You are on page 1of 23

KASAYSAYAN NG

WIKANG
PAMBANSA
PANAHON NG KASTILA
Ipinag-utos ng hari ng espanya na turuan ang mga
katutubo ng wikang kastila. Ngunit hindi nila nasunod
ang utos ng hari bagkus sila ang nag-aral sa wikang
katutubo sa tatlong dahilan:

1.Ayaw nilang mahihigitan ang kanilang talino ng mga


katutubo.
2.Natatakot sila baka maghimagsik ang mga katutubo
laban sa kanila.
3.Nangangambang baka magsumbong ang mga
katutubo tungkol sa kabalbalang ginawa ng mga
Kastila sa Pilipinas.
PANAHON NG
REBOLUSYONG PILIPINO
• Sa panahong ito ay namulat ang isipan at damdaming
makabayan ng mga Pilipino .
• Dito naitatag ang “ kartilya ng Katipunan “ na nakasulat
sa wikang Tagalog.
• Sa panahong ito ay maraming naisulat na mga akdang
pampanitikan na siyang nagpapagising sa damdaming
makabayan at sumibol ang nasyonalismong Pilipino.
• Sa pamamagitan ng Biak na Bato (1897), nakasaad na ang
wikang Tagalog ang siyang magiging wikang opisyal ng
Pilipinas.
PANAHON NG AMERIKANO
May pagbabagong nagaganap
pagdating ng mga Americano sa bansa.
Kabaligtaran ang nangyari sa panahon
ng Americano. Pilit nilang
pinakalimutan sa mga katutubo ang
wikang bernakyular at sapilitang
ipagamit ang wikang Ingles.
Nagpatayo sila ng pitong pampublikong
paaralan sa Maynila na kung saan ang mga
sundalong Amerikano ang kanilang unang
naging guro.
Monroe Educational Commission (1925) –
Nagsasaad na mabagal matuto ang mga batang
Pilipino kung Ingles ang gamiting wikang
panturo sa paaralan batay sa ginawang sarbey.
Panukalang Batas Blg. 577 (1932) – gamitin
bilang wikang panturo sa mga paaralang
primary ang mga katutubong wika mula taong
panuruan 1932-1933.
PANAHONG PAGSASARILI
Saligang Batas ng 1935, Artikulo Blg. XIV,
Seksyon 3 –ay nagsasabing ang kongreso ay
gagawa ng hakbang tungo sa pagpapatibay at
pagpapaunlad ng isang wikang pambansa na
ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika sa kapuluan.
Pagtibayin ang Batas Komonwelt Blg. 184 (1936).
Itinatag ng tanggapan ng Surian ng Wikang
Pambansa na binigyan ng kapangyarihang
gumawa ng mga pag-aaral sa lahat ng mga
sinasalitang wika sa kapuluan.
Nobyembre 9, 1937 – Isinumite ng mga
miyembro ng SWP kay Pangulong
Quezon ang kanilang rekomendasyong
tagalog ang gagamiting batayansa
pagpili ng wikang pambansa.
Disyembre 13, 1939- Nailimbag ang kauna-
unahang Balarilang Pilipino na siyang bunga ng
walang pagod na pagsusumikap at
pagmamalasakit sa wika ni G. Lope K. Santos na
kinikilalang “ Ama ng Balarilang Pilipino.”
Disyembre 30, 1939 – Nagkabisa ang kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na wikang tagalog
ang gawing batayan sa pagpili ng wikang
pambansa ng Pilipinas. Ito ay ipinahayag ni
Pangulong Quezon sa pamamagitan ng brodkast
sa radio mula sa Malacanang.
 Abril 1, 1940, kautusang Tagapagpaganap
Blg. 263 – dito ipinalimbag ang
diksyunaryong Tagalog-Ingles at ng
Balarilang ng Wikang Pambansa upang
magamit ng paaralan sa buong kapuluan.
Hunyo 19, 1940 – dito
sinimulang ituro ang
pambansang wikang
nakabatay sa Tagalog sa mga
paralang pribado at
pampubliko.
PANAHON NG HAPON
Sumiklab ang ikalawang digmaang
pandaigdig at nasarado ang mga paaralan.
Pagkatapos ng digmaan ay binuksan muli ang
mga paaralan at ipinagamit ang wikang
katutubo bilang wikang panturo at
pinakalimutan ang wikang Ingles.
Naging maunlad sa panitikan ang Pilipinas.
Inalis ang kurikulum ang wikang Ingles at
sapilitang ipinaturo ang wikang pambansa at
wikang Niponggo.
Nobyembre 30,1943 – Nilagdaan ni
Pangulong Jose P. Laurel ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 10 na nagtakda ng
ilang repormang pang-edukasyon, isa sa mga
iyon ay ang pagtuturo ng wikang pambansa
sa lahat ng publiko at pribadong paaralan ng
hayskul ,kolehiyo at unibersidad.
Enero 3, 1944 – Binuksan ang isang Surian
ng tagalog na tulad ng Surian ng Niponggo
upang ituro ang mga tagalog sa mga gurong
di-tagalog.
PANAHON NG REPUBLIKA
Hulyo 4, 1946- Ipinalaba sa Batas
Komonwelt Blg. 570 na ang wikang
pambansa ay isa ng wikang opisyal sa
Pilipinas.
1946 – Ang wikang pambansa ay
tatawaging “ Wikang Pambansang Pilipino.”
Proklamasyon Blg. 13 noong Marso 26,
1954 – ay nilagdaan ni Pangulong Ramon
Magsaysay ang tungkol sa pagdiriwang ng
Linggo ng Wika tuwing Marso 29- Abril 4.
Proklamasyon Blg. 186 noong Setyembre
23,1955 na nagsasabing inilipat ang petsa ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-
19 na kung saan itinapat ang huling araw ng
pagdiriwang sa kaarawan ni Pangulong Manuel
L. Quezon na binigyang karangalan “ Ama ng
Wikang Pambansa .”
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 7 noong
Agosto 13 ,1959 na nagsasabing na ang
wikang pambansa ay Pilipino.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 96 (1967) – na
pangalanan sa Pilipino ang mga gusali at
tanggapan ng ating pamahalaan.
Resolusyon Blg. 70 (1970) – ay
nagsasabing ang wikang
pambansa ay naging wikang
panturo sa antas elementarya.
Memorandum Sirkular 488, Hulyo
29, 1971. Humiling sa lahat ng
tanggapan ng pamahalaan na
magdaos ng palatuntunan sa
pagdiriwang ng lingo ng Wikang
pambansa tuwing Agosto 13-19.
PANAHON NG BAGONG LIPUNAN
Resolusyon Blg. 73 (1973) – iniluwal ang
patakarang bilingguwal. Ito ay ang paggamit ng
wikang Ingles at Pilipino bilang midyum ng
pagtuturo sa mga tiyak na aralin at bilang hiwalay
na asignatura sa kurikulum mula unang baiting ng
mababang paaralan hanggang Kolehiyo sa lahat ng
paaralan.
Noong 1974-75 – ay sinimulang ipatupad ang
patakarang Edukasyong Bilingguwal.
Ipinalabas ang mga aklat ng “ Mga Katawagang sa
Edukasyong Bilingguwal “ noong 1975 upang
mabilis na maipalaganap ang bilingguwalismo.
Memorandum Serkular 77 (1977) – pagsasanay
ng mga pinuno at kawani ng mga pamahalaang
local sa paggamit ng wikang Pilipino sa mga
transaksyon,komunikasyon at korespondensya.
Lumabas ang kautusang Pangministri Blg. 22
(1978) na nag uutos ng pagkakaroon ng 6 na
yunit na Pilipino sa lahat ng kurso sa tersyarya
at 12 yunit sa mga kursong pang-edukasyon.
Kautusang pangministri Blg. 40 (1979) – ang mga
estudyante sa medisina, dentisa , abogasya at
paaralang gradwado ay magkaroon na rin ng
asignaturang Pilipino pati na rin ang mga
estudyanteng dayuhan.
Memorandum Sirkular Blg. 80-86
( Nobyembre 1980 ) – nag-aatas sa lahat
ng mga gobernador at mayor ng Pilipinas
sa isa-Pilipino ang mga Sagisag-opisyal.
Kautusang Pangministri Blg. 102 –
nagtatakda ng mga Sentro sa Pagsasanay
ng mga guro sa Pilipino bilang midyum ng
pagtuturo sa antas tersyarya.
Constitutional Commission ( Setyembre
10, 1983 ) – nagpatibay na ang Pilipino ay
gagawin bilang Wikang Pambansa.
PANAHON NG KASALUKUYAN
Oktubre 12,1986- pinagtibay ang
implementasyon ng paggamit ng Filipino
bilang pambansang wika, gaya ng
isinasaad sa 1987 konstitusyon ng
Pilipinas ( artikulo 4 seksyon 6 ). “Ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang ito ay dapat
payabungin at pagyamaninpa salig sa
umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang
wika”
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117
( Enero 1987 ) – ang dating Surian ng Wikang
Pambansa ng (SWP) ay pinalitan ng Linangan
ng mga Wika sa Pilipinas (LWP).
Kautusang Pangkagawaran Blg.84 (1988) –
nag-aatas sa lahat ng opisyal sa DECS na
isakatuparan ang kautusang
tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na
gamitin ang Filipino sa lahat ng
komunikasyon at transakyon ng
pamahalaan.
Marso 19, 1989 – ipinalabas ng kalihim
Isidro Carino ng Edukasyon , kultura at
Palakasan ang kautusang pangkagawaran
Blg. 21 na nagtagubilin na gamitin ang
Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng
katapatan sa Saligang Batas at sa bayan
natin.
Batas Republika Blg. 7104 (Agosto
14,1991) – nilikha ang komisyon Sa Wikang
Filipino (KWF) bilang alinsunod sa Artikulo
XIV, Seksyon 9 ng 1987 konstitusyon.
Hulyo 15, 1997 – nilagdaan at
ipinalabas ni Pangulong Fidel V.
Ramos ang Proklamasyon Blg.
1041 na nagpapahayag ng
taunang pagdiriwang ng Buwan
ng Wikang Pambansa mula
Agosto 1-31 na dating Linggo ng
Wika.
Kumatha ng isang
paghahambing tungkol sa
pananakop ng mga dayuhan dito
sa ating bansa. Ilahad kung ano
ang naidulot nito sa Pilipinas o
sa mga Pilipino.

You might also like