You are on page 1of 5

ANG WIKA

Ang tao ay nabubuhay sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Sa


ating pakikipag-ugnayan, naipakikilala natin ang ating mga pangarap, limitasyon,
pagpapasalamat, pangako, damdamin, at iba pa. Maaari tayong tumawa para
maipahayag ang ating kagalakan o kaligayahan at sumigaw para mailabas natin ang
ating galit, sama ng loob, kaguluhan pero ang sistema ng ating komunikasyon bago ang
anuman ay wika Ang wika, isa sa mga mahahalagang instrumento ng tao sa kanyang
pakikipagtalastasan ay nabigyang depinisyon o kahulugan ng iba't ibang mga
manunulat. Ang mga kahulugang ito ay naipakilala sa inyong mga asignatura sa mas
mababang antas ng inyong pag-aaral. Sa paksang ito, ipinakikilala ang konsepto ng
wika, wikang pambansa, wikang panturo, at wikang opisyal para sa pagkilala at pang-
unawa sa papel nito sa lipunang Pilipino.

A. Ang Papel ng Wika


Makabuluhan ang papel ng wika sa anumang lipunan. Sa kasaysayan ng Pilipinas,
mahalaga ang naging gampanin ng paggamit ng wika ng mga iba't ibang sektor para sa
pagsasakatuparan ng kanilang mga gawain sa araw-araw. Ang wika na binigyang
kahulugan ni Tumangan (1997) bilang isang paraan ng pananagisag o pagbibigay
kahulugan sa mga tunog upang makamit ang layuning makaunawa at maunawaan ng
ibang tao ay nagpapakilala lamang na ang wika ay may malaking papel sa isang
lipunang nagkakaunawaan.
Ayon kay Whitehead, ang wika ay nagpapakilala sa kabuuan ng kaisipan ng mga taong
lumikha nito. Nangangahulugan na ito ay sumasalamin sa anumang nagawa at
ginagawa ng isang pangkat ng taong gumagamit nito. Ayon kay Carlyle (n.d.), ito ay
bilang saplot ng kaisipan o mas angkop na sabihing saplot ng kalamnan, ng katawan, at
ng pag-iisip.

Ang Ginagampanan ng Wika sa Lipunan at ang Halaga nito


Ang bat ibang papel na ginagampanan ng wika sa lipunan ay maaaring maipakilala
ayon mahalagang instrumento ang wika para sa mga sumusunod na kahalagahan nito
1. Nagpapadaloy ng Kaisipan – Mahalagang instrument ang wika para sa
pagpapadaloy ng iba't ibang kaisipan sa kanyang kapwa tao sa iba't ibang henerasyon
Ito ay instrumento, pasulat man o pasalita, para maipahayag ang mga nabuong
kaisipan ng bawat mamamayan.
2. Nagpapabago ng Isang Sistema - Makapangyarihan ang wika para mapabago ang
isang lipunan. Sa tulong ng wika naipapakilala ang mga Sistema na kailangang
mapabuti sa isang pangkat o lipunan Gamit ang wika, nahihikaya isang sistema ng
isang angkat o organisasyon. Gamit ang wika nakakahikayat ng isang tao ang kanyang
kapwa para makisama sila para sa pagtupad sa isang pagbabagong inaasam.
3. Nagpapalapit sa Mundo - ang magkakalayong tao mula sa mga magkakalayong lugar
halimbawa, ay nagagawang makatulong para ang mga tao ay maaaring malayang o
bansa ay napapalapit sa isa't isa sa bisa ng paggamit ng wika. Ang wikang Ingles.
makapunta sa mga bansa o lugar na hindi gumagamit ng kanilang mga unang wika.
4. Nagbubuklod sa mga Tao - Magkakaiba ang mga paniniwala, kultura, kasaysayan,at
kaisipan ng tao. Gayunpaman, ang wika ang nagiging instrumento para pagbukludin
ang mga pagkakaibang ito. Nagiging instrumento ang wika para mapag-isa at
mapagsama para sa isang lipunang mapayapa at maunlad.
5. Nag-iingat ng Kasaysayan - Gamit ang wika ang mga sinaunang pangyayari ay
naitatala sa kapakinabangan ng iba't ibang henerasyon. Dahil sa kapangyarihan
pagkakataon ang mga kasalukuyang mag-aaral para maintindihan ang mga kaisipang
ng wika na maitala ang kasaysayan ng bawat mamamayan, lalong nabibigyan ng
nalambag ng mga sinaunang mamamayan.
6. Nagtataguyod ng Kultura - Ang mga pamanang kultura ay hindi nakakalimutan ng
mga tao dahil ito ay isinalin, pasulat man o pasalita, gamit ang wika sa bawat
henerasyon. Ang paggamit ng wika sa pagsasalin sa kultura ng bawat mamamayan ay
hindi natatapos bagkus ay lalong nadaragdagan.

Sa pagpapakahulugan ni Gleason (1961) sa wika, naipapakilala na ito ay may


mahalagang papel para sa pakikipagtalastasan ng mga taong nabibilang sa isang
kultura. Aniya, ito ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
pangkat na kultura. Mula sa pagpapakahulugang ito, ipinakilala nina Bernales (2002) et
al., ang mga sumusunod bilang katangian ng wika:
1. Ang wika ay may masistemang balangkas - ang balangkas ng isang wika ay
sumusunod sa isang sistema na hindi naiiba sa iba pang mga wika sa buong mundo.
Lahat ng wika ay nakabatay sa isang makahulugang tunog na tinatawag na ponema.
Ang pag-aaral sa mga ponema ay tinatawag na ponolohiya. Ang mga ponemang
pinasama-sama para makabuo ng maliliit na yunit ng saita ay tinatawag na morpema.
Ang pag-aaral sa mga morpema ay tinatawag na morpolohiya. Sa wikang Filipino, ang
mga morpema ay maaaring isang salitang-ugat, panlapi, at morpemang ponema Sa
pagsasama-sama sa mga morpema, nakakabuo tayo ng mga salita. Ang pag uugnay
sa mga salitang ito ay nakakabuo naman ng isang pangungusap. Sa pag-aaral sa
masistemang balangkas ng wika, tinatawag ang makaagham ng pag-aaral sa mga
pangungusap na sintaks. Sa pakikipagpalitan ng mga pangungusap sa pagitan ng mga
tao, nagkakaroon ng diskors, Ang pag-aral sa diskors ay maaari ring gawin katulad ng
pagsusuri sa mga diskursong nagaganap sa loob ng isang pagpupulong.
Ponema - Morpema - Sintaks – Diskors - Balangkas ng Wika
2. Ang wika ay sinasalitang tunog. Ang mga pinagsama-samang mga ponema o
makahulugang tunog ay binibigkas o sinasalita ng tao. Samakatuwid, ang wika ay
naibubulalas ng tao mula sa kanyang bibig bilang resulta ng koordinasyon ng mga
aparato ng pagsasalita sa kanyang katawan.
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos - Ang mga salitang ginagamit natin, pasalita man o
pasulat, ay nangangailangan ng tamang pagpili para tayo ay maunawaan ng ating mga
kausap. Sa ating pagpili at pagsasaayos, maaaring ito ay tumutugon sa mga
sumusunod:
a. taong kausap - bata man o matanda, pareho kayo ng wika o hindi, propesyon, at iba
pa.
b. konteksto - para maging epektibo ang pakikipagtalastasan, mahalagang maisaayos
at mapili ang wika na gagamitin ayon sa konteksto ng pag-uusap.
c. instrumento sa pakikipag-usap ang paggamit ng wika ay nag-iiba ayon sa
instrumentong gamit ng tao katulad ng paggamit nito sa telebisyon, radyo, telepono,
social media, pahayagan, cellphone, at iba pa.
d. layunin ng pag-uusap ang pagtamo sa layunin ng pakikipag-usap ay nakabatay sa
pagpili at pagsasaayos ng wikang gagamitin.
4. Ang wika ay arbitraryo - Maaaring ang mga tao ay gumagamit ng lisang wika, ngunit
hindi nangangahulugan na ang kanilang pag-unawa sa isang yunit nito ay pare-pareho.
Maari ring ang pagiging arbitraryo ng isang wika ay naaayon sa anumang naikakabit
natin sa isang salita na ating napakikinggan o nagagamit. Halimbawa, ang pag-unawa
natin sa salitang "pamilya" ay maaaring iba sa pag unawa ng iba sanhi ng kanilang
karanasan sa loob ng kanilang pamilya.
5. Ang wika ay ginagamit - Sa talaan ng mga insitusyong nagsasagawa ng mga pag
aaral tungkol sa wika katulad ng Summer Institute of Linguistics (SIL), lumalabas na
may mga wikang hindi na sinasalita ng mga taong nagmamay-ari nito. Sanhi nito, may
mga ilang mga wika sa buong mundo na itinuturing nang patay na wika. Ang paggamit
ng isang wika ay mahalaga para maingatan at maitaguyod ang mga yamang lahi
nakapaloob dito
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura - Ang mga salitang nabuo sa loob ng isang wika ay
repleksyon ng mga kaisipan, bagay. sistema, uri ng pamumuhay. kasaysayan, pook, at
iba pa ng mga taong gumagamit nito. Ito ang dahilan kung bakit may mga
terminolohiya, kasabihan, at kawikaan sa isang wika na hindi maaaring tumbasan sa
ibang wika dahil sa pagkakaiba sa bawat lipunang kinabibilangan ng mga tao.
7. Ang wika ay nagbabago. Sa pagdaan ng panahon. nagbabago ang wika.
Nadaragdagan ang bilang ng mga salita dahil sa mga bagong tuklas o nadaragdagan
ang kahulugan ng mga salita dahil sa mga bagong karanasan na ikinakabit sa mga ito.
Maaari rin na nababago ang mga kahulugan ng mga salita dahil sa pagpapakilala ng
mga ibang kultura mula sa ibang lugar o mga ibang sistema sa isang lipunan.

B. Ang Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika


Maraming mga haka-haka o pagpapalagay tungkol sa pinagmulan ng wika. Paano nga
ba ito nabuo? Bago pa man nagkaroon ng maraming mga nakalimbag na mga akda o
sulatin, nauna nang nakapagsasalita ang mga tao. Sa loob ng maraming siglo ay
nagkaroon ng napakaraming haka-haka kung paano nagsimula ang wika. Ang mga
haka-haka na ito ang naging dahilan para matukoy ang mga naunang mga teorya
(Okrent, 2018) na pinangalanan ng mga iskolar ng wika subalit ito naman ay hindi
sinasang-ayunan ng ilang iskolar sa ilang mga kadahilanan.
1. Teoryang bow-wow Ito ang isa sa mga pinakakilalang teorya ng wika na
nagpapalagay na ang mga salitang binibigkas ng mga tao ay hango sa mga tunog na
likha ng mga hayop tulad ng moooo ng baka, meeeeeh ng kambing, kwak kwak ng
pato, meow ng pusa, at hissssss ng ahas. Pinaniniwalaan na ang unang salita ng tao ay
isang uri ng senyas na ang ayos ay likas na konektado sa mga kahulugan nito. Ang
teoryang ito ay nakatatanggap ng ilang pagtatanong dahil ang mga nalilikhang tunog ng
mga hayop sa anumang bahagi ng mundo ay magkakatulad subalit ang pagkakagamit
ng mga ito sa bawat wika ay magkakaiba. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga
halimbawa nito (Vajda, n.d.)
a. Aso: bow-wow, Chinese: wu-wu; Japanese: wan-wan: Russian: gaf-gaf, tyaff tyaff; at
English: arf-arf
b. Pusa: meow; Russian: myaoo; Chinese: mao; Japanese: nya-nya; at French: ronron
c. Baboy: Oink-oink; Russian: hryu-hryu; Chinese: oh-ee-oh-ee; at Japanese: bu-bu
d Tandang: black; English: cock-a-doodle-doo; at Russian: kukareiku
2. Teoryang Pooh-Pooh- ipinakikilala sa teorya na ito ang ideya na ang pananalita ay
nagmumula sa awtomatikong mga tugon sa sakit, takot, sorpresa, o iba pang mga
damdamin katulad ng pagtawa, pagtill, o galit. Ngunit ito ay kinukuwestyon dahil
maraming mga hayop ang gumagawa din ng mga ganitong uri ng mga tunogng mga
tunog at hindi sila nagtapos sa wika.
3. Teoryang Dingdong - Nagsimula ang wika ng sinimulan ng tao na bigyan ng
pangalan ang mga bagay, kilos, at pangyayari batay sa mga nakilalang tunog ng mga
ito sa tunay na buhay. Ang teoryang dingdong kung ganun ay teorya na nagsasabing
ang pagkakabuo ng mga salita sa isang wika ay konektado sa mga bagay sa mundo na
may nakakaantig na taginting o tunog. Isinasaad ng teoryang ito na ang unang salita ng
tao ay isang pasalitang palatandaan na may eksaktong ayos o larawan ng kanyang
kahulugan. Halimbawa, ang boom (English) - pagsabog, al-ai (Basque) - kutsilyo, tun-
tun (Indian)- puso. Ang mga makahulugang salitang ito ay natural na nagpapakilala ng
kaugnayan nito sa tunay na lugar at panahon.
Ang teoryang ito ay nagdudulot ng maraming katanungan dahil hindi malinaw kung
paano ito limbestigahan. Sa pagsasaalang-alang na napakalimitado ng mga salita sa
loob ng isang wika na maiuugnay sa katumbas na tunog, kinakailangang maintindihan
na hindi lahat ng salita ay nabuo mula sa pagpapalagay na ito.
4. Teoryang Yo-He-Ho - Ito ay teorya na naglalahad na ang pagsasalita ay nagsimula
sa mga maindayog na mga ritmo ng pag-awit at mga madamdaming tunog ng
paglalabas ng tao sa kanyang puwersa o lakas. Maaaring ang mga salita ay nalikha
kapag sila ay nanununtok, nanganganak, nagtatrabaho at iba. Para mapatunayan ang
teoryang ito, maaaring saliksikin sa pamamagitan ng pagtukoy sa ilang mga salita na
napaloob sa isang wika ang mga maaaring nabuo sanhi ng paggalaw nang may
kasamang puwersa.
5. Teoryang Ta-ta - ang teoryang ito ay nagsasabing ang pananalita ay nanggaling sa
paggamit ng dila at sa galaw ng bibig para gayahin ang mano-manong pagkilos ng tao.
Halimbawa, ang ta-ta ay parang pagsasabi ng paalam gamit ang dila. Ipinagpalagay ni
Charles Darwin na ang pagsasalita ay maaaring nabuo bilang isang uri ng pantomina
ng bibig. Ang mga kasangkapan sa pagsasalita o speech organs ay ginamit upang
tularan ang mga muwestra ng kamay.
Malaki ang posibilidad na ang wika ng tao ay nagsimula sa ilang sistema ng mga galaw.
Ang mga sinaunang tao ay umasa sa paggamit ng kilos o galaw para sa kanilang
pakikipagtalastasan. Ito ang dahilan kung bakit may pagpapalagay na ang wika ay
nagsimula sa teoryang ito. Gayunpaman, ang teoryang ito ay nangangailangan ng
pagpapatunay dahil marami tayong mga salita na walang kaugnayan sa mga galaw
natin. Naiiba rin ang mga galaw ng tao ayon sa kanilang kultura. Ang galaw ng kamay
sa pagpapakilala ng pagbati o paggalang sa bawat bansa ay magkakaiba.
6. Teoryang la-la - ang teoryang ito ay nagpapakilala ng ideya na ang pagsasalita ay
lumitaw mula sa mga tunog ng isang inspiradong tao, pag-ibig, mala-tula na
pakiramdam, at awit. Ang isang ito ay kaibig-ibig, at walang higit o mas malamang
kaysa sa alinman sa iba.

You might also like