You are on page 1of 7

UNANG BAHAGI: Ang Pagtataguyod ng Wikang

Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon

Bahagi na ng ating buhay ang paggamit ng wika upang maisagawa ang iba’t ibang
gawain. Ang wika ay nagsisilbing instrumento upang mailahad ng isang tao ang kaniyang
saloobin, opinyon, damdamin, atbp. Nagsisilbi rin itong tagapagbuklod sa lahat ng mamamayan
sa isang bansa. Ayon kay Grace de Guna (2013) sa kaniyang aklat na Speech: Its Function and
Development,” Men do not speak simply to relieve their feelings or to air views but to awaken a
response in their fellows and to influence their attitudes and acts.” Nangangahulugan lamang ito
na ang bawat salita na mamumutawi sa bibig ng isang tao’y may malaking epekto sa kaniyang
kinakausap, at ito’y nakadepende sa tunguhin ng kaniyang pakikipagtalastasan.

Ang bahaging ito ay nakapokus sa mga depinisyon ng wika ayon sa iba’t ibang
dalubwika, mga katangian, kalikasan ng wika, kahalagahan ng wika. Tatalakayin din dito ang
magandang kasaysayan ng wikang pambansa; ang sitwasyon ng Wikang Filipino bilang wika sa
globalisasyon; mga teoryang pangwika, at mga barayti at register ng wikang pasalita at pasulat.

11
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


Aralin 1: WIKA: Depinisyon, Gamit,


Kalikasan at Katangian

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakapaghihinuha ng iba’t ibang depinisyon ng wika;
2. Nakapagpapaliwanag ng mga gamit, katangian at kalikasan ng wika;
3. Nakapagbibigay-halaga sa paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan.
4. Nakapagsusuri ng wastong gamit ng wika na mailalapat sa partikular na
mga gawain.
5. Nakabubuo ng flow chart na naglalarawan ng gramatikal istraktyur ng wika.

Itinakdang oras: Dalawang (2) oras

1
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


ISAGAWA

PAMAGAT: Pagbuo ng Concept Map


ORAS: 15 minuto
MATERYALES: worksheet at panulat

Panuto: Punan ang Concept Map ng iyong sariling pagpapakahulugan ng WIKA. Gawing maikli lamang
ang iyong pagpapakahulugan.

WIKA

MAIKLING PAGTATALAKAY

Ano ang wika?

Maraming dalubwika ang nagpahayag ng kani-kanilang depinisyon ng wika. Ayon kay Adamson Hoebel
(1966) walang makapagsabi kung saan o paano ba talaga nagsimula ang wika. Maaaring ang tao noon ay
nakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pag-iyak, paghiyaw, pagkilos o paggalaw/pagkumpas hangggat ang
mga senyas na ito ay binigyan ng mga sim bolo at kahulugan. Ang kahulugan ng wika bilang representasyon ng
karanasan ay nag-iiba sa bawat tao. Ito’y umuunlad at patuloy na nagbabago. Kailanman ito’y hindi istatik (Santos,
A. L., et al. (2012).

2
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


Ayon naman kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin at mithiin. Ayon naman kay Caroll (1964), ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na
binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at
pagbabago sa bawat heneraston, ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga
hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natututunan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o
komunidad.

Para naman kay Tood (1987), ang wika ay misang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa
komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito’y isinusulat din. Ang
tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito, walang dalawang wikang magkapareho bagamat
bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin. Ayon naman kay Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo.

Ayon naman kay Tumangan, Sr., et al. (1997), ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na pandang
binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay ang isang pulutong ng mga
tao. Para naman kay Semorlan, et al. (1997), ang wika ay isang larawang isinasaletra/t isinasabokal, isang ingat-
yaman ng mga tradisyong nakalagak dito. Dagdag pa ni Edgar Sturtevant, ang wika ay isang sistema ng mga
arbitaryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng mga tao.

Konsepto ng Wika

Ilan sa mga sumusunod na konsepto ang naging basehan upang mapaunlad ang kaniyang sarili sa
pakikipag-ugnayan sa kaniyang kapwa gamit ang wika (Acopra, J., et al. (2018)).

1. Mula sa Kamalayan at Damdamin ng tao


Bawat pagkilos ng tao ay kaalinsabay nito ang kaniyang pagmamasid sa kaniyang paligid at sa bawat
kaniyang pagtugon ay kaakibat nito ang kaniyang nararamdaman mula sa kaniyang pagmamasid sa mga
pangyayaring nagaganap sa kaniyag kapaligiran. Ang pagbibigay reaksyon sa pagtugon sa isang pangyayaring
naganap ay isang indikasyon ng pagkagising ng kaniyang kamalayan at pagpapahayag ng saloobin.

2. Simbolo ng natatanong
Bilang indibidwal nangangailangan na mapalawak ang sarili niyang kaalaman sa lpamamagitan ng
pananaliksik sa mga bagay na makatutulong sa kaniyang sarili. Sa tulong ng pagtatanong nagiging daan ito
upang ang kaniyang mga katanungan ay maging sandigan ng kaniyang kaalaman tungo sa pagpapaunlad ng
kaniyang kakayahan.
3. Buhay na Rasyonalisayon
Ang tao ay isinilang na rasyunal samakatuwid, alam niya kung paano ipaliwanag ang isang bagay o
iniisip kung ito ay makabubuti o makasasam sa kaniyang sarili at ginagawa.

4. Pook ng Tunggalian
Ang wika ay siyang daan upang ang bawat isa ay magkaroon ng ugnayan sa kaniyang lipunan.
Saanmang pook ay gamit ang wika bilang bahagi ng kaniyang pakikiisa sa kapwa.

3
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


5. Nagtuturo ng Pag-ibig
Ang wika ang siyang gamit sa pagpapahayag ng kaniyang iniisip, nadaramang damdamin sa kaniyang
kapwa. Ito ang nagsisilbing bigkis ng mga taong nagkakaisa ang puso at isipan.

6. Nagpapalaya
Ang wika ang nagsisilbing daluyan natin sa ating sarili, kapwa at sa ating kapaligiran. Ito ang nagiging
sandata ng bawat isa upang maipahayag ang kaniyang ideya at saloobin mula sa kaniyang namasid sa
kaniyang kinalalagyan. May kasabihan nga na kung ano namutawi sa iyong labi ay depinisyon ng iyong sarili.
Wika ang tagapagpalaya sa mga taong nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.

7. Sagradong Simbolo
Ang wika ay nagmumula mismo sa ating sarili. Ito’y nanalaytay sa buong katawan natin na siyang
templo ng ating pagkatao. Tayo ay hnugis ng Panginoon na kanyang kawangis, samakatuwid ang ating sarili
ang templo ng Diyos na may likha sa atin na dapat nating ingatan at pagalagahan.

8. May Mitolohiya
Lahat ng bagay na nilikha dito sa mundo ay may pinagmulan at dahil dito, ang wika ay may
pinanggalingan na hindi natin maitatatwa sapagkat ito ay nakasulat sa banal na kasulatan kung paano
nagsimula ang wika.

9. May Adaptasyon
Dahil sa patuloy na pagpaimbulog ng ating wika at dal ana rin ng ating kasaysayan mula sa mga
sumakop sa atin kung kaya ang ating mga salita ay naging mayabong. Bawat pangyayari sa ating kasaysayan
ay kasabay nito ang pagsulpot ng iba’t ibang salita na sa kasalukuyan ay nagpapayaman ng ating talasalitaan.

10. May Kapangyarihan


Paano nga ba naipamamalas ang kapangyarihan ng wika? Simple lang sapagkat kasabay nito ang
pagpapakilos sa tao batay sa relasyon niya sa kaniyang kapwa at estado ng buhay. Bawat kataga o salita ay
may nakabalot na kahulugan na siyang nagiging mensahe upang maunawaan ng kaniyang kausap ayon sa
kalagayan nito sa buhay sa lipunan.

Mga Pangunahing Gamit ng Wika

1. Pagpapangalan (Labeling) – Ginagamit ito sa pagtitiyak o pag-aaydentifay sa mga bagay, gawain, kilos o
tao sa pamamagitan ng pagbibigay-pangalan dito.
2. Interaksyon – Tumutukoy ito sa pagbabahaginan ng mga naisin o ideya.
3. Transmisyon – Ginagamit ang wika sa pagpapasa ng mga impormasyon.

4
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


Kalikasan ng Wika (Austero, et al., 1999)

a. Pinagsama-samang tunog. Ang wika ay pagsasama-sama ng mga tunog na nauunawaan ng mga


tagagamit nito na kapag tinuhog ay nakabubuo ng salita. Ang nabubuong salita mula sa mga tunog na ito
ay may kahulugan.
b. May dalang kahulugan. Bawat salita ay may taglay na kahulugan sa kaniyang sarili lalo’t higit kung
ginagamit na sa pangungusap.
c. May ispeling. Bawat salita sa iba’t ibang wika ay may sariling ispeling o baybay. Sa wikang Filipino,
masasabing madali lamang ang ispeling ng mga salita dahil sa katangian ng wikang ito na kung ano ang
bigkas ay siya ring baybay.
d. May gramatikal istraktyur. Binubuo ito ng ponolohiya at morpolohiya (pagsasam ng mga tunog upang
bumuo ng salita); sintaks (pagsasama-sama ng mga salita upang bumuo ng pangungusap); semantics
(ang kahulugan ng mga salita at pangungusap); at pragmatiks (nagpapaliwanag sa pagkakasunod-sunod o
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap), sa partipasyon sa isang kombesasyon at sa antisipasyon ng
mga impormasyon na kailangan ng tagapagsalita o tagapakinig.
e. Sistemang oral-awral. Sistemang sensura sa paraang pasalita (oral), at pakikinig (awral). Ang dalaang
mahalagang organo na binubuo ng bibig at tainga ang nagbibigay-hugis sa mga tunog na napapakinggan.
Ang lumalabas na tunog mula sa bibig ay naririnig ng tainga na binibigyang kahulugan ng nakikinig.
f. Pagkawala o ekstinksyon ng wika. Maaaring mawala ang wika kapag di nagagamit o wala nang
gumagamit. Tulad din ito sa pagkawala ng salita ng isang wika, halimbawa, ang salitang banggerahan na
bahagi ng sinaunang ayos ng kusina na lugar kung saan hinuhugasan at itinataob ang mga pinggan, baso,
atbp. ay hindi na alam ng maraming kabataan sa ngayon. Dahil nagkakaroon ng pagbabagpng istruktural
ang bahay sa kasalukuyang panahon, darating ang panahon at tuluyan nang di gagamitin ang salitang
banggerahan kaya masasabing mawawala na ito o pupunta sa ekstinksyon.
g. Iba-iba, diversifayd at pangkatutubo o indijenus. Dahil sa iba’t ibang kulturang pinagmulan ng lahi ng
tao, ang wika ay iba-iba sa lahat ng panig ng mundo. May etnograpikong pagkakaiba sapagkat
napakaraming grupo at/o etnikong grupo ang mga lahi o lipi.
Katangian ng Wika (Austero, et al., 1999)

a. Dinamiko/ buhay. Dahil dinamiko ang wika, ang bokabularyo nito’y patuloy na dumarami, nadaragdagan
at umuunlad. Aktibo itong ginagamit sa iba’t ibang larangan. Hindi lamang ito pang-akademiko kundi
pangmasa rin.
b. May lebel o antas. May wikang batay sa gamit ay tinatawag na formal at di-formal, pang-edukado, balbal,
kolokyak, lalawiganin, pansensya at pampanikan. Dumedepende ang lebl o antas ng wika sa mga taong
gumagamit nito at maging sa uri ng lugar na pinaggagamitan. Halimbawa, iba ang uri ng wikang gamit ng
isang pari sa simbahan kaysa sa wikang gamit sa palengke. Iba rin ang wika ng taong nakapag-aral kaysa
sa taong hindi nakapag-aral.
c. Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikag sinasalita. Ang wikang pasulat ay paglalarawan
lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang pangungusap kung walang
salita. Sa pagsasama-sama ng mga salita, nabubuo ang pangungusap. Ginagamit ang wika bilang
instrument ng pagkakaintindihan, pagkakaisa at pagpapalawak ng kaalaman.
5
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


d. Ang wika ay natatangi. Bawat wika ay may kaibihan sa ibang wika. May pagkakaiba man ang mga wika,
wala naming maituturing na superyor o imperyor. Napagsisilbihang lubos ng partikular na wika ang
lipunang gumagamit dito, kaya walang makapagsasabi na nakahihigit ang kanyang wika sa wika ng iba.
e. Magkabuhol ang wika at kultura. Hindi maaaring papaghiwalayin ang wika at kultura.Ang pagkamatay o
pagkawala ng isang wika ay nangangahulugan ding pagkamatay o pagkawala ng isang kultura. Ang wika
rin ang pagkakikilanlan sa isang kultura.
f. Gamit ang wika sa lahat ng uri ng disiplina/propesyon. Bawat disiplina o propesyon ay may partikular
na wikang ginagamit, kung kaya may mga partikular na rejister na lumalabas o nabubuo. Halimbawa, may
mga salitang partikular na gamit lamang ng mga doctor, may kanya rin ang mga abogado, ang mga
magsasaka, at iba pang grupo.

You might also like