You are on page 1of 22

METALINGGWISTIK NA

PAGTALAKAY SA WIKANG
FILIPINO
LEKSYON 1: WIKA, DAYALEK, SOSYOLEK AT
IDYOLEK

WIKA

Ayon kay Fromkin at Rodman (1983), nabubuhay tayo sa


daigdig ng mga salita. Masasabi nating walang panahong
hindi tayo nagsasalita, malakas man o mahina, pabulong man
o sa isip lamang. At, syempre, sa ating pagsasalita ay
gumagamit tayo ng wika. Ngunit, ano nga ba talaga ang wika?
DEPINISYON NG WIKA

Instrumento ng tao ang wika sa pagpapahayag ng kanyang sarili para makamit


ang mithiin at adhikain niya sa buhay. Sa pamamagitan ng wika ay naipaparating
ng tao ang mga impormasyon na gusto niyang maibahagi sa iba.

Ayon kay Adamson Hoebel (1966) walang makapagsasabi kung saan o paano ba
talaga nagsimula ang wika.

• Ang kahulugan ng wika bilang representasyon ng karanasan ay nag-iiba sa


bawat tao. Ito'y umuunlad at patuloy na nagbabago. Kailanman ito'y hindi istatik.
MGA DALUBHASA SA WIKA NA MAY IBA'T IBANG PAKAHULUGAN SA WIKA

• Edward Sapir : Ang wika at isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mithiin.
• Caroll (1964): Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan.
• Todd (1987): Ang wika at isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon.
• Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang
arbitaryo.
• Tumangan, Sr., et al. (1997): Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas
na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay ang isang pulutong ng
mga tao.
• Semorlan, et al. (1997): ang wika ay isang larawang isinaletra't isinasabokal, isang ingat-yamn ng
mga tradisyong nakalagak dito.
• Edgar Sturtevant: Ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa
komunikasyon ng tao.
Kahulugan ng Wika na nagmula kay Sturtevant:
1. Isang sistema.
2.Binubuo ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog.
3. Ginagamit para sa komunikasyon ng tao.

• Ang mga tunog at kahulugan ng mga salita ay magkakaugnay sa arbitraryong


paraan. Nangangahulugan ito na kung hindi mo pa naririnig ang isang salita o
ang tunog na bumubuo sa salitang ito ay hindi mo ito mauunawaan.

• Arbitraryo ang mga simbolo sa bawat wika. Dumedepende sa tagagamit


ang tunog nito, ang anyo, ang kahulugan o semantika, ang pagbubuo o
sintaksis at ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita upang maunawaan o
pragmatiks.
KALIKASAN NG WIKA

Kapag ang isang sanggol ay ipinanganak, sa panahon ng


kanyang paglaki ay nagsasalita siya ng wikang kanyang
kinagisnan at natutunan niya sa kanyang kaligiran.
Kalikasan ng Wika — (Austero, et al., 1999)
1. Pinagsama-samang tunog (combination of sounds)
2. May dalang kahulugan (words have meaning)
3. May ispeling
4. May gramatikal istraktyur (grammatical structure)
5. Sistemang oral-awral (oral-aural system)
6. Pagkawala o ekstinksyon ng wika (language loss)
7. Iba-iba, diversifayd, at pangkatutubo o indijenus
(indigenous)
K ATAN G I A N NG W I KA

Anumang wika ay nagtataglay ng sumusunod na katangian.

Katangian ng Wika — (Austero, et al., 1999)


1. Dinamiko/buhay
2. May lebel o antas
3. Gamit sa Komunikasyon
4. Malikhain at natatangi
5. Kabuhol ng Kultura
6. Gamit sa lahat ng uri ng disiplina/propesyon
KAHALAGAHAN NG WIKA

Ang wika ay kasama sa pagsulong ng teknolohiya at


komunikasyon. Wika ang kasangkapan para sa materyal
na pag-unlad, maging sa pagsulong ng kultura,
edukasyon, at humanidades.
MGA PANGUNAHING GAMIT NG WIKA

1. Pangpapangalan (labeling)
2. Interaksyon
3. Transmisyon
MGA KAHALAGAHAN NG WIKA

1. Ang wika ay behikulo ng kaisipan.


2. Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao.
3. Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan o nagpapakilala sa
tungkulin at katayuan sa lipunan ng nagsasalita.
4. Ang wika ay kasasalaminan ng kultura ng isang lahi maging ng
kanilang karanasan.
5. Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupong
gumagamit ng kakaibang mga salitang hindi laganap.
6. Ang wika ay luklukan ng panitikan sa kanyang artistikong
gamit.
7. Ang wika ay kasangkapan sa pag-aaral ng kultura ng ibang
lahi.
8. Ang wika ay tagapagbingkis ng lipunan.
DAYALEK
Ang dayalek ay wikang subordineyt ng isang katulad ding wika. Pekuliyar ito sa
isang tiyak na lugar o rehiyon. Tinatawag din itong rehiyonal na dayalek. Ang
varyasyon ng wikang ito na nasa ilalim ng isang masaklaw na wika ay maaaring
nasa tunog- punto o paraan ng pagbigkas, maaaring nasa vokabularyo, o maaaring
sa pagkakabuo ng mga salita/gramar o maaaring sa lahat.

Hal. (Maynila) Ang layo naman!


(Batangas) Ala, ang layo eh!
(Bataan) Ang layo, ah!
SOSYOLEK
Ang sosyolek ay wikang tawag sa ginagamit ng bawat partikular na
grupo ng tao sa isang lipunan. Maaaring ang grupo ay nagkakaiba
ayon sa edad, sa seks, sa uri ng trabaho, sa istatus sa buhay, sa uri
ng edukasyon, atbp.

Hal. "Charot!"
"Let's make kain na."
IDYOLEK
Kakaiba ang indibidwalidad ng isang indibidwal na mababakas sa
mukha, pagkilos at maging sa pagsasalita. May pekuliyaridad sa
pagsasalita ng isang indibidwal at ang pekuliyaridad sa pagsasalitang
ito ay tinatawag na idyolek.

Hal. "Magandang gabi, bayan!"


"Hindi namin kayo tatantanan!"
LEKSYON 2: VARAYTI AT VARYASYON:
HEYOGRAPIKAL AT SOSYAL

May iba-ibang uri ng wika kaya nga sinasabing may varayti ng


wika. Nagkakaroon ng iba-ibang uri dahil may pagkakaiba o
varyasyon sa mga aytem na pangwika. Maaaring ang varyasyon ay
nasa tunog, mga salita o vokabularyo at sa istrukturang gramatikal
o sa lahat ng ito. Ang mga ito ay maaaring iugnay sa mga
eksternal na faktor na maaaring heyograpikal o grupong sosyal.
HEYOGRAPIKAL

Sa kondisyong heyograpikal ng mga tagapagsalita ay


pumapasok dito ang pagkakaiba sa tono, sa vokabularyo at sa
gramar ng wika. Nagkakaroon ng pagkakaiba sa wika batay
na rin sa lugar o lokasyon ng tagagamit ng wika.
SOSYAL

Ang pagkakaiba-ibang sosyal sa paggamit ng wika ay


tinatawag ding sosyolek. Nagmula ang pagkakaibang
ito sa wika bunga ng posisyong sosyal o panlipunan ng
bawat grupo.
LEKSYON 3: REJISTER: DISIPLINAL NA
KALIKASAN, GAMIT AT ISTRUKTURA

Gawa nang pagkakaiba-iba ng grupo ng tao, lumilitaw ang varyasyong


sosyal ng wika.Kabaling dito ang rejister na ginagamit ng partikular na
grupo na nagkakasama-sama dahil sa:
a) uri ng profesyon mayroon sila
b) gawain o trabaho
c) interes
d) iba pang grupo na nagkasama-sama dahil sa kinaaanibang
organisasyon, relihiyon, atbp.
REJISTER

Ang rejister ay set ng mga salita o ekspresyon na


nauunawaan ng mga grupong gumagamit nito na
maaaring hindi nauunawaan ng mga taong hindi kasali
sa grupo o hindi pamilyar sa profesyon, uri ng trabaho
o organisasyong kinabibilangan ng nagsasalita o
grupong nag-uusap.
ISTILO

Ang istilo ay bahagi rin ng varayti ng wika. Maaaring


gumamit ng iba't ibang istilo ng pagsasalita ang isang
tagapagsalita. Maaari siyang maging formal o di-formal sa
pakikipag-usap. Ikinokonsidera dito ang edad, seks o kasarian,
uri ng trabaho, atbp. Ikinokonsidera rin ang uri ng okasyon,
lugar, paksa, relasyon ng tagapagsalita sa kinakausap, at ang
layunin ng pag-uusap. Nagmula ang pagkakaibang ito sa wika
bunga ng posisyong sosyal o panlipunan ng bawat grupo.
Nagtatapos na rito ang aming ulat.
Maraming salamat sa pakikinig!

You might also like