You are on page 1of 34

KASAYSAYAN

NG
WIKANG FILIPINO
INAASAHANG BUNGA
NG PAGKATUTO:
1. makababatid sa kasaysayan ng Wikang Filipino;
2. makatutukoy sa pagkakaiba ng Tagalog,
Pilipino at Filipino; at
3. makapagbibigay kahalagahan sa kasaysayan ng
Wikang Filipino
PANAHON NG KATUTUBO

Sa panahon ng katutubo ang tawag sa sistema ng


pagsulat ay Baybayin. Ito ay may labimpitong (17) simbolo
na kumakatawan sa titik. Mayroon itong labing-apat (14) na
katinig at tatlong (3) patinig. Kalaunan, ito ay napalitan ng
Alpabetong Romano. Para sa karagdagang kaalaman
hinggil sa baybayin, maaaring bisitahin ang link na,
https://www.youtube.com/watch?v=Ke-7SpakbUw
PANAHON NG KASTILA

Sa pagdating ng mga Kastila, wikang bernakular ang


ginagamit ng mga Pilipino. Sa halip na turuan tayo ng
wikang Kastila, pinag-aralan ng mga paring Kastila o prayle
ang ating wika. Nagsulat ang mga prayle ng aklat
panggramatika at diksiyonaryo. Dahil, likas sa mga Pilipino
na mapagmahal sa karunungan, marami sa mga Pilipino
PANAHON NG KASTILA

lalo na ang mga ilustrado ang nag-aral ng wikang Kastila


upang maintindihan ang mga nangyayari sa paligid lalo
pa‘t talamak sa panahon na ito ang pang-aabuso sa
maraming Pilipino. Nalimbag sa panahon na ito ang
Doctrina Cristiana na naglalaman ng mga panalangin at
katekismo na nakasulat sa alpabetong Romano.
PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN

Marami sa mga Pilipino sa panahong ito ang nagsulat


ng akda na naglalaman ng masidhing pagkakaisa ng
damdamin gamit ang wikang Tagalog. Dahil dito, naganap
ang kauna-unahang pagkilala sa Tagalog bilang wikang
opisyal. Tinukoy noong Nobyembre 1, 1897 sa Artikulo VII ng
Saligang Batas ng Biak-na-Bato na:
“Ang wikang Tagalog ay siyang magiging Opisyal na Wika ng
Republika.”
PANAHON NG AMERIKANO

Noong dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas ay


nagbukas sila ng mga paaralan para sa mga Pilipino. Noong
1901, ipinatupad ng Philippine Comission ang Batas Blg. 74.
Nag-aatas ito sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo
o midyum ng pagtuturo sa lahat ng paraalan sa buong
Pilipinas. Binatikos ang polisiya na ito noong 1908 dahil (1)
Maaaring maging wikang panturo ang isang
PANAHON NG AMERIKANO

wikang katutubo at (2) Hindi maaaring magtagumpay ang


paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa Pilipinas.

Kahit na maigting ang kampanya ng pamahalaan ng


Estados Unidos sa pagpapalakas ng wikang Ingles sa bansa
hindi ito naging sapat sapagkat ayon sa Monroe
Educational Survey Commission noong 1924,
PANAHON NG AMERIKANO

hindi naging mabunga ang pagkatuto ng mga kabataan


gamit ang wikang Ingles. Dahil dito, pinairal ang Batas
Komonwelt Blg. 577 noong 1931 na nagtagubilin sa
paggamit ng wikang bernakular bilang wikang pantulong sa
pagtuturo sa buong kapuluan.
PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN

Hindi nagtagal, nabatid ni Pangulong Manuel Luis M.


Quezon, ang pangangailangan ng Pilipinas na magkaroon
ng isang wikang pambansa. Sa pagsisikap ni Kongresista
Wenceslao Vinzon ay nagkaroon ng probisyon sa Saligang
Batas ng 1935, Artikulo XIV, Seksiyon 3 na pormal na nag-
aatas sa Kongreso na gumawa ng hakbang upang
magkaroon ng wikang pambansa na ibabatay
PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN

sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Sa bisa ng Batas


Komonwelt Blg. 184 naitatag ang Surian ng Wikang
Pambansa.

Ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ang inatasan


na magsagawa ng pag-aaral hinggil sa umiiral na
katutubong wika sa Pilipinas at mula sa mga ito‘y pinili ang
wikang Tagalog na magiging batayan
PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN

sa wikang pambansa. Upang maisakatuparan ito, hinirang ni


Pangulong Quezon ang Lupon ng mga Eksperto. Binigyan ng
representasyon ang siyam na pangunahing wikang umiiral
sa Pilipinas, ang wikang Waray, Tagalog, Bicol, Ilokano,
Cebuano, Hiligaynon, Tausug, Kapampangan at Pangasinan.
PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN

Sa pagpili ng magiging batayan ng wikang pambansa


ay ang sumusunod: (1) ginagamit ng nakararaming Pilipino
na siyang wika ng Maynila na sentro ng kalakalan, (2)
ginagamit sa pagsulat ng pinakadakilang panitikan ng lahi,
(3) may pinakamaunlad na balangkas, mayamang
mekanismo, at madaling matutuhan ng mga Pilipino, at (4)
maraming salita na may pinakamalapit na hawig
sa iba pang wika.
PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN

Pagkatapos ng pagsusuri noong Nobyembre 9, 1937,


naghain ng resolusyon ang SWP na nagsasabing wikang
Tagalog ang nakatugon sa lahat ng pamantayan ng Lupon.
Nilagdaan ni Pangulong Quezon ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 noong Disyembre 30, 1937 na
nagpapatibay sa kapasiyahan ng SWP. At noong Abril 1,
1940 sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN

pormal na iniatas ang paglilimbag ng Diksiyonaryong


Tagalog-Ingles at Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K.
Santos. Sumunod dito ay ang pagpapalabas ng Kautusang
Pangkagawaran Blg.1 na nag-aatas na simulang ituro ang
Wikang Pambansa sa ika-4 na taon sa mataas na paaralan
at sa ikalawang taon sa mga paaralang normal.
PANAHON NG HAPON

Sa pagdating ng mga Hapones noong 1941-1945


naitanghal bilang wikang pambansa ang Tagalog sa bisa ng
Military Order Blg. 2 noong Pebrero 17, 1942. Iniutos ng
pamahalaang Hapones na Tagalog at Nihongo ang
magiging wikang opisyal ng Pilipinas. Dahil dito napalawak
ang pagka-Pilipino at ideolohiyang Hapones partikular na sa
ilalim ng pamamahala ni dating Pangulong Jose P. Laurel.
PANAHON NG HAPON

Ipinatupad ni Pangulong Laurel ang Kautusang


Tagapagpaganap Blg.10 na pormal na nag-aatas sa
pagtuturo ng wikang Tagalog sa lahat ng mga paaralan
maging sa mga kolehiyo at unibersidad.
PANAHON NG REPUBLIKA

Bago pa man nagkaroon ng digmaan, naideklarang


wikang opisyal ang Tagalog sa bisa ng Batas Komonwelt Blg.
570 noong Hulyo 4, 1946.
Lalong umigting ang paggamit ng wikang pambansa nang
lagdaan ni dating pangulong Ramon Magsaysay noong
Marso 26, 1954 ang Proklamasyon Blg.12 na nagtatadhana
sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing Marso 29
hanggang Abril 4 bilang pagbibigay parangal
PANAHON NG REPUBLIKA

sa kaarawan ni Francisco Baltazar. Ngunit pagkalipas ng


mahigit isang taon, sa bisa ng Proklamasyon Blg.186 noong
Setyembre 23, 1955 pinalitan ang petsa ng pagdiriwang ng
Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 bilang pagbibigay pugay sa
kaarawan ni dating pangulong Manuel L. Quezon na
nagbukas ng ideya sa pagkakaroon ng wikang pambansa.
PANAHON NG REPUBLIKA

Hindi naging madali ang pagtanggap sa wikang

Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa lalo na sa


mga bahagi ng bansa na di-Tagalog kaya sa pagdiriwang
ng Linggo ng Wika noong Agosto 13, 1959 ay tinawag ito na
Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg.7. Ito ay sa
paniniwalang mas magiging katanggap- tanggap ito bilang
wikang pambansa sa bago nitong pangalan.
PANAHON NG REPUBLIKA

Sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nilagdaan


ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong Oktubre 24, 1967
iniatas ang pagsasa-Pilipino ng pangalan ng mga gusali,
edipisyo at mga tanggapan ng pamahalaan. Sa bisa
naman ng Memorandum Sirkular Blg. 172 noong Marso 27,
1968, iniatas na ang mga letterhead ng mga kagawaran,
tanggapan at sangay ng pamahalaan ay nararapat na
isulat sa Pilipino kalakip ang kaukulang teksto
PANAHON NG REPUBLIKA

sa Ingles. Nasundan pa ito ng Kautusang Tagapagpaganap


Blg. 187 na pormal na nag-uutos sa lahat ng kagawaran,
kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng
pamahalaan na gagamitin ang Pilipino sa opisyal na
komunikasyon, transaksiyon at korespondensiya.

Inilahad naman sa Resolusyon Blg. 70 noong 1970 na


ang wikang pambansa ay naging wikang panturo
PANAHON NG REPUBLIKA

sa antas elementarya. Noong Hulyo 29, 1971 sa


Memorandum Sirkular Blg. 488 hiniling sa lahat ng
tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan
sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa tuwing
Agosto 13-19. Muli namang binuo ni Pangulong Marcos ang
Lupon ng Surian ng Wikang Pambansa sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 304.
PANAHON NG BAGONG LIPUNAN

Sa Saligang Batas ng 1972 isinaalang-alang ang sosyo-


politikal na konteksto sa pagpapasok ng probisyong
pangwika sa Saligang Batas. Ito ay sa hangaring
matuldukan ang hidwaang pangwika sa pagitan ng mga
Tagalog at di-Tagalog. Sa Artikulo XV, Seksiyon 3, Talata 2 ay
inihayag na:
PANAHON NG BAGONG LIPUNAN

“Ang Pambansang Asamblea ay dapat gumawa ng


hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adapsiyon
ng panlahat na wikang pambansang tatawaging Pilipino.”

Ang Saligang Batas ng 1972 ang kauna-unahang


Saligang Batas na inilimbag sa wikang pambansa nang
isailalim ito para sa plebisito noong Enero 15, 1973.
Samantala, naging wikang panturo ang Pilipino
PANAHON NG BAGONG LIPUNAN

sa antas elementarya sa bisa ng Resolusyon Blg.70 noong


1970. Pinagtibay naman sa Resolusyon Blg.73 ng
Pambansang Lupon ng Edukasyon na nagsasabing ang
Ingles at Pilipino ay isasama sa kurikulum mula sa baitang sa
mababang paaralan hanggang kolehiyo.
PANAHON NG BAGONG LIPUNAN

Noong Hulyo 21, 1978 lumabas ang Kautusan


Pangmistri Blg.22 na nag-uutos sa pagkakaroon ng anim (6)
na yunit ng Filipino sa lahat ng kurso sa antas tersyarya at
labindalawang (12) yunit ng Filipino sa mga kursong pang-
edukasyon.
PANAHON NG KASALUKUYAN

1986- Kasalukuyan
Noong Oktubre 12, 1986, pinagtibay ang
implementasyon ng paggamit ng Filipino bilang wikang
pambansa. Nakasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas,
Artikulo XIV, Seksiyon 6 na.

“Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang


nililinang ito ay dapat payabungin pa salig sa umiiral na
wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.”
PANAHON NG KASALUKUYAN

Sinundan ito ng pagpapalit ng pangalan ng SWP.


Noong Enero, 1987. Ang Surian ng Wikang Pambansa ay
pinalitan ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP).
Nagsagawa rin ng reporma sa alpabeto at mga tuntunin sa
ortograpiyang Filipino na nakasaad sa Kautusang
Pangkagawaran Blg.81. Ito ay pinamagatang Ang Alpabeto
at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.
PANAHON NG KASALUKUYAN

Noong Agosto 14, 1991, ang dating LWP ay pinalitan ng


Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Lalong pinaigting ang
pagpapaunlad ng wikang Filipino nang lagdaan ni
Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041 na
nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng
Wikang Pambansa (dating Linggo ng Wika) tuwing Agosto 1-
31.
PANAHON NG KASALUKUYAN

Ang Artikulo XIV, Seksiyon 6 at 7 ng Saligang Batas ng


1987 ay naging pangunahing konsiderasyon ng KWF sa
pagbuo ng bagong pagpapasya. Noong Agosto 5, 2013 sa
pamamagitan ng Kapasyahan Blg.13-39 ay
napagkasunduan ang sumusunod na depinisyon ng Filipino:
PANAHON NG KASALUKUYAN

“Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong


Pilipinas bilang wika ng komunikasyon, sa pagbigkas at sa pasulat na
paraan, ng mga pangkatang katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat
isang wikang buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba’t
ibang uri ng paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at nililinang sa
iba’t ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko ngunit sa
paraang maugnayin at makapgtampok sa mga lahok na nagtataglay
ng mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula
sa mga katutubong wika ng bansa.”
Maraming Salamat!
MGA SANGGUNIAN:
Almario, Virgilio. (2014). Madalas Itanong Hinggil sa Wikang
Pambansa. Komisyon sa Wikang Filipino. Maynila
Matanglawin. (2019). Ang Baybayin. ABS-CBN News
https://youtu.be/JmRQiDw6dGE

You might also like