You are on page 1of 13

KASAYSAYAN NG

WIKANG
PAMBANSA
PANAHON NG KASTILA
 Ipinag-utos ng hari ng espanya na turuan ang mga katutubo
ng wikang kastila.Ngunit hindi nila nasunod ang utos ng hari
bagkus sila ang nag-aral sa wikang katutubo sa tatlong
dahilan:
1.Ayaw nilang mahihigitan ang kanilang talino ng mga katutubo.
2.Natatakot sila baka maghimagsik ang mga katutubo laban sa
kanila.
3.Nangangambang baka magsumbong sa hari ng Espanya ang
mga katutubo tungkol sa kabalbalang ginawa ng mga Kastila sa
Pilipinas.
PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO
 Sa panahong ito ay namulat ang isipan at damdaming
makabayan ng mga Pilipino .
•Dito naitatag ang kartilya ng Katipunan na nakasulat sa
wikang Tagalog.
•Sa panahong ito ay maraming naisulat na mga akdang
pampanitikan na siyang nagpapagising sa damdaming makabayan
at sumibol ang nasyonalismong Pilipino.
•Sa pamamagitan ng Biak na Bato (1897), nakasaad na ang
wikang Tagalog ang siyang magiging wikang opisyal ng Pilipinas.
PANAHON NG AMERIKANO
 May pagbabagong nagaganap pagdating ng mga Americano sa
bansa.
Kabaligtaran ang nangyari sa panahon ng Americano. Pilit
nilang pinakalimutan sa mga katutubo ang wikang bernakyular
at sapilitang ipagamit ang wikang Ingles.
Malugod naman itong tinanggap ng ating mga ninuno sa
kadahilanang :
(1.)Uhaw ang ating mga katutubo sa edukasyong liberal.
(2.) Mabuti ang pakikitungo ng mga amerikano sa mga
katutubo.
 Nagpatayo sila ng pitong pampublikong paaralan sa
Maynila na kung saan ang mga sundalong Amerikano
ang kanilang unang naging guro.
 Monroe Educational Commission (1925)
-Nagsasaad na mabagal matuto ang mga batang Pilipino
kung Ingles ang gamiting wikang panturo sa paaralan
batay sa ginawang sarbey.
 Panukalang Batas Blg. 577 (1932)
- gamitin bilang wikang panturo sa mga paaralang
primary ang mga katutubong wika mula taong panuruan
1932-1933.
PANAHON NG HAPON
Sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig at nasarado ang
mga paaralan.

Pagkatapos ng digmaan ay binuksan muli ang mga paaralan at


ipinagamit ang wikang katutubo bilang wikang panturo at
pinakalimutan ang wikang Ingles.
Naging maunlad sa panitikan ang Pilipinas.
Inalis ang kurikulum ang wikang Ingles at sapilitang ipinaturo
ang wikang pambansa at wikang Niponggo.
Binigyang diin ang Niponggo sa mga paaralan at
Institusyon.
Nobyembre 30,1943
– Nilagdaan ni Pangulong Jose P. Laurel ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 10 na nagtakda ng ilang repormang
pang-edukasyon, isa sa mga iyon ay ang pagtuturo ng
wikang pambansa sa lahat ng publiko at pribadong paaralan
ng hayskul ,kolehiyo at unibersidad.
Enero 3, 1944
–Binuksan ang isang Surian ng tagalog na tulad ng Surian
ng Niponggo upang ituro ang mga tagalog sa mga gurong di-
tagalog.
PANAHONG PAGSASARILI
Saligang Batas ng 1935, Artikulo Blg. XIV, Seksyon 3
– ay nagsasabing ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa
pagpapatibay at pagpapaunlad ng isang wikang pambansa na ibabatay sa
isa sa mga umiiral nakatutubong wika sa kapuluan.
Pagtibayin ang Batas Komonwelt Blg. 184 (1936).
– Itinatag ng katanggapan ng Surian ng Wikang Pambansa na binigyan
ng kapangyarihang gumawa ng mga pag-aaral sa lahat ng mga
sinasalitang wika sa kapuluan.
Nobyembre 9, 1937
– Isinumite ng mga miyembro ng SWP kay Pangulong Quezon ang
kanilang rekomendasyong tagalog ang gagamiting batayan sa pagpili ng
wikang pambansa.
 Disyembre 30, 1939
– Nagkabisa ang kautusangTagapagpaganap Blg. 134 na wikang
tagalog ang gawing batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas.
Ito ay ipinahayag ni Pangulong Quezon sa pamamagitan ng brodkast
sa radio mula sa Malacañang.
 Disyembre 13, 1939
- Nailimbag ang kauna-unahang Balarilang Pilipino na siyang bunga ng
walang pagod napagsusumikap at pagmamalasakit sa wika ni G. Lope K.
Santos na kinikilalang “ Ama ng Balarilang Pilipino.”
 Abril 1, 1940, kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
– dito ipinalimbag ang diksyunaryong Tagalog-Ingles at ng Balarilang
ng Wikang Pambansa upang magamit ngpaaralan sa buong kapuluan.
Hunyo 19, 1940
– dito sinimula ang ituro ang pambansang wikang
nakabatay sa Tagalog sa mga paaralang pribado at
pampubliko.
PANAHON NG KASALUKUYAN
Oktubre 12,1986
- pinagtibay ang implementasyon ng paggamit ng Filipino bilang
pambansang wika, gaya ng isinasaad sa 1987 konstitusyon ng Pilipinas (
artikulo 4 seksyon 6 ). “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba”

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ( Enero 1987 )


– ang dating Surian ng Wikang Pambansa ng (SWP) ay pinalitan ng
Linang ang mga Wika sa Pilipinas (LWP).
 Kautusang Pangkagawaran Blg.84 (1988)
– nag-aatas sa lahat ng opisyal sa DECS naisakatuparan ang
kautusang tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos nagamitin ang
Filipino sa lahat ng komunikasyon at transakyon ng pamahalaan.
 Marso 19, 1989
– ipinalabas ng kalihim Isidro Carino ng Edukasyon , kultura at
Palakasan ang kautusang pangkagawaran Blg. 21 na nagtagubilin na
gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa
Saligang Batas at sa bayannatin.

 Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14,1991)


– nilikha ang komisyon Sa Wikang Filipino (KWF) bilang alinsunod sa
Artikulo XIV, Seksyon 9 ng 1987 konstitusyon.
 Hulyo 15, 1997
– nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang
Proklamasyon Blg. 1041 na nagpapahayag ng taunang
pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa mula Agosto
1-31 na dating Linggo ng Wika.

You might also like