kautusang Tagapagpaganap Blg.96(1967)
Nilagdaan ng Pangulong Marcos at itinadhana na ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan at pamahalaan at pangngalan sa Pilipino. 13. Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968) Nilagdaan ni Kalihim Rafael Salas at ipinag-utos na ang mga letterheads ng mga tanggapan at pamahalaan ay isulat sa Pilipino. 14.Memorandum Sirkular Blg. 187 (1969) Itagubilin ang pagbuo ng seminar sa Pilipino ng mga kawani ng pamahalaan. Ang seminar ay idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa iba't ibang pook panlingwistika ng kapuluan. 15.Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1969) Nilagdaan ng Pangulong Marcos at inutos sa lahat ng kagawaran, kawanian, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga't maaari sa lahat ng opisyal na transaksyon at komunikasyon ng pamahalaan. 16. Memorandum Sirkular Blg,384(1970) Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang pagtatalaga ng may kakayahang, tauhan upang, mamahala sa lahat ng komunikasyon sa Filipino sa lahat ng kagawaran,kawanihan,tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan 17. Kautusang Tagapagpalaganap Blg.304 Nilagdaan ng, Pangulong, Marcos ang pagpapanauli sa dating,kayarian ng Surian ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang, mga kapangyarihan at tungkulin nito. 18. Artikulo XV, Seksyon 3(1973) Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa ng hakbang sa pagpapaunlad at pormal na adapsyon ng panlahat ng; Wikang Pambansa at nililiwanag, ang mga kapangyarihan at tungkulin nito. Batas Blg. 73 (1974) Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-atas sa Surian ng Wikang P'ambansa na isalin ang Saligang Batas sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong mamamayan alin sunod sa probisyon ng Saligang Batas Artikulo XV, Seksyon 3. 19. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974) Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ang pagpapatupad sa patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan. Noong Hulyo 21, 1978, ipinatupad din niya ang Kautusang Pangministri, na isama ang Filipino sa lahat ng kurikulum ng pandalubhasaang antas. Magsimula sa unang semester ng taong 1979-1980, ang lahat ng edukasyong institusyon ay magbubukas ng anim (6) na yunit sa Pilipino sa kanilang programang aralin sa lahat ng kurso, maliban sa mga kursong pagtuturo, ay labindalawang (12) yunit. 20. Artikulo XIV, Seksyon 6 - 9 (1987) Sek.6-ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang, nililinang na ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa na salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa nakatadhana ng batas at sangayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng wikang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Sek. 7-ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon. Sek.8-ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles; at dapat isalin sa mga pangunahing wikang pangrehiyon, Arabic at Kastila. Sek. 9 - dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang P'ambansa na binubuo ng mga kinatawan sa iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mg-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili. 21.Kautusan Blg.52(1987) Pinalabas ni Kalihim Lourdes Quisimbing ang pag-uutos sa Wikang Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa paaralan kaalinsabay ng Ingles. Tungkulin ng patakarang Edukasyong Bilinggwal na pahusayin ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika (Filipino at Ingles), upang matamo ang mataas na uri ng edukasyon gaya ng hinihingi ng Konstitusyong 1987. Palaganapin ang Filipino bilang wika ng leterasi; paglinang at pagpapayabong ng Filipino bilang linggwistikong sagisag ng pambansang pagkaka-isa at pagkakakilanlan at patuloy na intelektwalisasyon ng wikang Filipino. Sa isang banda, panatilihing wikang internasyunal para sa Pilipino ang Ingles at di bilang eksklusibong wika ng agham a teknolohiya. CHED Memorandum Blg. 59 - nagtatadhana ng siyam (9) na unit na pangangailangan sa Filipino ng pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa diskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulal sa Iba't Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika). 22.Proklama Blg.1041(1997) Iniutos ni Kalihim Isidro Carino na gamitin ang Wikang Filipino sa pagbibigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas at sa bayan natin. Matapos ang rebulosyong EDSA 1, tuluyan nang natiyak ng Kostitusyon/ Saligang Batas ng 1987 (Artikulo XIV, Seksyon 6-9), ang kasalukuyang ngalan ng pambansang wika ng Pilipinas, ang Filipino. Noong Hulyo 15,1997,nilagdaan ni Pangulong Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041 na ilipat ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Sa halip na lingo, ginawang isang buong buwan ng Agosto ang pagdiriwang ng Wikang Pambansa. Nilagdaan ng dating Kalihim Isagani Cruz ng Kagawaran ng Edukasyon Kultura at Isports, ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 45 noong 2001 na mas kilala na Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 104 s. 2009, ay nilagdaan ni Kalihim Jesli Wikang Filipino. A. Lapus ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalaman ng Gabay sa Ortograpia ng Wikang Filipino.