You are on page 1of 22

SAYSAYAN NG WIKANG PAMBAN

GROUP 3 BARBIELAT
MGA
LAYUNIN:
> Natukoy ang mga
pinagdaanang pangyayari o
ganapang tungo sa pagkabuo
at pag unlad ng wikang
pambansa.
> Nakapag bibigay ng opinyon
o pananaw kaugnay ng mga
napakinggan o nabasang
pagtatalakay sa wikang
pambansa.
PANAHON NG KASTILA:
Ipinagutos ng haring espanya na turuan ang mga
Katutubo ng wikang kastila. Ngunit hindi nila
nasunod ang pag-utos ng hari sa tatlong dahilan:
1. Ayaw nilang mahigitan ang kanilang
talino ng mga katutubo.
2. Natatakot silang baka maghimagsik
ang mga katutubo laban sa kanila.
3. Nangangamba baka magsumbong
sa hari ng espanya ang mga katutubo
tungkol sa kabalbalang ginawa ng
mga Kastila sa Pilipinas.
PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO:
Sa panahong ito ay namulat ang isipan at damdamin
makabayan ng mga Pilipino.
Dito naitatag ang “Kartilya ng Katipunan” na
nakasulat sa wikang Tagalog.
Sa panahong ito ay maraming naisulat na mga
akdang pampanitikan na syang nagpapagising sa
damdaming makabayan at sumibol ang nationalismong
Pilipino.
Sa pamamagitan ng biyak na bato (1897),
nakasaad na ang wikang tagalog ang siyang magiging
wikang opisyal ng Pilipinas.
PANAHON NG AMERIKANO
 May pagbabagong naganap pagdating
ng mga Americano sa bansa.
Kabaligtaran ang nagyari sa panahon ng
Americano. Pilit nilang pinakalimutan
sa mga katutubo ang wikang bernakular at
sapilitang ipagamit ng wikang Ingles.
Malugod naman itong tinanggap ng ating
mga ninuno sa kadahilan : ( 1 .)Uhaw
ang ating mga katutubo sa edukasyong liberal.
(2.) Mabuti ang pakikitungo ng mga
Amerikano sa mga katutubo .
Nagpatayo sila ng pitong pampublikong paaralan sa
Maynila na kung saan ang mga sundalong
Amerikano ang kanilang nagging unang guro.

MONROE EDUCATIONAL COMMISSION (1925)-


Nagsasaad na mabagal matuto ang mga batang Pilipino
kung Ingles ang gamiting wikang panturo sa paaralang
batay sa ginawang sarbey.
PANUKALANG BATAs Blg. 577(1932)-
Gamitin bilang wikang panturo sa mga paaralang
primary ang mga katutubong wika mula taong
panuruan 1932-1933.
PANAHONG PAGSASARILI
SALIGANG BATAS NG 1935,
ARTIKULO Blg. XIV, SEKSYON 3-
Nagsasabing ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa
pagpapatibay at pagpapaunlad ng isang wikang pambansa
na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika sa
kapuluan.
PAGTIBAYIN ANG BATAS
KOMONWELT Blg. 184(1936).
Itinatag ng katanggapan ng surian ng Wikang Pambansa na
binigyan ng kapangyarihan gumawa ng pag-aaral sa lahat ng mg
sinasalitang wika sa kapuluan.
Nobyembre 9, 1937- Isinumite ng mga miyembro ng
SWP kay Pangulong Quezon ang kanilang rekomendasyong
tagalog ang gagamiting batayan sa pagpili ng
wikang pambansa .
Disyembre 30, 1939- Nagkabisa ang kautusang
agapagpaganap Blg. 134 na wikang tagalog ang gawing batayan
a pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas. Ito ay ipinahayag ni
Pangulong Quezon sa pamamagitan ng broadkast sa radio mula
sa Malacañang.
Abril 1, 1940, kautusang Tagapagpaganap
Blg. 263- dito ipinalimbag ang diksyunaryong
Tagalog-Ingles at ng Balarilang ng Wikang
Pambansa upang magamit ng paaralan sa buong
kapuluan.
Hunyo 19, 1940- dito sinimulang ituro ang
pambansang wikang nakabatay sa Tagalog sa mga
paaralang pribado at pampubliko.
PANAHON NG HAPON
Sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig
at nasarado ang mga paaralan.
Pagkatapos ng digmaan ay binuksan muli ang
mga paaralan at ipinagamit ang wikang
katutubo bilang wikang panturo at pinakalimutan
ang wikang Ingles. Naging maunlad sa panitikan
ang Pilipinas .
Inalis ang kurikulum ang wikang Ingles at
sapilitang ipinaturo ang wikang
pambansa at wikang Niponggo.
Binigyang diin ang Niponggo sa mga paaralan at
Institusyon .
Nobyebre 30, 1943- Nilagdaan ni Pangulong
Jose P. Laurel ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10
na nagtakda ng ilang repormang pang-edukasyon,
isa sa mga iyon ay ang pagtuturo ng wikang
pambansa sa lahat ng publiko at pribadong paaralan
ng hayskul, kolehiyo at unibersidad.
Enero 3, 1944- Binuksan ang isang Surian ng
tagalog na tulad ng Surian ng Niponggo upang ituro
ang mga tagalog sa mga gurong di-tagalog.
Panahon ng Republika
Hulyo 4, 1946- ipinalabas ng batas
komonwelt Blg. 570 na ang wikang
pambansa ay isa ng wikang opisyal sa
pilipinas.
1946- ang wikang pambansa ay
tatawaging “Wikang Pambansang
Pilipino.”
Proklamasyon Blg. 13 noong Marso
26,1954- ay dinagdaan ni pangulong
Ramon Magsaysay ang tungkol sa
pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing
Marso 29- Abril 4.
Proklamasyon Blg.186 noong Setyembre 23,1955-na
nagsasabing inilipat ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wika sa Agosto 13-19 na kung saan itinapat ang huling araw
ng pagdiriwang sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon
na binigyang karangalan “Ama ng Wikang Pambansa”.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 7 noong Agosto 13 1959 na
nagsasabing na ang wikang pambansa ay Pilipino.
Kautusang Pangkagawaran Blg.96 (1967)- na pangalanan sa
Pilipino ang mga gusali at tanggapan ng ating pamahalaan.
Resolusyon Blg. 70 (1970) – ay nagsasabing ang wikang
pambansa ay naging wikang panturo sa antas elementarya.
Memorandum Sirkular 488, Hulyo 29, 1971. Humiling sa
lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng
palatuntunan sa pandiriwang ng lingo ng wikang pambansa
tuwing Agosto 13-19.
Resolusyon Blg. 73 (1973)
– iniluwal ang patakarang bilingguwal.
Ito ay ang paggamit ng wikang Ingles at Pilipino
bilang midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na
aralin at bilang hiwalay na asignatura sa kurikulum mula
unang baiting ng mababang paaralan hanggang
Kolehiyo sa lahat ng paaralan.
Noong 1974-75
– ay sinimulang ipatupad ang patakarang Edukasyong
Bilingguwal.
Memorandum Sirkular 77 (1977) –
pagsasanay ng mga pinuno at
awani ng mga pamahalaang local sa paggamit ng wikang Pilipino
sa mga transaksyon,komunikasyon at korespondensya.
Lumabas ang kautusang Pang-ministri
Blg. 22 (1978)-
na nag uutos ng pagkakaroon ng 6 na yunit na Pilipino sa lahat
g kurso sa tersyarya at 12 yunit sa mga kursong pang-edukasyon
Kautusang pangministri Blg. 40 (1979) –
ang mga estudyante sa medisina, dentisa , abogasya at paaralang
gradwado ay magkaroon na rin ng asignaturang Pilipino
pati na rin ang mga estudyanteng dayuhan.
Memorandum Sirkular Blg. 80-86
( Nobyembre 1980 ) –
ag-aatas sa lahat ng mga gobernador at mayor ng Pilipina
sa isa-Pilipino ang mga Sagisag-opisyal.
Kautusang Pangministri Blg. 102 –
nagtatakda ng mga Sentro sa Pagsasanay ng mga guro sa
Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa antas tersyarya.
Constitutional Commission
( Setyembre 10, 1983 ) –
nagpatibay na ang Pilipino ay gagawin bilang
Wikang Pambansa.
PANAHON NG KASALUKUYAN
Oktubre 12,1986-
pinagtibay ang implementasyon
ng paggamit ng Filipino bilang pambansang wika,
gaya ng isinasaad sa 1987 konstitusyon ng Pilipinas
( artikulo 4 seksyon 6 ). “Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay
dapat payabungin at pagyamaninpa salig sa umiiral
na wika sa Pilipinas at iba pang wika”.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117
( Enero 1987 ) –
ang dating Surian ng Wikang Pambansa ng (SWP)
y pinalitan ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP)
Kautusang Pangkagawaran Blg.84
(1988) –
ag-aatas sa lahat ng opisyal sa DECS na isakatuparan ang
kautusang tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na
gamitin ang Filipino sa lahat ng komunikasyon at
transakyon ng pamahalaan.
Marso 19, 1989 –
pinalabas ng kalihim Isidro Carino ng Edukasyon ,
kultura at Palakasan ang kautusang pangkagawaran
Blg. 21 na nagtagubilin na gamitin ang Filipino sa
pagbigkas ng panunumpa ng katapatan
sa Saligang Batas at sa bayan natin.
Batas Republika Blg. 7104
(Agosto 14,1991) –
nilikha ang komisyon Sa Wikang Filipino
(KWF) bilang alinsunod sa
Artikulo XIV, Seksyon 9 ng 1987 konstitusyon.
Hulyo 15, 1997 –
nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong
Fidel V. Ramos ang Proklamasyon
Blg. 1041 na nagpapahayag ng taunan
pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa mula Agosto 1-31 na
dating Linggo ng Wika.
Maraming
salamat
po sa
pakikinig
From: group 3 barbielat

You might also like