You are on page 1of 28

Kasaysayan ng Wikang

Pambansa
Nasusuri ang kalikasan, gamit,
mga kaganapang pinagdaanan, at
pinagdaraanan ng Wikang
Pambansa ng Pilipinas

• Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari ; o kaganapan


tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng wikang pambansa
• Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat
na kasaysayan ng wika.
• Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may
kaugnayan sa pag-unlad ng wikang pambansa
• Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga
napakinggang pagtalakay sa wikang Pambansa
• Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang
partikular na yugto ng kasaysayan ng Wikang Pambansa
POKUS NA TANONG:

• Bakit mahalagang malaman ang


kasaysayan ng wika? Ano ang
kabuluhan nito sa pag-aaral at
pagpapaunlad ng wika?
ANG KASAYSAYAN
NG PAG-UNLAD NG
WIKANG
PAMBANSA
PANAHON NG MGA KATUTUBO

 Ang mga Pilipino ay isa sa mga pinakaunang


Austronesian
 Napatunayang marunong sumulat at bumasa ng mga
katutubo
 BAYBAYIN-matatagpuan na nakasulat sa biyas ng
kawayang matatagpuan sa Museo ng Aklatang
Pambansa at ng Unibersidad ng Santo Tomas.
PANAHON NG MGA ESPANYOL

 Naniniwala ang mga Espanyol na


mas mabisa ang ang paggamit ng
katutubong wika sa
pagpapatahimik ng mga
mamamayan.
 Inaral ng mga misyonerong
Espanyol mismo ang nag-aral ng
mga wikang katutubo. Nakita
nilang mas madaling matutuhan
ang wika ng isang rehiyon kaysa
ituro sa lahat ang wikang Espanyol.
 Nagsulat ang mga prayle ng mga
diksiyonaryo at aklat-
panggramatika, katekismo at mga
kumpesyonal
PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO

 Nagkaroon ng propagandista. Itinatag ang


Katipunan ni Andres Bonifacio at ang wikang
Tagalog ang ginamit sa kanilang mga kautusan at
pahayagan.
 Pinagtibay ang Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong
1899. Ginawang wikang opisyal ang Tagalog
 Nang itinatag ang Unang Republika sa pamumuno
ni Aguinaldo, isinaad sa Konstitusyon na opsiyonal
ang paggamit ng wikang Tagalog.
PANAHON NG MGA AMERIKANO

 Nagbago ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas


dahil nadagdag ang wikang Ingles na
nagkaroon ng malaking kaugnayan sa buhay ng
mga Pilipino.
 3 R’s (reading, writing, arithmetic)
Kumbensiyong Konstitusyonal

Kinailangang magkaroon ng
isang pambansa dahil sa ang
Bakit kinilangang
magkaroon ng Pilipinas ay isang kapuluang
WIKANG
PAMBANSA?
binubuo ng iba’t ibang pangkat
ng mga Pilipinong gumagamit
ng iba’t ibang wika at diyalekto.

 Mainit na pinagtalunan, pinag-isipan at tinalakay sa Kumbensiyong


Konstitusyunal ang pagpili sa wikang pambansa.
 Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay
dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas.
 Sinusugan ang mungkahi ni Manuel L. Quezon na noo’y Pangulo ng
Pamahalaang Komonwelt ng PIlipinas
Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay
nagbigay-daan sa probisyong pangwika na nakasaad
sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng
1935 na nagsasabing:

“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang


tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral
na katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda
ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang
siyang mananatiling opisyal na wika.”
Isinulat ni NORBERTO
SURIAN NG ROMUALDEZ ng Leyte ang
WIKANG
PAMBANSA Batas Komonwelt Blg. 184 na
(SWP) nagtatatag ng SWP
(Nobyembre 13, 1936)

Pangunahing tungkulin ng SWP ang “mag-aral ng mga


diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad
at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa
sa mga umiiral na wika ayon sa balangkas, mekanismo,
at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng
nakararaming Pilipino.”
Disyembre 30, 1937: Iprinoklama ni Pang. Quezon
ang wikang Tagalog upang maging batayan ng
Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng
Surian sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134. Nagkabisa ang kautusang ito pagkatapos ng
dalawang taon.

Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang


Tapagapagpanap Blg. 134, nagsimulang ituro ang
wikang pambansa na batay sa mga paaralang
pampubliko at pribado.
Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa
Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay
ipinahayag ding ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog
at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570.
PANAHON NG MGA HAPONES

 Ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles


sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga
Pilipino.

 Ipinagamit ang wikang katutubo, partikular


na ang wikang Tagalog, sa pagsulat ng mga
akdang pampanitikan.
PANAHON NG MGA HAPONES

 Ipinatupad ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nag-


uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at
ang wikang Hapones (Nihonggo)

 Itinuro ang Nihonggo sa lahat ngunit binigyang-


diin ang paggamit ng wikang Tagalog upanga
maalis na ang paggamit ng wikang Ingles.
PANAHON NG MGA HAPONES

 Isinilang ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod


sa Bagong Pilipinas). Si Benigno Aquino ang
direktor nito. Ang pangunahing proyekto ng
kapisanan ay pagpapalaganap ng wikang Pilipino
sa kapuluan.
PANAHON NG MGA HAPONES

 Sa pagnanais ng mga Hapones na itaguyod


ang Wikang Pambansa ay binuhay ang
Surian ng Wikang Pambansa noong
panahong iyon. Si Jose Villa Panganiban
ang nagturo ng Tagalog sa mga Hapones at
di tagalog. Para sa madaling pagkatuto ay
gumawa siya ng kaniyang tinawag na “A
Shortcut to the National Language”.
ANG PANAHON NG PAGSASARILI
HANGGANG SA KASALUKUYAN

Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang pambansa.


Mula Tagalog ito ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang
Kalihim ng Edukasyon noon. Sa panahong ito’y higit na binigyang
halaga at lumaganap ang paggamit ng wikang Pilipino. Ito ang
wikang ginamit sa mga tanggapan, gusali, at mga dokumentong
pampamahalaan tulad ng pasaporte, at iba pa, gayundin sa iba’t
ibang antas ng paaralan at sa mass media tulad ng diyaryo, radyo,
magasin, at komiks. Sa kabila nito ay marami pa rin ang
sumasalungat sa pagkakapili sa Tagalog bilang batayan ng wikang
pambansa.
Agosto 6, 1968: Ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg.187 na
nilagdaan ng Pangulo na nagsasabi
sa lahat ng kagawaran, kawanihan,
tanggapan at iba pang sangay ng
pamahalaan na gamitin ang wikang
Pilipino sa lahat ng opisyal na
komunikasyon at transaksyon ng
pamahalaan.
Hulyo 29, 1971: Memorandum
Sirkular Blg. 488 na
humihiling sa lahat ng
tanggapan ng pamahalaan na
magdaos ng
palatuntunan sa pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa
Agosto 13-19.
#WIKANG PAMBANSA
Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong
Konstitusyunal noong 1972 kaugnay ng usaping pangwika. Sa
huli, ito ang mga naging probisyong pangwika sa Saligang
Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3, Blg. 2:

“Ang Batasang Pambansa ay dapat


magsagawa ng mga hakbang na
magpapaunlad at pormal na
magpapatibay sa isang panlahat na
wikang pambansang kikilalaning
FILIPINO.”
#WIKANG PAMBANSA
Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong
Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino
ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.
Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol
sa wika nagsasabing:

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay


Filipino. Samantalang nilillinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas
at sa iba pang mga wika.”
Artikulo XIV,
Sek. 6, 7 at 9
(6)
Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO.
Samantalang nililinang, ito ay dapat PAYABUNGIN at
PAGYAMANIN pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas
at sa iba pang mga wika.

(7)
Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo,
ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at
hangga’t walang ibang tinatadhana ang batas, Ingles.

(9)
Dapat magtatag ang kongreso ng isang KOMISYON
NG WIKANG PAMBANSA …..
“ Marami mang pinagdaanan, ang
mahalaga’y naisakatuparan ang
pagtalaga sa isang wikang
pambansa na nagpapakita na tao’y
mamamayang may iisang diwa.”

You might also like