You are on page 1of 47

Lingguwistikong Komunidad

Homogeneous
Heterogeneous
Barayti ng Wika
PAMANTAYAN SA
PAGGANAP:
Nasusuri ang kalikasan, gamit,
mga kaganapang pinagdaanan, at
pinagdaraanan ng Wikang
Pambansa ng Pilipinas
MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO:
• Natutukoy ang mga kahulugan at
kabuluhan ng mga konseptong
pangwika
• Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa sariling kaalaman,
pananaw, at mga karanasan
• Nagagamit ang kaalaman sa
modernong teknolohiya sa pag-
unawa sa mga konseptong
pangwika
MINI TASK 1:

Makasulat ng impormal
na sanaysay ukol sa
barayti ng wikang
ginamit sa isang e-
post/vlog tungkol sa
kalagayan ng mga
Pilipino sa panahon ng
pandemya.
POKUS NA TANONG:

• Bakit mahalagang matutuhang


tanggapin at igalang ng bawat
indibiduwal ang barayti ng
wikang ginagamit ng iba’t ibang
tao? Sa paanong paraan
maaaring makatulong ang
pagtanggap dito?
LINGGUWISTIKONG
KOMUNIDAD
“Pangkat ng mga nagkakaunawaan sa layunin at estilo ( salita,
tunog, ekspresyon) ng kanilang pakikipag-ugnayan sa paraang
sila lamang ang nakakaalam”
-LABOV (1972)
“Komunidad ng mga taong kabilang sa isang patakaran at
pamantayan ng isang barayti ng wika na ginagamit sa
komunikasyon at pakikipag-unawaan.”
-Dell Hymes (1967)

“Grupo ng mga taong kabilang sa paggamit ng isa o higit pang mga


barayti ng wika. Kung saan sila ay nagkakasundo sa patakarang ito, na
ginagamit nila sa pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon”
-Ottenheimer (2009)
LINGGUWISTIKONG
KOMUNIDAD

HOMOGENEOUS SPEECH
COMMUNITY HETEROGENEOUS SPEECH
COMMUNITY
May mga miyembrong kabilang at
nagkakasundo sa iisang koda na sila Mayroong tuwirang ugnayan ang mga
lamang ang nagkakaunawaan, at ang miyembro ng komunidad at sa iba
kodang kanilang ginagamit ay pang pangkat ng lipunan, at ang Digri
kumakatawan sa kanilang pagiging o antas ng direktang ugnayan nito sa
yunik. Walang tuwirang Contact o isa’t isa ay siyang nagiging dahilan
pakikipag-ugnayan ang mga miyembro kung bakit bilingguwal o
nito. Monolingguwal ito na isang wika multilingguwal ang mga bahagi nito.
lamang ang ginagamit.
SALIK SA PAGKAKAROON NG BARAYTI NG WIKA

HEOGRAPIKAL
SOSYAL
● Linguistic Convergence -pagnanais na gumaya, o
bumagay ng nagsasalita sa pagsasalita ng kausap
● Linguistic Divergence- pilit na iniiba ng nagsasalita
ang estilo ng kaniyang pananalita sa estilong
kausap

KONTEKSTWAL
BARAYTI NG WIKA

Ito ay tumutukoy sa anumang kapansin-


pansin na anyo ng wika o anumang uri ng
pananalita ng isang tao o grupo ng taong
gumagamit nito. Kadalasan itong nakikita
sa pagbigkas, intonasyon, estilo, pagbuo ng
mga pangungusap at mga bokabularyo.
BARAYTI NG WIKA

IDYOLEK DAYALEK

ETNOLEK SOSYOLEK

PIDGIN CREOLE

REJISTER
DAYALEK
Nalilinang mula sa rehiyong
kinabibilangan ng isang tao.
Nabubuo dahil sa
pagkakahiwalay na
lokasyon. Nagkakaiba – iba
sa lingguwistikong aytem na
taglay na iba pang
heograpikal na barayti ng
wika mula sa magkatulad na
wika.
-Cantilo Et. Al.
TAGALOG
Batangas Aba, ang ganda eh!

Bataan Ka ganda eh!

Rizal Ka ganda hane!

Maynila Aba, ang ganda!


IDYOLEK
Ito ang nakagawiang pamamaraan
sa pagsasalita ng isang indibidwal
o ng isang pangkat ng tao.
ETNOLEK
Ang pinagsamang Etniko at
Dayalekto. Taglay nito ang mga
partikular na salita na bahagi na
ng pagkakakilanlan ng isang
pangkat Etniko.
SALITA PINAGMULAN KAHULUGAN

PANTAKIP SA
VAKKUL IVATAN ULO SA MAINIT
NA PANAHON
PANGKAT
BULANON FULL MOON
ETNIKO
PANGKAT
KALIPAY TUWA O LIGAYA
ETNIKO

PANGKAT MAHAL O
PALANGGA
ETNIKO MINAMAHAL
SOSYOLEK
Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas
panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taoong gumagamit ng
wika.

Ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng


istatipikasyon ng isang lipunan na siyang nagsasaad
sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na
nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa
lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan.

- Rubrico (2009)
a. Wiz ko feel ang mga hombre
ditech, day!
b. Wow pare, ang tindi ng tama ko!
Heaven!
c. Kosa, pupuga na tayo mamaya.
d. Girl, bukas na lang tayo maglayb
. Mag-malling muna tayo ngayon.
e. Pare, punta tayo mamaya sa
Mega. Me jamming dun, e.
PIDGIN
• Walang pormal na estruktura
• “nobody’s native language”
• Ito ay ginagamit ng dalawang
taong nag-uusap na may
magkaibang wika
Ako ay bibili ng
Ako bili pagkain.
pagkain.
Kayo bili softdrinks Kayo na ang bumili ng
akin. softdrinks para sa akin.
Suki, bumili ka na ng
Suki ikaw bili akin ako
paninda ko bibigyan
bigay diskawnt.
kita ng diskawnt.
Ako tinda damit Ang panindang damit
maganda. ko ay maganda.
CREOLE
• Nadebelop dahil sa pinaghalo-
halong salita ng indibiduwal, na
nagmula sa magkaibang lugar
hanggang sa ito’y naging
pangunahing wika ng isang
partikular na lugar.
Halimbawa: Chavacano
Mi nombre Ang pangalan ko

Di donde lugar to? Taga saan ka?

Buenas dias Magandang umaga

Buenas tardes Magandang hapon


REJISTER NG WIKA
Inaangkop ng isang nagsasalita
ang uri ng wikang ginagamit niya
sa sitwasyon at sa kausap. Ito ay
naihahanay sa Pormal at di-
pormal na usapan.
REJISTER NG WIKA
Larangan (Field)

Register
Theory Tenor of Discourse
(Michael Halliday)

Mode of Discourse
Larangan (Field)
Salita Larangan Kahulugan
Malware o software na
Virus Agham/teknolohiya
nakasisira ng Kompyuter
Maliit na organismo na
nakapagdudulot ng sakit sa
Medisina
tao na naipapasa sa iba
pang tao o hayop.
Operation Kalakalan Paggawa
Pagsasakatuparan ng isang
Malitari
plano
Pisikal o nahahawakang
Hardware Agham/teknolohiya
bahagi ng isang kompyuter
Tindahan ng mga gamit sa
Kalakalan pagsasaayos ng bahay o
mga gusali.
REJISTER NG WIKA
Larangan (Field)

Register Tenor of Discourse


Theory (relasyon ng nagsasalita
(Michael Halliday) sa nakikinig)

Mode of Discourse
(paraan ng paghahatid)
ANTAS NG WIKA
PORMAL IMPORMAL
Ginagamit kapag Ginagamit ng tao sa
nakatataas ang ka-edad o sa malapit
katungkulan o na kaibigan o kamag-
nakatatanda lalo na anak.
sa pagpupulong o
seryosong usapan.
Halimbawa:
Ø Pormal
Mare, napakaenggrande yata ng
inihanda mo ngayon?
Ø Di-pormal
Mare, ang bongga ata ng handa mo
ngayon?
PORMAL
Pambansa
ØKaraniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika/pambalarila sa lahat ng mga
paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang
ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa
mga paaralan.
Pampanitikan o
Panretorika
ØGinagamit ito ng mga malikhaing
manunulat
ØKaraniwang malalim, makulay at
masining ang mga salitang ginagamit
Halimbawa:
ØSiya ang kalahati ko sa buhay. (Siya ang
aking asawa)
ØSi Czarina ang bunga ng aming pag-ibig.
(Si Czarina ang aming anak)
IMPORMAL
Lalawiganin
•Wikang ginagamit ng mga tao sa
lalawigan
•Hindi palasak ang paggamit nito
•Sumasalamin sa kultura ng isang
lalawigan
Halimbawa:
ØPayao ka na ga? (Aalis ka na
ba?)
ØNakain ka na? (Kumain ka na?)
ØBuang! (Baliw!)
Kolokyal
•Pakikibagay ng wika sa taong gumagamit
nito
•Kadalasan napapaikli ang mga salita
ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli
nito.
Ø‘Tena pre!
(/tena/ para sa “tara na”, /pre/ para sa
“pare”.)
Balbal
•Nagpapahayag ng uri ng pamumuhay
sa isang kapaligirang pinamamayanihan
ng kahirapan at karaniwang may bahid
ng kagaspangan.
•Pana-panahon kung mauso kaya
karaniwan ay hindi tumatagal, agad
nawawala.
● Ito ay tinatawag ding salitang kanto,
salitang lansangan, salita ng mga
estudyante, teen-age lingo at sa
grupo ng mga bakla ay swardspeak.
Lingguwistikong Komunidad
Homogeneous
Heterogeneous
Barayti ng Wika
Antas ng Wika
SANAYSAY
Ang SANAYSAY ay isang piraso ng sulatin na
kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng
may katha. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng
mga elemento ng pagpuna, opinyon, impormasyon,
obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari,
ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.

Ang SANAYSAY ay isang mahalagang uri ng ating


panitikang Pilipino na naglalahad ng maikling kuwento o
salaysay. Subalit isa itong magandang paglalarawan,
paghahambing, at mga kapaliwanagan na kapupulutan ng
makabuluhang-aral.
SANAYSAY
Matutunghayan dito ang makatwirang kaisipan
at damdamin ng may-akda na naaayon sa kanyang
kinamulatan, mga naging karanasan, kaalaman, at
pananaw na may panambitan.

Naiiba ito sa makata o manunula, ang may-


akda ng sanaysay ay hindi kailangan ang porma o
tipo, sukat, tugma o talinghaga man. Nakahihigit ito
sa pangkaraniwang salaysay. Malayang sumulat ang
may-akda at lumikha ng kahit anong paksa ng
kanyang mga saloobin at pananaw sa buhay ng
walang alinlangan.
SANAYSAY
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, "nakasulat na karanasan ng isang
sanay sa pagsasalaysay. ang sanaysay ay nagmula sa 2 salita, ang
sanay at pagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na nagalalahad ng
kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa ng
manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong
paksa o isyu.

Mabisa at karagdagang palaman ito bilang pagpaalaala sa


mga talumpati, panulat, at mabuting pagtuturo, at doon sa babasa
ng salaysay, sana, kailangan habang binabasa mo ito, ay umaasa
kang kapupulutan ito ng magandang halimbawa, upang ikaw ay
maging sanay at matalino sa takbo ng buhay. Sapagkat ito’y may
makabuluhang saysay na makapagdadagdag sa iyong kaalaman,
kaya marapat na pag-uukulan mo ito ng iyong mahalagang sandali.
URI NG SANAYSAY
PORMAL - sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at
nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na
pagkaunawa sa paksa. Inaakay ng manunulat ang mga
manbabasa sa malalim na pag-iisip upang makabuo ng sariling
pagpapasya at kumilos pagkatapos.

DI-PORMAL - sanaysay na tumatalakay sa mga


paksang magaan, karaniwan, pang-araw-arawat
personal. binibigyang diin ng manunulat ang mga
bagay-bagay, mga karanasan o isyung maaaring
magpakilala ng personalidad ng manunulat o
pakikisangkot niya sa mga mambabasa.

You might also like