You are on page 1of 3

Lesson 8 Panonood

 Ito ay isang kakayahan at kasanayang pangkomunikasyon na umuunawa sa mga nakikitang imahe sa


kapaligiran ng isang tao. Binubuo ang imaheng ito ng anumang bagay na may kulay, hugis, anyo,
animasyon at salita.
 Ito ay proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video recording at iba pang visual media
upang magkaroon ng pag-unawa sa mensahe o ideya na nais iparating nito.
 Sa madaling salita, ang panonood ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng kaalaman sa higit na malalim
na pagpapakahulugan o paghihinuha sa mga nakikita, namamasdan at napapakinggan.
 Sa panonood, bagama't kinikilala ang mga detalye, higit na mahalaga na mahanap ang isang tiyak na
detalye. Sa sandaling matukoy ito, magsisimula na ang pagbibigay- interpretasyon kung saan
iuugnay na lahat ng mga detalyeng natuklasan ay iuugnay ito sa mga salik na nakapaloob sa imahe,
maging ito man ay larawan, palabas o anupaman.
 Sa pamamagitan ng panonood, lalo na kung ito ay isang pelikula o dula, natutuklasan din ang
natatagong kaalaman na makikita sa tema ng isang produksyon o sa pinapanood sa pamamagitan ng
pagbibigay-kahulugan sa kilos, ekspresyon ng mukha, sa imahe, sa plot o balangkas ng iskrip, sa
panahong pinapanday ang isang palabas o pagtatanghal hanggang sa daloy ng kuwento na nais
iwanan ng mga nagsiganap dito.
Kahalagahan ng Panonood
 Mapaunlad at malinang ang kakayahang magbigay-pakahulugan upang mapalawak ang kaalamang
pangkaisipan at pag-unawa.
 Higit na malinang ang kakayahang magsuri o mangilatis sa pagiging makatotohanan ng isang bagay.
 Mataya ang iba't ibang elemento ng isang produksyon (pangyayari, suliranin, kagamitan at iba pa).
 Magkaroon ng kamalayan sa katotohanan ng buhay.
 Maging mapagmasid at alerto sa mga pangyayari sa paligid.
 Magsilbing inspirasyon at maging pamantayan ito upang gawin kung ano ang tama at nararapat.
Iba’t ibang Uri ng Manonood at Panonood
1. Diskriminatibo
- Paggamit ng opinyon o sa panunuri ng pinapanood. Dahil sa iba-iba ang pagtanggap ng mga
manonood sa palabas, maaaring tanggap ng isa ang hindi tanggap ng iba. Malaking salik ang
kulturang kinalikihan ng isang manonood kung kaya't nagiging diskriminatibo ang kanyang
panonood.
- Halimbawa, kung ang isang palabas ay tumatalakay sa relasyong lalaki-sa-lalaki tulad ng My
Husband's Lover at mapapanood ito ng isang lalaking hindi bukas ang isip sa konsepto ng relasyong
ito, maaaring magbigay siya ng maraming negatibong puna tungkol sa palabas.
2. Kaswal o Panlibang
- Walang ibang layunin ang manonood kundi ang malibang. Impormal na pamamaraan ng panonood
ang ginagawa rito na hindi nagbibigay tuon sa detalye, bagkus ay naglilibang lamang habang
nanonood. Ginagawa lamang ang panonood bilang pampalipas-oras. Ang panonood ng noontime
variety at gag shows ang halimbawa nito.
3. Komprehensibo
- Ito ang uri ng panonood na kung saan nagpapahalaga sa mensahe at sa ibang detalye ng palabas ang
manonood. Sinasamahan ng pag-unawa at hindi lamang basta nanonood ang isang indibidwal dahil
nais nitong maunawaan ang isang kaisipang tinatalakay sa palabas. Halimbawa nito ang panonood ng
news magazine at documentary shows.
4. Kritikal
- Gumagamit ng pagbubuo ng hinuha mula sa mga detalye upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o
pagsusuri sa paksang napanood. Sinusuring mabuti ang bawat anggulo ng pinapanood. Karaniwan
itong gumagawa ng komentaryo o rating sa pinapanood. Kadalasan ding bumubuo ng isang
argumento ang manonood na nais niyang patunayan sa pamamagitan ng palabas na pinanood.
Proseso/Domeyn ng Panonood
Kognitibong Proseso (Cognitive Domain) - pag-unawa ng tao sa kanyang pinapanood sa pamamagitan ng
pag-iisip. Maaari itong maganap sa panood ng isang pelikula o dulang panteatro kung ito ay itinalaga ng
guro bilang kahingian sa klase. Maaari rin namang mga ulat sa klase kung saan siyang magiging basehan ng
pagsusulit.
Emosyonal at Sikolohikal na Proseso (Emotional and Psychological Domain) - binibigyang-halaga ng
tao ang panonood batay sa kanyang damdamin, pag-iisip at gawi.
- May pagkakataong nagaganap ito sa isang manonood na nanonood ng isang pelikula kung saan ay
nagawa niyang iugnay ang kanyang sarili sa isang tauhan.
- Maaaring nakaranas siya ng kahawig na karanasan o di kaya ay mayroong malapit na kakilala na
may katulad na karanasan.
Estetikong Proseso (Aesthetic Domain) - nagbibigay-kasiyahan sa tao at nag-iiwan ng kakaibang
imahinasyon.
- Maaaring maganap ito kung ang isang tao ay nanood ng isang pelikula o di kaya ay isang dulang
panteatro o eksibit ng mga likhang sining.
- Sa kanyang panonood, napupukaw ang kanyang malikhaing kaisipan at maaaring nakabubuo siya sa
kanyang isipan ng mga ideya base sa napanood.
Moral na Proseso (Moral Domain) - nagkakaroon ng kakayahang umunawa ang tao batay sa mga
pinapahalagahang moral.
- May mga panoorin na nagiging daan upang tayo ay makapag-isip at makabuo ng mga desisyon
kaugnay ng mga mahahalagang isyu.
- Halimbawa ay panonood ng mga dokumentaryo. May pagkakataong napapaisip tayo nito kaugnay sa
ating mga pinaniniwalan at pinahahalagahan.
Mga Hadlang sa Panonood
Intrinsik
- Ito ay mga pansariling suliranin na maaaring sikolohikal at pisyolohikal. Halimbawa nito ay ang
karamdaman ng isang tao na maaaring makasagabal sa kanyang pag-unawa sa panonood. Gayon din
ang mali o kahinaan ng pag-unawa sa nakita, nagbubunga ito ng maling pagpapakahulugan o
pagbibigay interpretasyon sa panonood. Isa pang halimbawa ay ang kapansanan sa paningin, tulad ng
kalabuan ng mata o pagkabulag. Sagabal o hadlang ang ganitong mga kapansanan dahil sa kawalan
ng kapasidad na makakita at makapanood. Gayon din ang kahinaan sa pandinig na isa ring
mahalagang tulay sa panonood.
Ekstrinsik
- Ito ay mga suliraning teknikal at distraksyong biswal mula sa midyum na ginamit sa panonood.
Halimbawa, ang kalabuan o madilim na imahe at sobrang maliwanag na imahe ay maaaring
makaapekto sa ating panonood. Maging ang kasuotan ng artistang gumaganap sa palabas ay
maaaring maging balakid sa panonood dahil posibleng maibaling ang atensyon ng manonood sa
kanilang kasuotan at hindi na sa nilalaman ng kuwento. Isang balakid din ang hindi malinaw na
resepsyon ng tsanel na nakaaapekto sa pagkaunawa ng isang tao sa kanyang panonood.
- Bukod dito, maaaring ang hadlang ay magmula rin sa manonood.
Mabuting Epekto ng Panonood
 Nakapagdaragdag ng mga bagong kaalaman at pagkatuto. Naglalantad ng katotohanan ng buhay at
nagiging malay sa pangyayari sa kapaligiran. Sa pamamagitan nito, nagiging mulat tayo sa
kasalukuyang kalagayan ng lipunan.
 Nakapagpapatalas ng kaisipan at nakalilinang din ng psychomotor skills o kasanayan ng isang tao.
 Nagiging mabuting libangan at nakakadagdag ng aliw. Nagiging alternatibong pamamaraan din ito
sa problema o suliranin ng isang tao.
 Nagiging instrumento ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga programa na naghahatid ng balita
at pangyayari sa loob at labas ng bansa.
 Nakapagpapatatag ng relasyon, dahil sa pamamagitan ng panonood, nagkakaisa at nagkakasama sa
panonood ang mga manonood, nagsisilbing bonding ito ng ano mang samahan.
Masamang Epekto ng Panonood
 Ang madalas at masyadong malapit na panonood ng telebisyon o sine ay maaaring makapagdulot ng
sakit sa mata kagaya ng panlalabo ng mata o pagkakaroon ng katarata sa pamamagitan ng palagiang
pagtitig sa screen ng telebisyon. Maaaring makapagbigay nang di mabuting impluwensya sa mga
manonood.
 Nagiging tamad ang isang manonood lalo na sa pagbabasa dahil inaaaring panoorin nalang niya ang
isang palabas na hango sa isang maikling kuwento o nobela.
 Maaring maging masamang impluwensya ang palabas lalo na kung ang tema ng panoorin ay hindi
akma sa batang nanonood. Bagamat may mga paalala, ang palabas, hindi naman sa lahat ng oras ay
magkasamang nanonood ang bata at magulang.
 Nagbubunga ng adiksyon(sobrang paglilibang na humahantong sa di pagkain).
 Nawawalan ng oras sa iba pang gawain.
Pagsulat ng Panunuring Pampelikula
 Ayon kay Golz (n.d.), bago magsulat ng pagsusuri, mahalagang itanim sa isipan ng manunuri na iba
ang paggawa ng rebyu sa pagsusuri.
 Ang rebyu ay ginawa para sa mga taong hindi pa napapanood ang pelikula sa layong bigyan sila ng
ideya tungkol sa pelikula.
 Sa kabilang banda, ang pagsusuri ay para sa mga nakapanood ng pelikula sa layong magpasimula ng
isang kritikal na dayalogong tatalakay sa mga kahulugang maaaring nabuo mula sa pelikula at iba
pang isyu na maaaring magbunga mula rito.
 Sa pagsusuri, nakapaloob dito ang pagbuo ng argumento at pagsuporta nito ng mga detalyeng mula
sa pelikula. Sa pagsulat ng kritisismo, hindi na kailangan pang gumawa ng buod dahil nga napanood
na ng mambabasa ang pelikula. Maingat na piliin ang mga salita at iwasan ang mga salitang may
kalabuan sa pagpapakahulugan.
 Isulat ang mga pangyayari sa pangkasalukuyang banghay dahil ang naganap sa pelikula ay
kasalukuyang nagaganap sa tuwing pinag-uusapan ito. Simulan ang pagsusuri sa isang tesis na
malinaw na nagbibigay ng pangkalahatang ideya ng pagsusuri.
 Ito rin ang magtatakda ng tono ng pagsusuri.
 Hindi kinakailangang suriin ang pelikula ayon sa pagkakaganap. Ang mahalaga ay mabigyan ng
sapat na paliwanag ang iniharap.
 Isaayos ang mga ideya sa isang lohikal na paraan. lwasan na maging isang sanaysay na naglalarawan
ang pagsusuri.

You might also like