You are on page 1of 19

Pagpapahalaga sa Wika

Opinyon o
Katotohanan
Katotohanan
Ay isang kalagayang namamayani na
mapaptunayan sa pamamagitan ng
pagsusuri at paghahambing sa mga
karanasan o pangyayari sa paligid.
- Ginagamitan ito ng mga salita o parirala
tulad ng batay sa, resulta ng,
pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay,
tinutukoy na, mababasa na
Halimbawa
1. Ayon kay Thess Conroy ng Software
Solutions Corporation (CSSC), ang
Protective Services, Safety, Health,
Environment and Disaster (PSSHED)
Management System ay malaking tulong
sa Philippine disaster risk reduction ang
management system.
2. Bunga nito nagkaroon ng pilot study sa
bayan nga Batangas na nagkaroon ng
kauna-unahang interactive disater
preparedness/risk reduction software
program upang lubos na mapaghandaan
ang sakuna tulad ng lindol ang bagyo.
(Pilipino Star, A.G Pedroche,Marso 2011)
Opinyon
Ito ay isang kuro-kuro o haka-hakang
personal. Ito ay sariling paniniwala tungkol
sa isang bagay. Maari itong ibatay sa isang
katotohanan o karanasan. Ginagamitan ito
ng mga salita o parirala tulad ng:
sa aking palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari
ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin,
sa ganang akin
Halimbawa

1.Sa palagay ko, Si Rona ang


pinakamatalino sa kanilang
klase.
2.Para sa akin, ang basurero ang
pinakamahalagang katulong sa
pamayanan.
Pagsusulit
Isulat sa sagutang papel ang
wastong sagot kung ito ay
OPINYON o KATOTOHANAN
_ 1. Mababasa sa pahayagan na
may isa na namang kumakalat na
nakakatakot sa sakit na dati nang
kumitl ng maramng buhay sa
kontinente ng Africa.Ito ang Ebola
Virus. Ito ang unang nakita noong
1976 sa dalawang maksabay na
pagpapalganap sa Nzara, Sudan at
Yambuku, Democratic Republic of
Congo.
2. Batay sa resulta ng
pananaliksik, apektado sa
kasalukyan ang mga bansa ng
West Africa tulad ng Guinea,
Liberia at Sierra Leone. Ang
EVD outbreaks ay karaniwang
lunalaganp sa liblib na lugar, na
madala ay malalapit sa tropical
rainforest.
_3. Marami ang nagsasabi na ang
virus ay naisalin salin sa mga tao sa
pamamagitan ng close contack sa
dugo, secretions, organs o iba pang
likido ng katawan ng infected na
hayop at kumakalat sa populasyon
ng tao sa pamamagitan ng
paghahawaan o human to human
transmission.
4. Sa aking palagay, Ang
Fruit Bats o paniki,
chimpanzees, gorillas, mga
usa at porcupines sa gubat
ang kinukonsiderang
pinangga galingan ng Ebola
Virus.
5. Sa ngayon, tinutukoy
na lumalaki ang bilang ng
mga taong nahawa ng sakit
na ito kabilang na ang mga
medical practitioner sa lugar
na apektado ng sakit na ito.
_6. Batay sa ulat ng DOH,
umaabot na sa 1,975 na ang
nagpositibo sa virus, habang
1,069 sa mga ito ay nasawi
na simula nang madiskubre
ito noong buwan ng Marso.
7. Ayon sa ulat ng US
Centers for Disease Control and
Prevention ng pinakmataas
nitong "level alert 1" ay ang
pinakamataas na scalena 1-6 at
itinaas nito ang ilang ng mga
manggagawa na kakailanganin,
mga kagamitan, teknolohiya at
pondo para rito.
_8. Naniniwala ako na
ngayon na lamang ulit itinaas
sa level-1 response mula
noong 2009 na inilabas para
naman sa out break ng
AH1N1 Flue.
_ 9. Mababasa sa mga
pahayagn (online at print) na
ang Ebola Virus Disease (EVD),
kilala sa dating pangalan na
Ebola Hemorrhagic Fever. Ito ay
isang malubha at karaniwang
nagdudulot ng kamatayan ng
tao.
10. Ayon sa pananaliksik
ang paglaganap ng EVD ay 90%
na nagreresulta ng kamatayan
sa mga biktimang kinakapitan.
Ang ibig sabihin sa sampu na
magkakasakit nito, isa lang ang
maaring ligtas.
Gawain: Humanap ng kapareha at kumalap
ng impormasyon tungkol sa anomang isyung
pambasa sa pamamagitan ng pagbabasa ng
balita at iba pang artikulo. Suriin ang mga
impormasyon tungkol sa isyu at
magpalitang-kuro sa kapareha upang
magbigay ng opinion hinggil dito. Mula sa
matutuklasan, gumawa ng presentasyon at
maging handa na talakayin sa klase ang
inyong napag-usapan.
Sagot
1. Katotohanan 6. Katotohanan
2. Katotohanan 7. Katotohana
3. Opinyon 8. Opinyon
4. Opinyon 9. Katotohanan
5. Katotohanan 10. Katotohanan

You might also like